NAKAHANDA ba ang puso mong masaktan para lang makasama ang taong lihim mong minamahal? Kung oo, then, grab it! Isang malaking pagkakamali ang pagpapakasal ni Azeah Gwen sa lalaking hindi siya mahal at sa loob ng dalawang taon sa piling nito'y wala itong ginawa kundi ang pasakitan siya. Hindi matanggap na sa isang tulad lamang niyang dukha ito matatali at hindi sa girlfriend na mahal na mahal nito. May pag-asa pa kayang maging maayos ang kanilang pagsasama? Paano kung isang sekreto ang mabubunyag na tiyak na lalong ikagagalit ng kaniyang asawa? Matanggap pa kaya siya nito?
View MoreNaiiyak si Gwen na tumingin kay Tina. Kita niya ang takot at galit sa mata nito "Huwag kang makialam, Tina! Wala kang karapatang manghimasok sa buhay namin. You're just a maid!""Katulong man ako pero may puso naman ako. At kung wala akong karapatang manghimasok, wala ka ring karapatang saktan si Gwen. Asawa ka lang niya sa papel, Gian!" litanya ni Tina.Bahagyang natigilan si Gian, ngunit saglit lang ay napangisi ito. "Asawa ko nga lang pala siya sa papel at kahit kailan ay hinding-hindi kita matatanggap at hinding-hindi rin kita mamahalin, Gwen!" Unti-unti na nitong niluwagan ang pagkakakapit sa buhok niya. Itinulak siya nito at bumalandra ang katawan niya sa harapan ni Tina. "Get out of my sight!"Atubili siyang tumalikod, sinundan siya ni Tina. Pagkarating sa silid ay umiyak siya nang umiyak. Ramdam pa rin niya ang hapdi sa anit niya, nadagdagan pa ang hapding iyon sa narinig mula sa bibig nito. Kahit ilang beses na niyang narinig na kahit kailan ay hindi siya nito mamahalin, mas
Ilang oras na siyang nakakulong sa sasakyan o mas tamang sabihing ikinulong ni Gian, halos maiyak at naso-suffocate na rin siya. Tagaktak pa ang pawis sa noo. Ilang dalangin na rin ang inusal niya. "Lord, Kayo na po ang bahala sa akin." Ipinagdaop niya ang dalawang palad at doon ay huminga nang paulit-ulit. Bago tuluyang bumigay ang kaniyang dibdib ay narinig niya ang pag-click ng pinto. Nagmulat na siya ng mata at bago pa tuluyang pumasok si Gian ay madali niyang pinahid ang bakas ng pagluha niya. Walang sabi-sabi itong pumasok, ni hindi man lang kinumusta ang kalagayan niya, kung nakahinga na ba siya kahit limang hinga? In-start na nito ang sasakyan at binuhay ang aircon. Sunod-sunod ang paglanghap niya ng hangin at nagpasalamat sa nasa Taas. Hindi pa rin siya pinababayaan Nito. Habang binabagtas ang daan pauwi sa mansyon ay nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Pakiramdam niya'y nakalutang siya at wala ring anumang naririnig. Dinala siya ng isipan sa nakaraan, nakaraan
Maluha-luha si Gwen habang nagpapaalam si Sylvia sa kaniya. Iyon na ang araw na pag-alis ng ginang. Aalis na ang taong tagapagligtas niya at walang katiyakan kung kailan babalik. Naisip niya, pinahihirapan talaga siya ng pagkakataon. "Ihahatid na kita, Mom," pagbubuluntaryo ni Gian. "Oh, sige. Isama mo na rin si Gwen, 'nak. Gusto kong mag-bonding kami ng daughter-in-law ko papuntang airport. Mami-miss ko iyan. Ingatan mo siya, Gian," bilin nito. "Sige, Mom, iingatan ko siya. Mag-change lang kami ng suot." Iingatan? Sana nga ay totoong iingatan siya nito. Kahit alam niyang kabaliktaran ang sinabi nito'y napangiti na rin siya. Kahit hindi na siya nito mahalin, basta't ingatan at irespeto lang ay sapat na sa kaniya. Alam din naman niyang walang kapantay ang pagmamahal nito kay Zabrina at hindi niya mapapalitan ito sa puso ng binata. Pero, hindi nga kaya? "Okay. I'll wait here." Sa mata ng ginang ay nagpakita ng lambing si Gian. Inalalayan siya nito paakyat sa hagdan na labis naman
Magdamag na iniyakan ni Gwen ang ginawang pananakit ni Gian. Wala pa silang isang buwang ikinasal, pero nasa impiyerno na agad siya. Ngayon niya nararamdaman ang sakit sa parteng leeg at dahil doon ay naiiyak na naman siya. Maaga pa rin siyang gumising. Maingat siyang lumabas at nagdumaling bumaba. Hindi na siya nagluluto ng almusal dahil sa asawa, ayaw nito ng luto niya, pero kapag wala ito ay siya na ang nagpi-presentang magluto. "Morning, Gwen!" bati ni Tina sa kaniya. "Good morning, Ate."Ate na ang itinawag niya rito dahil matanda ito sa kaniya ng limang taon. May katagalan na itong naninilbihan sa mansyon, masarap itong magluto kaya siguro ay ayaw pakawalan ni Sylvia. Nagpaalam na kasi ito na aalis pero tumanggi ang ginang. Nilakihan ng ginang ang sahod nito para manatili lang sa mansiyon. "Anong nangyari sa iyo?" Gulat itong nakatitig sa kaniya. Napakurap siya sa tanong nito. May sugat ba siya sa katawan? Mapula ba ang leeg niya? Hindi rin naman kasi siya nananalamin bago
Humingi ng paumanhin si Sylvia kay Gwen sa inasal ng anak. Ipinagpapasalamat na lang niya dahil mabait ang ginang at hindi siya nito pinababayaan. Hiling lang niya na sana ay hindi ito magbago. Kahit alam niyang kampi ang ginang sa kaniya ay nakararamdam pa rin siya ng sakit sa pakikitungo sa kaniya ng asawa. "Naiintindihan ko po iyon. Marahil ay hindi pa lang talaga niya ako matanggap." May bumikig sa lalamunan niya matapos banggitin ang salitang iyon. Kung alam lang ng ginang na hanggang langit ang galit ng anak nito sa kaniya. Ayaw naman niyang sabihin dahil baka ay madagdagan pa ang galit ni Gian sa kaniya. Iiwasan na lang niya ang binata.Isinama siya ng ginang sa mall, Hindi na siya nakatanggi nang ipamili siya ng mga damit, shoes, bags at kung ano pa ang kaniyang kailangan sa bahay. "Lets eat, iha. Nagugutom na ako." Sumunod siya sa ginang. Ang ilan sa pinamili ay ito ang nagdala kaya lalong nadagdagan ang hiya niya. Sa isang mamahaling restaurant sila pumasok. Habang hini
HINDI ipinagkalat ni Gwen ang nangyari nang unang gabi bilang mag-asawa nila ni Gian, kahit kay Sylvia. Masakit para sa tulad niyang babae ang nangyari, lalo na't asawa siya nito. Alam niyang hindi siya mahal ng asawa, pero sana man lang ang i-respeto siya bilang isang babae. Magkagayunpaman, ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon. Sa harapan ng ginang ay maayos ang pakikitungo nito sa kaniya, ngunit kapag nakatalikod na, daig pa niya ang isang kriminal sa mata nito. Sa iisang silid na rin sila natutulog, ngunit hindi sa iisang kama. Sa malamig na semento siya natutulog na nilalatagan niya ng manipis na sapin at nasa pinakasulok ng silid. Sabi ng asawa niya, dapat ay malayo siya sa tutulugan nito. Kaya't heto siya, daig pa ang basang sisiw, sa sahig natutulog. Sinabihan siya nito na dapat tuwing umaga bago ito magmulat ng mata'y wala na siya sa silid. Kaya nama'y inaagahan niyang gumising, tulad nang umagang iyon. Alas kuwatro pa lang ay gising na siya. Matapos maisayos ang tinulu
NAGSASAYA na ang lahat ng nasa reception na ginanap sa isang hotel maliban kay Gwen. Nasa tabi lamang siya habang nagmamasid sa mga bisita. Naroon din si Celly na bukod kay Zabrina ay close friend niya. Lumapit ito sa kaniya at pilit siyang pinasaya. "Sa lahat ng babaing ikinasal, ikaw lang yata ang kilala kong nakikipaglibing," pang-iinis nito na ikina-iling niya. "Sira ka talaga!" sabi pa niya sa inirapan ito. Napabaling ang mukha niya sa nakatayong si Gian. May kausap itong sexy at magandang babae. Bumalatay sa mukha niya ang lungkot at maagap na iniiwas ang paningin dito. Hindi niya kayang magsaya kahit ngayon pa ang araw ng kaniyang kasal. "Come on! Magsaya ka naman! Hindi ito libing." Hinila nito ang kaniyang kamay. "No, thanks. Dito na lang ako." "Ang kj mo." Inirapan siya nito. Napahinga ito ng malalim. Maya't maya pa ay sumeryoso ang mukha nito. "Alam kong hindi ka masaya kaya bakit mo pa tinanggap ang kasal? Bakit ka pa nagpakasal? Puwede ka namang tumanggi." Aga
"GIAN!" Nanginginig ang katawan na napabaling si Gwen sa sumigaw na ginang, nasa bukana ito ng pinto at halos hindi maipinta ang hitsura. "Ano bang katarantaduhan ang ginagawa mo kay Gwen?" pasigaw muli nitong sabi. Tuluyan na itong lumapit sa kinaroroonan niya. Inalalayan siya nitong makatayo. "Are you okay, iha?" "O-opo," mahinang tugon niya. Kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ng katawan niya. Bumaling ang ginang sa binatang tila hindi nabawasan ang galit sa kaniya. "Kailan ka pa natutong manakit ng babae, Gian? Hindi kita pinalaking walang galang sa babae!" sigaw nito na halos ikalabas na ng litid sa leeg nito. "Mom, ginalaw niya ang mga gamit ko!" ganting hiyaw ng binata. "Why? Is that gold? Or crystal na puwedeng nakawin?" Pinanlakihan nito ng mata ang binata. "Mom, you know naman na ayaw kong pinakikialaman ang gamit ko, hindi ba?" "Then, dapat ipinaintindi mo sa kaniya, hindi yung nananakit ka kaagad!" Umiwas ng tingin ang binata. Ibinalik nito ang picture fram
Hindi na pinapasok sa Gwen sa trabaho niya. Ayon kay Sylvia ay pagtuunan na lang daw niya ng pansin ang kasal nila ng anak nito. Hindi pa man siya naka-oo sa kasal ay planado na ng ginang na labis niyang ipinagtataka. Todo alaga rin ito sa kaniya. Araw-araw itong bumibisita sa kaniya o kaya nama'y isinasama siya sa mga lakad nito. Ipinakilala rin siya sa iba nitong mga kaibigan bilang mapapapangasawa ng anak nito. Si Zabrina na matagal ng nobyo ng anak nito'y hindi pa kailanman niya nakitang pinahalagahan ng sobra ng ginang. O, dahil hindi naman siya madalas nakakasama nito.Nabalitaan niyang pumunta na sa Canada ang kaibigan niya na labis niyang ikinalungkot. Hindi man lang sila nagkausap bago ito umalis. Napahinga siya at napatingala sa kesame. Mag-isa lang siya roon. Kapwa may pasok ang dalawang kasama niya. Mag-iisang buwan na rin simula nang pinag-resign ni Sylvia kaya ngayo'y nakararamdam siya ng lungkot at pagkainip. Tumayo siya't pumasok ng silid. Maliligo siya. Balak niyang m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments