" Ate, wala kang pasok ngayon? " tanong ni Zachary nang magkasalubong kami sa kusina. " Alas-otso ang pasok mo 'di ba? Mag a-alas siyete na. "
" A-absent ako, " tipid kong sagot saka kumuha ng tasa para lagyan ng kape at asukal. " May mainit pa bang tubig? "" Wala na, teka magpapakulo ako. " Kinuha ni Zachary 'yong takure sa loob ng cabinet para lagyan ito ng tubig. " Himala at a-absent ka, ate? Kapag masama nga pakiramdam mo, pinipilit mo pa sarili mong pumasok. Ngayon, mukhang okay ka naman. So, bakit a-absent ka? "Tumingin ako sa paligid bago ako mag desisyong sagutin ang tanong ng kapatid ko. " Ikaw ba, papasok ka pa rin kung binuhusan mo ng maiinom 'yong professor mo? "Nanlaki ang mata nito saka dali-daling nilagay sa kalan ang takure bago ako lapitan. " Ate, sino ang binuhsan mo? Boss niyo? "" Huwag kang maingay. " Pinandilatan ko siya ng mata dahil baka marinig siya nila Mama. " Oo, ginawa ko 'yon kagabi. Buwisit, eh. Rinding-rindi na ako sa ugali niya. Daig pa ang manok, putak nang putak. "" Palagi namang mainit ang dugo mo roon, 'di ba? Bakit? Sinagad na ba ang pasensya mo kagabi? " usisa ni Zachary. " Tinanggal ka na ba sa trabaho kaya hindi ka papasok ngayon? "
" Wala pa akong natatanggap na text or email galing sa HR. Baka mamaya pa dumating 'yon. " Napabuga ako sa hangin saka humalumbaba sa mesa. " Kailangan ko ng humanap ulit ng trabaho. Ayokong mabulok sa bahay."" Mag vlog ka na lang ate. Balita ko malaki ang kita sa ganoon, " suhestiyon ni Zachary. " Gawa ka ng prank, tapos scripted na lang kasi baka atakihin sina Mama dahil masyadong nerbyosa. "" Lubayan mo nga ako, Zach. Ikaw ba, ba't nandito ka pa? HIndi ba maaga pasok mo ngayon? "" Alas nuebe ang pasok ko. Ala sais y medya pa lang, " anito saka nagkamot ng batok. Mayroon siyang tingin na parang may gustong sabihin saakin pero pinangungunahan ng hiya. " Ate...ano..."" Ano? Magkano kailangan mo? " tanong ko kaagad dahilan para umaliwalas ang mukha niya." Dalawang daan sana, ate. Mayroon kasi kaming kailang bilhing material para sa project namin. Next week na ang pasahan kaya dapat matapos na rin namin siya ngayon. "
Napabuga na lamang ako sa hangin bago tumayo at pumasok ng kuwarto ko para kuhanin ang wallet ko. Magastos talaga kapag architect student, kaya hindi rin ako puwedeng walang pagkakitaan hangga't hindi nakaka-graduate ang kapatid ko. Ako ang nagpapa-aral sa bunso namin kaya kapag nawalan ako ng trabaho, posibleng tumigil siya sa pag-aaral na hindi ko naman papayagan. Graduating na si Zachary, kaunting kembot na lang, dalawa na kaming magtataguyod dito sa bahay. Si Papa, matagal ng retired sa trabaho at 'yong buwan-buwan na benipisyo lang ang inaasahan niya para maibili siya ng mga maintenance niya. Si Mama, palagi ng dinadaing ang balakang kaya hindi rin siya puwedeng magkikilos." Oh, ito na. Dinagdagan ko at baka kulangin ka. " Inabot ko 'yong pera kay Zachary na naabutan kong nilalagyan ng tubig na mainit 'yong tasa ko.
" Salamat ate! The best ka talaga! Sa lahat ng ate, ikaw ang pinakamabait! " anito saka kinuha ang pera saakin at inipit sa baywang ng short niya. " Ito na ate, uminom ka na ng kape. May pandesal at itlog pa dito. Gusto mo? "" Anong nakain ng isa diyan at parang maamong tupa kung umasta? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni ate Zekainah. Bitbit nito ang anak na pinaarawan sa labas.
" Wala, hindi ka kasali dito. Hindi ka naman mabait, " ani Zachary saka inabot saakin ang plato na may pandesal at piniritong itlog. " Kain ka na ate. Magpakabusog ka para magkalaman-laman ka naman. "
Pinanlakihan ko siya agad ng mata. " Hoy, anong ibig mong sabihin diyan sa sinabi mo? Baka gusto mong bawiin ko ang ibinigay ko sa'yo?! "" Hindi kita inaasar. Concern lang ako sa'yo, ate. Ang init agad ng ulo mo. Relax lang. Huwag mo ibubuhos saakin 'yang kape, " hindi ko alam kung nang-aasar ba si Zachary pero nang akma ko siyang lalapitan, kumaripas siya ng takbo papasok sa kuwatro niya.
" Zenaida, wala ka bang pasok ngayon? " Napatingin ako kay ate Zekainah na naupo sa silyang na sa gilid ko. " Anong oras na, oh. Dapat nakaalis ka na nang ganitong oras, 'di ba? "
Binaba ko ang tingin sa kape ko at hinalo-halo gamit ang kutsarita. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa kaniya ang nangyari kagabi dahil pagagalitan lang naman niya ako. Hindi siya kagaya ni Zachary na puwedeng patahimikin kapag sinuhulan." Alam mo kasi, ate..." bago ko pa man matuloy ang sasabihin ko, nag-ring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa. Nakita ko ang pangalan ni Terrence kaya bigla akong kinabahan. Hindi kaya nakarating sa kanila ang ginawa ko kay Chief kagabi? Kumalat na kaya 'yon sa office? " Hindi mo sasagutin? " tanong ni ate Zekainah kaya agad kong kinuha ang cellphone ko sa mesa at tumayo. " Excuse me, sagutin ko lang 'to saglit, " paalam ko kay ate saka lumayo sa mesa bago sagutin ang tawag. " Hello, Terrence? "" Hi, nasaan ka na? " tanong nito sa kabilang linya. " Malapit ka na ba o malayo ka pa? "Napakamot ako sa ulo. " Ang totoo niyan, nandito pa ako saamin—"" Okay, huwag ka na umalis. Hintayin mo kami diyan, " si Jana ang nagsalita at sa tingin ko, naka loudspeaker ang cellphone ni Terrence.
" Bakit anong mayroon? " tanong ko pero wala na akong narinig na sagot dahil binabaan na nila ako ng cellphone. Lalong nagsalubong ang kilay ko. Anong balak nilang gawin dito? ***" Press conference? " takhang tanong ko kina Jana at Terrence na kasama ko ngayong naglalakad papunta sa City Hall. " Bakit ngayon ko lang yata 'yan nalaman? "" Biglaan. Gusto raw magpa-press conference noong Pastor bago siya sumama sa mga awtoridad, " sagot ni Terrence." Ang lakas nga ng loob, eh. Nahuli na't lahat, gusto pang gumawa ng palusot. Para namang may makikinig sa kaniya, 'di ba? " saad ni Jana, " Well, maririnig natin ang mga sasabihin niya at siyempre trabaho natin na isulat 'yong mga kasinungalingang lalabas sa bibig niya. Iyon nga lang, hindi ako maniniwala sa kaniya at walang maniniwala sa anak ng diablo. "" Kalmahan mo lang, Jana. Hindi ka naman siguro gagawa ng eskandalo sa City Hall, 'no? " pagpapakalma ko sa katabi ko dahil umagang-umaga, ang init na agad ng ulo niya. " Depende. Pigilan niyo na lang ako kaagad kapag nakita niyong sasabog na ako, " sagot niya saka inihanda ang cellphone niya para sa live stream na gagawin mamaya kapag nagsimula na ang press conference." Zen, bakit pala nasainyo ka pa kanina nang tawagan ka namin? " Napatingin ako kay Terrence. " 'Di ba mga alas siyete pa lang, nasa byahe ka na noon? "Napalunok ako." Mamaya ko na sasabihin kapag tapos nito. "Tumango na lamang si Terrence pero kitang-kita ako ang curiosity sa mukha niya. Mukhang wala pa silang alam sa ginawa ko kay Sir Joaquin, at nai-imagine ko na ang reaksyon nila oras na ikuwento ko ang nangyari kagabi. Nang kami ay makarating sa City Hall, naka-puwesto na ang mga media sa labas. Nasa harap ang Pastor na mayroong patong-patong na kasong kinahaharap ngayon, at kabilang doon ang pag mo-molestya sa ilang kabataan na nasa pangangalaga niya. May mga awtoridad ng nakabantay sa ikuran noong Pastor habang ito'y nagsasalita sa harap ng maraming tao. "...ang gusto ko lang sabihin, malinis ang aking konsensya kaya malakas ang aking loob na magpatawag ng press conference. Ako mismo ang lumapit sa mga pulis para mapatunayan sainyong lahat na ako ay inosente. Kung guilty ako, dapat ay matagal na akong tumakas at nagtago noong magsimulang kumalat ang tungkol sa mga bali-balita saakin na wala naman katotohanan! " hayag nito.Lumapit kaming tatlo sa puwesto ng mga media at agad kong kinuha ang cellphone ko para simulang i-record ang mga lumalabas sa bibig niya. Si Jana ay nagsimulang kuhanan ng video ang kaganapan na mapapanood sa aming social media pages habang si Terrence naman ay kumukuha ng litrato. " Kung ganoon ano pong masasabi niyo sa kumakalat na mga litrato kung saan kitang-kita ang ginagawa niyo sa mga bata? " tanong ng nasa harapan ko." Ang alin? Ang pagtapik ko sa balikat nila? Isa na bang kasalanan 'yon sainyo? " tanong ng Pastor. " Alam niyo, h'wag niyo kasing bigyan ng malisya ang bawat kinikilos ko. Bawat galaw na ginagawa ko ngayon ay may iba ng kahulugan sainyo dahil sa kinahaharap kong kaso. Masyado ng marurumi ang pag-iisip niyo dahil sa mga litartong hindi naman nagsasalita, pero mas pinaniniwalaan ng mga tao! "
" Sinasabi niyo bang nagsisinungaling ang mga bata? " tanong ko, " Kung ganoon paano niyo maipaliliwanag 'yong trauma sa mga mukha nila habang ikinukuwento ang dinanas nila sa kamay niyo? "" Ako ang nagsasabi ng totoo dito. Madali kayong malinlang nga mga bata dahil sa paningin niyo ay inosente ang mga 'yan, pero hindi! " sagot nito saka pinalo-palo ang dibdib niya. " Ako, alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama sa kanila. Alam ng Diyos na malinis ang konsensiya ko! Alam ng Diyos na wala akong masamang ginagawa! "" Sinungaling! " Napatingin kami lahat sa likuran nang may marinig kaming boses ng isang babae. " Huwag mong gamitin ang Diyos para pagtakpan ang kasalanan mo! Dapat kang mabulok sa kulungan! Hindi ka pa man namamatay, sinusunog na ang katawan mo sa impyerno! "Ang akala naming lahat ay isa lang ang babae pero bigla silang dumami, sabay hagis ng mga kung ano-anong bulok na prutas sa gawi ng Pastor na ngayon ay pinalillbutan ng mga pulis para ipasok sa loob ng City Hall. Sinubukan naming pumasok rin sa loob pero hindi na kami pinatuloy dahil nagsimula ng magkagulo ang mga tao sa labas.***
" Grabe, anong nangyari sainyo? " bakas ang pandidiri sa mukha ni Ruiz nang makita ang mga hitsura namin. " Ang lalansa ng mga amoy niyo. "
" Huwag kang maarte, ikaw na lang nakikiamoy, eh. " Pabagsak na naupo si Jana sa swivel chair niya. " Grabe, ang lala ng nangyari. Bakit pati tayo nadamay sa pinagbababato ng mga nag po-protesta? Kainis. Bagong bili pa naman 'yong perfume ko. "" Ang akala kasi ng iba, kinakampihan nating mga media 'yong Pastor, dahil sa mga lumalabas na article tungkol sa kaso, " ani Terrence habang pinupunasan ng tisyu ang polo niya na puro talsik ng mga binatong prutas saaming mga taga-media. " Hindi rin naman kasi malabo 'yon. Alam naman nating lahat na marami ring koneksyon 'yong Pastor, kaya posibleng may mga bayad na journalist na nagsusulat ng mga pang-malakasang article para matakpan 'yong issue, " pagsang-ayon ko dahilan para mapalingon saakin ang lahat ng nakarinig sa sinabi ko. " Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko? Minsan na akong sinuhulan ng sobre, baka nakakalimutan niyo? "" Hindi, may katotohanan rin naman ang sinabi ni Miss Zenaida. " Napatingin naman ang lahat kay Miss Lizzie. " Actually, may mga nakilala na akong tumanggap ng sobre pero hindi ko na lang pa-pangalanan dahil matagal na rin naman na 'yon. Ayon, kinalaunan ay nagsisi siya dahil nakasira siya ng buhay ng iba. "" Taga-rito sa kompanya, Miss Lizzie? " tanong ni Ruiz. " Hindi siya taga-rito, huwag kayong mag-alala, " anito saka inilibot ang tingin saamin. " At sana lang ay walang ganoong klaseng tao rito saatin. Hindi lang pangalan ng kompanya ang masisira dahil tiyak akong masisira din ang buhay niyo. "Todo-iling naman ang lahat sa narinig at nangako kay Miss Lizzie na hindi iyon mangyayari. Pasimple akong tumingin sa hallway kung saan naroroon ang office ni Sir Joaquin. Himala at hindi niya yata ako pinatatawag ngayon? Dapat ba akong matuwa o mas kabahan? Kapag tahimik ang kalaban, tiyak na may pina-plano ang mga 'yan." Wala si Chief ngayon. "
Napatingin ako kay Terrence. " Totoo? Absent siya ngayon? "Tumango siya saka ipinatong ang braso sa cubicle ko. " So, anong nangyari kagabi? Okay ba ang ka-blind date mo? "Napangiwi ako. Ano bang dapat na una kong ikuwento sa kanila? Iyong pagbuhos ko ng inumin kay Sir Joaquin o ang hindi pagsipot ni Brett sa date namin?
***" Ano?! " Maingay ang resto bar kung nasaan kami, pero halos mabingi ako sa reaksyon ni Jana at Ruiz. " Binuhusan mo talaga ng mocktail si Chief?! "Tumango ako sabay kamot sa ulo. " Umabot na sa sukdulan ang inis ko kagabi kaya ayon, naibuhos ko sakaniya iyong in-order ko na hindi ko man lang nainom. "
" Sira ka, bakit mo ginawa 'yon? Paano kung sesantihin ka?! " ani Ruiz." Edi tangalin niya ako. Iyon naman ang plano niya matagal na. " Kinuha ko 'yong baso sa harap ko na may lamang alak para tunggain iyon nang dire-diretso bago harapin si Ruiz. " Tsaka ang dapat rin na sisihin dito ay 'yong si Brett! Bakit ba kasi hindi ako sinipot? Hindi na nag r-reply sa message ko at hindi na rin sumasagot sa tawag ko. Talksh*t pala 'yang pinagmamalaki mo. "" Ewan ko ba sa lalakeng 'yon. Wala namang sinabi saakin kagabi. Teka, tawagan ko ngayon—"" Huwag na! Baka ang isipin niya pa, naghahabol ako sa kaniya. Lumaki pa ulo noon. " Napairap ako sa kawalan tsaka muling nagsalin ng alak sa baso ko para inumin iyon nang dire-diretso. Nandito kami ngayon sa resto bar para magliwaliw matapos ng napakahabang araw. Linggo naman bukas, wala kaming pasok kaya walang problema kung magpakasasa kami sa alak. " Ano nang plano mo ngayon? " tanong ni Terrence saakin. " May posibilidad ngang tanggalin ka sa trabaho ni Chief dahil sa nangyari kagabi. "" Maghahanap ako kaagad ng trabaho dahil hindi puwedeng tumunganga ako sa bahay ng ilang linggo. Kung kinakailangang mag send ako ng resume sa lahat ng kompanya, gagawin ko, " sagot ko saka napasandal sa kinauupuan ko habang pinakikinggan ang kumakanta sa mini stage. " Buwisit naman kasi 'yang si Chief. Palagi na lang ako ang pinag-iinitan. Ang healthy ng working environment natin, siya lang talaga ang toxic. Kung mayroon ngang dapat na mawalan ng trabaho, siya 'yon. Tanggalin siya sa posisyon niya, dahil puro yabang lang naman ang alam niya. "
" Puwede bang makisali sa usapan niyo? "
Halos manigas ako sa kinauupuan ko nang may marinig akong nagsalita sa tainga ko. Paglingon ko sa likuran, lalo akong natameme nang makita kung sino ito.
" Archer? " halos lumuwa ang mata ko nang makita ang isang guwapong binata sa harap ko. " Anong ginagawa mo rito? " " Nag r-relax. Katatapos lang ng shooting namin malapit dito, " anito saka kumaway sa mga kasama ko. " Kanina pa kayo rito? " " Hindi naman masyado.Kasisimula pa lang namin. Tara dito, maupo ka sa table namin. May mga kasama ka ba? " tanong ni Ruiz, saka tinapik ang natitirang space sa tabi niya pero sa gilid ko naupo si Archer. Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Ruiz at Jana pero pinandilatan ko lang sila. Tumingin ako kay Terrence na saktong napatingin rin saakin, bago ko ilipat ang tingin kay Moira na muntik ko ng malimutan na kasama pala namin. Abala ito sa pagkain ng buffalo wings, mukhang ito lang ang dahilan kaya sumama siya saamin. " Ako lang mag-isa ngayon. Tumakas lang kay Manager Cha, ayaw kasi akong payagan lumabas, " ani Archer, " Tapos naman ng makunan 'yong lahat ng scene ko sa movie kaya akala ko marami na akong time mag unwind, pero ayaw naman ako pay
Matagal akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Basa ang ilang parte ng buhok ko dahil sa alak na binuhos ko sa sarili ko. Iyong manipis na blouse na suot ko, nabasa rin kaya kitang-kita ang panloob ko. " Puñeta. " Mariin akong napapikit at humugot nang malalim na hininga. Tumungo ako sa hand dryer saka hinubad ang aking blouse at itinapat ito roon sa pagbabakasakaling matuyo ito kahit papaano. Parang gusto kong iuntog ang sarili ko dahil bukod sa naging desperado ako kanina sa ginawa ko, pinarusahan ko lang din ang sarili ko." Zenaida? " Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Moira sa labas. " Tapos ka na? "Hindi ako sumagot, sa halip ay binuksan ko ang pinto sa restroom para papasukin siya. Bahagya siyang nagulat nang makitang wala akong suot na damit kaya agad-agad niyang sinara ang pinto saka ako hinarap. " Nasaan ang damit mo? " tanong ni Moira at walang gana kong itinuro ang hand dryer. Napailing siya saka binalik ang tingin saakin. " Hindi
Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pag ring ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa ang kama kung saan ramdam ko ang vibration na nagmumula sa aking cellphone. Idinilat ko ang kaliwa kong mata para tignan kung sino ang tumatawag bago ko ito sagutin." Bakit—"" Ate, nasaan ka na? " Inilayo ko nang bahagya ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Zachary sa kabilang linya. Hindi man lang ako hinayaang magsalita. " Ate, kanina pa kami tawag nang tawag sa'yo, hindi ka sumasagot. Nag aalala na sila Mama at Papa. "Doon ko naimulat ang dalawa kong mga mata. Agad akong bumangon sa kama at napatingin sa kuwartong kinaroroonan ko. Ako na lang mag-isa." Ate, ano na balak mo? Umuwi ka na! Malilintikan ka kina Mama, yari ka! " pagbabanta ni Zachary sa kabilang linya. "" Oo sandali, pauwi na ako. Bye na. " Pinatay ko kaagad ang tawag at napatulala sa kawalan habang inaalala ang nangyari kagabi. Inangat ko ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko bago ko hanapin ang damit na suo
Isang linggo na ang nakalipas, pero narito pa rin ako sa kompanya at nananatili matatag. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Sir Joaquin para payagan niya akong manatili dito sa Updated matapos ng ginawa ko sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, hindi na namin napag-usapan ang tungkol doon at ang nakapagtataka pa, tila nawala ang sungay sa noo niya dahil hindi na niya ako pinagagalitan sa mga walang kuwenteng bagay. Hindi tulad noon na talagang may nagaganap na debate sa pagitan naming dalawa nang dahil sa maliit lang na pagkakamali. " Baka naman malunod ka sa lalim ng iniisip mo, Zenaida. " Napaangat ang tingin ko nang marinig si Jana. Narito kami ngayon sa cafeteria para mag lunch pero hindi ko magawang galawin ang pagkain ko dahil sa daming tumatakbo sa isip ko. " Hindi ba't parang ang weird ni Chief? " tanong ko sa mga kasama ko. " Imagine, sa loob ng isang linggo, wala man lang naganap na bardagulan saamin? Hindi tulad noon na ultimo paggamit ko ng punctuation marks ay pinapansi
" Anong ginagawa mo rito, Terrence? " takhang tanong ko nang labasin ko ang hindi inaasahang bisita. Ramdam ko ang mga tingin mula sa likuran ko kaya nang lingunin ko sila, agad nagsilalisan sa pintuan sina Mama at Papa, pero si Zachary, nanatiling nasa bintana, may malaking ngisi sa mukha. " Pasensya na kung nakaabala ako, pero gusto ko sanang iabot ito kaagad sa'yo dito sa inyo dahil hindi ko siya puwedeng ibigay sa office. " Iniabot ni Terrence saakin ang bouquet na may limang malalaking rosas sa loob. Sunod ay ang box na naglalaman ng cake. Transparent ang takip sa ibabaw kaya nakita ko ang disenyo nito. Minimalist at mayroong tatlong mukha ng pusa sa gilid. " Terrence, salamat dito. Pero kung hindi mo mamamasamain ang tanong ko, para saan ang mga 'to? " tanong ko. " Hindi ko pa naman birthday at malayo pa ang Valentine's Day. Bakit may paganito ka? " Ngumiti siya saka tumingin sa bintana kung nasaan ang kapatid ko. Agad akong lumingon at pinandilatan ito ng mata dahilan para u
Halos limang minuto na akong nakatayo sa harap ng mesa ni Sir Joaquin, pero wala kaming ginawa kundi ang magtitigan. May ideya na ako kung bakit niya ako pinatawag sa office, pero ang pinagtataka ko, bakit ayaw niya pang magsalita? Sa hitsura ng mukha niya, para bang marami siyang gustong sabihin saakin pero hindi niya alam kung saan magsisimula kaya ang resulta, pakikipagtitigan na lang ang ginawa niya. " Chief, tapos na ba? " ako na ang bumasag ng katahimikan dahil nangangawit na ako sa kinatatayuan ko. " Puwede na ba akong lumabas dahil ang dami ko pang trabahong kailangan gawin ngayon. " " Tapos na ba kitang kausapin? " tanong niya. " Ay, may balak ba kayong kausapin ako? Akala ko makikipagtitigan lang kayo saakin. " Idinaan ko sa biro ang pagkabagot ko dahil kailangan ko ng ingatan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Aba, ayoko ng maranasan 'yong kaba at takot na mawalan ng trabaho. " Nandito ba sa kompanya ang taong tinutukoy mo na importante sa'yo? " Tumaas ang kali
Halos isubsob ko na ang aking mukha sa toilet bowl habang inilalabas ng bibig ko ang kinain ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit, pero pagkagising na pagkagising ko, nag laway agad ako at dumiretso agad ng banyo nang maramdamang naduduwal ako." Ate, tapos ka na diyan? Maliligo na ako, " rinig kong pagkatok ni Zachary sa pinto ng banyo. " Oo, sandali lang, " sabi ko habang pinakikiramdaman ang aking sarili kung tapos na ba akong isuka ang lahat. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at muling binuhusan ng tubig 'yong toilet bowl bago ko buksan ang pinto saka lumabas." Tagal mo sa banyo—hindi ka pa pala naliligo? " Gulat na tanong ni Zachary saka tumingin sa orasan na nakasabit sa pader sa kusina namin. " Mag a-ala sais na, ate. Hindi ka papasok? "" Papasok ako. Mauna ka ng maligo. Bilisan mo na lang. " Dumiretso ako sa lababo para maghilamos at mag mumog. Ang weird ng pakiramdam ko ngayong umaga. Hindi ko naman puwedeng isisi sa lomi 'yong dahilan ng pagsuka ko dahil hindi naman
Para akong tanga na nanonood ng TV pero wala akong naiintindihan sa pinanonood ko. Lumulipad ang isip ko, nag-iisip kung anong dapat kong gawin ngayong may mabubuong bata tiyan ko. Naguguluhan ako sa kung anong dapat kong gawin lalo na't hindi ko nga maalala 'yong mukha ng naka-one night stand ko. Hindi ba kami gumamit ng proteksyon noon? " Ano raw? Ano 'yong sinabi niya? " Sunod-sunod ang kalabit na natanggap ko kay Zachary na nakaupo sa tabi ko. " Anong sinabi? " takhang tanong ko pabalik na nagpatuwid ng kilay niya." Ikaw nga ang tinatanong ko dahil hindi ko naintindihan 'yong sinabi ng bida, " saad ni Zachary, umiiling-iling sabay harap sa TV. " Lumilipad na naman ang isip niya. Saan naman kaya papunta? "Napabuga ako sa hangin sabay yakap sa unan na nasa hita ko. Kung babalikan ko 'yong nangyari noong gabing 'yon, apat na lalaki lang naman ang naalala ko na nakasama ko. Si Ruiz—sandali, hindi ko na siya dapat isama sa bilang dahil hindi na siya tinatablan ng lust sa mga kabab
Bastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga
" Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali
Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T
Walang tao. Wala akong nakitang kahit na ano maliban sa nakasaradong bintana. Napabuga ako sa hangin sa pagkadismaya sa sarili. Siguro nga na pa-praning na nga ako. " May problema ba, Zenaida? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Joaquin. Buhat niya si Phoebe na humihikab pa at tulad ng ama niya, puno ito ng kalituhan ang mukha niya. Umiling ako at lumapit sa family picture namin na ngayon ay basag ang salamin at sira na ang frame. Lumapit saakin si Joaquin nang ibinaba niya sagit si Phoebe sa kama. " Ito 'yong nabasag? " Inangat niya ang tingin sa pader kung saan ito nakadikit. Naroon pa rin ang pako kaya imposibleng nalaglag ito nang basta-basta, maliban na lang kung may nagtanggal. Hindi ko alam kung dapat ko bang pairalin ang pagiging praning ko pero nararamdaman kong may hindi tama sa bahay na'to. Mas kaya ko pang paniwalaan kung may nangyayaring paranormal activity dito, pero 'yong ideya na may kasama kaming ibang tao sa bahay na'to na hindi namin alam,
" Miss Jazmine, tumayo po kayo. " Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang matanda upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. " Hindi niyo naman po kailangang lumuhod pa para humingi ng kapatawaran. Sapat na po saakin ang paghingi ng tawad na may sinseridad. "Malungkot niya akong tinignan. " Zenaida, hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko alam na nagawa ka pa lang kausapin ni Nicolas at hilingin sa'yo na ipalaglag ang bata. Wala akong alam sa bagay na'yon...patawarin mo 'ko, hindi kita nagawang tulungan noon. "" Hindi ko naman po sinunod ang sinabi niya... at hindi rin naman po sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko." Mahinahon ngunit buong kumpiyansa kong sagot sa kaniya. " Apat na taong gulang na po si Phoebe ngayon. Gusto kong kuhanin ang pagkakataong ito para sabihin na wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong buhayin siya. "Sunod-sunod ang tango na ginawa niya habang nanunubig ang kaniyang mga mata. " Mas nauunawaan ko na kung saa
" Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? " " Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon. " Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—" " Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin. "...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?
" Baka naman matunaw na kamay mo katititig mo? " Natatawang hayag ni ate Zekainah saka ibinaba ang miryenda na binili niyang tuhog-tuhog sa naglalako. " Para kang teenager na kinikilig dahil binigyan ka ng crush mo ng regalo. Zenaida, ipapaalala ko lang sa'yo na may anak ka na. "" Bakit ate? Hindi na ba puwedeng kiligin ang mga Nanay? " tanong ko saka umayos ng pagkakaupo sa sopa. " Parang siya hindi kinikilig kapag nagdadala ng bulaklak si James, ah? Maya't maya mo pa nga inaamoy 'yong rosas, eh. "Halos lumuwa ang mata niya. Akala niya siguro wala akong alam pero sorry siya dahil madalas ikuwento saakin ni Colleen 'yong reaksyon ng Mama niya kapag nakakatanggap ito ng regalo mula kay James.Tumikhim si ate Zekainah at tumusok ng eggball sa plastic cups niya. " So, anong feeling na nasuotan ng engagement ring? "Bumalik ang ngiti sa labi ko. " Hindi ko ma-describe, eh. Basta, masaya na nakakaiyak na nakaka-excite? Para kang nakalutang sa alapaap, ganoon. Ah, basta, ma-g-gets mo sina
Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak. Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress. " Pasensya na kung binulabog namin kayo nan
" Joaquin, 'wag na. Hindi na kailangan, " kinailangan ko ng umentrada. Ayokong lumaki ang gulo, hindi naman iyon ang pinunta namin rito. " Huwag mong pilitin ang hindi niya kayang gawin. " Kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Sir Nicolas dahil sa sinabi ko. Alam kong magiging dalawa ang kahulugan ng katagang 'yon pero wala akong intensyon na insultuhin ang kalagayan niya. Nasasakaniya na lang kung paano niya ito iintindihin. " Sir Nicolas, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Gusto ko sana kayong makausap, pero sapat na ang mga narinig ko para ma-realized na wala talaga akong dapat asahan sainyo. " Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya, pero hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ipaglaban ang ibang tao sa halip na unawain at intindihin ang sarili niyang anak. Nakakadismaya. Nakakagalit. " Hindi niyo pinaiiral ang mga isip niyo. Masyado kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin niyo. " Dismayado niyang binalikan ng tingin si Jo