"ANAK, nasaan si Gwen?"Nag-angat si Gian ng mukha. Nakaupo na siya sa gilid ng hospital bed. Malamlam ang matang sinalubong ang kaniyang ina. Alam niyang namumugto na ang mata sa paulit-ulit na pagluha, at ang peste niyang mata ay wala yatang balak na tumigil dahil nang makita ang ina ay muli na naman siyang napaluha. "Mom...""Oh, God!" Nang makalapit ang ina ay niyakap siya nito. "She left me, Mom. Galit siya sa akin. Galit na galit. Tama naman kasi siya, Mom. I'm a fool. A demon. I hurt her and almost killed her, kaya deserve ko ring masaktan ngayon. Kulang pa ang sakit, Mom. Kulang pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa lahat ng ginawa ko sa kaniya. Bakit ko ba kasi iyon nagawa sa kaniya? Bakit ko ba siya pinasakitan nang sobra? I'm so stupid. Sana, ako na lang pala ang nasagasaan, hindi siya," mahabang litanya niya kasabay ng pagbaha ng luha sa balikat ng ina.Walang tugon ang kaniyang ina, ngunit alam niyang maging ito ay lumuluha na rin. Para siyang isang batang musmos ng
WALA sa sarili habang naglalakad si Gwen. Nakararamdam siya ng sakit sa bandang balakang at likod, ngunit hindi niya iniinda iyon. Malayo-layo na ang narating niya mula sa hospital at ngayo'y hindi pa rin alam kung saan siya pupunta. Litong-lito na siya. Nang magkamalay siya sa hospital ay ganoon na lamang ang kaniyang takot nang masilayan ang mukha ng lalaking naging dahilan kung bakit siya nandoon. Pero, ayon dito ay pitong buwan na ang nakalipas at nawalan siya ng memorya. Kung ganoon, bakit siya nasa hospital? Sinaktan ba siya nitong muli? At ano iyong sinasabi nitong may nangyari sa kanila? Paulit-ulit pa.Bigla siyang pinamulahan sa naiisip. "Paanong nangyari iyon? Posible kayang nagbago na siya? Pero bakit wala akong matandaan? Nawalan nga ba ako ng memorya? Ano ba kasing nangyari sa akin? Pero bakit-- ang gulo naman!" reklamo niya sa sarili. Napabuga siya ng hangin. Ngayo'y hindi niya alam kung saan pupunta. Wala rin siyang pera o kahit cellphone man lamang para makatawag sa
"Gwen, ikaw ba 'yan?" Mabilis na nilingon ni Gwen ang pinagmulan ng tinig. Napatayo siya. Si Sylvia. Nahanap siya nito. Ngunit, paano? "M-mommy," anas niya at sinalubong ang paparating na ginang. She missed her so much.Agad siyang niyakap nito. Mahigpit na yakap na tulad ng isang tunay na ina. Humiwalay rin naman agad ito sa kaniya. Pinakatitigan siya nito. "Bakit umalis ka ng hospital? Hindi ka pa magaling. Wala bang masakit sa iyo?" Ginagap nito ang palad niya at niyakag na maupo."Mommy, ano pong nangyari sa akin?" tanong agad niya rito. "Wala ka bang natatandaan?"Umiling siya. "Huli ko pong natatandaan ay 'yong nangyari na naumpog ako dahil sa kagagawan ng iyong anak."Nang dahil sa narinig ay napaluha si Sylvia. "I'm sorry, anak. Napakalaki ng kasalanan sa iyo ni Gian, but I know, pinagsisihan na niya iyon. Nawalan ka ng memorya dahil sa sinasabi mong nangyari sa iyo at nawala ka rin. Natagpuan ka niya sa isang lugar, I don't know what is the exact name of that place, pero
Malayang nakatunghay si Gwen sa labas ng bintana ng boarding house na tinutuluyan niya. Huminga siya ng malalim at ikinurap-kurap ang mata matapos isipin ang posibilidad na mangyayari. One week na ang nakalilipas matapos ang pag-uusap nila ni Sylvia, inihatid siya nito sa tinutuluyan ni Celly, para raw makapag-isip muna. Nangako ito na ibibigay ang lahat ng kakailanganin at sinabi pa na hindi ipapaalam kay Gian kung nasaan siya. Kaninang umaga ay nagpadala ito ng napakaraming grocery na ikinatuwa naman ng kaniyang kaibigan, hindi na raw sila gagastos pa. Nahiya na rin siya, kaya tinanggap na niya ang ibinigay ng ginang. Wala rin siyang pera na panggastos. Pero bago ito umalis ay nag-iwan ito ng ATM, in case na may bibilihin siya. Hindi niya gustong gamitin iyon, kaya't itatabi na lang niya. Pinipilit din siya nitong magpa-check-up, pero tumanggi siya.Tumayo siya't tinungo ang kusina na kadikit lang ng sala. Hindi kalakihan ang tinutuluyan ng kaibigan niya, pagpasok ay sala na ang ma
SIMULA nang puntahan si Gwen ni Gian ay palagi na lang siyang malalim ang iniisip. Palagi na lamang maraming katanungan ang isipan niya. At simula rin nang puntahan siya nito ay araw-araw na siyang nakatatanggap ng bulaklak, may card at chocolate pa. Minsan naman ay iba't ibang uri ng stuff toys. "Oh, may dumating na naman," simangot na saad ni Celly matapos nitong mapagbuksan ang nagdeliver ng bulaklak. "Ilang araw pa, malapit na akong makapagpatayo ng flower shop dito. Aba'y malapit nang mapuno itong kuwarto natin ah! Kung binabalikan mo na kasi ang asawa mo, tutal mag-asawa pa rin naman kayo. Bakit hindi mo siya bigyan ng second chance?" suhestiyon nito kasabay ang pag-upo sa kaharap na bangko. Napaiwas siya ng tingin dito "Alam mo bang halos mamatay na ako sa kamay niya? Tapos babalikan ko siya na parang wala lang." Napailing siya. "Yeah. I know. Pero dahil iyon kay Zabrina. E, kung ipinaaalam mo na kay Gian ang napag-usapan ninyo ng best friend mo, sure akong makikinig sa iy
Ilang segundong nakatitig si Gwen sa nakahaiganh si Gian, akmang tatapikin niya ito nang manlaki ang mata niya sa gulat. Maliksi itong tumayo at sinugod siya ng yakap."I miss you so much, baby," paos nitong tinig.Ilang segundo siyang tulala. Baby? Kailan pa siya nito tinawag na baby? Nang makahuma ay malakas niya itong naitulak. Salubong ang kilay niya nang magtama ang kanilang mata."Akala ko ba may sakit ka! Ano ito? Drama mo lang ba?" Napipilan ito at kagat-labing napayuko na lalong ikinainit ng ulo niya."So, ibig sabihin, drama mo nga lang ito? Wala kang sakit? Pati ba naman ito, Gian?" Nasapo niya ang ulo. "Wala ka na bang magawang matino at pati kalusugan mo'y ginagawa mong biro." "I'm sorry. Ito na lang kasi ang alam kong paraan para kausapin mo. Baby, I'm sorry."Sa sobrang inis ay padabog niyang tinalikuran ang asawa, ngunit maagap nitong niyakap ang kaniyang likuran. Nadama niya ang panginginig ng katawan nito. Isinuksok ang mukha sa kaniyang leeg at doon niya nalamang
Kumikirot ang puso ni Gian., pero kahit ganoon ay kailangan niyang tiisin ang sakit na nadarama. He deserved it. Kung tutuosin ay kulang pa ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon, kumpara sa ipinaranas niyang sakit sa asawa."Kulang pa, Gian. Kung kinakailangang lumuha ako ng dugo, kung iyon ang tanging paraan para tuluyan akong mapatawad ng asawa ko, gagawin ko." Pumatak muli ang luha niya at hindi niya napigil ang sarili na mapangiti. "I'm not a gay, napatunayan ko na iyan sa iyo." Tinungo niya ang kama, dinampot ang litrato nila ni Gwen at tinitigan iyon. Humiga siya habang yakap-yakap ang litrato. Muli siyang nakatulog nang may luha sa mata.Nagising siya na yakap pa rin ang larawan. Ngumiti nang makita ang mukha ni Gwen. Masuyo hinaplos ang larawan. Araw-araw, ganoon ang ginagawa niya. Wala siyang ganang lumabas ng silid o kahit kumain. Tanging tubig lang ang laman ng tiyan niya. Sa ilang araw na pinadadalhan niya ng kung anu-ano ang asawa, araw-araw din niya itong palihi
NAPASINGHAP si Gwen matapos marinig ang paliwanag ng lalaking nagngangalang Vic. Sinasabi nito na iniligtas siya nito mula sa rumaragasang sasakyan at balak pa sanang tuloyan nang nasa hospital na siya, pero, sino ang magtatangka sa kaniya?"Wala ka ba talagang natatandaan kung sino ang gustong pumatay sa akin?"Umiling lang ito. "Hindi ko rin nakita ang mukha ng dalawang lalaki dahil nakasuot sila ng mask. Mabuti na lamang at naialis na agad kita roon."Nangunot nang sobra ang noo niya at napaisip sa sinabi nito. "Wait. Sinabi mong hindi mo kilala ang dalawang lalaki, papaano mo nalamang sila iyon? Papaano mo nasiguradong ako ang gusto nilang patayin kung nakasuot sila ng mask?''"H-ha, ah, eh, kuwan--""Talaga bang hindi mo lulubayan ang asawa ko?"Sabay na napabaling ang tingin ni Gwen at Vic sa taong nagsalita. Muli siyang napasinghap nang masilayaan ang matalim na titig ni Gian. Napatayo naman ang lalaking kaharap niya. Sa isang iglap ay nakalapit na agad ito sa kanila at pasimpl
SA gitna ng dilim ay magkayakap si Celly at Adrix. Ang sinabi ng binatang pupunta sa US ang nagpalakas ng loob niya na yakapin ito. Isinantabi muna niya ang pride, sa pagkakataong 'yon ay hahayaan niyang gumana ang kaniyang puso. Sa isang iglap ay nasa loob na sila ng bahay at kapwa nangungusap ang mga mata. Walang pasubaling tinawid niya ang pagitan para mailapat ang labi rito. Hindi ito makahuma sa ginawa niya, halatang gulat na gulat. Siyempre, sino ba naman ang hindi magugulat sa ginawa niya? Siya na palaging nakasinghal sa binata, hahalikan ito? Nang bumitaw siya'y idinikit ang noo sa mukha nito. Amoy niya ang alcohol na ibinubuga ng hininga nito, pero alintana 'yon. Nakaliliyo man pero masarap pa rin sa pakiramdam."What happened? Is it a dream?"Bahagya siyang napangiti sa huling sinabi nito. Nang mag-angat siya ng paningin ay nasa mukha pa rin nito ang gulat. "OA mo na ha!" Tinapik niya ito sa balikat, saka'y bahagyang lumayo rito, dahil baka'y ipagkanulo na naman siya ng ka
NAKATUNGHAY si Adrix sa babaing pumapasok, kasama ang lalaking may dalang helmet. Parang tinutusok ng milyong karayom ang dibdib niya sa nakikitang kasiyahan sa mukha ni Celly. Ang pagbuka ng bibig nito kasabay ang paniningkit ng mata, alam niyang masayang-masaya ito, pero kapag siya ang kasama, galit na galit ito. Kahit wala siyang ginagawang masama lagi itong nakasinghal sa kaniya. Kinuha niya ang phone. Tinawagan niya si Gian. Nakapagdesisyon na siya, pupunta siya sa US para hanapin si Zabrina. Matapos kausapin ang kaibigan ay inilapag niya ang cellphone. Nasa loob na si Celly, kasama ang lalaking naghatid dito. Ngayong nasa loob na ang dalawa, samo't sari ang pumapasok sa isipan niya. Pumitik ng malakas ang puso niya. Ayaw man niyang aminin, pero kinakain siya ng selos. Kaya ba ayaw nito sa kaniya, kaya ba palagi itong nakasinghal sa kaniya, dahil may ibang nagpapasaya rito? Kunsabagay, matagal na siya nitong pinatitigil, pero siya lang ang makulit. Ngayon ay sinasampal na sa
SIMULA nang ihatid ni Adrix ay hindi na niya kinulit si Celly, pero kahit ganoon ay palagi pa rin siyang nakatunghay sa malayo rito. Palihim siyang nakabantay kahit sa pagpasok at paglabas ng dalaga. Nagkasya na lang siya sa pagtingin-tingin dito. Tulad ngayon, nakamasid na naman siya rito. Kung may makapapansin lang tiyak na iba ang iisipin sa kaniya.He sighed. Sinasabi nito na babaero siya, kahit ang ex-girlfriend niya, but that's not true. Ang totoo, ang mga babae ang lumalapit sa kaniya, pero hindi ibig sabihin na nakikipag-flirt siya. Si Hannah, ang ex-girlfriend niya, minahal niya ito ng sobra, dito na umikot ang kaniyang mundo. Ibinigay niya ang lahat, pero sa isang iglap ay nawala ito sa kaniya. Sa pag-aakalang may iba siya ay sumama ito sa mayamang lalaki. Akala niya'y ipinagpalit lang siya, pero matagal na pala nitong karelasyon ang lalaking 'yon. Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan. Pareho silang niloko ng dating kasintahan ni Gian, ang kaibahan nga la
INIS na inis si Celly, pero kahit ganoon ang naramdaman ay wala siyang ibang choice kundi ang pakisamahan si Adrix. Napahiya rin siya kay Gian nang magtalo sila sa harapan ng mag-asawa habang kumakain ang mga ito."Kundi ba naman isang tanga at kalahati!" pabulong niyang sabi, umiikot pa ang dalawang itim ng mata. Tinapunan nito ng pagkain ang waiter na nag-serve sa kanila sa restaurant. Pero ang mokong na 'to, siya ang sinisisi kung bakit nito nagawa 'yon. Nakikipagtitigan daw siya sa waiter."As if namang nakikipagtitigan ngang talaga ako, duh!" Muling umikot ang itim ng mata niya. Tumingin siya sa labas, nagbabaka-sakaling mawala ang inis niya sa binata.Ngayon ay nasa sasakyan siya nito. Ihahatid na raw siya, pero daraan muna sila sa mansyon ng McCollins dahil sa naiwang gamit doon. Hindi rin niya maipaliwanag ang sarili kung bakit inis na inis siya sa tuwing magkakamali ito. Para sa kaniya'y wala itong alam kundi ang uminom sa bar, lustayin ang pera sa walang kabuluhang bagay at
ANG sama ng tingin ni Gian sa asawa, nasa labas na sila ng room, pero bahagyang nakaawang ang pinto ng silid dahil sa natutulog na anak. Umi-echo ang boses nito, mabuti na lamang dahil soundproof ang office niya, kung hindi ay nagtaka na ang mga empleyafo niya sa labas. Ang asawa niya, pinagtitripan lang pala siya. Hindi pala ito galit sa nagawa niyanh pagsigaw dito. Oo, nainis ito pero nang makita ang reaksyon niya na halos umiyak na sa paghingi ng tawad dito at ngayon ay humagalpak ng tawa. Gayunpaman ay nawala ang anumang nasa isipan niya. Ang sarap lang pakinggan ng tawa nito. Nakahahalina. Namimilipit na ito sa pagtawa, may kasama pang hampas pa sa bangko. Ang mukha'y nammumula na. Sa ilang taon nilang magkasama, ngayon lang niya ito nakita kung paano tumawa nang walang pag-aalinlangan. Parang nakalaya ito sa madilim niyang anino. "Sweetheart, ang sakit na ng tiyan ko," sabi nitong nakahawak sa tiyan. Napangiti siya. Tumayo siya't lumapit dito. "Silly girl!" Tuluyan na siyang
NAISABUNOT ni Gian ang mga daliri sa sariling buhok. Nang dahil sa takot ay hindi sinasadyang nasigawan niya ang asawa. Ngayon ay hindi niya alam kung paano ito susuyuin. Bumalik ang alaala ng pagmamalupit niya rito, ang mga panahong palagi niya itong sinisigawan at sinasaktan. Tulad noon, wala pa rin itong imik. O baka'y kinimkim lang nito ang galit sa kaniya. Shit! Nahihiya siya sa asawa. Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha, saka'y tumingin sa asawang katabi ng anak. Hindi niya alam kung tulog ba ito at hindi rin niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Namalayan na lang niyang tinatangay siya ng mga paa patungo rito. Maingat siyang umupo sa gilid ng kama at ginawa ang pagkakahiga ng asawa. Ipinatong ang braso sa baywang nito. "I'm sorry..." Nagkaroon ng bikig sa kaniyang lalamunan. Paano kung magtampo ito nang husto sa ginawa niya? Kung bakit naman kasi pinairal niya ang init ng ulo. "A-are you m-mad!" Tinamaan siya ng lintik dahil bahagya siyang pumiyok. Kapag g
HINDI mapigilan ni Gwen ang tuwa habang nasa clinic sila ni Celly. Nagkandahaba ang nguso nito at halos hindi maipinta ang hitsura, daig pa ang nalugi sa negosyo. Tumawag sa kaniya si Gian, nagtatanong kung natuloy ba ang appointment niya sa doktor ni Andrei. Alibi lang pala 'yon ng asawa, dahil ang totoo'y sinisigurado nito kung magkasama sila ng kaibigan. Nasa tabi nito si Adrix na naghuhurumintado dahil sa pagtakas ng kaibigan. "Hoy! Wala tayong relasyon para ipaalam ko pa sa iyo ang lahat ng aking gagawin!" bulyaw ni Celly sa kabilang linya. "Lower your voice," aniya rito, inihele pa niya ang natutulog na anak. Pinagbigyan niya ang hiling ni Adrix na makausap si Celly, kaya ngayo'y inis na inis ang kaniyang kaibigan. Masamang tingin ang itinugon nito sa kaniya na lalo niyang ikinatuwa. Kung nasa sariling pamamahay lang siguro siya ay humagalpak na siya ng tawa. Kaagad din nitong tinapos ang makikipag-usap sa nasa kabilang linya at padaskol na iniabot sa kaniya ang cellphone.
"SAAN ka pupunta?" Sumalimpat ang tingin ni Celly kay Adrix. Nakatayo ito sa harapan niya. Salubong ang kilay, mukhang aburido. Hindi na lang niya ito pinansin at akmang lalabas ng pinto ngunit maagap nitong iniharang ang katawan. Umikot ang kaniyang mata. Sa halip na lumabas ay malakas niyang isinarado ang pinto. Narinig pa niya ang hiyaw ng binata ngunit hindi niya pinakinggan, bagkus ay ini-lock pa. "Agang-aga nakakabwisit!" angil pa niya, kasabay ng marahas na paglalakad patungo sa likurang bahagi ng tinutuluyan.Simula nang dumating sila galing Isla Paradise ay palagi siyang binibisita nito. Tuwing umaga ay lagi niyang nakikitang nag-aabang sa labasan, kung hindi naman ay nasa harap ng pinto. Naiirita na siya rito. Sinabi na niyang tumigil na dahil hindi ito ang tipo niyang lalaki, pero napakakulit talaga. Hindi raw ito naniniwala sa kaniya."Nakakainis!" Binuksan niya ang bintana, siinuri ang paligid. Hindi 'yon kataasan, hanggang baywang lang niya at kaya niyang dumaan, ang
HINDI maalis-alis ang lagkit ng tingin ni Gian sa asawa. Gandang-ganda siya rito. She's so gorgeous with her looks. Para itong beauty queen na kahit simple lang ang kasuota'y nagiging kaakit-akit sa paningin niya. The way she walked, even her smile, lahat ng 'yon ay parang diyamante sa kaniyang paningin at kung sinuman ang magtangkang humawak o kahit tumingin dito'y dudurugin niya. A delicate smile drew on his lips when they stopped walking. His eyes also showed a lot of admiration. Kasalukuyan silang nasa veranda sa second floor, naliligiran ng iba't ibang uri ng halaman at sa kalangitan ay nandoon ang nagkikislapang mga bituin. "Ang ganda, sweetheart!" buong paghangang sambit nito. Umikot pa habang nakatingala at nakamasid sa mga bituin. Naisip niyang palagyan extension ng tulad nito ang kanilang room. May veranda rin ang silid nila pero maliit ang espasyo at hindi rin napagtutuonan ng pansin ang paligid. Bahagyang kumislot ang puso niya nang lumapit ito sa pinakadulo at kumapit