Share

Chapter 2

Chapter 2

Eloise POV

“Kanina ka pa ba, babe? Sorry kung pinaghintay kita ng matagal, sobrang traffic kasi,” sabi sa akin ni Xander ng makarating na siya sa park na lagi naming pinupuntahan saka niya ako binigyan ng isang smack sa aking labi. Dito ko kasi siya inaya na magkita ngayong hapon at ang sabi niya ay dumiretso na daw kami sa pag-date dahil sa mga susunod na araw ay magiging abala daw siya ulit sa kumpanya nila.

“Ano ba ang sasabihin mo na hindi mo pwedeng sabihin sa tawag lang?” nakangiti na tanong sa akin ni Xander tapos hinawakan niya ang kamay ko.

Kanina pa ako kinakabahan kaya naman hindi ako agad makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan kaya naman napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya pagkatapos ay sa hindi ko mamalayan na dahilan ay napaiyak na lang ako. Hinawakan naman ni Xander ang pisngi ko at pinaharap ako sa kanya. Nakita ko ang mga mata niya na puno ng may pagtataka kung bakit ako umiiyak ngayon. Dahil doon ay mas lalo akong napaiyak kaya namn napayakap ako kay Xander ng mahigpit. Rinig na rinig ko naman ang malakas na tibok ng kanyang puso.

“Babe? Bakit ka umiiyak? May nagawa ba ako? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan? May umaway ba sa ‘yo? Sabihin mo lang sa akin at gagawin kong miserable ang buhay niya dahil pinaiyak ka niya,” sunod-sunod na tanong sa akin ni Xander pero umiiling lang ako sa kanya habang yakap niya ako at ramdam ko ma hinaplos niya ang aking likuran.

“Hindi iyon babe,” sabi ko at ako na rin ang kumawala sa aming yakapan saka ko siya hinarap. Pinunasan naman niya ang luha ko sa aking mata at pisngi.

“Sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak? Alam mo naman na hindi ko gusto na nakikita kang umiiyak eh.”

“Naiisip ko lang kung ano ba ang magiging reaksyon mo, kung tatanggapin mo ba o hindi?” dahil sa aking sinabi ay mas lalo lang siyang mukhang naguluhan dahil kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

“Ano ba talaga ang ibig mong sabihin babe? Don’t tell me, nakikipag-break ka na sa akin?” kita ko sa mga mata niya ang labis na sakit ng sabihin niya iyon. “Talagang hindi ko matatanggap kapag nakipaghiwalay ka sa akin, Eloise. Alam mo naman na mahal na mahal kita at hindi ko alam kung paano na ako kapag nawala ka sa akin.”

“No, babe, bakit mo naman naisip na makikipaghiwalay ako sa ‘yo?” sa pagkakataong ito ay siya naman ang pinakalma ko.

“Kung hindi ay ano? Sabihin mo na sa akin babe para matanggal na ang kaba sa aking dibdib. Kung hindi ka nakikipaghiwalay ay ano ang gusto mong sabihin?”

Siguro ay mali din ako dahil pinatagal ko pa ayan ngayon ay kung anu-ano na ang iniisip ni Xander. Kaya naman para hindi na siya mag-overthink ay inipon ko ulit ang lakas ng loob para sabihin sa kanya ang dapat niyang malaman.

“Babe, I’m pregnant,” mabilis na sabi ko at parang bula na nawala ang kaba na nasa dibdib ko.

“W-what? T-tama ba ang narinig ko? B-buntis ka?” nagtaka ako dahil nawala ang ngiti sa kanyang labi kaya naman muling bumalik ang kabog ng aking dibdib. Paano kung hindi niya matanggap na buntis ako?

“Maniwala ka man o sa hindi kahit isang beses pa lang natin nagawa iyon ay nagbunga ang pagmamahalan natin babe,” naiiyak muli na sabi ko upang mailabas ko ang kabang nararamdaman ko. “Ikaw ang ama ng dinadala ko babe, maniwala ka. Alam ko na nabigla ka sa aking sinabi ngayon. Pero noong gabing ginawa natin iyon ay ikaw ang nakauna sa---”

Hindi na niya ako pinatapos na magsalita at bigla na lang niya akong hinalikan sa aking labi. Marahil ay nararamdaman niya na nagpapanic na ako. Pinikit ko ang mata ko at hindi na ako nahiya kung may makakita man sa amin na naghahalikan dito. Sa ginawa ni Xander ay kumalma ako, siya na rin ang humiwalay sa aming halikan nang maramdaman namin na kinakapos na kami ng aming hininga.

“Naniniwala ako sa’yo babe, nagulat lang ako dahil matagal ko na gustong magka-anak tayo,” natutuwang sabi ni Xander saka niya ako niyakap muli. “Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon babe.”

“Ibig sabihin tanggap mo ang anak natin?” tinignan naman ako ni Xander na hindi makapaniwala dahil inisip ko na baka hindi niya matanggap na magkaka-anak na kami.

“Babe, bakit naiisip mo iyan? Of course, matatanggap ko ang anak natin. Dugo at laman ko ang dinadala mo, isa pa ay nasa tamang edad na rin tayo para magkaroon ng sariling pamilya. Matagal na tayong magkasintahan at ikaw lang ang nakikita ko para maging ina ng magiging anak ko,” sabi ni Xander saka siya lumuhod sa aking harapan na siyang ikinabigla ko kaya napatakip ako sa aking bibig.

“Maski wala akong nabiling singsing ngayon ay magiging saksi naman ang punong ito na naging saksi na rin sa pagmamahalan natin mula pa noon. Eloise, aking mahal, will you marry me?” naiiyak na tanong ni Xander sa akin habang hawak niya ang isa kong kamay.

“Kahit merong singsing o wala man. Iisa langang magiging sagot ko sa ‘yo. Oo, papakasal ako sa ‘yo babe,” naiiyak na wika ko dahil sa saya na aking nararamdaman ngayon. Tumayo si Xander at nag-bend siya ng kaunti saka niya idinikit ang tenga niya sa aking tiyan at napangiti naman ako sa kanyang sinabi dahil kinakausap niya ang baby na nasa aking tiyan pa lang.

“Narinig mo iyon, baby? Pumayag ang mommy mo na pakasal sa akin,” tuwang-tuwa na sabi ni Xander saka niya ako niyakap pagkatapos ay hindi ako makapaniwala sa sumunod na ginawa niya.

Nagsisigaw siya at nagtatalon sa may park kaya naman marami ang napatangin sa kanya. Pinipigilan ko naman siya habang natatawa dahil natutuwa ako na ganito ang kanyang reaksyon. Buong akala ko ay hindi niya matatanggap na nabuntis niya ako. Pero kabaliktaran ang nangyari ngayon bagay na akong ikinatutuwa.

“Tama na babe, nakakahiya. Madami na ang nakatingin sa atin,” natatawa kong sabi habang sinusubukan ko na pigilan si Xander na tumatalon pa rin dahil sa tuwa na pumayag ako sa kanyang proposal.

“Narinig niyo iyon? Papakasalan na ako ng babaeng dati ay pinapangarap ko lang!” dahil sa kanyang sinabi ay kinilig ako, hindi talaga siya nahihiya na ipagsigawan ako sa iba kahit na malayo ang estado namin sa buhay. Pagkatapos ay binuhat niya naman ako at pumaikot-ikot kami. “At higit sa lahat magkaka-anak na kaming dalawa.”

Pagkatapos naming umikot ay ibinaba na niya ako saka muling niyakap. Narinig naman namin ang palakpakan ng mga taong nakapalibot sa amin na kanina pa pala nanunuod. Pagkatapos ay sumigaw sila na mag-kiss daw kami na siyang ginawa naman ni Xander kaya mas lalong naghiyawan ang mga nanunuod sa amin.

Masasabi ko na isa ito sa pinakamasayang araw ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status