Nang magising si Gian ay wala na sa tabi ang asawa. Agad siyang bumangon, pero napahinto rin nang makita ang pulang mantsa sa bedsheet. Hindi niya napigil ang mapangiti, masarap balikan ang nangyari sa magdamag.Matapos makapaglinis ng katawan ay bumaba, hinanap ang asawa. Naabutan niya ito sa kitchen, nagluluto ng kanilang almusal. Nasa hamba siya ng pinto at doo'y malayang pinagmamasdan ang asawa. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti. Naririnig niyang kumakanta ito. Sa pagharap ay nanlaki ang mata nito, halatang nagulat nang makita siya. Lumapit siya rito at parang ahas na ipinulupot ang dalawang braso sa maliit nitong baywang."I love you."Napagtanto niya, na mahal na niya ito. Naramdaman niya ang kakaibang tadyak sa puso nang makita ito sa pinanggalingang lugar. Nang makita niya itong may kasamang ibang lalaki ay nakaramdam siya ng inis At na-realize niya, hindi iyon ego or pride, kundi selos.Umangat ang ulo niya. Itinapat ang noo sa noo nito at sa isang iglap ay naglapat
Paroo't parito siya sa loob ng office room niya. Ngayo'y galit na galit siya kay Zabrina. Bakit siya nito niloko? Anong pagkakamali ang nagawa niya rito. Minahal niya ito ng sobra, pero ano ang iginanti sa kaniya? "Ahhhh! Napakawalang-puso mo!" Napasigaw na siya sa labis na frustration. Soundproof naman ang opisina niya kaya walang makaririnig sa kaniya. Hindi niya akalaing nagmahal siya ng isang demonyo. Buong akala niya'y minahal siya nito, ang lahat pala ay kasinungalingan lamang. Ano ba ang kulang sa kaniya? Kung pera lang ang pag-uusapan, tiyak na hindi siya magpapatalo. Sigurado rin na hindi siya pangit, but why? "Why, Zabrina?" Pero hindi ang tungkol doon ang ikinagalit niya, ginamit lang pala nito si Gwen, ang matalik nitong kaibigan. Ang kawawa niyang asawa, na buong akala niya'y ito ang may kasalanan. Akala niya'y ito ang may kagagawan kung bakit sila nagkahiwalay ni Zabrina. Sinisi niya ito sa nangyari. Halos ikamatay nito ang ginawang pagpapahirap niya pero mali p
Matiyagang pinagmamasdan ni Gian ang asawa. Malapit nang sumapit ang umaga, hindi na siya makatulog kaya binabantayan na lang niya ito. Pansin niya ang paggalaw ng talukap ng mata nito, hudyat nang pagkagising ng asawa. Unti-unti itong nagmulat. Mapupungay ang matang tumitig ito sa kaniya at buong pagmamahal na sinalubong iyon."Did I wake you up?"Marahan itong tumango. "Kulit mo kasi." Ngumuso pa ito na ikinatawa niya. "Inaantok pa ako e," bulong pa nito. "Matulog kang muli, nandito lang ako sa tabi mo," malambing niyang tugon dito. Muli itong napanguso habang tumitihaya ng higa. "Stop doing that." "Ano?" kunot-noong tanong nito kasunod ang paghihikab. "Sabi ko, huwag mo na ulit gagawin iyon." Muling nangunot ang noo nito, halatang hindi naunawaan ang kaniyang sinasabi. "Huwag mo na ulit gagawin iyon or else... I'll kiss you." Naningkit ang mata niya. Hinampas siya nito sa braso. "Napakalandi mo! Alalahanin mong may kasalanan ka pa sa akin," namimilog ang matang sabi nit
"BABY, do you want to come with me to the office?"" Napatitig ito sa kaniya, maging ang ina na kasalukuyang umiinom ng kape ay napagawi rin ang paningin sa kaniya. Naisip niyang isama ito sa office para kahit papaano ay malibang. "Ano naman ang gagawin ko roon?" "Oo nga naman, iha, sumama ka na sa asawa mo." Ang Mommy niya ang nangumbinse rito at wala na itong nagawa pa kundi ang pumayag na lamang. Hinintay niya itong magbihis habang masayang nakikipagkuwentuhan sa ina sa sala. Lumabas ang pantay-pantay niyang ngipin sa kuwento ng ina tungkol kay Gwen noon, pero nang mapagawi ang tingin niya sa hagdan ay unti-unting nawala ang ngiting nakaukit sa kaniyang labi. Nasilayan niya ang asawang tila isang anghel na naglalakad palapit sa kaniya. She's wearing a halter neck black dress, above the knee, na nagpalitaw sa makinis at mapuputi nitong binti. "Perfect!" anas ng isipan niya. Nilunok niya ang laway na muntikan nang mapuno sa loob ng kaniyang bibig. Her hair was tied in a ponyt
Pinagmamasdan ni Gwen ang ibaba ng building. Natutuwa siya sa nakikita, ang liit ng mga sasakyan at ang mga tao ay parang mga naglalakad na langgam lamang. Nilingon niya ang asawa, hindi niya talaga ito matandaan pero kung mag-asawa talaga sila, ang suwerte niya. Bukod sa guwapo, mabait pa. Pero... "Ano kaya ang nangyari sa akin? Bakit ako nawalan ng memorya? Atsaka si Vic, bakit sinabi nitonh girlfriend niya ako? Wala naman pala kaming relasyon." Mga salitang lumabas sa kaniyang isipan. Nakatitig siya sa asawang abala sa pagpirma. Doon ay malaya niyang sinuri ang kabuohan ng mukhga nito: pilik-mata, ilong na may katangusan, hinawakan niya ang kaniyang ilong. "Buti na lang pala, hindi ako pango. Nakakahiya sa ilong niya." Pansin niyang gumalaw ang adams apple nito. Halos tumulo ang laway niya sa nakita. Ang swabeng tingnan. Amazing! Maagap siyang nag-iwas ng paningin nang gumalaw ang ulo nito. Hindi niya maiwasang mamula ang mukha, baka isipin ng kaniyang asawa ay pinagn
Dobleng pag-iingat ang ginawa ni Gian para hindi mag-krus ang landas ni Gwen at Rachel. Kapag kasama ito sa office ay bantay-sarado siya rito at kapag nasa bahay ay hindi niya ito pinalalabas. Natatakot siya sa posibleng mangyari. "Anak, okay ka lang ba?" tanong ng ina na pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Kasalukuyan siyang nasa veranda ng mansiyon habang hawak ang isang baso na may lamang wine. "Mom, ikaw pala! Yes, Mom, I'm okay." "Kanina pa kasi kita napapansin na parang malalim ang iniisip mo." Tumabi ito sa kaniya. Sabay nilang tinanaw si Gwen kasama ang bago nilang kasambahay, nasa ibaba ang dalawa habang inaayos ang mga tanim na bulaklak. "May iniisip lang ako sa opisina, Mom." "Mapapatawad ka niya, anak." Mukhang nahulaan nito ang iniisip niya. Napasulyap siya rito. "M-mom," mahinang sambit niya. Nginitian siya nito. Idinait pa ang palad sa balikat niya. "Alam kong mahal ka niya, anak, kaya kahit gaano pa kalaki ang kasalanan mo sa kaniya, alam kong mapatatawad ka rin
Nakangiting pinagmamasdan ni Gian ang asawa. Inaayos nito ang gamit niya, ipinaghahanda siya nito ng hapunan. Late na siya nakauwi dahil sa meeting na dinaluhan sa karatig lugar. Nagsabi siyang huwag nang hintayin, na mauna na itong matulog pero heto't nasa harapan niya ang asawa. Pinagsisilbihan siya. Nakapantulog na ito, manipis na tela ang suot. Bagama't may kalakihan ang pang-itaas ay alam niyang wala itong suot na bra. Bigla siyang may naisip ng pilyong gagawin. Tumayo siya't lumapit sa nakatalikod na asawa. Mula sa likuran ay niyakap niya ito. Huminto ito sa ginagawa. "Bakit?" Pilit na inabot ang ulo niyang nakapatong sa balikat nito. "Nothing. I just want a hug you." "Hug lang ba talaga?" Napangisi siya. Nasa loob na ng pang-itaas nito ang dalawang palad niya. Ang isa ay nakahawak sa tiyan at ang isa ay sapo ang kaniyang dibdib, nilalaro ang nipple. "G-Gian..." Hindi niya alam kung pinipigilan ba siya nito o isang ungol 'yon. "What?" Pinatakan pa niya ng mum
HINDI pa man nagkakamalay si Gwen ay balisang-balisa na si Gian. Abot-abot ang kabang nadarama niya habang matiyagang nag-aabang sa muling pagmulat nito. He knows na may posibilidad na bumalik na ang memorya nito. "I love you," hinagkan niya ito sa noo. "My baby, my Gwen." Naagaw ang pansin niya nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na sa tingin niya'y doctor. Mabilis niyang inayos ang sarili, tumayo't sinalubong ito."Hi!" ngiting bati ng bagong pasok. "I'm the doctor of--" Hindi pa natatapos ang pagpapakilala nang mag-ring ang phone na hawak nito. "Just a second, Mr. I'll just pick this call." Hagya pa itong lumayo.Tumango na lang siya't hinintay na matapos ang pakikipag-usap ng doctor. Ngunit, base sa naririnig niyang tugon nito ay may emergency. "I'm sorry, Mr--""McCollins," aniya. "Mr. McCollins, I have something important to take care of. But I'll promise, I'll be right back. For now, I want to congratulate you." Pagkatapos magsalita ay mabilis na itong naglakad