Share

The Innocent's Revenge
The Innocent's Revenge
Author: Happy

Prologue

Author: Happy
last update Last Updated: 2022-07-16 19:32:28

Prologue

“Huwag kang sumuko Eloise, para ito sa anak mo. Kailangan mo siyang makuha mula sa kanila,” pangungumbinsi at pagpapalakas ko sa aking sarili dahil nararamdaman ko anumang oras ay mawawalan na ako ng malay sa daan.

Kanina pa kasi ako walang tigil sa pagtakbo at tinatakasan ko ang mga humahabol sa akin. Gabi na rin kaya naman hindi ko masyadong makita ang daan dahil limitado lang ang ilaw dito. Puro talahib lang ang nadadaanan ko at hindi ko makita ang kalsada. Gusto ko rin humingi ng tulong pero wala akong makitang pwedeng hingian ng tulong kaya naman pinapalakas ko ang aking sarili dahil sa mga oras na ito ay sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko.

Ito ang unang pagtangka kong tumakas mula sa mental hospital kung saan ako ipinatapon ng aking asawa at ng kanyang kabit. Kahit anong paliwanag ko sa kanya at pagsasabi ng totoo ay mas pinapaniwalaan pa niya ang kabit niya. Akala ko pa naman dahil asawa ko siya ay sa akin siya maniniwala pero nagkamali ako. Sinisisi ko rin ang sarili ko dahil binigyan ko pa siya noon ng second chance, samantalang siya ay hindi niya ako hinayaan na magpaliwanag. Ayaw niya rin maniwala sa akin patungkol sa aming anak at pinagbibintangan niya pa ako sa bagay na hindi ko kayang magawa sa tanang buhay ko.

“Nandito siya! Bilisan niyo, hindi na iyan makakalayo,” rinig kong sabi ng isang lalaki na staff ng mental hospital na kasama sa paghabol sa akin.

Hindi ko na nagawa pang lumingon dahil kinakailangan ko na magpokus sa aking tinatakbuhan dahil kapag ako ay natalisod ay magagawa na nila akong mahuli. Ngunit hindi inaasahan ang sumunod na nangyari basta may narinig na lang ako na isang putok ng baril at may naramdaman akong masakit sa aking hita na para bang nasusunog ito na ewan. Bumagal rin ang aking takbo at halos matumba na rin ako pero tinatatagan ko pa rin ang aking loob. Kaya naman napatingin na ako sa aking hita at gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko na dumudugo ito. Ngayon ko lang rin naramdaman ang sakit kaya naman kahit iniinda ko ang sakit ng tama ng baril ay pinilit ko pa rin na makalakad. Mga ilang hakbang pa ang nagawa ko nang makarinig nanaman ako ng putok ng baril at muli ay nakaramdam ako ng sakit sa isa ko pang paa kaya naman kahit ano pang laban ang aking gawin ay bumagsak na ako sa lupa. Habang d*******g ako sa sakit ay naramdaman ko na may humila sa aking buhok mula sa likuran saka tumambad sa mukha ko ang kanyang pagmumukha na nakangisi pa sa akin.

“Akala mo ba ay makakatakas ka? Kahit anong gawin mo ay hindi ka na makakaalis dito dahil dito ka nababagay!” sabi niya sa akin pagkatapos ay tinulak niya ako saka siya humarap sa mga staff ng mental hospital. Sa kalagayan kong ito ay tanging pagtingin ko lang sa kanya ang aking magagawa. “Kayo naman, ang tatanga niyo isang babaeng katulad niya lang ay natakasan pa kayo. Sa uulitin na makatakas siya ay kayo ang ipapalit ko sa kanya sa mental na ito. Naiintindihan niyo ba?”

Dahil sa takot ng mga ito sa kanya ay napaatras sila sabay mabilis na tumango.

“Bes, wala sa usapan na babarilin mo siya. Baka may makaalam nito ha, labas ako dito,” tila natatakot na sabi ng kanyang tinuturing na bestfriend.

“Boba! Malamang may kinalaman ka dito dahil kasama kita at kung ayaw mong matulad sa babaeng ito ay itikom mo ang matabil mong dila. Kung hindi lang kita kaibigan ay matagal na kitang pinutulan ng dila,” sagot niya dito kaya naman umurong ang dila nito at hindi na sumagot pa sa kanya.

“Wala ka talagang kasingsama. Akala mo ba ay hindi nila malalaman ang katotohanan? Walang sekreto ang hindi nabubunyag, tandaan mo yan!” madiin na sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa kanya ng masama ngunit mas lalo lang siyang ngumisi sa akin na tiala alam niyang siya na ang nanalo ngayon.

“Sa tingin mo ba ay matatakot ako sa mga pinagsasabi mo sa akin lalo na at nasa ganyan kang kalagayan ngayon?” mapang-asar ang pamamaraan niya kung paano siya tumawa sa harapan ko at kitang-kita ko ang pagbabago na naganap sa kanyang mukha.

Kung paano niya ako tignan ay siyang mas lalong ikinapuyos ng aking galit sa kanya. Kinakaawaan niya ako sa mga oras na ito ngunit alam ko naman na peke lang ang emosyon na kanyang ipinapakita ngayon. Napakuyom na lang ako ng aking kamay dahil doon. Hindi rin ako agad-agad makakabangon para makatakas na muli sa kanila dahil may tama na ng baril ang dalawa kong binti at ramdam ko na marami ng dugo ang nawala sa akin dahil mas lalong nanghina ang katawan ko at mas lalong tumindi ang hilong aking nararamdaman.

“Sige na, ibalik niyo na siya sa kwarto niya at siguraduhin niyo lang na hindi na siya muling makakatakas pa dahil malalagot na talaga kayo sa akin!” rinig kong sigaw niya sa mga tauhan niya.

Naramdaman ko na lang na may nagbuhat sa akin mula sa aking pagkakaupo. Napapikit pa nga ako dahil ramdam na ramdam ko ang sakit ng sugat sa binti ko. Nasasanggi rin nila iyon habang walang pakundangan nila akong buhat, wala naman kasi silang paki doon kaya kahit anong reklamo ko ay wala silang pakialam doon. Hanggang sa naramdaman ko na lang na unti-unti naging kulay itim ang buong paligid ko.

Nagising na lang ako bigla dahil naramdaman ko ang malamig na tubig na bumuhos sa aking buong katawan. Napadaing rin ako dahil hindi maganda ang aking pakiramdam. Nanginginig kong tinignan ang aking binti dahil namamanhid ito at natatakot ako na baka mauwi ito sa hindi ko na pagkalakad.

“Mabuti naman gising ka na akala ko kasi ay patay ka na. Pero mabuti nga kung gano’n na lang ang nangyari pero malulungkot naman ako dahil wala akong mapaglalaruan,” rinig na rinig ko na sabi niya sa akin kaya naman tinignan ko siya ng masama saka ako nagsalita.

“Hinding-hindi ako mamamatay sa kamay mo dahil hindi ako susuko. Hintayin mo lang dahil ikaw naman ang mapupunta sa kalagayan ko ngayon. Babawiin ko ang buhay na hiniram mo sa akin kaya naman habang nasayo pa ito ngayon mag-enjoy ka lang,” nakangisi na sabi ko at nakita ko ang pagpipigil niya sa kanyang inis pero maya-maya lang ay siya naman ang ngumiti sa akin saka may nilabas siyang papel.

“Alam mo Eloise, hahanga na sana ako sa katapangan at katatagan ng loob mo. Pero hindi ko alam na isa ka palang walang utak,” napakunot naman ako sa sinabi niya saka siya lumapit sa akin at iniharap niya sa akin iyon upang mabasa ko ang nakalagay doon.

Marriage contract namin iyon ng asawa ko. Pero bakit hawak niya iyon?

“Mukhang alam mo na kung ano ang hawak kong ito,” nakangisi pa rin na sabi niya sa akin. “Kawawang Eloise, hindi niya alam na peke lang ang kasal nila.”

“A-ano?” nauutal kong tanong sa kanya dahil hindi agad rumehistro sa utak ko ang kanyang sinabi.

“You heard it right, peke ang kasal niyo ng asawa mo. Hindi gano’n katanga ang mama ni Xander para tanggapin ka sa pamilya nila,” hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Hindi ko alam na magagawa iyon ng mama niya. Alam ko naman na hindi niya ako tanggap para sa anak niya pero hindi ko aakalain na aabot ito sa punto na pepekein niya ang kasal namin ni Xander.

“Tutal hindi naman pala kayo totoong mag-asawa mas mapapadali ang pagpapakasal naming dalawa ni Xander,” pang-aasar niya sa akin.

“Wala akong pakialam kung magpakasal kayong dalawa. Basta ibigay niyo sa akin ang anak ko! Mga walanghiya kayo!” pagsisigaw ko dahil sa galit at gusto ko siyang sugurin kaya naman pinilit ko na makatayo pero hindi ko magawa dahil namamanhid pa rin ang buong binti ko. Mas lalo akong nagwala sa galit dahil sa huli niyang sinabi kaya naman hinawakan ng mga tauhan niya ang braso ko at tinurukan ako ng pampapakalma. Tumatawa siyang tumalikod at umalis. Dahil unti-unti na tumatalab sa akin ang gamot na pampakalma ay hindi na rin ako makalaban sa kanila. Pero tumatak talaga sa isipan ko ang huling sinabi niya sa akin.

“Huwag ka na mag-alala dahil sa paglaki ng bata ay ako na ang kilalanin niyang ina at hinding-hindi ka na niya makikilala pa kahit kailanman. Isa pa ay kung sasabihin mo na ikaw ang ina niya ay walang maniniwala sa ‘yo dahil diyan sa panget mong mukha na tila halimaw na.”

“Everleigh hija gising,” nagising ako dahil sa sunod-sunod na yugyog sa aking balikat. Nang imulat ko ang mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ng lola ko.

“Lola bakit po kayo nandito?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Naririnig kasi kitang sumisigaw kaya naman dali-dali akong pumunta dito sa kwarto mo. Hulaan ko, napanaginipan mo nanaman ang nakaraan mo,” mahinahon na sagot sa akin ng lola ko kaya naman napatango ako sa kanya.

“Kahit naman anong pilit ko lola ay hindi iyon maaalis sa akin lalo na at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakukuha ang anak ko. Isa pa ay kinakailangan nilang magbayad sa lahat ng ginawa nila sa akin,” madiin na sabi ko at hinaplos naman ng lola ko ang aking likuran kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay.

“Basta Everleigh, ayaw kong mas lalo kang masaktan. Alam mo naman na suportado ko ang lahat ng ginagawa mo pero sana maghinay-hinay ka lang dahil baka sa huli ay ikaw nanaman ang magdusa,” paalala sa akin ni lola.

“Hinding-hindi na po mangyayari sa akin ang nakaraan ko lola dahil isa na akong malakas na babae hindi ba? At dahil po iyon sa inyo kaya lubos akong nagpapasalamat. Dahil sa inyo ay wala na ang mahinanang si Eloise at ngayon ay ipinanganak na muli ang matapang at matalinong si Everleigh,” nakangiti ko na sabi kay lola at nakita ko na napapaiyak siya kaya naman niyakap ko siya. “Salamat rin po sa tiwala.”

“Naging matatag ka rin naman sa kabila ng mga pagsubok sa buhay mo kaya pasalamatan mo rin ang sarili mo apo. Basta tandaan mo lang na nandito lang ang lola para sa ‘yo.”

Pagkatapos ng madrama naming pag-uusap ng aking lola ay nagpaalam na siyang babalik na siya sa kanyang kwarto. At dahil napanaginipan ko nanaman ang nakaraan ko ay hindi nanaman ako makatulog agad kaya naman ang ginawa ko ay naligo na lang muna ako para mapresko ang aking sarili.

Nang napatapat ako sa salamin sa loob ng banyo ko ay napatigil ako saka ko pinakatitigan ng maigi ang sarili ko. Ibang-iba na talaga ang itsura ko kesa sa dati. Simula nang makarecover ako mula sa plastic sugery ay nag-request ako kay lola na ibahin ang pangalan ko mula Eloise ay naging Everleigh na. Ito ang pangalan na ibinigay sa akin ng magulang ko pagkatapos akong maipanganak. Ako ang nawawalang apo ni Doña Margarita Velasquez.

Sinubukan ko kasi ulit na makatakas sa mental hospital at sa pagkakataong iyon ay nakatakas ako. Alam ko na pinaghahanap ako ng mga kapulisan kaya naman nagtago muna ako sa malayong lugar hanggang sa nakita ko na may isang matanda ang gustong pagnakawan. Siya lang mag-isa no’n sa harap ng kanyang sasakyan at dahil hindi ko matiis ang ganoong eksena ay tinulungan ko siya pero hindi ko alam na masasaksak ako sa aking tagiliran.

Pagkagising ko na lang ay tinatawag na niya akong apo at ipinaliwanag na niya ang lahat sa akin. Habang natutulog pala ako sa hospital ay pina-DNA test niya ako dahil magaan daw ang loob niya sa akin. Simula noong nasa poder na ako ng Lola Margarita ko ay naging maayos ang buhay ko. Ikinuwento ko rin ang naging buhay ko at mapait na nangyari sa akin at sinabihan niya ako na tutulungan niya ako. Inalok niya ako na ipaayos ang nasunog kong mukha sa pinakamagaling na doctor at pumayag ako.

“Humanda kayo sa muling pagbabalik ko. Sisiguraduhin ko na mas triple pa ang ang mararanasan niyong hirap kesa sa ipinaranas niyo sa akin,” madiin kong sabi habang nakatingin ako sa repleksyon ng aking sarili sa salamin.

Sisiguraduhin ko na magkatotoo ang mga sinasabi ko dahil ayaw kong masayang ang matagal na panahon ko na paghahanda para sa muli naming pagkikita at nais ko rin na kapag nasa akin na ang anak ko ay maging maayos ang kanyang buhay at gusto ko na maging karapat-dapat akong ina niya dahil ang dating Eloise ay iniwanan ko na sa nakaraan.

Ako na si Everleigh Velasquez at ito ang simula ng aking pagbangon mula sa isang masamang nakaraan.

Happy

Sana po ay magustuhan niyo ang first novel ko dito. Maraming salamat po!

| Like

Related chapters

  • The Innocent's Revenge   Chapter 1

    Chapter 1Eloise POV“Nahihilo na talaga ako sa ‘yo Eloise, kanina ka pa hindi mapakali jan,” sabi sa akin ng kaibigan kong si Rose na halata na ang pagkainis sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil totoo naman ang kangyang sinasabi.“Paano kung positive Rose, anong gagawin ko? Isang taon na lang gragraduate na ako. Ilang taon ko hinintay na maka-graduate ako ng collge,” sabi ko sa kanya at nakita ko naman na inirapan niya lang ako dahil sa narinig niya sa akin.“Sana inisip mo iyan bago mo isuko ang bataan mo sa boyfriend mong si Xander. Saka ano naman kung mabuntis ka? Tatlong taon na kayong makasintahan ng boyfriend. Hindi ba ang sabi mo ay mayaman siya? E ‘di panagutan niya ang nangyari sa inyo,” napailing naman ako sa sinabi ni Rose sa akin.“Hindi ko naman kasi aakalain na sa isang beses na pagpayag ko na gawin namin iyon ay mangyayari ito. Sa tatlong taon naming magkasintahan ay noong third anniversary namin ko lang siya pinagbigyan. Naisip ko kasi na matagal na niyang hini

    Last Updated : 2022-07-16
  • The Innocent's Revenge   Chapter 2

    Chapter 2Eloise POV“Kanina ka pa ba, babe? Sorry kung pinaghintay kita ng matagal, sobrang traffic kasi,” sabi sa akin ni Xander ng makarating na siya sa park na lagi naming pinupuntahan saka niya ako binigyan ng isang smack sa aking labi. Dito ko kasi siya inaya na magkita ngayong hapon at ang sabi niya ay dumiretso na daw kami sa pag-date dahil sa mga susunod na araw ay magiging abala daw siya ulit sa kumpanya nila.“Ano ba ang sasabihin mo na hindi mo pwedeng sabihin sa tawag lang?” nakangiti na tanong sa akin ni Xander tapos hinawakan niya ang kamay ko.Kanina pa ako kinakabahan kaya naman hindi ako agad makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan kaya naman napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya pagkatapos ay sa hindi ko mamalayan na dahilan ay napaiyak na lang ako. Hinawakan naman ni Xander ang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. Nakita ko ang mga mata niya na puno ng may pagtataka kung bakit ako umiiyak ngayon. Dahil doon ay mas lalo akong napaiyak kaya namn napay

    Last Updated : 2022-07-16
  • The Innocent's Revenge   Chapter 3

    Chapter 3Eloise POV“Are you out of your mind, Xander? Papakasalan mo ang babaeng iyan?” narinig kong sigaw ng mama ni Xander habang nag-uusap sila sa may sala nila samantalang ako ay naiwanan dito sa dining area dahil kakatapos lang namin mananghalian.Dinala kasi ako ni Xander sa kanilang mansyon upang umamin sa mama niya na magkakaanak na kaming dalawa at papakasalan na niya ako. Pero mukhang hindi natuwa doon ang kanyang mama kaya naman sinisigawan niya ngayon ang anak niya na boyfriend ko. Alam ko naman na noon pa man ay ayaw sa akin ng kanyang mama dahil sa estado ng aking buhay, mahirap lang ako at mayaman sila.“Ma, please lower your voice, naririnig tayo ni Eloise. Makakasama po sa baby namin ang ma-stress siya,” rinig ko naman na sabi ni Xander sa kanyang mama. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot dahil doon.“Wala akong pake kung marinig niya man o hindi. Basta hindi ako papayag na maikasal ka sa kanya. Hindi mo nga alam kung sa ‘yo ba talaga ang batang dinadala niya! Baka nga

    Last Updated : 2022-07-16
  • The Innocent's Revenge   Chapter 4

    Chapter 4Eloise POV"Malalim yata ang iniisip ng misis ko?" tanong sa akin ni Xander habang niyakap niya ako mula sa aking likuran.Ngayong gabi kasi ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Nandito kami sa isang sikat na five star hotel, dito na kami dumiretso pagkatapos ng reception ng aming kasal. Ang gusto pa nga ni Xander ay sa ibang bansa kami mag-honeymoon ngunit hindi maaari dahil marami pa siyang kailangan na gawin sa kumpanya. Ayos lang naman iyon sa akin basta nairaos namin ang aming kasal at isa na nga akong legal na asawa ni Xander, doon pa lang ay tuwang-tuwa na ako.Nangako naman siya na sa unang anibersaryo namin ay dadalhin niya ako sa ibang bansa at doon ang magiging second honeymoon namin. Nang sabihin niya sa akin ang bagay na iyon ay nakurot ko ang kanyang tagiliran dahil nakita ko ang pilyong ngiti ni Xander."Hindi lang ako makapaniwala na kasal na tayong dalawa kahit na tutol ang iyong ina sa akin," nakangiti ko na sabi habang nakatingin sa repleksyon ni Xander

    Last Updated : 2022-09-21
  • The Innocent's Revenge   Chapter 5

    Chapter 5Eloise POV“Beshy!” bungad na sigaw sa akin ni Rose nang mabuksan ko ang pintuan ng tinutuluyan namin ni Xander.“Buti nakarating ka,” masaya kong sabi at nagyakapan kaming dalawa.Wala kasi si Xander ngayon dahil kahit na honeymoon namin ay kinakailangan niyang pumasok ng kumpanya. Naiintindihan ko naman dahil madami nga naman siyang ginagawa doon at ayaw ko naman na matambakan siya ng mga gagawin sa opisina. Syempre ayaw ko na mas lalo siyang mapagod, isa pa ay malawak naman ang aking pag-iisip pagdating sa mga ganitong bagay. Alam ko naman na kahit mag-asawa na kami ay hindi naman kami lagi magkakasama, inihanda ko na ang aking sarili kapag dumating na sa punto na mawalan siya ng oras sa akin dahil mas kinakailangan niya na unahin ang trabaho. Saksi ako kung paano pinaghirapan ni Xander na maabot kung nasaan siya ngayon. Syempre kahit siya ang tagapagmana ng kanyang ama ay dumaan muna siya sa maraming paghihirap at pagsubok kaya nag hanga rin ako sa kanya.“Miss na kaya k

    Last Updated : 2022-10-22
  • The Innocent's Revenge   Chapter 6

    Chapter 6Eloise POV"Beshy, uuwi na ako pero kapag nagkaproblema ka tawagan mo lang ako ha," bulong sa akin ni Rose saka siya tumingin sa biyenan ko na prenteng nakaupo sa sofa. "Huwag kang magpapatalo sa mother-in-law mo ha.""Ssh, ano ka ba baka marinig ka. Alam mo naman na hindi pa nga kami gaanong okay eh," saway ko naman sa bestfriend ko dahil baka mamaya ay marinig niya kami. Mamaya ay pag-initan nanaman niya ako, mahirap na. "Hatid na kita sa may pintuan. Huwag ka na mag-alala sa akin.""Basta alam mo naman na isang tawag mo lang sa akin ay pupuntahan kita agad," sabi pa ni Rose pagkatapos ay nagyakapan kaming dalawa saka ko siya hinatid sa may pintuan. Bumuntong hininga muna ako bago ako bumalik sa sala."Ma, nagugutom po ba kayo? Gusto niyo bang ipagluto ko kayo?" alok ko sa kanya."No thanks, nag-order na ako ng pagkain. Pakihanda na lang ng plato dahil maya-maya ay paparating na iyon," napatango naman ako sa sinagot sa akin ni mama saka ko sinunod yung sinabi niya.Kakatap

    Last Updated : 2023-01-06

Latest chapter

  • The Innocent's Revenge   Prologue

    Prologue“Huwag kang sumuko Eloise, para ito sa anak mo. Kailangan mo siyang makuha mula sa kanila,” pangungumbinsi at pagpapalakas ko sa aking sarili dahil nararamdaman ko anumang oras ay mawawalan na ako ng malay sa daan.Kanina pa kasi ako walang tigil sa pagtakbo at tinatakasan ko ang mga humahabol sa akin. Gabi na rin kaya naman hindi ko masyadong makita ang daan dahil limitado lang ang ilaw dito. Puro talahib lang ang nadadaanan ko at hindi ko makita ang kalsada. Gusto ko rin humingi ng tulong pero wala akong makitang pwedeng hingian ng tulong kaya naman pinapalakas ko ang aking sarili dahil sa mga oras na ito ay sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko.Ito ang unang pagtangka kong tumakas mula sa mental hospital kung saan ako ipinatapon ng aking asawa at ng kanyang kabit. Kahit anong paliwanag ko sa kanya at pagsasabi ng totoo ay mas pinapaniwalaan pa niya ang kabit niya. Akala ko pa naman dahil asawa ko siya ay sa akin siya maniniwala pero nagkamali ako. Sinisisi ko rin ang sar

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status