MABILIS na pinasibad ni Gian ang sasakyan. Bagama't nakadama ng takot, mas pinili niyang iwan si Gwen na duguan ang ulo. He was really shocked after seeing a blood in her hand. Nagalit siya nang husto sa nalamang boyfriend nito ang lalaki. Ang malamang may ibang lalaki ito ay hindi niya matanggap. Natapakan siya. His ego and his pride. Binilisan pa niya ang pagmamaneho at narinig niya ang paghiyaw ng kung sinuman. Nilingon niya iyon, saka lang nalamang kasama pala niya si Rachel. Mas pinatulin pa niya ang pagmamaneho. "Slowly, Gian!" Muli siyang napasulyap sa katabi na halos magkulay-suka na. He smirked. Sa halip na bagalan ay mas pinatulin pa niya ang pagmamaneho, na kahit yata alikabok ay hindi kayang kumapit sa labas ng sasakyan niya. "Gian!" paulit-ulit nitong hiyaw na galos ikabingi niya. "If you're scared, then, get out of my car!" ganting hiyaw niya rito na ikinatahimik naman nito. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa natunton ng sasakyan ang isang bar na pagm
"You?" Gulat na gulat si Gian nang makita ang babaeng nakatayo sa kaniyang harapan. "What?" kunot-noong tanong nito habang tinutuyo ang basang buhok. "Ikaw ba ang nag-ayos sa akin?" baritonong tanong niya. "Yes! Is there something wrong?" Siya naman ang napakunot ang noo. "Teka nga pala, what are you doing in my room?" "Tsk. Matapos mo akong iwanan sa bar at matapos kitang ayusin sa pagkakatulog mo, ngayo'y tatanungin mo ako kung ano ang ginagawa ko sa room mo?" Bigla na namang uminit ang kaniyang bunbunan. Ayaw niya ng maraming satsat. "Leave!" utos niya rito. "Ano?" "I said leave! Leave this mansion, now!" Maang itong napatitig sa kaniya. Ngunit agad ding napahagalpak ng tawa. "Crazy!" "You heard me, right? Leave!" Halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa pagsigaw dito. "Teka nga, bakit ka ba nagkakaganiyan? Ano bang problema mo?" Anong problema niya? Hindi rin niya alam. Lumapit siya rito't hiniklas ang braso. "Aray! Ano ba? Nasasaktan ako." Naalala
Inabot na ng buwan ang paghahanap ni Gian sa asawa, ngunit bigo pa rin siya. Narating na niya ang karatig-lugar at nag-hire na rin ng imbestigador para magmanman sa lugar ng magulang nito. Ngunit, maging doon ay wala rin ang asawa. Walang makapagsabi kung nasaan ito. "Sir, hindi ho talaga namin matagpuan ang asawa mo. Maybe, she's not here in Manila," anang isang imbestigador na nautusan niya. Napaisip siya. Marahil ay wala nga ito sa siyudad. Pero saan naman ito pupunta? Napalatak siya nang pumasok ang isang ideya. "Sa lugar ni Tina. Oo. Tama." Agad niyang hinagilap sa gamit ng ina ang papel ni Tina. Alam niyang mayroon itong papel dahil kasama siya nang sunduin ito ng ina sa agency. Nang matagpuan ay agad niyang kinontak muli ang imbestigador, sinabi rito ang lugar ng dating katulong. "Nasaan ka na ba? Ilang buwan na kitang hinahanap, pero hanggang ngayo'y hindi pa rin kita matagpuan. Pinagtataguan mo ba ako?" Hindi pa man natatapos ang maghapon ay pagod na pagod na ang kataw
Pinanindigan ni Gian ang hindi sumama sa kaibigang si Adrix. Wala siya sa mood. Nasa bahay lang siya nang araw ng Sunday at iyon ang araw ng kasal ng kaibigan niya. Kasalukuyan niyang dinidiligan ang mga bulaklak ng ina, na dati ay ginagawa ni Gwen. Now Gwen is missing, his life is empty... yes he admit that. May kulang ngayong wala ang kanyang asawa. O baka'y nasanay lang siya na ito ang gumagawa ng gawaing bahay.Nang matapos sa ginagawa ay bumalik siya sa loob. Hinubad muna niya ang suot na white sando, saka umupo. Dinampot niya ang cellphone.Nagulat siya nakita. Eleven missed call from Adrix. Napahinga siya ng malalim at pabagsak na ibinaba ang cellphone sa gilid niya. Tiyak na aasarin lang siya kaya ito tunatawag. Ipinikit niya ang mata ngunit agad ding nagmulat nang tumunog ang kanyang phone. Si Adrix. May pagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin o hindi. Tiyak niyang aasarin lang siya ng mga kaibigan niya. Pero, sa huli ay sinagot na rin niya. "Oh, bakit?" "Dude! Ang tag
Huminto ang sasakyan ni Gian sa isang tapat ng may kalakihang resort. Napanganga siya sa ayos ng labas niyon. Maganda, anang isipan niya. Mula sa entrance ay sinuri at tinanong siya ng security guard. Doon niya napagtanto na hindi basta-basta ang may-ari ng resort. Pinapasok na rin naman siya nito nang sabihing kasama siya ng isang guest doon, binanggit niya ang pangalan ni Fred. Matapos ma-i-park ang sasakyan ay agad niyang tinawagan si Adrix. Sa halip na magtanong sa information ay hinintay na lamang niyang sunduin siya ng kaibigan. Wala siya sa mood na makipag-usap dahil pagod na pagod na siya. Sa haba ng ibinyahe ay wala na siyang lakas para gawin pa iyon. Hindi nagtagal ay nakita niya ang paglapit ng kaibigan, kasama rin nito si Fred. Agad na niyang sinalubong ang dalawa. "Wazzup, dude!" bati ni Fred sa kaniya. "Akala ko'y hindi ka na talaga dadalo sa kasal ko." Ngumiti siya rito. "I'm sorry, dude. Naging busy lang ako sa office. Tambak pa nga ang gawain ko, kaya lang itong s
Maagang gumising si Gian, hahanapin niya kahit saan ang asawa. Hindi na niya nakita ang kaibigang si Fred, si Adrix ay kagabi pa umalis. May pinapaasikaso siya rito sa office. Kasama niya ng kaibigan sa kompanya at isa ito sa pinagkakatiwalaan niya roon. Kasalukuyan siyang nagmamaneho, ayon sa napagtanungan niya'y Barangay Sta. Teresita ang pangalan ng lugar na iyon. Palinga-linga siya, naghahanap ang mata, sinusuri ang bawat paligid.Inabot na siya ng hapon, nawawalan na ng pag-asang makita ang asawa. Nang walang anu-ano'y may biglang tumawid. Lumangitngit ang gulong ng kaniyang sasakyan nang mariin niyang tapakan ang preno."Shit!" mura niya kasabay ang paghampas sa manibela. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng takot para sa babaeng nasa unahan ng sasakyan. Nakatalikod ito sa gawi niya. Umibis siya ng sasakyan para kausapin ang babaing bigla na lamang tumawid. "Miss, are you okay?"Namumutlang mukha ang unti-unting bumubungad sa kaniya. Nang tuluyang magtapat ang kanilang mga muk
Bumalik si Gian sa resort. Pinagpaplanuhan kung ano ang tamang gawin. Nagpalit siya ng suot, short ang pinili niya at white sando. Pagkatapos ayy muli siyang lumabas. Nilibot niya ang buong resort para malibang ang isipan. Sinabi niya sa sariling, tanging si Zabrina lang ang pakamamalin pero nang makita niyang may kasamang iba si Gwen at sa iisang bubong pa iyon tumutuloy ay nakaramdam siya inis. He admit, nagseselos siya. And he hate this feeling. "F**k!" mura niya sa sarili. Huminto siya sa tapat ng pool. Nawaglit bigla ang iniisip niya nang masilayan ang ganda ng pool. Bawat kanto ay may poste ng ilaw, kaya hindi hadlang ang kadiliman para hindi niya mapagmasdan ang paligid. Naliligiran ng iba't ibang uri ng bulaklak at mga orchids pa ang paligid, pababa iyon. Unti-unti siyang humakbang sa hagdan. Narating niya ang ang pinakasentro, may tila talon doon na ang tubig ay nahuhulog sa swimming pool. Napanganga siya sa nakitang desinyo ng pool. Ang arrangement ng mga iba't ibang u
Yayakap sana si Gian, ipapakitang asawa niya ito, ngunit maagap itong pumalag. Naaaninag niya ang pagkabahala at pag-aalinlangan sa mukha nito. "Excuse me, Mister, hindi ako ang hinahanap mo. At puwede bang tigilan mo na kami. Wala pa akong asawa dahil wala akong wedding ring. Gets mo?" "Nang umalis ka sa bahay, nagtatalo tayo at tinanggal mo ang suot mong ring natin. But I'd swear to God, you are my wife." Iyon ang napili niyang alibi pero ang totoo ay hindi niya isinuot ang wedding ring, maging ito rin. Pagkatapos ng kanilang kasal ay hinubad na nila ang singsing. "Puwede bang sa loob na natin pag-usapan pa ang tungkol dito," anyaya ng ginang. Nagpatiuna ang dalawa at siya ay sumunod na lamang. Pasimpleng pinagmasdan niya ang kabuohan ng bahay. Ang mga bangko ay yari sa tabla, mayroong ding sa kayawan. "Paano mo nasabi na asawa mo siya?" katanungang nagpanganga sa kaniya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa tanong na iyon. "Paano ko nasabing asawa ko siya
"SWEETHEART..." Nilingon ni Gian ang asawa. Nakaguhit sa mukha nito ang matinding takot. Nasa loob na sila ng maliit na kubo, pinagkasya nila ang kanilang mga sarili roon. Si Bryan ay nakasilip sa pinto, habang si Vic ay sa bintana. Si Nimfa ay nakasuksok sa tabi at nakabantay sa natutulog nilang anak. Nilapitan niya ang asawa at ikinulong sa malapad niyang dibdib. "I'm sorry," nasambit na lang niya. "Natatakot ako." Hindi siya makasagot dahil maging siya ay natatakot din. Naiinis din siya sa sarili, sinabing poprotektahan ang asawa't anak pero ngayon ay wala siyang magawa. Hindi alam kung paanong makaaalis sa trahedyang kinakaharap. Hindi pa nila kasama si Francis ngayon, si Bryan ay sugatan pa. Naalarma siya nang marinig ang ugong ng sasakyan. Ilang beses siyang nanalangin na sana'y hindi mapansin ang kubong pinagkukublihan nila. Halos hindi na siya humihinga habang dumaraan ang sasakyan. Mariin ang pagkakakuyom ng kamao. "Sir," pabulong na tawag ni Vic. "Lumampas
"SWEETHEART..." Takot ang maaaninag sa mukha ni Gwen nang sumulpot si Larry sa unahan ng sinasakyan nila. Ito nga ang lalaking nakita niya malapit sa bahay ni Celly. Pero, papaanong napunta ito sa lugar na 'to? "Bryan," tinig ni Vic. "Sir, may tama si Bryan!" Nag-panic siya. Nataranta. Hindi alam kung ano ang gagawin. Kumilos si Gian, lumapit ito kay Bryan. "Daplis lang 'to," sagot ni Bryan. "Pero putik! Nagulat ako sa ginawa ng lalaking 'yan kaya ako napasigaw." Kahit natatakot ay ninais niyang makita si Bryan, pero sadyang hindi niya magawa dahil kalong niya ni si Andrei. "Sir, yuko!" utos ni Vic. "Ha?" "Yuko!" Kasabay ng kanilang pagyuko ang sunod-sunod na putok ng baril. Naramdaman na lang niya na para umiikot ang paligid at narinig ang palahaw ng anak. Halos magsumiksik siya sa pagitan ng bangko. Hinaharangan ng katawan ang anak. "Diyos ko, huwag Mo po kaming pababayaan," taimtim niyang panalangin."Hello, Francis! Nandito si Larry. Help us!"Nag-angat siya ng paningin.
"ANG saya nila 'no?" Nilingon ni Gian ang taong nagmamay-ari ng boses. Pansin niya ang kasiyahang nasa mukha nito. Hawak ang basong may lamang branded na alak ay tumabi si Francis sa kaniya. Sabay na tumitig sa kaibigang si Adrix, nagsasayaw kasama si Celly. "Ikaw, kailan ka lalagay sa tahimik na buhay?" Narinig niya ang pagtawa nito, sinundan ng paglagok sa alak. "Dude, masaya ako sa buhay ko ngayon." "Really?" He smirked. "Are you sure about that?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Gusto mong pasabugin ko ito?" Sa halip na matakot ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ipinatong niya ang kanang braso sa balikat nito. "Dude, mas masaya ang pamilya. 'Yong uuwi kang mararatnan mong naghihintay ang asawa't anak mo. Sasalubungin ka ng halik. Maririnig mo ang munting halakhak ng 'yong anak. Walang katumbas 'yon, dude." Hinintay niya ang itutugon nito, pero bigo siya, kaya't bumaling ang paningin niya rito. Seryoso itong nakatitig sa mga taong nasa gitna, si Adrix at Celly, nandoon d
HINDI lubos-maisip ni Celly na sa ilang sandali ay ikakasal na siya sa lalaking kinaiinisan niya nang sobra. Hindi rin niya akalaing nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa si Adrix nang ipaalam niya rito ang kalagayan niya, nangakong magiging mabuting ama at asawa ito. "Dapat lang, dahil kung hindi, hindi mo kami makikita ng magiging anak mo." Para siyang baliw na nagsasalitang mag-isa habang nakamasid sa wedding gown na anumang oras ay susuotin na niya. Bumukas ang pinto, pumasok ang kaniyang ina at si Gwen. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya. Nakasuot na ng gown. Pinagmamasdan niya ito. Magmula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang hugis ng katawan ng kaibigan niya. Mas lalo pa ngang gumanda ang hubog ng katawan nito simula nang manganak. Sexy, stunning, gorgeous. Lahat yata ng magandang katangian ay nandirito na. Tinulungan siya ng dalawa na isuot ang wedding gown at habang isinusuot ay binibilinan siya ng mga hindi at dapat gawin kapag nasa iisang bubong na
ABALA si Gwen sa pag-aayos ng kanilang gamit na dadalahin papuntang probinsiya, sa lugar ni Celly. Nasa bag na ang kaniyang mga susuotin, ganoon din ang sa asawa, at dahil ito ang best man ay nagdala siya ng suit, tulad ng napagkasunduan ng magkakaibigan. Ang gusto pa ni Adrix ay magsuot ng tuxedo, pero tumanggi ang kaniyang kaibigan. Para sa kaniya, sapat na rin ang simple lang. Ang importante ang basbas ng Maykapal. Naalala niya nang ikasal kay Gian. Maganda ang trahe de boda niya, ganoon din ang suot ni Gian, maganda ang design ng venue, maging sa simbahan, pero pareho silang nasa loob ng madilim na panahon. Oo, may pagtingin siya sa asawa, pero hindi niya inasam na makasal dito dahil lang sa nakitang magkatabi sila sa kama. Nang mga panahong 'yon, tanging si Zabrina lamang ang laman ng puso't isipan nito, pero ang kaibigan niya, may iba nang minamahal at si Elias 'yon. Napangiti siya nang bumaling ang paningin sa picture frame na nakapatong sa bed side drawer. Picture nilang dala
KAPAPASOK pa lang ng sinasakyan ni Gwen nang makasalubong ang sasakyan ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya nasagot hanggang sa na-lowbat. Dumaan pa sila ni Celly sa apartment nito at natagalan doon. Bumaba ito ng sasakyan, base sa hitsura ay galit ito. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Bakit?" tanong pa ni Celly.Nagkibit-balikat siya at hinintay ang paghinto ng asawa. Kinatok nito ang bintana. Hindi niya binuksan, sa halip ay lumabas siya ng sasakyan."Where have you been?" Nagsalubong ang kilay niya. Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali? Sobra na siyang nagtataka."Sinamahan ko si Celly." Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito galit."Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo!" Malakas ang pagkakabigkas nito, mabuti na lang walang tao sa hinintuan nila. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Iyon ba ang pinagpuputok ng butsi nito? Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ipinag-ekis din ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Talagang dito pa sa
TAWANG-TAWA si Gian, hindi maalis sa isipan niya ang hitsura ni Celly habang nagpo-propose si Adrix. Hindi niya maikakailang tinamaan ngang talaga ang kaibigan niya. Tulad din niya, sobra nitong dinamdam ang nangyari sa relasyon ng ex-girlfriend nito. Pareho sila ng naging karanasan, pero masaya na siya ngayon sa piling ng mapagmahal at maarugang asawa. He will do anything to protect his wife at ang anak nila. Alam niyang nasa paligid lang si Larry, nagnamatyag at tiyak na idadamay nito ang kanilang anak. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Adrix. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito na ikinailing niya. "Kumusta ang ikakasal?" bati niya rito. Ibinaba nito ang hawak na cellphone sa mesa niya kasabay ang pag-upo sa nasa unang bangko. "Masaya na excited. Ako na yata ang pinakamasayang tao, dude." Napalis ang ngiti niya. Hindi niya naranasan 'yon nang ikasal siya. Pinuno niya ng galit ang dibdib para sa mapapangasawa. Hindi na-enjoy ang kanilang kasal at alam niya
"KUMUSTA kayo ni Adrix?" Napatingin si Celly sa kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Dapat na bang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Adrix? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na ipinagkaloob niya sa binata ang pinakaiingatang puri. Simula n'on ay palagi na niya itong hinahanap-hanap. Nang dumating nga ito galing US ay dumiretso sa apartment niya, doon ito natulog at hindi niya itatangging may nangyaring muli sa kanila. "Natulala ka na." Napukaw ang nagliliwaliw niyang diwa nang pitikin siya ni Gwen sa noo. Napangiwi siya sa sakit. "Masakit 'yon ha!" "Hindi ka kasi sumagot." Payak siyang ngumiti at lumapit dito. Pinaglaruan niya sng daliri ng inaanak."We're okay. Simula nang bumalik siya, bantay-sarado na ako ng mokong." Napailing siya. Totoo 'yon. Simula nang dumating si Adrix ay halos hindi na siya nito nilulubayan. Hatid-sundo sa work."Mabuti naman. Hindi mo na ba siya inaaway?" muling tanong ng kaibigan niya."Hindi na," nakangiting tugon niya."Good. A
HINDI mapakali si Gian. Matapos ibalita ni Francis ay umalis na rin ito kaagad. Sinabi nitong mag-a-assign ito ng bodyguard para sa kaniyang mag-ina, mabuti na raw ang may protection sila. Alam niyang hindi basta-bastang kalaban si Larry, kaya pumayag na siya. Ang isa pa niyang ikinababahala ay ang pagkamatay ni Zabrina. Ayon sa kaibigan ay pinapagamot ni Elias, subalit sadyang wala na sa katinuan ang dati niyang nobya kung kaya't tumalon ito sa palapag ng hospital. Mariin siyang pumikit. Kahit naman nagalit siya rito ay hindi niya ginustong mawala ito sa ganoong uri ng pagkamatay. Hindi niya maatim na mawala lalo na't wala ito sa matinong pag-iisip. Isa pang iniisip niya'y ang asawa. Paano niya sasabihin dito na wala na si Zabrina? At si Larry. "Fvck!" Nahilot niya ang sentido. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Patong-patong na ang kaniyang pinoproblema."Hayst!" Nakapamaywang na tiningala niya ang puting kesame at nagpakawala ng malalim na hininga. Nagdesisyon na siyang sabihi