" Anong ginagawa mo rito, Terrence? " takhang tanong ko nang labasin ko ang hindi inaasahang bisita. Ramdam ko ang mga tingin mula sa likuran ko kaya nang lingunin ko sila, agad nagsilalisan sa pintuan sina Mama at Papa, pero si Zachary, nanatiling nasa bintana, may malaking ngisi sa mukha. " Pasensya na kung nakaabala ako, pero gusto ko sanang iabot ito kaagad sa'yo dito sa inyo dahil hindi ko siya puwedeng ibigay sa office. " Iniabot ni Terrence saakin ang bouquet na may limang malalaking rosas sa loob. Sunod ay ang box na naglalaman ng cake. Transparent ang takip sa ibabaw kaya nakita ko ang disenyo nito. Minimalist at mayroong tatlong mukha ng pusa sa gilid. " Terrence, salamat dito. Pero kung hindi mo mamamasamain ang tanong ko, para saan ang mga 'to? " tanong ko. " Hindi ko pa naman birthday at malayo pa ang Valentine's Day. Bakit may paganito ka? " Ngumiti siya saka tumingin sa bintana kung nasaan ang kapatid ko. Agad akong lumingon at pinandilatan ito ng mata dahilan para u
Halos limang minuto na akong nakatayo sa harap ng mesa ni Sir Joaquin, pero wala kaming ginawa kundi ang magtitigan. May ideya na ako kung bakit niya ako pinatawag sa office, pero ang pinagtataka ko, bakit ayaw niya pang magsalita? Sa hitsura ng mukha niya, para bang marami siyang gustong sabihin saakin pero hindi niya alam kung saan magsisimula kaya ang resulta, pakikipagtitigan na lang ang ginawa niya. " Chief, tapos na ba? " ako na ang bumasag ng katahimikan dahil nangangawit na ako sa kinatatayuan ko. " Puwede na ba akong lumabas dahil ang dami ko pang trabahong kailangan gawin ngayon. " " Tapos na ba kitang kausapin? " tanong niya. " Ay, may balak ba kayong kausapin ako? Akala ko makikipagtitigan lang kayo saakin. " Idinaan ko sa biro ang pagkabagot ko dahil kailangan ko ng ingatan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Aba, ayoko ng maranasan 'yong kaba at takot na mawalan ng trabaho. " Nandito ba sa kompanya ang taong tinutukoy mo na importante sa'yo? " Tumaas ang kali
Halos isubsob ko na ang aking mukha sa toilet bowl habang inilalabas ng bibig ko ang kinain ko kagabi. Hindi ko alam kung bakit, pero pagkagising na pagkagising ko, nag laway agad ako at dumiretso agad ng banyo nang maramdamang naduduwal ako." Ate, tapos ka na diyan? Maliligo na ako, " rinig kong pagkatok ni Zachary sa pinto ng banyo. " Oo, sandali lang, " sabi ko habang pinakikiramdaman ang aking sarili kung tapos na ba akong isuka ang lahat. Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at muling binuhusan ng tubig 'yong toilet bowl bago ko buksan ang pinto saka lumabas." Tagal mo sa banyo—hindi ka pa pala naliligo? " Gulat na tanong ni Zachary saka tumingin sa orasan na nakasabit sa pader sa kusina namin. " Mag a-ala sais na, ate. Hindi ka papasok? "" Papasok ako. Mauna ka ng maligo. Bilisan mo na lang. " Dumiretso ako sa lababo para maghilamos at mag mumog. Ang weird ng pakiramdam ko ngayong umaga. Hindi ko naman puwedeng isisi sa lomi 'yong dahilan ng pagsuka ko dahil hindi naman
Para akong tanga na nanonood ng TV pero wala akong naiintindihan sa pinanonood ko. Lumulipad ang isip ko, nag-iisip kung anong dapat kong gawin ngayong may mabubuong bata tiyan ko. Naguguluhan ako sa kung anong dapat kong gawin lalo na't hindi ko nga maalala 'yong mukha ng naka-one night stand ko. Hindi ba kami gumamit ng proteksyon noon? " Ano raw? Ano 'yong sinabi niya? " Sunod-sunod ang kalabit na natanggap ko kay Zachary na nakaupo sa tabi ko. " Anong sinabi? " takhang tanong ko pabalik na nagpatuwid ng kilay niya." Ikaw nga ang tinatanong ko dahil hindi ko naintindihan 'yong sinabi ng bida, " saad ni Zachary, umiiling-iling sabay harap sa TV. " Lumilipad na naman ang isip niya. Saan naman kaya papunta? "Napabuga ako sa hangin sabay yakap sa unan na nasa hita ko. Kung babalikan ko 'yong nangyari noong gabing 'yon, apat na lalaki lang naman ang naalala ko na nakasama ko. Si Ruiz—sandali, hindi ko na siya dapat isama sa bilang dahil hindi na siya tinatablan ng lust sa mga kabab
" Okay ka lang? " tanong ni Terrence saakin saka ako inabutan ng bottle of water. Agad ko naman iyong tinaggap at binuksan ang takip para inumin ang tubig. Gutom na ako at puro tubig na ang laman ng sikmura ko. Alam kong ganoon rin ang mga kasama ko pero kailangan naming mag tiis pa nang kaunti dahil malapit na naming marating 'yong village na sadya namin.Maliwanag na ngunit natatakpan pa rin ng makakapal na hamog ang kakahuyan sa paligid. Ala sais nang umaga noong makarating kami saaming destinasyon at mga nasa isang oras na rin ang nakakalipas simula noong kami ay umakyat sa kabundukan para tumungo mismo sa village kung saan naninirahan ang ilang mga tao na siyang magiging subject namin para sa documentary film. Matarik ang daan kaya kailangang doble ingat kami sa bawat paghakbang na ginagawa namin. Iyong van na aming sinasakyan ay hindi na puwedeng iakyat sa taas kaya wala kaming choice kundi bitbitin 'yong ilan sa aming mga kagamitan." Malapit na ba tayo? Ang sakit na ng mga bin
" Hi Doggy, ang cute mo naman. " Nilaro ko ang isang tuta na nakita kong gumagala malapit sa puwesto kung saan kami nagtayo ng tent. Napakataba niya, ang sarap panggigilan kaya binuhat ko siya at marahang hinimas-himas ang balahibo. " Nasaan ang amo mo ha? Kumain ka na ba? Ang taba-taba mo naman. "Hindi ko alam kung bakit ko kinakausap ang isang hayop kahit alam kong hindi naman ako makakakuha ng sagot. Mahilig ako sa aso't pusa at sa katunayan ay nagkaroon na ako ng alaga dati, pero simula noong layasan ako ng pusa ko noon at hindi na bumalik pa, hindi na ako nag-alaga. Sumunod na araw ay namatay naman ang aso ko dahil sa sakit niya na huli ko noong malaman. Natakot na ako mag alaga dahil sa pagiging iresponble kaya hindi na sila nasundan. Five years ago na pero sariwa pa sa alaala ko ang magkasunod na pagkawala ng dalawa kong alaga." Coco, saan ka naman pumunta? " Umangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Leng. Lingon siya nang lingon na para bang may hinahanap, kaya agad ko
Ang akala ko'y titila na ang ulan ngunit tuloy-tuloy pa rin ang buhos nito habang nasa loob kami ng isang tila kuweba na malayo na sa village kung saan kami nanggaling. Walang malakas na bugso ng hangin na ipinagpasalamat ko na rin dahil bawas sa saming alalahanin. Tumingin ako sa likuran ko kung nasaan si Sir Joaquin. Abala siya sa hawak niyang cellphone dahil kanina pa siya naghahanap ng signal para may matawagan kahit na isa sa mga team. Siguradong nag-aalala na ang mga ito dahil mga nasa isang oras na rin kaming nawawala." Finally..." Napabuga siya sa hangin saka ibinaba ang kaniyang cellphone. " Nakapagpadala na kayo ng message sa kanila? " tanong ko saka lumapit sa kinauupuan niya." Oo, sana lang matanggap agad nila nang mapuntahan na tayo dito, " aniya saka tumingin sa gilid niya kung saan nakapuwesto si Coco na kahit papaano ay nawala na ang panginginig. Binalot ko sa kaniya 'yong kapote kong suot kanina dahil basa na rin naman na 'yong damit ko. Puro putik na rin 'yong sa
" Kaunting editing na lang, malapit na raw matapos 'yong documentary film, " tila excited na wika ni Jana nang makarating siya sa mesa na lagi naming pinu-puwestuhan sa cafeteria. Ibinaba niya ang tray na dala at naupo sa tabi ko para ikuwento ang nasagap na balita mula sa production team. " Excited na akong mapanood 'yon. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa nating makaligtas sa halos isang linggong pananatili doon sa bundok. Ang daming nangyari at parang panaginip pa rin saakin ang lahat. Kumusta na kaya sila doon, ano? " " Bayanihan pa rin ang mga taganayon sa pagbuo ng mga kubo at sa pagkakaalam ko, tatlo na ang naitayo doon ngayon, " saad ni Terrence na nasa kaliwa ko. " At least kahit papaano, mayroon ng matitirahan 'yong ibang pamilya na nawalan ng tahanan. " " Hoy sandali, totoo kaya na nagbigay pa si Chief ng sobre sa bawat pamilya sa mga taganayon? " halos pabulong na tanong ni Jana saka inilapit ang mukha sa gitna ng mesa para marinig ang boses niya
Bastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga
" Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali
Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T
Walang tao. Wala akong nakitang kahit na ano maliban sa nakasaradong bintana. Napabuga ako sa hangin sa pagkadismaya sa sarili. Siguro nga na pa-praning na nga ako. " May problema ba, Zenaida? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Joaquin. Buhat niya si Phoebe na humihikab pa at tulad ng ama niya, puno ito ng kalituhan ang mukha niya. Umiling ako at lumapit sa family picture namin na ngayon ay basag ang salamin at sira na ang frame. Lumapit saakin si Joaquin nang ibinaba niya sagit si Phoebe sa kama. " Ito 'yong nabasag? " Inangat niya ang tingin sa pader kung saan ito nakadikit. Naroon pa rin ang pako kaya imposibleng nalaglag ito nang basta-basta, maliban na lang kung may nagtanggal. Hindi ko alam kung dapat ko bang pairalin ang pagiging praning ko pero nararamdaman kong may hindi tama sa bahay na'to. Mas kaya ko pang paniwalaan kung may nangyayaring paranormal activity dito, pero 'yong ideya na may kasama kaming ibang tao sa bahay na'to na hindi namin alam,
" Miss Jazmine, tumayo po kayo. " Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang matanda upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. " Hindi niyo naman po kailangang lumuhod pa para humingi ng kapatawaran. Sapat na po saakin ang paghingi ng tawad na may sinseridad. "Malungkot niya akong tinignan. " Zenaida, hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko alam na nagawa ka pa lang kausapin ni Nicolas at hilingin sa'yo na ipalaglag ang bata. Wala akong alam sa bagay na'yon...patawarin mo 'ko, hindi kita nagawang tulungan noon. "" Hindi ko naman po sinunod ang sinabi niya... at hindi rin naman po sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko." Mahinahon ngunit buong kumpiyansa kong sagot sa kaniya. " Apat na taong gulang na po si Phoebe ngayon. Gusto kong kuhanin ang pagkakataong ito para sabihin na wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong buhayin siya. "Sunod-sunod ang tango na ginawa niya habang nanunubig ang kaniyang mga mata. " Mas nauunawaan ko na kung saa
" Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? " " Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon. " Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—" " Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin. "...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?
" Baka naman matunaw na kamay mo katititig mo? " Natatawang hayag ni ate Zekainah saka ibinaba ang miryenda na binili niyang tuhog-tuhog sa naglalako. " Para kang teenager na kinikilig dahil binigyan ka ng crush mo ng regalo. Zenaida, ipapaalala ko lang sa'yo na may anak ka na. "" Bakit ate? Hindi na ba puwedeng kiligin ang mga Nanay? " tanong ko saka umayos ng pagkakaupo sa sopa. " Parang siya hindi kinikilig kapag nagdadala ng bulaklak si James, ah? Maya't maya mo pa nga inaamoy 'yong rosas, eh. "Halos lumuwa ang mata niya. Akala niya siguro wala akong alam pero sorry siya dahil madalas ikuwento saakin ni Colleen 'yong reaksyon ng Mama niya kapag nakakatanggap ito ng regalo mula kay James.Tumikhim si ate Zekainah at tumusok ng eggball sa plastic cups niya. " So, anong feeling na nasuotan ng engagement ring? "Bumalik ang ngiti sa labi ko. " Hindi ko ma-describe, eh. Basta, masaya na nakakaiyak na nakaka-excite? Para kang nakalutang sa alapaap, ganoon. Ah, basta, ma-g-gets mo sina
Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak. Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress. " Pasensya na kung binulabog namin kayo nan
" Joaquin, 'wag na. Hindi na kailangan, " kinailangan ko ng umentrada. Ayokong lumaki ang gulo, hindi naman iyon ang pinunta namin rito. " Huwag mong pilitin ang hindi niya kayang gawin. " Kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Sir Nicolas dahil sa sinabi ko. Alam kong magiging dalawa ang kahulugan ng katagang 'yon pero wala akong intensyon na insultuhin ang kalagayan niya. Nasasakaniya na lang kung paano niya ito iintindihin. " Sir Nicolas, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Gusto ko sana kayong makausap, pero sapat na ang mga narinig ko para ma-realized na wala talaga akong dapat asahan sainyo. " Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya, pero hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ipaglaban ang ibang tao sa halip na unawain at intindihin ang sarili niyang anak. Nakakadismaya. Nakakagalit. " Hindi niyo pinaiiral ang mga isip niyo. Masyado kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin niyo. " Dismayado niyang binalikan ng tingin si Jo