Sinamahan niya ang asawa sa kusina, na kung saan ay naghahain ang matandang babae. "Inay..." Lumapit doon si Gwen na sinundan niya. "Magpapaalam na po ako. Salamat po sa lahat-lahat." Wala itong tugon ngunit naaaninag niya ang lungkot sa mata nito. Siya naman ang nagpasalamat dito. "Aling Martha, salamat po sa pag-aalaga mo sa asawa ko, sa inyo ng 'yong anak na kahit iba ang naging pagpapakilala nito sa inyo, utang ko pa rin ang buhay niya sa anak niyo." Nangilid ang luha nito't tumango sa kaniya. Ginagap nito ang palad ng kaniyang asawa. "Mag-iingat ka, anak, ha. At kayong dalawa..." Tumingin ito sa kaniya. "Kapag may hindi pagkakaunawaan, pag-usapan niyo muna. Huwag niyong paaabutin ng isang araw ang inyong tampuhan. Ang lahat ay nadadaan sa mabuting usapan," paliwanag nito. "Bago pa lang kayo 'no?" tanong nito sa kaniya. "O-opo." Kahit ang totoo'y mahigit dalawang taon na silang kasal. "Masasanay rin kayo sa buhay mag-asawa. Oh, siya sige. Tutal, asawa mo naman itong si
Kitang-kita ni Gian ang paghanga sa mukha ni Gwen. Inilibot niya ito sa mansion, para siyang tourist guide, bawat maraanan ay ipinapaliwanag niya at isa na roon ay ang palagi nitong ginagawa sa tuwing umaga. "Ang gaganda!" buong paghangang sambit nito."Ikaw ang nag-aalaga ng mga iyan araw-araw. Lagi mong kinakausap na akala mo'y nagkakaintindihan kayo.""Talaga?" bulalas nito.Tumango siya rito. Nang mawala si Gwen ay hindi rin naman niya pinabayaan ang mga halamang nasa magkabilang-gilid ng bahay, ang iba niyon ay nasa harapan ng mansiyon."These are Mommy's babies, but when we got married, you took care of them since Mom was busy."Wala itong naging tugon. Nakatitig lang ito sa iba't ibang uri ng bulaklak, samo't sari rin ang orchids doon. Sa kabilang gilid ng mansiyon ay naroon ang pool. Lumapit ang asawa niya roon at binalak magtampisaw nito, ngunit pinigilan niya ito."You should take a rest first, okay. Malayo ang naging biyahe natin at alam kong pagod ka. Come, I'll take you
Nang magmulat si Gian ay ang maamong mukha ng asawa ang nabungaran niya. Ubod-tamis itong ngumiti kaya't ginantihan din niya iyon ng ngiti at may kasunod pang halik sa noo. Kita niya ang pamumula ng mukha nito. "Sorry, nakatulog rin pala ako. Nagugutom ka na ba?" Hagya pa siyang naghikab. Marahang tango ang itinugon nito, kaya't agad siyang tumayo at niyakag ito sa ibaba. Habang naglalakad patungo sa dining area ay sinasabi niya kung ano ang kanilang nararaanan, maging ang maid's room. Ngayong bumalik na ang kaniyang asawa ay kailangan niyang maghanap ng kasambahay para rito. In case na nasa office siya ay may makakasama ito.Pagkarating sa dining area ay mabilis niya itong ipinaghain ng pagkain, kahit ayaw niya'y ginagawa pa rin nito. Dati-rati ay siya ang pinagsisilbihan nito. Dati-rati ay hindi niya nakikita ang halaga nito, ngunit ngayon, para siyang ibinaon sa hukay ng kahapon. Ngayon niya napagtanto ang kamaliang nagawa. And he realized the word 'hindi mo makikita ang halaga n
Isang buwan na ang lumipas nang muling makita ni Gian si Gwen. Tinupad niya ang sinabing aalaagaan at pagsisilbihan ng maayos ang asawa. Magkatabi na sila sa kama kung matulog, hindi tulad noong bago pa lang silang mag-asawa. Pero wala pang nangyayari sa kanila. Natatakot siya sa posibleng mangyari kapag ginalaw niya ang asawa. May oras na nag-iinit ang katawan niya lalo na kapag nakayakap ito sa kaniya Kapag nasa opisina siya, halos oras-oras siyang tumatawag dito. Lahat ay ginawa niya mapasaya lang ito. "Hi, dude!" Palabas na siya ng office nang makasalubong si Adrix. Agad na nagsalubong ang kilay niya. "What the hell are you doing here?" "Grabe ang tanong, ah!" "Bilisan mo na. Nagmamadali ako." "Relax lang naman, Gian. Alam mo, simula nang makita mong muli ang 'yong asawa, hindi ka na namin nakaka-bonding--" "Busy ako," awat agad niya rito. "Busy or masyado mong ini-enjoy--" Muli itong tumahimik nang itaas niya ang kamao. Matalim din niyang tinitigan ang kaibig
Nang magising si Gian ay wala na sa tabi ang asawa. Agad siyang bumangon, pero napahinto rin nang makita ang pulang mantsa sa bedsheet. Hindi niya napigil ang mapangiti, masarap balikan ang nangyari sa magdamag.Matapos makapaglinis ng katawan ay bumaba, hinanap ang asawa. Naabutan niya ito sa kitchen, nagluluto ng kanilang almusal. Nasa hamba siya ng pinto at doo'y malayang pinagmamasdan ang asawa. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti. Naririnig niyang kumakanta ito. Sa pagharap ay nanlaki ang mata nito, halatang nagulat nang makita siya. Lumapit siya rito at parang ahas na ipinulupot ang dalawang braso sa maliit nitong baywang."I love you."Napagtanto niya, na mahal na niya ito. Naramdaman niya ang kakaibang tadyak sa puso nang makita ito sa pinanggalingang lugar. Nang makita niya itong may kasamang ibang lalaki ay nakaramdam siya ng inis At na-realize niya, hindi iyon ego or pride, kundi selos.Umangat ang ulo niya. Itinapat ang noo sa noo nito at sa isang iglap ay naglapat
Paroo't parito siya sa loob ng office room niya. Ngayo'y galit na galit siya kay Zabrina. Bakit siya nito niloko? Anong pagkakamali ang nagawa niya rito. Minahal niya ito ng sobra, pero ano ang iginanti sa kaniya? "Ahhhh! Napakawalang-puso mo!" Napasigaw na siya sa labis na frustration. Soundproof naman ang opisina niya kaya walang makaririnig sa kaniya. Hindi niya akalaing nagmahal siya ng isang demonyo. Buong akala niya'y minahal siya nito, ang lahat pala ay kasinungalingan lamang. Ano ba ang kulang sa kaniya? Kung pera lang ang pag-uusapan, tiyak na hindi siya magpapatalo. Sigurado rin na hindi siya pangit, but why? "Why, Zabrina?" Pero hindi ang tungkol doon ang ikinagalit niya, ginamit lang pala nito si Gwen, ang matalik nitong kaibigan. Ang kawawa niyang asawa, na buong akala niya'y ito ang may kasalanan. Akala niya'y ito ang may kagagawan kung bakit sila nagkahiwalay ni Zabrina. Sinisi niya ito sa nangyari. Halos ikamatay nito ang ginawang pagpapahirap niya pero mali p
Matiyagang pinagmamasdan ni Gian ang asawa. Malapit nang sumapit ang umaga, hindi na siya makatulog kaya binabantayan na lang niya ito. Pansin niya ang paggalaw ng talukap ng mata nito, hudyat nang pagkagising ng asawa. Unti-unti itong nagmulat. Mapupungay ang matang tumitig ito sa kaniya at buong pagmamahal na sinalubong iyon."Did I wake you up?"Marahan itong tumango. "Kulit mo kasi." Ngumuso pa ito na ikinatawa niya. "Inaantok pa ako e," bulong pa nito. "Matulog kang muli, nandito lang ako sa tabi mo," malambing niyang tugon dito. Muli itong napanguso habang tumitihaya ng higa. "Stop doing that." "Ano?" kunot-noong tanong nito kasunod ang paghihikab. "Sabi ko, huwag mo na ulit gagawin iyon." Muling nangunot ang noo nito, halatang hindi naunawaan ang kaniyang sinasabi. "Huwag mo na ulit gagawin iyon or else... I'll kiss you." Naningkit ang mata niya. Hinampas siya nito sa braso. "Napakalandi mo! Alalahanin mong may kasalanan ka pa sa akin," namimilog ang matang sabi nit
"BABY, do you want to come with me to the office?"" Napatitig ito sa kaniya, maging ang ina na kasalukuyang umiinom ng kape ay napagawi rin ang paningin sa kaniya. Naisip niyang isama ito sa office para kahit papaano ay malibang. "Ano naman ang gagawin ko roon?" "Oo nga naman, iha, sumama ka na sa asawa mo." Ang Mommy niya ang nangumbinse rito at wala na itong nagawa pa kundi ang pumayag na lamang. Hinintay niya itong magbihis habang masayang nakikipagkuwentuhan sa ina sa sala. Lumabas ang pantay-pantay niyang ngipin sa kuwento ng ina tungkol kay Gwen noon, pero nang mapagawi ang tingin niya sa hagdan ay unti-unting nawala ang ngiting nakaukit sa kaniyang labi. Nasilayan niya ang asawang tila isang anghel na naglalakad palapit sa kaniya. She's wearing a halter neck black dress, above the knee, na nagpalitaw sa makinis at mapuputi nitong binti. "Perfect!" anas ng isipan niya. Nilunok niya ang laway na muntikan nang mapuno sa loob ng kaniyang bibig. Her hair was tied in a ponyt
"SWEETHEART..." Nilingon ni Gian ang asawa. Nakaguhit sa mukha nito ang matinding takot. Nasa loob na sila ng maliit na kubo, pinagkasya nila ang kanilang mga sarili roon. Si Bryan ay nakasilip sa pinto, habang si Vic ay sa bintana. Si Nimfa ay nakasuksok sa tabi at nakabantay sa natutulog nilang anak. Nilapitan niya ang asawa at ikinulong sa malapad niyang dibdib. "I'm sorry," nasambit na lang niya. "Natatakot ako." Hindi siya makasagot dahil maging siya ay natatakot din. Naiinis din siya sa sarili, sinabing poprotektahan ang asawa't anak pero ngayon ay wala siyang magawa. Hindi alam kung paanong makaaalis sa trahedyang kinakaharap. Hindi pa nila kasama si Francis ngayon, si Bryan ay sugatan pa. Naalarma siya nang marinig ang ugong ng sasakyan. Ilang beses siyang nanalangin na sana'y hindi mapansin ang kubong pinagkukublihan nila. Halos hindi na siya humihinga habang dumaraan ang sasakyan. Mariin ang pagkakakuyom ng kamao. "Sir," pabulong na tawag ni Vic. "Lumampas
"SWEETHEART..." Takot ang maaaninag sa mukha ni Gwen nang sumulpot si Larry sa unahan ng sinasakyan nila. Ito nga ang lalaking nakita niya malapit sa bahay ni Celly. Pero, papaanong napunta ito sa lugar na 'to? "Bryan," tinig ni Vic. "Sir, may tama si Bryan!" Nag-panic siya. Nataranta. Hindi alam kung ano ang gagawin. Kumilos si Gian, lumapit ito kay Bryan. "Daplis lang 'to," sagot ni Bryan. "Pero putik! Nagulat ako sa ginawa ng lalaking 'yan kaya ako napasigaw." Kahit natatakot ay ninais niyang makita si Bryan, pero sadyang hindi niya magawa dahil kalong niya ni si Andrei. "Sir, yuko!" utos ni Vic. "Ha?" "Yuko!" Kasabay ng kanilang pagyuko ang sunod-sunod na putok ng baril. Naramdaman na lang niya na para umiikot ang paligid at narinig ang palahaw ng anak. Halos magsumiksik siya sa pagitan ng bangko. Hinaharangan ng katawan ang anak. "Diyos ko, huwag Mo po kaming pababayaan," taimtim niyang panalangin."Hello, Francis! Nandito si Larry. Help us!"Nag-angat siya ng paningin.
"ANG saya nila 'no?" Nilingon ni Gian ang taong nagmamay-ari ng boses. Pansin niya ang kasiyahang nasa mukha nito. Hawak ang basong may lamang branded na alak ay tumabi si Francis sa kaniya. Sabay na tumitig sa kaibigang si Adrix, nagsasayaw kasama si Celly. "Ikaw, kailan ka lalagay sa tahimik na buhay?" Narinig niya ang pagtawa nito, sinundan ng paglagok sa alak. "Dude, masaya ako sa buhay ko ngayon." "Really?" He smirked. "Are you sure about that?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Gusto mong pasabugin ko ito?" Sa halip na matakot ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ipinatong niya ang kanang braso sa balikat nito. "Dude, mas masaya ang pamilya. 'Yong uuwi kang mararatnan mong naghihintay ang asawa't anak mo. Sasalubungin ka ng halik. Maririnig mo ang munting halakhak ng 'yong anak. Walang katumbas 'yon, dude." Hinintay niya ang itutugon nito, pero bigo siya, kaya't bumaling ang paningin niya rito. Seryoso itong nakatitig sa mga taong nasa gitna, si Adrix at Celly, nandoon d
HINDI lubos-maisip ni Celly na sa ilang sandali ay ikakasal na siya sa lalaking kinaiinisan niya nang sobra. Hindi rin niya akalaing nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa si Adrix nang ipaalam niya rito ang kalagayan niya, nangakong magiging mabuting ama at asawa ito. "Dapat lang, dahil kung hindi, hindi mo kami makikita ng magiging anak mo." Para siyang baliw na nagsasalitang mag-isa habang nakamasid sa wedding gown na anumang oras ay susuotin na niya. Bumukas ang pinto, pumasok ang kaniyang ina at si Gwen. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya. Nakasuot na ng gown. Pinagmamasdan niya ito. Magmula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang hugis ng katawan ng kaibigan niya. Mas lalo pa ngang gumanda ang hubog ng katawan nito simula nang manganak. Sexy, stunning, gorgeous. Lahat yata ng magandang katangian ay nandirito na. Tinulungan siya ng dalawa na isuot ang wedding gown at habang isinusuot ay binibilinan siya ng mga hindi at dapat gawin kapag nasa iisang bubong na
ABALA si Gwen sa pag-aayos ng kanilang gamit na dadalahin papuntang probinsiya, sa lugar ni Celly. Nasa bag na ang kaniyang mga susuotin, ganoon din ang sa asawa, at dahil ito ang best man ay nagdala siya ng suit, tulad ng napagkasunduan ng magkakaibigan. Ang gusto pa ni Adrix ay magsuot ng tuxedo, pero tumanggi ang kaniyang kaibigan. Para sa kaniya, sapat na rin ang simple lang. Ang importante ang basbas ng Maykapal. Naalala niya nang ikasal kay Gian. Maganda ang trahe de boda niya, ganoon din ang suot ni Gian, maganda ang design ng venue, maging sa simbahan, pero pareho silang nasa loob ng madilim na panahon. Oo, may pagtingin siya sa asawa, pero hindi niya inasam na makasal dito dahil lang sa nakitang magkatabi sila sa kama. Nang mga panahong 'yon, tanging si Zabrina lamang ang laman ng puso't isipan nito, pero ang kaibigan niya, may iba nang minamahal at si Elias 'yon. Napangiti siya nang bumaling ang paningin sa picture frame na nakapatong sa bed side drawer. Picture nilang dala
KAPAPASOK pa lang ng sinasakyan ni Gwen nang makasalubong ang sasakyan ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya nasagot hanggang sa na-lowbat. Dumaan pa sila ni Celly sa apartment nito at natagalan doon. Bumaba ito ng sasakyan, base sa hitsura ay galit ito. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Bakit?" tanong pa ni Celly.Nagkibit-balikat siya at hinintay ang paghinto ng asawa. Kinatok nito ang bintana. Hindi niya binuksan, sa halip ay lumabas siya ng sasakyan."Where have you been?" Nagsalubong ang kilay niya. Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali? Sobra na siyang nagtataka."Sinamahan ko si Celly." Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito galit."Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo!" Malakas ang pagkakabigkas nito, mabuti na lang walang tao sa hinintuan nila. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Iyon ba ang pinagpuputok ng butsi nito? Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ipinag-ekis din ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Talagang dito pa sa
TAWANG-TAWA si Gian, hindi maalis sa isipan niya ang hitsura ni Celly habang nagpo-propose si Adrix. Hindi niya maikakailang tinamaan ngang talaga ang kaibigan niya. Tulad din niya, sobra nitong dinamdam ang nangyari sa relasyon ng ex-girlfriend nito. Pareho sila ng naging karanasan, pero masaya na siya ngayon sa piling ng mapagmahal at maarugang asawa. He will do anything to protect his wife at ang anak nila. Alam niyang nasa paligid lang si Larry, nagnamatyag at tiyak na idadamay nito ang kanilang anak. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Adrix. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito na ikinailing niya. "Kumusta ang ikakasal?" bati niya rito. Ibinaba nito ang hawak na cellphone sa mesa niya kasabay ang pag-upo sa nasa unang bangko. "Masaya na excited. Ako na yata ang pinakamasayang tao, dude." Napalis ang ngiti niya. Hindi niya naranasan 'yon nang ikasal siya. Pinuno niya ng galit ang dibdib para sa mapapangasawa. Hindi na-enjoy ang kanilang kasal at alam niya
"KUMUSTA kayo ni Adrix?" Napatingin si Celly sa kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Dapat na bang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Adrix? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na ipinagkaloob niya sa binata ang pinakaiingatang puri. Simula n'on ay palagi na niya itong hinahanap-hanap. Nang dumating nga ito galing US ay dumiretso sa apartment niya, doon ito natulog at hindi niya itatangging may nangyaring muli sa kanila. "Natulala ka na." Napukaw ang nagliliwaliw niyang diwa nang pitikin siya ni Gwen sa noo. Napangiwi siya sa sakit. "Masakit 'yon ha!" "Hindi ka kasi sumagot." Payak siyang ngumiti at lumapit dito. Pinaglaruan niya sng daliri ng inaanak."We're okay. Simula nang bumalik siya, bantay-sarado na ako ng mokong." Napailing siya. Totoo 'yon. Simula nang dumating si Adrix ay halos hindi na siya nito nilulubayan. Hatid-sundo sa work."Mabuti naman. Hindi mo na ba siya inaaway?" muling tanong ng kaibigan niya."Hindi na," nakangiting tugon niya."Good. A
HINDI mapakali si Gian. Matapos ibalita ni Francis ay umalis na rin ito kaagad. Sinabi nitong mag-a-assign ito ng bodyguard para sa kaniyang mag-ina, mabuti na raw ang may protection sila. Alam niyang hindi basta-bastang kalaban si Larry, kaya pumayag na siya. Ang isa pa niyang ikinababahala ay ang pagkamatay ni Zabrina. Ayon sa kaibigan ay pinapagamot ni Elias, subalit sadyang wala na sa katinuan ang dati niyang nobya kung kaya't tumalon ito sa palapag ng hospital. Mariin siyang pumikit. Kahit naman nagalit siya rito ay hindi niya ginustong mawala ito sa ganoong uri ng pagkamatay. Hindi niya maatim na mawala lalo na't wala ito sa matinong pag-iisip. Isa pang iniisip niya'y ang asawa. Paano niya sasabihin dito na wala na si Zabrina? At si Larry. "Fvck!" Nahilot niya ang sentido. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Patong-patong na ang kaniyang pinoproblema."Hayst!" Nakapamaywang na tiningala niya ang puting kesame at nagpakawala ng malalim na hininga. Nagdesisyon na siyang sabihi