Chapter 5
Eloise POV
“Beshy!” bungad na sigaw sa akin ni Rose nang mabuksan ko ang pintuan ng tinutuluyan namin ni Xander.
“Buti nakarating ka,” masaya kong sabi at nagyakapan kaming dalawa.
Wala kasi si Xander ngayon dahil kahit na honeymoon namin ay kinakailangan niyang pumasok ng kumpanya. Naiintindihan ko naman dahil madami nga naman siyang ginagawa doon at ayaw ko naman na matambakan siya ng mga gagawin sa opisina. Syempre ayaw ko na mas lalo siyang mapagod, isa pa ay malawak naman ang aking pag-iisip pagdating sa mga ganitong bagay. Alam ko naman na kahit mag-asawa na kami ay hindi naman kami lagi magkakasama, inihanda ko na ang aking sarili kapag dumating na sa punto na mawalan siya ng oras sa akin dahil mas kinakailangan niya na unahin ang trabaho. Saksi ako kung paano pinaghirapan ni Xander na maabot kung nasaan siya ngayon. Syempre kahit siya ang tagapagmana ng kanyang ama ay dumaan muna siya sa maraming paghihirap at pagsubok kaya nag hanga rin ako sa kanya.
“Miss na kaya kita agad,” napangiti naman ako sa sinabi ni Rose. Sa pagkakaalam ko ay dalawang araw pa lang kami hindi nagkakasama. “Pagkatapos ng honeymoon niyo ay sinabi sa akin ni Xander na lilipat ka na sa mansyon nila. Huwag mo ako kakalimutan beshy ko ha.”
“Sira ka talaga kahit kailan,” natatawa kong sabi sa kanya. “Ano ka ba magkikita pa naman tayo sa university diba.”
Mas lalo akong natawa dahil nakita ko na nag-pout siya. “Panira ka naman ng moment ko talaga beshy.”
“Naku, tara na nang makaupo ka, alam naman natin na hindi ka na tatangkad,” biro ko sa kanya kaya naman nakatikim ako ng kurot sa tagiliran kaya muli ay napatawa ako. Hindi naman talaga siya pandak, matangkad siya pero mas matangkad ako sa kanya ng kaunti. May story kasi sa likod ng biro ko sa kanya kaya naman sa tuwing sinasabi ko iyon sa kanya ay napipikon siya.
“Ikinasal ka na lahat-lahat at magkakaanak pero iyan pa rin ang biro mo sa akin.”
“Ang cute mo kasi beshy kapag napipikon eh. Kaya naman hindi ko maiwasan na asarin ka.”
“Ang sabihin mo ako ang pinaglilihian mo, ay naku bet ko iyan.”
“Naku wag na beshy Rose, baka matulad sa height mo.”
“Alam mo malapit na talaga ako magtampo sa iyo. Kung hindi ka lang talaga buntis, baka nasabunutan na kita. Baby ha, huwag kang gagaya dyan sa nanay mong palaasar sa akin.”
“Naku baby, huwag ka naman gagaya sa tita ninang mo na asar talo,” pagkasabi ko no’n ay sabay kaming tumawang dalawa. Ganito lang talaga kaming magbiruan. Minsan nagkakapikunan talaga pero pagkalipas lang ng isang minuto ay nagkakabati na kaming dalawa. Ganito siguro talaga kapag magkapatid na ang inyong turingan. Kaya nga nagpapasalamat ako na bukod kay Xander ay mayroon akong matalik na kaibigan na si Rose.
Natigil lang ang aming masayang pagtatawanan nang marinig ko na may nagdodoorbell sa labas ng aming suite. Ganito kasosyal sa hotel na ito dahil may padoorbell pa silang nalalaman.
“Teka lang beshy ha. Feel at home ka lang, ikaw na lang ang kumuha ng kung anong gusto mong inumin o pagkain sa kusina. Kumpleto naman doon, titignan ko lang kung sino yung nasa labas. Baka bumalik si Xander.”
“Sige lang beshy, tubig lang ay okay na ako. Kukuha na ako ha,” rinig kong sabi ni Rose pero hindi na ako nakasagot sa kanya dahil malapit na ako sa pintuan at gano’n na lang ang labis na pagkagulat ko nang malaman ko kung sino ang nasa labas.
“Mama?” sambit ko nang makita ko ang ina ni Xander na nakatayo sa harap ng kwarto namin pagkabukas ko ng pintuan.
“Tatayo ka lang dyan at hahayaan ang may edad na katulad ko na tumayo dito ng mas matagal?” may kasungitan na sabi ni mama sa akin kaya naman dahil doon ay bumalik ako sa aking wisyo.
“Sorry ma,” ang sabi ko sa kanya at tinulungan ko siya na hilahin ang maleta na kanyang dala.
Nagtataka nga ako dahil bakit may dala siyang maleta at mukhang madami ang laman nito. Ano kaya ang nasa isip ni mama ngayon?
“May kasama ka pala? Alam ba ito ni Xander na nagpapasok ka ng kung sinu-sino?” sabi ni mama dahil nakita niya si Rose na ngayon ay napatigil na sa pag-inom niya ng malamig na tubig.
“Opo ma, alam po ni Xander. In fact siya po ang nagpapunta kay Rose upang may makasama po ako dito habang wala siya,” magalang na sagot ko sa kanya ngunit mukhang hindi niya nagustuhan ang aking sagot. “Saka matalik ko po na kaibigan si Rose, parang kapatid ko na kaya hindi po siya iba sa akin at kay Xander.”
“Wala naman akong ibang ibig sabihin sa aking sinabi. Inaalala ko lang naman ang asawa ng aking anak. Alam ko kasi na pumasok siya sa opisina kahit na honeymoon niyo kaya alam ko na wala kang kasama dito, kaya nga heto at pumunta ako. Pasensya na kung mali ang pagkakaintindi mo sa aking magandang intensyon,” tila nagtatampo na sabi niya sa akin kaya naman nagkatinginan kaming dalawa ni Rose.
Bakas sa mukha ni Rose ang hindi pagkapaniwala sa sinabi ng biyenan ko ngunit alam ko naman na sinusubukan ni mama na tanggapin ako. Siya nga mismo ang nagsabi sa akin na maaari na ko na daw siya tawagin na mama at natuwa naman ako doon. Dahil iniisip ko na baka ito na ang simula ng maganda naming pagsasama ng ina ni Xander lalo na ngayon dahil kasal na kami ng kanyang anak. Wala naman kasi talaga ako hangad kundi ang matanggap niya ako maging ang kanyang magiging apo at matiwasay kaming makatira sa iisang bubong. Ayaw ko naman kasi mastress pa si Xander kung lagi lang kaming mag-aaway ng kanyang ina.
“Ma, masaya nga po ako na nandito kayo ngayon upang samahan ako. Talagang nagulat lang po ako,” magalang na sagot ko at tinignan ko si Rose na batiin niya ang kanyang biyenan saka naman pilit na ngumiti si Rose sa kanya.
“Hello po, ako nga po pala si Rose matalik na kaibigan ni Eloise,” sabi ni Rose kay mama saka naman tumango si mama sa kanya.
“Bweno, saan ang magiging kwarto ko?” napaawang ang aking bibig sa tanong ni mama. Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon kaya napakunot ang aking noo habang tinatanong siya.
“Po, mama? Tinatanong niyo po kung nasaan ang kwarto niyo? Sa pagkakaalam ko po kasi ay ang binook na suite ni Xander ay may isa lang pong kwarto at ito nga po iyon.”
“So, saan niyo ako papatulugin? Alangan naman sa sofa, Eloise hindi ako sanay na humiga lang sa sofa. Saka sayang naman ang mga outfit na dinala ko kung papahigain niyo lang ako sa sofa,” sa sinabi na iyon ni mama ay nagkatinginan kami ni Rose saka naman nagkibit balikat sa akin si Rose.
Ibig sabihin ba nito na sa buong honeymoon namin ni Xander ay nandito siya?
“Sige po mama, kakausapin ko na lang po si Xander sa bagay na ito.”
Chapter 6Eloise POV"Beshy, uuwi na ako pero kapag nagkaproblema ka tawagan mo lang ako ha," bulong sa akin ni Rose saka siya tumingin sa biyenan ko na prenteng nakaupo sa sofa. "Huwag kang magpapatalo sa mother-in-law mo ha.""Ssh, ano ka ba baka marinig ka. Alam mo naman na hindi pa nga kami gaanong okay eh," saway ko naman sa bestfriend ko dahil baka mamaya ay marinig niya kami. Mamaya ay pag-initan nanaman niya ako, mahirap na. "Hatid na kita sa may pintuan. Huwag ka na mag-alala sa akin.""Basta alam mo naman na isang tawag mo lang sa akin ay pupuntahan kita agad," sabi pa ni Rose pagkatapos ay nagyakapan kaming dalawa saka ko siya hinatid sa may pintuan. Bumuntong hininga muna ako bago ako bumalik sa sala."Ma, nagugutom po ba kayo? Gusto niyo bang ipagluto ko kayo?" alok ko sa kanya."No thanks, nag-order na ako ng pagkain. Pakihanda na lang ng plato dahil maya-maya ay paparating na iyon," napatango naman ako sa sinagot sa akin ni mama saka ko sinunod yung sinabi niya.Kakatap
Prologue“Huwag kang sumuko Eloise, para ito sa anak mo. Kailangan mo siyang makuha mula sa kanila,” pangungumbinsi at pagpapalakas ko sa aking sarili dahil nararamdaman ko anumang oras ay mawawalan na ako ng malay sa daan.Kanina pa kasi ako walang tigil sa pagtakbo at tinatakasan ko ang mga humahabol sa akin. Gabi na rin kaya naman hindi ko masyadong makita ang daan dahil limitado lang ang ilaw dito. Puro talahib lang ang nadadaanan ko at hindi ko makita ang kalsada. Gusto ko rin humingi ng tulong pero wala akong makitang pwedeng hingian ng tulong kaya naman pinapalakas ko ang aking sarili dahil sa mga oras na ito ay sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko.Ito ang unang pagtangka kong tumakas mula sa mental hospital kung saan ako ipinatapon ng aking asawa at ng kanyang kabit. Kahit anong paliwanag ko sa kanya at pagsasabi ng totoo ay mas pinapaniwalaan pa niya ang kabit niya. Akala ko pa naman dahil asawa ko siya ay sa akin siya maniniwala pero nagkamali ako. Sinisisi ko rin ang sar
Chapter 1Eloise POV“Nahihilo na talaga ako sa ‘yo Eloise, kanina ka pa hindi mapakali jan,” sabi sa akin ng kaibigan kong si Rose na halata na ang pagkainis sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil totoo naman ang kangyang sinasabi.“Paano kung positive Rose, anong gagawin ko? Isang taon na lang gragraduate na ako. Ilang taon ko hinintay na maka-graduate ako ng collge,” sabi ko sa kanya at nakita ko naman na inirapan niya lang ako dahil sa narinig niya sa akin.“Sana inisip mo iyan bago mo isuko ang bataan mo sa boyfriend mong si Xander. Saka ano naman kung mabuntis ka? Tatlong taon na kayong makasintahan ng boyfriend. Hindi ba ang sabi mo ay mayaman siya? E ‘di panagutan niya ang nangyari sa inyo,” napailing naman ako sa sinabi ni Rose sa akin.“Hindi ko naman kasi aakalain na sa isang beses na pagpayag ko na gawin namin iyon ay mangyayari ito. Sa tatlong taon naming magkasintahan ay noong third anniversary namin ko lang siya pinagbigyan. Naisip ko kasi na matagal na niyang hini
Chapter 2Eloise POV“Kanina ka pa ba, babe? Sorry kung pinaghintay kita ng matagal, sobrang traffic kasi,” sabi sa akin ni Xander ng makarating na siya sa park na lagi naming pinupuntahan saka niya ako binigyan ng isang smack sa aking labi. Dito ko kasi siya inaya na magkita ngayong hapon at ang sabi niya ay dumiretso na daw kami sa pag-date dahil sa mga susunod na araw ay magiging abala daw siya ulit sa kumpanya nila.“Ano ba ang sasabihin mo na hindi mo pwedeng sabihin sa tawag lang?” nakangiti na tanong sa akin ni Xander tapos hinawakan niya ang kamay ko.Kanina pa ako kinakabahan kaya naman hindi ako agad makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan kaya naman napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya pagkatapos ay sa hindi ko mamalayan na dahilan ay napaiyak na lang ako. Hinawakan naman ni Xander ang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. Nakita ko ang mga mata niya na puno ng may pagtataka kung bakit ako umiiyak ngayon. Dahil doon ay mas lalo akong napaiyak kaya namn napay
Chapter 3Eloise POV“Are you out of your mind, Xander? Papakasalan mo ang babaeng iyan?” narinig kong sigaw ng mama ni Xander habang nag-uusap sila sa may sala nila samantalang ako ay naiwanan dito sa dining area dahil kakatapos lang namin mananghalian.Dinala kasi ako ni Xander sa kanilang mansyon upang umamin sa mama niya na magkakaanak na kaming dalawa at papakasalan na niya ako. Pero mukhang hindi natuwa doon ang kanyang mama kaya naman sinisigawan niya ngayon ang anak niya na boyfriend ko. Alam ko naman na noon pa man ay ayaw sa akin ng kanyang mama dahil sa estado ng aking buhay, mahirap lang ako at mayaman sila.“Ma, please lower your voice, naririnig tayo ni Eloise. Makakasama po sa baby namin ang ma-stress siya,” rinig ko naman na sabi ni Xander sa kanyang mama. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot dahil doon.“Wala akong pake kung marinig niya man o hindi. Basta hindi ako papayag na maikasal ka sa kanya. Hindi mo nga alam kung sa ‘yo ba talaga ang batang dinadala niya! Baka nga
Chapter 4Eloise POV"Malalim yata ang iniisip ng misis ko?" tanong sa akin ni Xander habang niyakap niya ako mula sa aking likuran.Ngayong gabi kasi ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Nandito kami sa isang sikat na five star hotel, dito na kami dumiretso pagkatapos ng reception ng aming kasal. Ang gusto pa nga ni Xander ay sa ibang bansa kami mag-honeymoon ngunit hindi maaari dahil marami pa siyang kailangan na gawin sa kumpanya. Ayos lang naman iyon sa akin basta nairaos namin ang aming kasal at isa na nga akong legal na asawa ni Xander, doon pa lang ay tuwang-tuwa na ako.Nangako naman siya na sa unang anibersaryo namin ay dadalhin niya ako sa ibang bansa at doon ang magiging second honeymoon namin. Nang sabihin niya sa akin ang bagay na iyon ay nakurot ko ang kanyang tagiliran dahil nakita ko ang pilyong ngiti ni Xander."Hindi lang ako makapaniwala na kasal na tayong dalawa kahit na tutol ang iyong ina sa akin," nakangiti ko na sabi habang nakatingin sa repleksyon ni Xander