Ang tanging hangad lang naman niya ay magkaroon ng isang masayang pamilya bagay na hindi niya naranasaan noong bata pa siya. Akala niya ay magiging maayos na ang lahat dahil nahanap na niya ang lalakeng kanyang mamahalin. Pinakasalan naman siya nito ngunit dito pa lang magsisimula ang panibagong pagsubok sa kanyang buhay. Dito magsisimula ang unti-unting pagbabago sa ikot ng kanyang kapalaran. Tunghayan natin ang mga pagsubok na mararanasan ni Eloise at kung paano niya malalampasan ang mga ito.
View MoreChapter 6Eloise POV"Beshy, uuwi na ako pero kapag nagkaproblema ka tawagan mo lang ako ha," bulong sa akin ni Rose saka siya tumingin sa biyenan ko na prenteng nakaupo sa sofa. "Huwag kang magpapatalo sa mother-in-law mo ha.""Ssh, ano ka ba baka marinig ka. Alam mo naman na hindi pa nga kami gaanong okay eh," saway ko naman sa bestfriend ko dahil baka mamaya ay marinig niya kami. Mamaya ay pag-initan nanaman niya ako, mahirap na. "Hatid na kita sa may pintuan. Huwag ka na mag-alala sa akin.""Basta alam mo naman na isang tawag mo lang sa akin ay pupuntahan kita agad," sabi pa ni Rose pagkatapos ay nagyakapan kaming dalawa saka ko siya hinatid sa may pintuan. Bumuntong hininga muna ako bago ako bumalik sa sala."Ma, nagugutom po ba kayo? Gusto niyo bang ipagluto ko kayo?" alok ko sa kanya."No thanks, nag-order na ako ng pagkain. Pakihanda na lang ng plato dahil maya-maya ay paparating na iyon," napatango naman ako sa sinagot sa akin ni mama saka ko sinunod yung sinabi niya.Kakatap
Chapter 5Eloise POV“Beshy!” bungad na sigaw sa akin ni Rose nang mabuksan ko ang pintuan ng tinutuluyan namin ni Xander.“Buti nakarating ka,” masaya kong sabi at nagyakapan kaming dalawa.Wala kasi si Xander ngayon dahil kahit na honeymoon namin ay kinakailangan niyang pumasok ng kumpanya. Naiintindihan ko naman dahil madami nga naman siyang ginagawa doon at ayaw ko naman na matambakan siya ng mga gagawin sa opisina. Syempre ayaw ko na mas lalo siyang mapagod, isa pa ay malawak naman ang aking pag-iisip pagdating sa mga ganitong bagay. Alam ko naman na kahit mag-asawa na kami ay hindi naman kami lagi magkakasama, inihanda ko na ang aking sarili kapag dumating na sa punto na mawalan siya ng oras sa akin dahil mas kinakailangan niya na unahin ang trabaho. Saksi ako kung paano pinaghirapan ni Xander na maabot kung nasaan siya ngayon. Syempre kahit siya ang tagapagmana ng kanyang ama ay dumaan muna siya sa maraming paghihirap at pagsubok kaya nag hanga rin ako sa kanya.“Miss na kaya k
Chapter 4Eloise POV"Malalim yata ang iniisip ng misis ko?" tanong sa akin ni Xander habang niyakap niya ako mula sa aking likuran.Ngayong gabi kasi ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Nandito kami sa isang sikat na five star hotel, dito na kami dumiretso pagkatapos ng reception ng aming kasal. Ang gusto pa nga ni Xander ay sa ibang bansa kami mag-honeymoon ngunit hindi maaari dahil marami pa siyang kailangan na gawin sa kumpanya. Ayos lang naman iyon sa akin basta nairaos namin ang aming kasal at isa na nga akong legal na asawa ni Xander, doon pa lang ay tuwang-tuwa na ako.Nangako naman siya na sa unang anibersaryo namin ay dadalhin niya ako sa ibang bansa at doon ang magiging second honeymoon namin. Nang sabihin niya sa akin ang bagay na iyon ay nakurot ko ang kanyang tagiliran dahil nakita ko ang pilyong ngiti ni Xander."Hindi lang ako makapaniwala na kasal na tayong dalawa kahit na tutol ang iyong ina sa akin," nakangiti ko na sabi habang nakatingin sa repleksyon ni Xander
Chapter 3Eloise POV“Are you out of your mind, Xander? Papakasalan mo ang babaeng iyan?” narinig kong sigaw ng mama ni Xander habang nag-uusap sila sa may sala nila samantalang ako ay naiwanan dito sa dining area dahil kakatapos lang namin mananghalian.Dinala kasi ako ni Xander sa kanilang mansyon upang umamin sa mama niya na magkakaanak na kaming dalawa at papakasalan na niya ako. Pero mukhang hindi natuwa doon ang kanyang mama kaya naman sinisigawan niya ngayon ang anak niya na boyfriend ko. Alam ko naman na noon pa man ay ayaw sa akin ng kanyang mama dahil sa estado ng aking buhay, mahirap lang ako at mayaman sila.“Ma, please lower your voice, naririnig tayo ni Eloise. Makakasama po sa baby namin ang ma-stress siya,” rinig ko naman na sabi ni Xander sa kanyang mama. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot dahil doon.“Wala akong pake kung marinig niya man o hindi. Basta hindi ako papayag na maikasal ka sa kanya. Hindi mo nga alam kung sa ‘yo ba talaga ang batang dinadala niya! Baka nga
Chapter 2Eloise POV“Kanina ka pa ba, babe? Sorry kung pinaghintay kita ng matagal, sobrang traffic kasi,” sabi sa akin ni Xander ng makarating na siya sa park na lagi naming pinupuntahan saka niya ako binigyan ng isang smack sa aking labi. Dito ko kasi siya inaya na magkita ngayong hapon at ang sabi niya ay dumiretso na daw kami sa pag-date dahil sa mga susunod na araw ay magiging abala daw siya ulit sa kumpanya nila.“Ano ba ang sasabihin mo na hindi mo pwedeng sabihin sa tawag lang?” nakangiti na tanong sa akin ni Xander tapos hinawakan niya ang kamay ko.Kanina pa ako kinakabahan kaya naman hindi ako agad makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan kaya naman napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya pagkatapos ay sa hindi ko mamalayan na dahilan ay napaiyak na lang ako. Hinawakan naman ni Xander ang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. Nakita ko ang mga mata niya na puno ng may pagtataka kung bakit ako umiiyak ngayon. Dahil doon ay mas lalo akong napaiyak kaya namn napay
Chapter 1Eloise POV“Nahihilo na talaga ako sa ‘yo Eloise, kanina ka pa hindi mapakali jan,” sabi sa akin ng kaibigan kong si Rose na halata na ang pagkainis sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil totoo naman ang kangyang sinasabi.“Paano kung positive Rose, anong gagawin ko? Isang taon na lang gragraduate na ako. Ilang taon ko hinintay na maka-graduate ako ng collge,” sabi ko sa kanya at nakita ko naman na inirapan niya lang ako dahil sa narinig niya sa akin.“Sana inisip mo iyan bago mo isuko ang bataan mo sa boyfriend mong si Xander. Saka ano naman kung mabuntis ka? Tatlong taon na kayong makasintahan ng boyfriend. Hindi ba ang sabi mo ay mayaman siya? E ‘di panagutan niya ang nangyari sa inyo,” napailing naman ako sa sinabi ni Rose sa akin.“Hindi ko naman kasi aakalain na sa isang beses na pagpayag ko na gawin namin iyon ay mangyayari ito. Sa tatlong taon naming magkasintahan ay noong third anniversary namin ko lang siya pinagbigyan. Naisip ko kasi na matagal na niyang hini
Prologue“Huwag kang sumuko Eloise, para ito sa anak mo. Kailangan mo siyang makuha mula sa kanila,” pangungumbinsi at pagpapalakas ko sa aking sarili dahil nararamdaman ko anumang oras ay mawawalan na ako ng malay sa daan.Kanina pa kasi ako walang tigil sa pagtakbo at tinatakasan ko ang mga humahabol sa akin. Gabi na rin kaya naman hindi ko masyadong makita ang daan dahil limitado lang ang ilaw dito. Puro talahib lang ang nadadaanan ko at hindi ko makita ang kalsada. Gusto ko rin humingi ng tulong pero wala akong makitang pwedeng hingian ng tulong kaya naman pinapalakas ko ang aking sarili dahil sa mga oras na ito ay sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko.Ito ang unang pagtangka kong tumakas mula sa mental hospital kung saan ako ipinatapon ng aking asawa at ng kanyang kabit. Kahit anong paliwanag ko sa kanya at pagsasabi ng totoo ay mas pinapaniwalaan pa niya ang kabit niya. Akala ko pa naman dahil asawa ko siya ay sa akin siya maniniwala pero nagkamali ako. Sinisisi ko rin ang sar
Prologue“Huwag kang sumuko Eloise, para ito sa anak mo. Kailangan mo siyang makuha mula sa kanila,” pangungumbinsi at pagpapalakas ko sa aking sarili dahil nararamdaman ko anumang oras ay mawawalan na ako ng malay sa daan.Kanina pa kasi ako walang tigil sa pagtakbo at tinatakasan ko ang mga humahabol sa akin. Gabi na rin kaya naman hindi ko masyadong makita ang daan dahil limitado lang ang ilaw dito. Puro talahib lang ang nadadaanan ko at hindi ko makita ang kalsada. Gusto ko rin humingi ng tulong pero wala akong makitang pwedeng hingian ng tulong kaya naman pinapalakas ko ang aking sarili dahil sa mga oras na ito ay sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko.Ito ang unang pagtangka kong tumakas mula sa mental hospital kung saan ako ipinatapon ng aking asawa at ng kanyang kabit. Kahit anong paliwanag ko sa kanya at pagsasabi ng totoo ay mas pinapaniwalaan pa niya ang kabit niya. Akala ko pa naman dahil asawa ko siya ay sa akin siya maniniwala pero nagkamali ako. Sinisisi ko rin ang sar...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments