Share

Chapter 4

Chapter 4

Eloise POV

"Malalim yata ang iniisip ng misis ko?" tanong sa akin ni Xander habang niyakap niya ako mula sa aking likuran.

Ngayong gabi kasi ang unang gabi namin bilang mag-asawa. Nandito kami sa isang sikat na five star hotel, dito na kami dumiretso pagkatapos ng reception ng aming kasal. Ang gusto pa nga ni Xander ay sa ibang bansa kami mag-honeymoon ngunit hindi maaari dahil marami pa siyang kailangan na gawin sa kumpanya. Ayos lang naman iyon sa akin basta nairaos namin ang aming kasal at isa na nga akong legal na asawa ni Xander, doon pa lang ay tuwang-tuwa na ako.

Nangako naman siya na sa unang anibersaryo namin ay dadalhin niya ako sa ibang bansa at doon ang magiging second honeymoon namin. Nang sabihin niya sa akin ang bagay na iyon ay nakurot ko ang kanyang tagiliran dahil nakita ko ang pilyong ngiti ni Xander.

"Hindi lang ako makapaniwala na kasal na tayong dalawa kahit na tutol ang iyong ina sa akin," nakangiti ko na sabi habang nakatingin sa repleksyon ni Xander sa transparent na bintana ng aming kwarto. Mula sa aming kinatatayuan ay kitang-kita namin ang tanawin sa labas. Makukulay na building dahil nasa Maynila kami.

"Karapat-dapat ka naman kasi pakasalan at nagpapasalamat ako dahil pumayag ka na ikasal sa akin. Isa pa ay hindi magtatagal ay madadagdagan na rin tayo," nakita ko ang malawak na pagngiti ni Xander at mula sa pagkakayakap niya sa aking bewang ay napunta ang kanyang kamay sa aking tiyan. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko, kaya hindi pa halata na buntis ako kung hindi ko ito sasabihin. "Mahal na mahal kita Eloise, maging ang magiging anak nating dalawa."

Napapikit naman ako nang banayad na halikan ni Xander ang aking leeg saka niya ako pinaharap sa kanya at naramdaman ko na lumapat sa aking labi ang malambot niyang labi. Pagkatapos ng aming halikan ay hinalikan niya naman ako sa aking noo paibaba sa tungkil ng aking ilong at mabilis niya akong binigyan ng isang smack sa aking labi.

"Walang pagsidlan ng tuwa ang aking puso ngayon Xander, salamat dahil ipinaglaban mo ako, kami ng iyong magiging anak. Mahal na mahal rin kita," sumilay sa labi ni Xander ang isang ngiti kaya naman nahawa ako at kasabay ng pagpikit ng aking mata ay siya ring pagngiti ko. Naramdaman ko na binuhat ako ni Xander papunta sa aming kama. Kahit may nadarama pa rin akong takot dahil alam ko ang gagawin namin ay panatag pa rin kami na ligtas ito sa supling na nasa sinapupunan ko dahil bago kami magpakasal ni Xander ay kumonsulta muna kami sa aking obigyne. Parehas kasi kaming natatakot kaya nagdesisyon kami na itanong, noong una nga ay nahihiya pa kami parehas pero sinabihan kami ng doctor na natural lang daw ito.

"I'll be gentle," bulong sa akin ni Xander gamit ang husky voice niya at nakaramdam naman ako ng kakaibang kiliti ng marinig ko pa lang ang kanyang boses.

Dahan-dahan niya akong inihiga sa aming kama at titig na titig kami sa isa't isa bago niya ako hinalikan sa aking noo.

"Matagal kong hinintay na makasama ka ng ganito," muli ay napangiti ako dahil sa sinabi ni Xander at ngayon ko lang namalayan na na-unhook na pala niya ang aking suot na pang ilalim kung hindi niya pa ito ipinakita sa akin.

Napapikit ako nang maramdaman ko na lang na hinahalikan na ako ni Xander sa aking leeg at ang kamay niya ipinasok niya sa suot kong damit kaya naman ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad na nagmamasahe na sa aking hinaharap. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi masabunutan si Xander ng wala sa oras. Ito ang pangalawang beses na gagawin namin ang pagniniig pero para sa akin ay ito pa rin ang unang beses dahil sa iba't ibang nararamdaman ko na emosyon.

Ipinaramdam sa akin ni Xander na ingat na ingat siya sa bawat kilos niya dahil ayaw niya rin masaktan niya ang anak namin. Alam ko na magiging mabuting ama siya at ipinagpapasalamat ko sa Diyos dahil sa wakas ay ito na ang umpisa ng pagkatupad ng pangarap ko na buo ang pamilya. Hindi ko kasi naranasan ang magkaroon ng magulang kaya naman ayaw ko na matulad sa akin ang aking anak.

Ang liwanag ng buwan at ang apat na sulok lamang ng kwarto ang tanging saksi sa ginagawa namin ni Xander sa mga oras na ito. At pagkatapos ng aming muling pag-iisa ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na may ngiti sa aking labi.

"Good morning sleepyhead," rinig ko nang maimulat ko ang aking mata at nasilayan ko si Xander na nakangiti na nakatingin sa akin habang inaayos niya ang kanyang kurbata.

"Good morning, bakit hindi mo ako ginising? Hindi tuloy kita naipaghanda ng makakain," sabi ko sakanya at dali-dali akong tumayo ngunit bigla niya akong binuhat na siyang ikinabigla ko. Saka niya ako muling ipinahiga sa kama.

"No need na hon, alam ko naman na napagod kita kagabi," sabi niya sabay kindat sa akin kaya muli ay naalala ko ang pinagsaluhan naming dalawa kagabi kaya ang resulta ay pinamulahan ako ng aking pisngi. "Isa pa ay kinakailangan niyo ni baby ang pahinga. Ayoko na mapagod kayo."

"Pero tungkulin ko bilang asawa ang pagsilbihan kita."

"Ganito na lang hon, alam ko naman na hindi ka magpapatalo. Papayagan na kita na gawin ang gusto mo pero please lang hon, huwag mong papagurin ang iyong sarili okay? Kapag nanganak ka na pwede mo na ako pagsilbihan kahit kailan mo gusto but for now ako muna ang magsisilbi sa inyo ni baby. Wait, kahit nanganak ka na ay pagsisilbihan pa rin kita dahil reyna kita," hindi ko alam pero napaluha na lang ako bigla sa naging mahabang sinabi ni Xander.

"What's wrong hon? May nasabi ba ako na masama?" agad akong napailing sa kanya.

"Thank you," tipid kong sabi sa kanya dahil baka mamaya ay mapahagulgol na ako. "Sorry, hormones lang."

"I understand hon, diba nga ang sabi ng doctor ko ay madaling maging emotional ang mga buntis. Ano ba ang gusto mong pasalubong ko sa 'yo?"

"Pipino at bangoong hon, please."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status