HINDI pa man nagkakamalay si Gwen ay balisang-balisa na si Gian. Abot-abot ang kabang nadarama niya habang matiyagang nag-aabang sa muling pagmulat nito. He knows na may posibilidad na bumalik na ang memorya nito. "I love you," hinagkan niya ito sa noo. "My baby, my Gwen." Naagaw ang pansin niya nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na sa tingin niya'y doctor. Mabilis niyang inayos ang sarili, tumayo't sinalubong ito."Hi!" ngiting bati ng bagong pasok. "I'm the doctor of--" Hindi pa natatapos ang pagpapakilala nang mag-ring ang phone na hawak nito. "Just a second, Mr. I'll just pick this call." Hagya pa itong lumayo.Tumango na lang siya't hinintay na matapos ang pakikipag-usap ng doctor. Ngunit, base sa naririnig niyang tugon nito ay may emergency. "I'm sorry, Mr--""McCollins," aniya. "Mr. McCollins, I have something important to take care of. But I'll promise, I'll be right back. For now, I want to congratulate you." Pagkatapos magsalita ay mabilis na itong naglakad
"ANAK, nasaan si Gwen?"Nag-angat si Gian ng mukha. Nakaupo na siya sa gilid ng hospital bed. Malamlam ang matang sinalubong ang kaniyang ina. Alam niyang namumugto na ang mata sa paulit-ulit na pagluha, at ang peste niyang mata ay wala yatang balak na tumigil dahil nang makita ang ina ay muli na naman siyang napaluha. "Mom...""Oh, God!" Nang makalapit ang ina ay niyakap siya nito. "She left me, Mom. Galit siya sa akin. Galit na galit. Tama naman kasi siya, Mom. I'm a fool. A demon. I hurt her and almost killed her, kaya deserve ko ring masaktan ngayon. Kulang pa ang sakit, Mom. Kulang pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa lahat ng ginawa ko sa kaniya. Bakit ko ba kasi iyon nagawa sa kaniya? Bakit ko ba siya pinasakitan nang sobra? I'm so stupid. Sana, ako na lang pala ang nasagasaan, hindi siya," mahabang litanya niya kasabay ng pagbaha ng luha sa balikat ng ina.Walang tugon ang kaniyang ina, ngunit alam niyang maging ito ay lumuluha na rin. Para siyang isang batang musmos ng
WALA sa sarili habang naglalakad si Gwen. Nakararamdam siya ng sakit sa bandang balakang at likod, ngunit hindi niya iniinda iyon. Malayo-layo na ang narating niya mula sa hospital at ngayo'y hindi pa rin alam kung saan siya pupunta. Litong-lito na siya. Nang magkamalay siya sa hospital ay ganoon na lamang ang kaniyang takot nang masilayan ang mukha ng lalaking naging dahilan kung bakit siya nandoon. Pero, ayon dito ay pitong buwan na ang nakalipas at nawalan siya ng memorya. Kung ganoon, bakit siya nasa hospital? Sinaktan ba siya nitong muli? At ano iyong sinasabi nitong may nangyari sa kanila? Paulit-ulit pa.Bigla siyang pinamulahan sa naiisip. "Paanong nangyari iyon? Posible kayang nagbago na siya? Pero bakit wala akong matandaan? Nawalan nga ba ako ng memorya? Ano ba kasing nangyari sa akin? Pero bakit-- ang gulo naman!" reklamo niya sa sarili. Napabuga siya ng hangin. Ngayo'y hindi niya alam kung saan pupunta. Wala rin siyang pera o kahit cellphone man lamang para makatawag sa
"Gwen, ikaw ba 'yan?" Mabilis na nilingon ni Gwen ang pinagmulan ng tinig. Napatayo siya. Si Sylvia. Nahanap siya nito. Ngunit, paano? "M-mommy," anas niya at sinalubong ang paparating na ginang. She missed her so much.Agad siyang niyakap nito. Mahigpit na yakap na tulad ng isang tunay na ina. Humiwalay rin naman agad ito sa kaniya. Pinakatitigan siya nito. "Bakit umalis ka ng hospital? Hindi ka pa magaling. Wala bang masakit sa iyo?" Ginagap nito ang palad niya at niyakag na maupo."Mommy, ano pong nangyari sa akin?" tanong agad niya rito. "Wala ka bang natatandaan?"Umiling siya. "Huli ko pong natatandaan ay 'yong nangyari na naumpog ako dahil sa kagagawan ng iyong anak."Nang dahil sa narinig ay napaluha si Sylvia. "I'm sorry, anak. Napakalaki ng kasalanan sa iyo ni Gian, but I know, pinagsisihan na niya iyon. Nawalan ka ng memorya dahil sa sinasabi mong nangyari sa iyo at nawala ka rin. Natagpuan ka niya sa isang lugar, I don't know what is the exact name of that place, pero
Malayang nakatunghay si Gwen sa labas ng bintana ng boarding house na tinutuluyan niya. Huminga siya ng malalim at ikinurap-kurap ang mata matapos isipin ang posibilidad na mangyayari. One week na ang nakalilipas matapos ang pag-uusap nila ni Sylvia, inihatid siya nito sa tinutuluyan ni Celly, para raw makapag-isip muna. Nangako ito na ibibigay ang lahat ng kakailanganin at sinabi pa na hindi ipapaalam kay Gian kung nasaan siya. Kaninang umaga ay nagpadala ito ng napakaraming grocery na ikinatuwa naman ng kaniyang kaibigan, hindi na raw sila gagastos pa. Nahiya na rin siya, kaya tinanggap na niya ang ibinigay ng ginang. Wala rin siyang pera na panggastos. Pero bago ito umalis ay nag-iwan ito ng ATM, in case na may bibilihin siya. Hindi niya gustong gamitin iyon, kaya't itatabi na lang niya. Pinipilit din siya nitong magpa-check-up, pero tumanggi siya.Tumayo siya't tinungo ang kusina na kadikit lang ng sala. Hindi kalakihan ang tinutuluyan ng kaibigan niya, pagpasok ay sala na ang ma
SIMULA nang puntahan si Gwen ni Gian ay palagi na lang siyang malalim ang iniisip. Palagi na lamang maraming katanungan ang isipan niya. At simula rin nang puntahan siya nito ay araw-araw na siyang nakatatanggap ng bulaklak, may card at chocolate pa. Minsan naman ay iba't ibang uri ng stuff toys. "Oh, may dumating na naman," simangot na saad ni Celly matapos nitong mapagbuksan ang nagdeliver ng bulaklak. "Ilang araw pa, malapit na akong makapagpatayo ng flower shop dito. Aba'y malapit nang mapuno itong kuwarto natin ah! Kung binabalikan mo na kasi ang asawa mo, tutal mag-asawa pa rin naman kayo. Bakit hindi mo siya bigyan ng second chance?" suhestiyon nito kasabay ang pag-upo sa kaharap na bangko. Napaiwas siya ng tingin dito "Alam mo bang halos mamatay na ako sa kamay niya? Tapos babalikan ko siya na parang wala lang." Napailing siya. "Yeah. I know. Pero dahil iyon kay Zabrina. E, kung ipinaaalam mo na kay Gian ang napag-usapan ninyo ng best friend mo, sure akong makikinig sa iy
Ilang segundong nakatitig si Gwen sa nakahaiganh si Gian, akmang tatapikin niya ito nang manlaki ang mata niya sa gulat. Maliksi itong tumayo at sinugod siya ng yakap."I miss you so much, baby," paos nitong tinig.Ilang segundo siyang tulala. Baby? Kailan pa siya nito tinawag na baby? Nang makahuma ay malakas niya itong naitulak. Salubong ang kilay niya nang magtama ang kanilang mata."Akala ko ba may sakit ka! Ano ito? Drama mo lang ba?" Napipilan ito at kagat-labing napayuko na lalong ikinainit ng ulo niya."So, ibig sabihin, drama mo nga lang ito? Wala kang sakit? Pati ba naman ito, Gian?" Nasapo niya ang ulo. "Wala ka na bang magawang matino at pati kalusugan mo'y ginagawa mong biro." "I'm sorry. Ito na lang kasi ang alam kong paraan para kausapin mo. Baby, I'm sorry."Sa sobrang inis ay padabog niyang tinalikuran ang asawa, ngunit maagap nitong niyakap ang kaniyang likuran. Nadama niya ang panginginig ng katawan nito. Isinuksok ang mukha sa kaniyang leeg at doon niya nalamang
Kumikirot ang puso ni Gian., pero kahit ganoon ay kailangan niyang tiisin ang sakit na nadarama. He deserved it. Kung tutuosin ay kulang pa ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon, kumpara sa ipinaranas niyang sakit sa asawa."Kulang pa, Gian. Kung kinakailangang lumuha ako ng dugo, kung iyon ang tanging paraan para tuluyan akong mapatawad ng asawa ko, gagawin ko." Pumatak muli ang luha niya at hindi niya napigil ang sarili na mapangiti. "I'm not a gay, napatunayan ko na iyan sa iyo." Tinungo niya ang kama, dinampot ang litrato nila ni Gwen at tinitigan iyon. Humiga siya habang yakap-yakap ang litrato. Muli siyang nakatulog nang may luha sa mata.Nagising siya na yakap pa rin ang larawan. Ngumiti nang makita ang mukha ni Gwen. Masuyo hinaplos ang larawan. Araw-araw, ganoon ang ginagawa niya. Wala siyang ganang lumabas ng silid o kahit kumain. Tanging tubig lang ang laman ng tiyan niya. Sa ilang araw na pinadadalhan niya ng kung anu-ano ang asawa, araw-araw din niya itong palihi