WALA sa sarili habang naglalakad si Gwen. Nakararamdam siya ng sakit sa bandang balakang at likod, ngunit hindi niya iniinda iyon. Malayo-layo na ang narating niya mula sa hospital at ngayo'y hindi pa rin alam kung saan siya pupunta. Litong-lito na siya. Nang magkamalay siya sa hospital ay ganoon na lamang ang kaniyang takot nang masilayan ang mukha ng lalaking naging dahilan kung bakit siya nandoon. Pero, ayon dito ay pitong buwan na ang nakalipas at nawalan siya ng memorya. Kung ganoon, bakit siya nasa hospital? Sinaktan ba siya nitong muli? At ano iyong sinasabi nitong may nangyari sa kanila? Paulit-ulit pa.Bigla siyang pinamulahan sa naiisip. "Paanong nangyari iyon? Posible kayang nagbago na siya? Pero bakit wala akong matandaan? Nawalan nga ba ako ng memorya? Ano ba kasing nangyari sa akin? Pero bakit-- ang gulo naman!" reklamo niya sa sarili. Napabuga siya ng hangin. Ngayo'y hindi niya alam kung saan pupunta. Wala rin siyang pera o kahit cellphone man lamang para makatawag sa
"Gwen, ikaw ba 'yan?" Mabilis na nilingon ni Gwen ang pinagmulan ng tinig. Napatayo siya. Si Sylvia. Nahanap siya nito. Ngunit, paano? "M-mommy," anas niya at sinalubong ang paparating na ginang. She missed her so much.Agad siyang niyakap nito. Mahigpit na yakap na tulad ng isang tunay na ina. Humiwalay rin naman agad ito sa kaniya. Pinakatitigan siya nito. "Bakit umalis ka ng hospital? Hindi ka pa magaling. Wala bang masakit sa iyo?" Ginagap nito ang palad niya at niyakag na maupo."Mommy, ano pong nangyari sa akin?" tanong agad niya rito. "Wala ka bang natatandaan?"Umiling siya. "Huli ko pong natatandaan ay 'yong nangyari na naumpog ako dahil sa kagagawan ng iyong anak."Nang dahil sa narinig ay napaluha si Sylvia. "I'm sorry, anak. Napakalaki ng kasalanan sa iyo ni Gian, but I know, pinagsisihan na niya iyon. Nawalan ka ng memorya dahil sa sinasabi mong nangyari sa iyo at nawala ka rin. Natagpuan ka niya sa isang lugar, I don't know what is the exact name of that place, pero
Malayang nakatunghay si Gwen sa labas ng bintana ng boarding house na tinutuluyan niya. Huminga siya ng malalim at ikinurap-kurap ang mata matapos isipin ang posibilidad na mangyayari. One week na ang nakalilipas matapos ang pag-uusap nila ni Sylvia, inihatid siya nito sa tinutuluyan ni Celly, para raw makapag-isip muna. Nangako ito na ibibigay ang lahat ng kakailanganin at sinabi pa na hindi ipapaalam kay Gian kung nasaan siya. Kaninang umaga ay nagpadala ito ng napakaraming grocery na ikinatuwa naman ng kaniyang kaibigan, hindi na raw sila gagastos pa. Nahiya na rin siya, kaya tinanggap na niya ang ibinigay ng ginang. Wala rin siyang pera na panggastos. Pero bago ito umalis ay nag-iwan ito ng ATM, in case na may bibilihin siya. Hindi niya gustong gamitin iyon, kaya't itatabi na lang niya. Pinipilit din siya nitong magpa-check-up, pero tumanggi siya.Tumayo siya't tinungo ang kusina na kadikit lang ng sala. Hindi kalakihan ang tinutuluyan ng kaibigan niya, pagpasok ay sala na ang ma
SIMULA nang puntahan si Gwen ni Gian ay palagi na lang siyang malalim ang iniisip. Palagi na lamang maraming katanungan ang isipan niya. At simula rin nang puntahan siya nito ay araw-araw na siyang nakatatanggap ng bulaklak, may card at chocolate pa. Minsan naman ay iba't ibang uri ng stuff toys. "Oh, may dumating na naman," simangot na saad ni Celly matapos nitong mapagbuksan ang nagdeliver ng bulaklak. "Ilang araw pa, malapit na akong makapagpatayo ng flower shop dito. Aba'y malapit nang mapuno itong kuwarto natin ah! Kung binabalikan mo na kasi ang asawa mo, tutal mag-asawa pa rin naman kayo. Bakit hindi mo siya bigyan ng second chance?" suhestiyon nito kasabay ang pag-upo sa kaharap na bangko. Napaiwas siya ng tingin dito "Alam mo bang halos mamatay na ako sa kamay niya? Tapos babalikan ko siya na parang wala lang." Napailing siya. "Yeah. I know. Pero dahil iyon kay Zabrina. E, kung ipinaaalam mo na kay Gian ang napag-usapan ninyo ng best friend mo, sure akong makikinig sa iy
Ilang segundong nakatitig si Gwen sa nakahaiganh si Gian, akmang tatapikin niya ito nang manlaki ang mata niya sa gulat. Maliksi itong tumayo at sinugod siya ng yakap."I miss you so much, baby," paos nitong tinig.Ilang segundo siyang tulala. Baby? Kailan pa siya nito tinawag na baby? Nang makahuma ay malakas niya itong naitulak. Salubong ang kilay niya nang magtama ang kanilang mata."Akala ko ba may sakit ka! Ano ito? Drama mo lang ba?" Napipilan ito at kagat-labing napayuko na lalong ikinainit ng ulo niya."So, ibig sabihin, drama mo nga lang ito? Wala kang sakit? Pati ba naman ito, Gian?" Nasapo niya ang ulo. "Wala ka na bang magawang matino at pati kalusugan mo'y ginagawa mong biro." "I'm sorry. Ito na lang kasi ang alam kong paraan para kausapin mo. Baby, I'm sorry."Sa sobrang inis ay padabog niyang tinalikuran ang asawa, ngunit maagap nitong niyakap ang kaniyang likuran. Nadama niya ang panginginig ng katawan nito. Isinuksok ang mukha sa kaniyang leeg at doon niya nalamang
Kumikirot ang puso ni Gian., pero kahit ganoon ay kailangan niyang tiisin ang sakit na nadarama. He deserved it. Kung tutuosin ay kulang pa ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon, kumpara sa ipinaranas niyang sakit sa asawa."Kulang pa, Gian. Kung kinakailangang lumuha ako ng dugo, kung iyon ang tanging paraan para tuluyan akong mapatawad ng asawa ko, gagawin ko." Pumatak muli ang luha niya at hindi niya napigil ang sarili na mapangiti. "I'm not a gay, napatunayan ko na iyan sa iyo." Tinungo niya ang kama, dinampot ang litrato nila ni Gwen at tinitigan iyon. Humiga siya habang yakap-yakap ang litrato. Muli siyang nakatulog nang may luha sa mata.Nagising siya na yakap pa rin ang larawan. Ngumiti nang makita ang mukha ni Gwen. Masuyo hinaplos ang larawan. Araw-araw, ganoon ang ginagawa niya. Wala siyang ganang lumabas ng silid o kahit kumain. Tanging tubig lang ang laman ng tiyan niya. Sa ilang araw na pinadadalhan niya ng kung anu-ano ang asawa, araw-araw din niya itong palihi
NAPASINGHAP si Gwen matapos marinig ang paliwanag ng lalaking nagngangalang Vic. Sinasabi nito na iniligtas siya nito mula sa rumaragasang sasakyan at balak pa sanang tuloyan nang nasa hospital na siya, pero, sino ang magtatangka sa kaniya?"Wala ka ba talagang natatandaan kung sino ang gustong pumatay sa akin?"Umiling lang ito. "Hindi ko rin nakita ang mukha ng dalawang lalaki dahil nakasuot sila ng mask. Mabuti na lamang at naialis na agad kita roon."Nangunot nang sobra ang noo niya at napaisip sa sinabi nito. "Wait. Sinabi mong hindi mo kilala ang dalawang lalaki, papaano mo nalamang sila iyon? Papaano mo nasiguradong ako ang gusto nilang patayin kung nakasuot sila ng mask?''"H-ha, ah, eh, kuwan--""Talaga bang hindi mo lulubayan ang asawa ko?"Sabay na napabaling ang tingin ni Gwen at Vic sa taong nagsalita. Muli siyang napasinghap nang masilayaan ang matalim na titig ni Gian. Napatayo naman ang lalaking kaharap niya. Sa isang iglap ay nakalapit na agad ito sa kanila at pasimpl
Paroo't parito si Sylvia, tuliro ang kanyang isipan. Hinayaan niyang makapag-usap ang mag-asawa pero sa huli ay nagpasya ang manugang niyang lisanin muli ang mansyon. Hindi siya pumayag na mag-isa itong magbyahe kaya inihatid ito ni Dan. Kanina rin ay nakatanggap siya ng tawag mula sa hospital na pinagdalahan kay Gwen. Ayon sa nurse na nakausap niya'y matagal na siya nitong kinokontak, nasermunan pa siya dahil sa agarang paglabas ng manugang niya kahit walang pahintulot ng hospital. At ngayon ay nasa loob siya ng office ng doktor na sumuri sa manugang niya. Hinihintay lang niya ito dahil may importante itong sasabihin. Kinakabahan siya sa posibilidad na mangyayari. What if, may malaki palang pinsala itong natamo mula sa aksidente? O kaya ay may malubhang karamdamang nakita ang doktor?Mariin siyang napapikit sa isiping iyon. Hindi na niya kakayanin ang labis na pagdurusa ng anak. Alam niyang masasaktan na naman ito sa oras na malaman ang posilibidad na mangyayari kay Gwen. "Mrs. McCo