Share

Chapter 1

Chapter 1

Eloise POV

“Nahihilo na talaga ako sa ‘yo Eloise, kanina ka pa hindi mapakali jan,” sabi sa akin ng kaibigan kong si Rose na halata na ang pagkainis sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil totoo naman ang kangyang sinasabi.

“Paano kung positive Rose, anong gagawin ko? Isang taon na lang gragraduate na ako. Ilang taon ko hinintay na maka-graduate ako ng collge,” sabi ko sa kanya at nakita ko naman na inirapan niya lang ako dahil sa narinig niya sa akin.

“Sana inisip mo iyan bago mo isuko ang bataan mo sa boyfriend mong si Xander. Saka ano naman kung mabuntis ka? Tatlong taon na kayong makasintahan ng boyfriend. Hindi ba ang sabi mo ay mayaman siya? E ‘di panagutan niya ang nangyari sa inyo,” napailing naman ako sa sinabi ni Rose sa akin.

“Hindi ko naman kasi aakalain na sa isang beses na pagpayag ko na gawin namin iyon ay mangyayari ito. Sa tatlong taon naming magkasintahan ay noong third anniversary namin ko lang siya pinagbigyan. Naisip ko kasi na matagal na niyang hinintay iyon kaya naman iyon ang ibinigay kong regalo kay Xander,” habang sinasabi ko iyon ay muli kong naalala ang gabing pinagbigayn ko ang boyfriend ko na si Xander. Isa lang ang masasabi ko, para akong nasa ulap ng mga gabing iyon.

“Ayon naman pala, ginusto mo rin naman. Saka blessing naman kung mabiyayaan kayo agad ng anak. Tiyak wala na talagang kawala sa ‘yo si Xander no. Ang bangis din naman pala ng boyfriend mo kung sakaling buntis ka nga, sharp shooter ika nga,” natawa naman ako sa sinabi ni Rose dahil gets ko ang kanyang sinabi.

Kahit papaano ay nawala ang kabang nararamdaman ko. Isa pa ay tama naman ang kaibigan ko na bleesing naman talaga ang bata kung sakiling buntis nga ako. Mabuti na lang dahil nandito ang kaibigan ko para palakasin ang loob ko. Kahit apat na taon pa lang kaming magkaibigan ay para na talagang magkapatid ang aming turingan. Magkaiba nga lang kami ng kursong kinuha, ako ay business management samantala si Rose ay nasa kursong HRM.

“Basta, huwag ko lang malaman na lolokohin ka ng Xander na iyan kundi ayaw niyang mawalan ng kaligayahan,” nanggigigil na sabi ni Rose kaya naman napangiti ako. Napakaprotective din kasi ni Rose at ayaw niyang nasasaktan ako. Syempre gano’n din naman ako sa kanya, deserve ng kaibigan ko na maging masaya din.

“Tigna mo na dali, baka lumabas na ang resulta,” sabik na sabi sa akin ni Rose kaya naman bumalik kami sa lamesa kung saan ko iniwanan ang pregnancy kit na ginamit ko kanina.

Pinaghalong kaba at pananabik ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Iniisip ko na kung sakaling buntis ako ay panagutan kaya ako ni Xander? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Pero paano naman kung mali kami ng hinala ni Rose? At ang mga nasa isip ko ay nawala nang marinig ko na sumigaw si Rose na pwede na para mabasag ang eardrums ko.

“Bessy!” tuwang-tuwa ang kanyang boses saka niya ako niyakap may patalon-talon pa nga siyang nalalaman eh.

Habang yakap ako ni Rose ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti habang nakatingin sa dalawang pulang linya sa pregnancy kit. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa mga oras na ito kaya naman hindi ko mapigilan na hindi mapaiyak. Siguro ay naramdaman ni Rose na umiiyak ako kaya naman humiwalay siya sa yakap sa akin. Tinignan naman niya ako ng mata niyang nagtataka dahil nga nakikita niyang umiiyak ako.

“Bakit ka umiiyak, Eloise? Hindi ka ba natutuwa? Buntis ka. Tama ang ating hinala,” nag-aalalang tanong sa akin ni Rose kaya naman napangiti ako sa kanya. Dahil doon ay naging panatag naman ang kanyang kalooban.

“Masayang-masaya ako bessy, dahil ang batang ito ay ang bunga ng pagmamahalan namin ni Xander. Hindi ko lamang talaga mapigilan ang hindi mapaiyak,” nakangiti kong sagot sa kanya habang patuloy pa rin ang paglandas ng aking mga luha sa pisngi ko. Muli ay niyakap ako ni Rose upang damayan ako sa aking nararamdaman.

“Masaya ako para sa ‘yo bessy. Magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya na matagal mo na inaasam,” napapatango ako sa mga sinasabi ni Rose dahil alam ko kung ano ang kanyang sinasabi. “Congratulations, Eloise.”

“Salamat bessy,” masayang sagot ko sa kanya at walang pagsidlan ang aking nararamdaman ngayon. Sana lamang ay ganito rin maging kasaya si Xander sa oras na malaman niya ang magandang balitang ito.

Wala na kasi akong mga magulang. Matagal na silang patay kaya naman kung saan-saan ako pamilyang napunta. Pero sa huli ay iniwanan pa rin nila ako. Kaya naman natutunan ko na tumayo sa aking sariling mga paa at huwag umasa sa kahit na sino. Nakilala ko si Xander sa university na pinapasukan namin ngunit dahil sa kakapusan ng pera ay kinakailangan ko na huminto muna sa pag-aaral. Inalok ako ni Xander na siya na ang magbabayad ng tuition fee ko dahil limang buwan na rin naman daw kaming magkasintahan, isa pa ay iisa lang naman ang kurso namin. Pero tumanggi ako dahil nga nahihiya ako, pero patuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin sa bagay na iyon pero tinakot ko siya na makikipaghiwalay ako sa kanya sa oras na ipilit pa niya ang gusto niya. At dahil ayaw niya daw na makipaghiwalay sa kanya ay hindi na niya ako kinulit. Noong mga panahon na natigil ako sa pag-aaral ay nagtrabaho ako at nag-ipon para naman makabalik ako muli sa pag-aaral.

Ayaw ko lang na isipin ng pamilya ni Xander na kaya ko lang sinagot ang anak nila ay dahil sa pera. Mayaman kasi ang pamilya ni Xander, ang totoo ay si Xander ang tagapagmana ng namayapang ama niya sa oras na makagraduate na siya ng kolehiyo ay siya na ang uupo bilang CEO ng kanilang kumpanya. Kaya marami din ang nagkakagusto sa boyfriend ko kahit na kami na. Pero bilib naman ako kay Xander dahil hindi niya ako niloko ni isang beses kahit na mas maganda at may sinasabi sa buhay ang umaakit sa kanya. Dahil doon ay mas lalo kong minahal si Xander kaya naman noong sumapit ang ikatlong annibersayo namin ay ginawa kong regalo ang aking sarili at tuwang-tuwa nanaman noon si Xander dahil matagal niya iyon hinihintay. Noon kasing unang taon namin ay hinihingi na niya iyon ngunit hindi ko pa maibigay sa kanya pero naging matiyaga siya sa paghihintay at si Xander na talaga ang nakikita ko na makasama ko habangbuhay.

Naputol ang pag-alala ko nang marinig ko na tumutunog ang aking cellphone hudyat na may tumatawag. Si Rose na ang kumuha no’n at inabot sa akin. Sinenyasan niya ako na aalis muna siya upang makausap ko ng sarilinan ang tumatawag sa akin, si Xander kasi ang tumatawag sa akin ngayon. Humugot muna ako ng lakas ng loob upang masagot ko ang kanyang tawag.

“Hi, babe,” masayang bati sa akin ni Xander. “I miss you already.”

Isa sa mga nagustuhan ko kay Xander ay ang pagiging malambing niya sa akin. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na ako lang ang babaeng mahal niya. Kaya naman hindi ko na maisip na lolokohin niya ako.

“I miss you too babe, pero may kailangan kang malaman.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status