Naiiyak si Gwen na tumingin kay Tina. Kita niya ang takot at galit sa mata nito "Huwag kang makialam, Tina! Wala kang karapatang manghimasok sa buhay namin. You're just a maid!""Katulong man ako pero may puso naman ako. At kung wala akong karapatang manghimasok, wala ka ring karapatang saktan si Gwen. Asawa ka lang niya sa papel, Gian!" litanya ni Tina.Bahagyang natigilan si Gian, ngunit saglit lang ay napangisi ito. "Asawa ko nga lang pala siya sa papel at kahit kailan ay hinding-hindi kita matatanggap at hinding-hindi rin kita mamahalin, Gwen!" Unti-unti na nitong niluwagan ang pagkakakapit sa buhok niya. Itinulak siya nito at bumalandra ang katawan niya sa harapan ni Tina. "Get out of my sight!"Atubili siyang tumalikod, sinundan siya ni Tina. Pagkarating sa silid ay umiyak siya nang umiyak. Ramdam pa rin niya ang hapdi sa anit niya, nadagdagan pa ang hapding iyon sa narinig mula sa bibig nito. Kahit ilang beses na niyang narinig na kahit kailan ay hindi siya nito mamahalin, mas
Patuloy ang pagpapahirap at pananakit kay Gwen ng asawa. Hindi lang pisikal kundi emosyonal. Madalas ding nagdadala pa rin ito ng babae, pero hindi na siya pinapaharap dito. Kung minsan ay umuuwi itong lasing at kahit malalim na sa gabi ay kailangan pa rin niya itong pagsilbihan. Hindi nito matanggap na sa isang tulad niya ito maiikasal. Kung anu-anong masasakit ang madalas niyang marinig mula rito lalo na kung lasing. Hindi siya umangal, hindi nagreklamo.Madalas siyang tawagan ni Sylvia, pero lagi ring kaharap si Gian at wala siyang dapat ibang sabihin tungkol sa nangyayari sa mansiyon, ganoon din si Tina at Glenda. Walang sinuman ang magkalakas ng loob para sabihin dahil nakatutok ang matalim na mata ng kaniyang asawa. Kapag video call nama'y ipinapakita nito na sweet sila at pagkatapos nilang mag-usap ay saka siya pandidirihan na dinaig pa ang may nakahahawang sakit. Nasanay na siya sa ganoong uri ng pagtrato ni Gian sa kaniya... sisigawan, babatukan, duduruin, sisipain at kung a
HINDI magkandaugaga si Gwen sa paglalaba ng malalaking curtain at bed sheet, mayroon pa siyang lalabahan na naglalakihang carpet. Tagaktak na rin ang pawis sa noo. Hingal-kabayo siya matapos mabanlawan ang nilalabhan. Noong nandito ang Mommy Sylvia niya'y pinapa-laundry nila iyon. Malapit nang magkasugat ang kamay niya sa kakukusot ng malalaking tela.Ang dalawang katulong nama'y ginagawa ang kani-kanilang trabaho sa loob ng mansiyon at ayon sa asawa niya'y bawal nang tumulong ang mga iyon sa kaniya. Isa-isa niyang isinampay iyon sa sampayang siya rin ang gumawa sa likod ng mansiyon. Utos iyon ni Rachel-- ang babaing impaktang mangkukulam kung tawagin ni Glenda at Tina. Kahit pagod ay hindi niya napigilan ang mapangiti nang sumagi sa isipan ang salitang iyon. Pasalamat siya dahil nasa tabi pa niya ang dalawa. Sila ang kaniyang tagapagtanggol sa tuwing si-sermunan siya ni Rachel. Mahigit isang buwan na itong tumutuloy sa mansiyon na dinaig pa ang tunay na amo kung makapag-utos.Feeling
Abot-abot ang kaba ni Gwen nang mapagtanto ang mga binitiwang salita. Bigla na lamang nanlamig ang buo niyang katawan lalo na nang makita ang nanlilisik na mata ni Gian. Saglit pa ay tumaas ang kabilang gilid ng labi nito at unti-unting lumapit sa kaniya. "What did you say?"Napalunok siya ng laway. Naramdaman niya ang pagkapit ni Tina sa kaniyang palad kaya't napasulyap siya rito. Si Glenda ay nasa kabilang gilid niya, magulo pa rin ang buhok at namumula ang mukha dahil sa mga sampal na inabot nito mula kay Rachel. "Hindi man ikaw ang nagpapasahod sa amin at nangako ako sa ina mo na hihintayin namin ang pagbabalik niya, pero hindi ko na kaya!" Si Tina na ang sumagot para sa kaniya. "You are free leave, Tina! I don't need you, pero hinding-hindi niyo maisasama si Gwen. Dito lamang siya!''Natigalgal siya sa narinig. Akala niya'y paaalisin siya nito. Pero sana'y pumayag na lang ito na umalis siya. "Para, ano? Para pahirapang muli? Para alilaing muli--""Stop!" awat agad ni Gian.
AFTER TWO YEARS... Nasa mansiyon pa rin si Gwen at sa loob ng dalawang taon ay wala siyang ibang naranasan kundi hirap at pasakit mula sa asawa. May oras na gusto na niyang sumuko, naisipan niya na rin ang tumakas, pero palagi siyang nahuhuli ni Rachel. Dinaig pa niti ang isang reyna. Madalas din siya nitong sigawan, murahin at saktan. Lahat ng iyon ay tiniis niya. Kapag umaalis si Gian ay ikinakandado na nito ang pinto. Sa tuwing tumatawag ang kaniyang mother-in-law saka pa lamang siya nakakalaya kahit ilang minuto lamang. Ang ipinagtataka lamang niya'y hindi nito itinatanong ang dalawang kasambahay. Ano kayang palusot ang sinabi ni Gian sa ginang? Isang araw, nagyaya si Rachel. Nagpapasama ito sa mall na mag-shopping. Nagpaalam ito kay Gian, kaya pumayag na rin siya. At ang lukaret na babae, hindi pala mamimili kundi may katatagpuing lalaki. Naisip niyang, alam kaya iyon ng kaniyang asawa? Malamang, hindi. Wala naman siyang pakialam doon, pero ang isa niyang ikinasasama ng loob
MABILIS na pinasibad ni Gian ang sasakyan. Bagama't nakadama ng takot, mas pinili niyang iwan si Gwen na duguan ang ulo. He was really shocked after seeing a blood in her hand. Nagalit siya nang husto sa nalamang boyfriend nito ang lalaki. Ang malamang may ibang lalaki ito ay hindi niya matanggap. Natapakan siya. His ego and his pride. Binilisan pa niya ang pagmamaneho at narinig niya ang paghiyaw ng kung sinuman. Nilingon niya iyon, saka lang nalamang kasama pala niya si Rachel. Mas pinatulin pa niya ang pagmamaneho. "Slowly, Gian!" Muli siyang napasulyap sa katabi na halos magkulay-suka na. He smirked. Sa halip na bagalan ay mas pinatulin pa niya ang pagmamaneho, na kahit yata alikabok ay hindi kayang kumapit sa labas ng sasakyan niya. "Gian!" paulit-ulit nitong hiyaw na galos ikabingi niya. "If you're scared, then, get out of my car!" ganting hiyaw niya rito na ikinatahimik naman nito. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa natunton ng sasakyan ang isang bar na pagm
"You?" Gulat na gulat si Gian nang makita ang babaeng nakatayo sa kaniyang harapan. "What?" kunot-noong tanong nito habang tinutuyo ang basang buhok. "Ikaw ba ang nag-ayos sa akin?" baritonong tanong niya. "Yes! Is there something wrong?" Siya naman ang napakunot ang noo. "Teka nga pala, what are you doing in my room?" "Tsk. Matapos mo akong iwanan sa bar at matapos kitang ayusin sa pagkakatulog mo, ngayo'y tatanungin mo ako kung ano ang ginagawa ko sa room mo?" Bigla na namang uminit ang kaniyang bunbunan. Ayaw niya ng maraming satsat. "Leave!" utos niya rito. "Ano?" "I said leave! Leave this mansion, now!" Maang itong napatitig sa kaniya. Ngunit agad ding napahagalpak ng tawa. "Crazy!" "You heard me, right? Leave!" Halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa pagsigaw dito. "Teka nga, bakit ka ba nagkakaganiyan? Ano bang problema mo?" Anong problema niya? Hindi rin niya alam. Lumapit siya rito't hiniklas ang braso. "Aray! Ano ba? Nasasaktan ako." Naalala
Inabot na ng buwan ang paghahanap ni Gian sa asawa, ngunit bigo pa rin siya. Narating na niya ang karatig-lugar at nag-hire na rin ng imbestigador para magmanman sa lugar ng magulang nito. Ngunit, maging doon ay wala rin ang asawa. Walang makapagsabi kung nasaan ito. "Sir, hindi ho talaga namin matagpuan ang asawa mo. Maybe, she's not here in Manila," anang isang imbestigador na nautusan niya. Napaisip siya. Marahil ay wala nga ito sa siyudad. Pero saan naman ito pupunta? Napalatak siya nang pumasok ang isang ideya. "Sa lugar ni Tina. Oo. Tama." Agad niyang hinagilap sa gamit ng ina ang papel ni Tina. Alam niyang mayroon itong papel dahil kasama siya nang sunduin ito ng ina sa agency. Nang matagpuan ay agad niyang kinontak muli ang imbestigador, sinabi rito ang lugar ng dating katulong. "Nasaan ka na ba? Ilang buwan na kitang hinahanap, pero hanggang ngayo'y hindi pa rin kita matagpuan. Pinagtataguan mo ba ako?" Hindi pa man natatapos ang maghapon ay pagod na pagod na ang kataw