Ilang oras na siyang nakakulong sa sasakyan o mas tamang sabihing ikinulong ni Gian, halos maiyak at naso-suffocate na rin siya. Tagaktak pa ang pawis sa noo. Ilang dalangin na rin ang inusal niya. "Lord, Kayo na po ang bahala sa akin." Ipinagdaop niya ang dalawang palad at doon ay huminga nang paulit-ulit. Bago tuluyang bumigay ang kaniyang dibdib ay narinig niya ang pag-click ng pinto. Nagmulat na siya ng mata at bago pa tuluyang pumasok si Gian ay madali niyang pinahid ang bakas ng pagluha niya. Walang sabi-sabi itong pumasok, ni hindi man lang kinumusta ang kalagayan niya, kung nakahinga na ba siya kahit limang hinga? In-start na nito ang sasakyan at binuhay ang aircon. Sunod-sunod ang paglanghap niya ng hangin at nagpasalamat sa nasa Taas. Hindi pa rin siya pinababayaan Nito. Habang binabagtas ang daan pauwi sa mansyon ay nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Pakiramdam niya'y nakalutang siya at wala ring anumang naririnig. Dinala siya ng isipan sa nakaraan, nakaraan
Naiiyak si Gwen na tumingin kay Tina. Kita niya ang takot at galit sa mata nito "Huwag kang makialam, Tina! Wala kang karapatang manghimasok sa buhay namin. You're just a maid!""Katulong man ako pero may puso naman ako. At kung wala akong karapatang manghimasok, wala ka ring karapatang saktan si Gwen. Asawa ka lang niya sa papel, Gian!" litanya ni Tina.Bahagyang natigilan si Gian, ngunit saglit lang ay napangisi ito. "Asawa ko nga lang pala siya sa papel at kahit kailan ay hinding-hindi kita matatanggap at hinding-hindi rin kita mamahalin, Gwen!" Unti-unti na nitong niluwagan ang pagkakakapit sa buhok niya. Itinulak siya nito at bumalandra ang katawan niya sa harapan ni Tina. "Get out of my sight!"Atubili siyang tumalikod, sinundan siya ni Tina. Pagkarating sa silid ay umiyak siya nang umiyak. Ramdam pa rin niya ang hapdi sa anit niya, nadagdagan pa ang hapding iyon sa narinig mula sa bibig nito. Kahit ilang beses na niyang narinig na kahit kailan ay hindi siya nito mamahalin, mas
Patuloy ang pagpapahirap at pananakit kay Gwen ng asawa. Hindi lang pisikal kundi emosyonal. Madalas ding nagdadala pa rin ito ng babae, pero hindi na siya pinapaharap dito. Kung minsan ay umuuwi itong lasing at kahit malalim na sa gabi ay kailangan pa rin niya itong pagsilbihan. Hindi nito matanggap na sa isang tulad niya ito maiikasal. Kung anu-anong masasakit ang madalas niyang marinig mula rito lalo na kung lasing. Hindi siya umangal, hindi nagreklamo.Madalas siyang tawagan ni Sylvia, pero lagi ring kaharap si Gian at wala siyang dapat ibang sabihin tungkol sa nangyayari sa mansiyon, ganoon din si Tina at Glenda. Walang sinuman ang magkalakas ng loob para sabihin dahil nakatutok ang matalim na mata ng kaniyang asawa. Kapag video call nama'y ipinapakita nito na sweet sila at pagkatapos nilang mag-usap ay saka siya pandidirihan na dinaig pa ang may nakahahawang sakit. Nasanay na siya sa ganoong uri ng pagtrato ni Gian sa kaniya... sisigawan, babatukan, duduruin, sisipain at kung a
HINDI magkandaugaga si Gwen sa paglalaba ng malalaking curtain at bed sheet, mayroon pa siyang lalabahan na naglalakihang carpet. Tagaktak na rin ang pawis sa noo. Hingal-kabayo siya matapos mabanlawan ang nilalabhan. Noong nandito ang Mommy Sylvia niya'y pinapa-laundry nila iyon. Malapit nang magkasugat ang kamay niya sa kakukusot ng malalaking tela.Ang dalawang katulong nama'y ginagawa ang kani-kanilang trabaho sa loob ng mansiyon at ayon sa asawa niya'y bawal nang tumulong ang mga iyon sa kaniya. Isa-isa niyang isinampay iyon sa sampayang siya rin ang gumawa sa likod ng mansiyon. Utos iyon ni Rachel-- ang babaing impaktang mangkukulam kung tawagin ni Glenda at Tina. Kahit pagod ay hindi niya napigilan ang mapangiti nang sumagi sa isipan ang salitang iyon. Pasalamat siya dahil nasa tabi pa niya ang dalawa. Sila ang kaniyang tagapagtanggol sa tuwing si-sermunan siya ni Rachel. Mahigit isang buwan na itong tumutuloy sa mansiyon na dinaig pa ang tunay na amo kung makapag-utos.Feeling
Abot-abot ang kaba ni Gwen nang mapagtanto ang mga binitiwang salita. Bigla na lamang nanlamig ang buo niyang katawan lalo na nang makita ang nanlilisik na mata ni Gian. Saglit pa ay tumaas ang kabilang gilid ng labi nito at unti-unting lumapit sa kaniya. "What did you say?"Napalunok siya ng laway. Naramdaman niya ang pagkapit ni Tina sa kaniyang palad kaya't napasulyap siya rito. Si Glenda ay nasa kabilang gilid niya, magulo pa rin ang buhok at namumula ang mukha dahil sa mga sampal na inabot nito mula kay Rachel. "Hindi man ikaw ang nagpapasahod sa amin at nangako ako sa ina mo na hihintayin namin ang pagbabalik niya, pero hindi ko na kaya!" Si Tina na ang sumagot para sa kaniya. "You are free leave, Tina! I don't need you, pero hinding-hindi niyo maisasama si Gwen. Dito lamang siya!''Natigalgal siya sa narinig. Akala niya'y paaalisin siya nito. Pero sana'y pumayag na lang ito na umalis siya. "Para, ano? Para pahirapang muli? Para alilaing muli--""Stop!" awat agad ni Gian.
AFTER TWO YEARS... Nasa mansiyon pa rin si Gwen at sa loob ng dalawang taon ay wala siyang ibang naranasan kundi hirap at pasakit mula sa asawa. May oras na gusto na niyang sumuko, naisipan niya na rin ang tumakas, pero palagi siyang nahuhuli ni Rachel. Dinaig pa niti ang isang reyna. Madalas din siya nitong sigawan, murahin at saktan. Lahat ng iyon ay tiniis niya. Kapag umaalis si Gian ay ikinakandado na nito ang pinto. Sa tuwing tumatawag ang kaniyang mother-in-law saka pa lamang siya nakakalaya kahit ilang minuto lamang. Ang ipinagtataka lamang niya'y hindi nito itinatanong ang dalawang kasambahay. Ano kayang palusot ang sinabi ni Gian sa ginang? Isang araw, nagyaya si Rachel. Nagpapasama ito sa mall na mag-shopping. Nagpaalam ito kay Gian, kaya pumayag na rin siya. At ang lukaret na babae, hindi pala mamimili kundi may katatagpuing lalaki. Naisip niyang, alam kaya iyon ng kaniyang asawa? Malamang, hindi. Wala naman siyang pakialam doon, pero ang isa niyang ikinasasama ng loob
MABILIS na pinasibad ni Gian ang sasakyan. Bagama't nakadama ng takot, mas pinili niyang iwan si Gwen na duguan ang ulo. He was really shocked after seeing a blood in her hand. Nagalit siya nang husto sa nalamang boyfriend nito ang lalaki. Ang malamang may ibang lalaki ito ay hindi niya matanggap. Natapakan siya. His ego and his pride. Binilisan pa niya ang pagmamaneho at narinig niya ang paghiyaw ng kung sinuman. Nilingon niya iyon, saka lang nalamang kasama pala niya si Rachel. Mas pinatulin pa niya ang pagmamaneho. "Slowly, Gian!" Muli siyang napasulyap sa katabi na halos magkulay-suka na. He smirked. Sa halip na bagalan ay mas pinatulin pa niya ang pagmamaneho, na kahit yata alikabok ay hindi kayang kumapit sa labas ng sasakyan niya. "Gian!" paulit-ulit nitong hiyaw na galos ikabingi niya. "If you're scared, then, get out of my car!" ganting hiyaw niya rito na ikinatahimik naman nito. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa natunton ng sasakyan ang isang bar na pagm
"You?" Gulat na gulat si Gian nang makita ang babaeng nakatayo sa kaniyang harapan. "What?" kunot-noong tanong nito habang tinutuyo ang basang buhok. "Ikaw ba ang nag-ayos sa akin?" baritonong tanong niya. "Yes! Is there something wrong?" Siya naman ang napakunot ang noo. "Teka nga pala, what are you doing in my room?" "Tsk. Matapos mo akong iwanan sa bar at matapos kitang ayusin sa pagkakatulog mo, ngayo'y tatanungin mo ako kung ano ang ginagawa ko sa room mo?" Bigla na namang uminit ang kaniyang bunbunan. Ayaw niya ng maraming satsat. "Leave!" utos niya rito. "Ano?" "I said leave! Leave this mansion, now!" Maang itong napatitig sa kaniya. Ngunit agad ding napahagalpak ng tawa. "Crazy!" "You heard me, right? Leave!" Halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa pagsigaw dito. "Teka nga, bakit ka ba nagkakaganiyan? Ano bang problema mo?" Anong problema niya? Hindi rin niya alam. Lumapit siya rito't hiniklas ang braso. "Aray! Ano ba? Nasasaktan ako." Naalala
"GOOD evening ladies and gentlemen. Hindi naman lingid sa inyo ang nangyaring insidente sa amin twenty-two years na ang lumipas. Isang trahedya kung bakit hindi namin nakasama ang aming panganay na si Andrei." Mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ni Gwen ang nagsasalitang asawa. Marami ang taong nakapalibot sa kanila, ang ilan doon ay mga employees, nandoon din ang board member at ilan sa matataas na namamahala sa kompanya nito kabilang na si Adrix, kasama nito ang asawang si Celly. Si Francis at ang mag-ina nito. Maging si Lance at Eunice, at lahat ng kaibigan nito. "Ipinagluksa namin at nadamay pa ang nag-aalaga dito. But unfortunately, dinala ang paa naming mag-asawa patungo sa katotohanan. Katotohanang buhay pa ang aming anak. Hindi ipinagkaloob ng Maykapal na mawala ang aming anak. May mabuting puso na nagligtas dito. And now, I am proud to introduce to all of you our long lost son Gian Andrei McCollins!" Umalingawngaw ang boses ni Gian sa malawak na bakuran ng mansyon, kasabay
"SWEETHEART..." May pag-aalinlangan si Gwen, dapat ba niyang sasabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki? "Yes, baby?" Patalikod siyang niyakap ng asawa. "Anong gumugulo sa isipan mo?" Paano nito nalamang may gumugulo sa isipan niya? Hindi agad siya sumagot, bagkus ay muling pinag-isipan kung ipaalam pa ba sa asawa. Dumampi sa pisngi niya ang labi nito, bumaba sa leeg. Kagat-labing pumikit siya. Nagtagal doon ang labi nito, paulit-ulit na h******n hanggang sa humantong sa balikat. 'Yon naman ang pinaglaruan nito. Kahit may edad na sila, active pa rin silang mag-asawa sa s*x. Walang palya si Gian at masaya siyang naibibigay dito ang pangangailangan bilang lalaki. "Teka..." Maagap niyang pinigilan ang pumapaloob nitong palad, pilit hinahalukay ang underwear niya. "Hindi pa ako nakakainom ng p*lls." Mula sa nanlalabong kamalayan ay naalala niya ang gabi-gabing ginagawa. Huminto ito sa ginagawa. Kapwa namumungay ang mata nang iharap siya nito. "Okay lang, baby. Hindi mo na kailanga
HINDI mawala-wala sa isipan ni Gwen ang lalaking nakabunggo sa kanila habang papunta sa comfort room. Ang imahe ng lalaki ay nakatatak na sa kaniyang isipan at para bang may hinahalukay sa kailaliman ng kaniyang puso. Bakit parang pamilyar ito sa kaniya? Kaya nama'y pilit niyang inaalala kung nakita na ba ito noon, pero wala siyang matandaan, isa pa'y ngayon lang sila nagawi sa lugar na 'yon. Sa tuwing pumupunta sila sa puntod ni Andrei ay bumabalik kaagad sila. Parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang buhay ng lalaking 'yon. Ayon sa kasama niyang bata ay kuya nito 'yon, pero hindi tunay na kapatid. "Are you okay, baby?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang maramdaman ang init ng palad ng asawa. Kinurap niya ang mata at tumitig dito. May gusto siyang sabihin. Alam niyang kapag humingi siya ng tulong dito'y madali lang niyang malalaman ang tungkol sa lalaking 'yon, pero nagdadalawang-isip isip siya. "S-sweetheart--" Nabitin sa ere ang balak sanang sabihin. Bakit nga b
NAKANGITI si Gwen habang pinagmamasdan ang kaniyang kambal na masayang naglalaro. Dumaan pa sila sa bayan ng Valencia, ang nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng trahedya. Fiesta pala sa lugar na 'yon. Marami ang nakahilirang iba't ibang uri ng pagkain at mga damit, may kung anu-ano pang mga tinda na nasa gilid ng kalsada. Nasa palaruan sila. Gusto raw maranasan ng kambal na maglaro kasama ang mga batang kalye. "Taya!" sigaw ng isang batang babae nang mahuli nito si Gale. Tawang-tawa naman ang kaniyang anak. Inihanda nito ang sarili sa paghabol sa mga bata kasama na rin si Giselle. "Andiyan na ako!" Nagsipatakbo ang mga bata at kambal nito. Kasing-bilis ng hangin sa pagtakbo ang mga bata. Naiwan pa ng mga ito si Giselle, ngunit kahit ganoon ay makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Ito ang pinunterya ni Gale. "They're both happy." Nilingon niya ang nagsalita. Lumapat sa baywang niya ang braso nito, maging ang labi ay naramdaman din niya. Isinandig niya ang ulo sa dibd
TWENTY-TWO YEARS LATER Nakamasid si Gwen sa kubo, walang dingding 'yon. Naliligiran ng iba't ibang klase ng rose at african daisy, ang lupa ay nalalatagan ng bermuda grass. May bakod na alambre at ang labas ay nagtataasang puno ang makikita sa labas. Nanginginig siyang pumasok. Ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang lugar na pinagkublihan nila nang hinahabol sila ni Larry. Ang lugar na kung saan ay kumitil sa walang muwang na buhay ng kaniyang anak na si Andrei. 'Till now, msakit pa rin sa kaniya ang sinapit ng kaniyang anak, hindi pa rin niya matanggap na maaga itong kinuha sa kanila ng Maykapal. Marahan siyang umupo, hinaplos ang lapida na kung saan ay nakasulat ang pangalan ng panganay niyang anak. Ngayon ang ika-twenty-two years na pagkawala ni Andrei. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Andrei ay nagtutungo sila sa lugar na 'yon. Binili rin ni Gian ang parteng 'yon para walang ibang makakapasok. Ilang taon na ang lumipas
"NO!" hiyaw ni Gwen. Nalaman niyang wala na nga ang kaniyang anak. Kasama itong sumabog sa kubo at si Nimfa. Nakaagapay sa kaniya ang asawa at maging ito ay luhaan din. Paulit-ulit din niyang naririnig ang paghingi nito ng tawad. "Baby... asawa ko. Patawarin mo ako." "No, Gian! Ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya. Please, ibalik mo siya," hagulgol niyang pakiusap sa asawa. Hagyang humiwalay ang katawan nito, sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Kaya mo 'yan, kaya natin. Para sa isa pang nabubuhay sa 'yong sinapupunan, mahal ko. Magpakatatag ka, please." Unti-unti siyang nahimasmasan, napahinto sa pagwawala pero hindi pa rin maampat-ampat ang pagdaloy ng luha. May isa pa nga palang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nahaplos niya ang wala pang umbok na puson. Pero, paano si Andrei? Ang kaniyang anak na hindi mawaglit-waglit sa isipan niya. "Anak ko..." palahaw niya. Muli siyang niyakap ng asawa. "Alam mo, mas nanaisin ko pang ang nawala ay ang ating anak
MALAYANG pinagmamasdan ni Gian ang nahihimbing na asawa. Nasa hospital ito, si Bryan ay nasa critical na kundisyon, si Vic, bagama't may daplis ng bala ang braso ay nakalabas na ng pagamutan at nasa presinto para magbigay ng pahayag tungkol sa naganap. Habang nakamasid sa asawang walang malay ay nanumbalik sa isipan niya ang tagpo nang nagdaang gabi, nang harangan sila ng grupo ni Larry. Sinong mag-aakalang sa probinsiya pala ito nagtatago? Bago pa makabunot ng baril ang mga pulis ay nagpaulan na ng bala ang kalaban. Siya man ay may daplis din ng bala sa parteng tiyan, pero hindi niya 'yon alintana, mas nangangamba siya sa magiging reaksyon ng asawa kapag nalamang kasama sa pagsabog ang kanilang anak. Nang magkamalay ito'y paulit-ulit nitong tinatanong ang tungkol kay Andrei, pero hindi niya masabing wala na ang kanilang anak. Hindi niya alam kung paano, tiyak na masasaktan ito nang husto. Nalaman din niyang dinadala nito ang ikalawa nilang anak, ang bunga ng kanilang pagmamahalan. H
"ANDREI, anak ko!" Paulit-ulit na sabi ni Gwen habang umiiyak. Sakay pa rin sila ng sasakyan at patuloy ba tumatakas sa grupo ni Larry. Wala siyang pakialam sa palitan ng putok o kung may tumama mang bala sa katawan niya, ang tanging nasa isipan niya'y ang kaniyang anak. "Anak ko..." "Baby, asawa ko, I'm sorry." Narinig niya ang tinig ni Gian. Aaminin niyang nagtatampo siya rito, pero mas nagagalit siya sa kaniyang sarili. Siya ang ina, siya dapat ang nagbabantay kay Andrei, pero ipinagkatiwala lang niya ang buhay ng kanilang anak sa sa tagapag-alaga nito. Malapit na sila sa lugar na kung saan ay una nilang nakitang nakaharang ang grupo ni Larry, nang marinig ang boses ni Vic. Mabilis siyang nag-angat ng paningin. "Sir, mukhang may paparating." Nagkatitigan sila ni Gian. Lalong bumalatay ang takot sa mukha ng asawa niya. Hindi na malaman kung ano ang gagawin. "Sweetheart..." Yumakap siya rito. "I'm sorry, baby. Hindi ko natupad ng ipinangako kong poprotektahan kita, kayo
"SWEETHEART..." Nilingon ni Gian ang asawa. Nakaguhit sa mukha nito ang matinding takot. Nasa loob na sila ng maliit na kubo, pinagkasya nila ang kanilang mga sarili roon. Si Bryan ay nakasilip sa pinto, habang si Vic ay sa bintana. Si Nimfa ay nakasuksok sa tabi at nakabantay sa natutulog nilang anak. Nilapitan niya ang asawa at ikinulong sa malapad niyang dibdib. "I'm sorry," nasambit na lang niya. "Natatakot ako." Hindi siya makasagot dahil maging siya ay natatakot din. Naiinis din siya sa sarili, sinabing poprotektahan ang asawa't anak pero ngayon ay wala siyang magawa. Hindi alam kung paanong makaaalis sa trahedyang kinakaharap. Hindi pa nila kasama si Francis ngayon, si Bryan ay sugatan pa. Naalarma siya nang marinig ang ugong ng sasakyan. Ilang beses siyang nanalangin na sana'y hindi mapansin ang kubong pinagkukublihan nila. Halos hindi na siya humihinga habang dumaraan ang sasakyan. Mariin ang pagkakakuyom ng kamao. "Sir," pabulong na tawag ni Vic. "Lumampas