May panginginig ng katawan si Gwen nang muli siyang tumuntong sa mansiyon ng McCollins, kahit pa sinabi ni Gian na kailanman ay hindi na siya nito sasaktan, hindi pa rin niya maiwasang makadama ng takot. Nakatatak pa rin sa kaniyang isipan ang mga hirap at pasakit na tinamo mula rito. Sinuri niyang muli ang kabuohan ng mansiyon, nang isama siya ni Sylvia ay hindi niya napagtuonan ng pansin ang pagmasdan ito. Ganoon pa rin naman, walang pinagbago, maliban sa... nalaglag ang panga niya sa nakita. "Bakit hindi ko iyon napansin kanina? Sabagay, hindi ko nga pala nilibot ang mata ko rito. Pero bakit niya isinabit ang picture namin?" katanungang sa isipan niya ay lumabas. "Do you want something to drink? Ikukuha kita. Or, kumain muna," tinig ni Gian habang iginigiya siya sa sala. Tipid siyang ngumiti. Habang umuupo ay napahawak siya sa kaniyang ulo. Nakararamdam na naman siya ng hilo. Nitong mga nakaraang araw ay malimit na siyang nahihilo. Hindi naman niya magawang magpa-check-up, nat
Nakaukit ang malaking ngiti sa labi ni Gian nang lumabas siya sa banyo. He even touched his lips, iyon ang unang halik niya matapos bumalik ang alaala ng asawa. Nangamba rin naman siya na baka ay magalit ito sa kaniyang ginawa. Kanina, nang sundan niya ito sa itinurong lugar ng driver ay inisip na niya ang dapat sabihin at kung ano ang mangyayari. Pero laking gulat nang makitang si Vic ang kausap nito. Wala talaga siyang tiwala sa lalaking iyon. Ewan ba niya kung bakit, o baka'y nagseselos lang siya.Natigil ang kaniyang pagmumuni-muni nang marinig ang katok. Agad siyang lumapit sa pinto upang buksan iyon."Pasok ka na, Tina, pakilagay mo na lamang sa ref. Salamat." Ngumiti siya rito. Ginawa niya ang lahat para muli itong bumalik sa mansiyon. Katakot-takot na sorry ang nasambit niya rito sa mga nagawa noon. "Si Gwen?" "Naliligo pa siya."Seryoso itong tumitig sa kaniya. Alam naman niyang galit pa rin ito magpahanggang ngayon sa kaniya at umaasa rin siya na sana'y mapatawad siya nito
"Bumalik na siya."Narinig ni Gian ang sinabing iyon ng asawa. Napatitig siya sa mukha nito, patuloy ang pagdaloy ng luha sa magkabilang pisngi at bahagya pang sumisinghot. His heart felt like it was being squeezed, but he secretly smiled. Ibig sabihin, may pagmamahal pa rin ito sa kaniya. Ngayo'y naunawaan niya kung bakit ito umiiyak. Lihim niyang pinagmasdan ang babaing naging bahagi ng kaniyang puso, She's back! Pinakiramdaman niya ang sarili kung may natitira pang pagmamahal sa kaniyang puso... wala na. Kung merun man ay galit ang namamahay doon para rito. She's so selfish! Sarili lang ang iniisip nito at hindi niya lubos-maisip na kayang ipagkanulo ang matalik nitong kaibigan. Mabuti na lang pala't ipinagtapat ng ina niya ang nangyari, pero nang dahil sa nalaman ay mas lalo siyang inusig ng konsensiya sa nagawa sa asawa. At ngayon ay nanganganib pa ang buhay nito.Binalingan niya si Gwen na patuloy sa paghikbi. Biglang may pumasok na mga salita sa isipan niya. What if...? Dumili
Napasulyap si Gwen sa katabing asawa. Nasa sala pa rin sila, at kasalukuyang nagbabahagi ng pasalubong o mas tamang sabihing suhol si Zabrina. Seryoso ang mukha ng asawa niya at nakita pa ang pag-igting ng panga nito. Galit ba ito?"Thank you, Zab. Hindi ka pa rin nagbabago." Ngumiti ng ubod-tamis si Sylvia."Maliit na bagay," sambit ni Zab. "And, Gwen, ito naman ang para sa iyo." Iniabot nito ang paper bag sa kaniya."Do you think na hindi ko kayang bilihan niyan ang asawa ko?" mariin nitong hayag.Pinisil niya palad nito, para sana ay pigilan ngunit hindi na nahabol pa. Lumambot ang ekspresiyon nito nang magtama ang kanilang mga mata. Kinabig siya palapit sa dibdib at masuyong hinagkan ang kaniyang ulo at dahil sa ginawa nito'y hindi niya napigilan ang mapangiti. Pakiramdam niya'y unti-unting nawawala ang nararamdamang sama ng loob. Kinikilig pa nga."Perfume lang naman iyan," hayag ni Zab. "Naalala ko kasi na napakahilig ni Gwen sa pabango, kaya nga nauubos ang pabango ko dahil sa
Pinagpahinga ni Gian si Gwen sa kanilang silid. Sinamahan niya ito paakyat. Pabor raw naman iyon sa asawa dahil gusto na nitong matulog. Bago siya lumabas ay hinagkan muna niya ito sa noo. Pagkababa ng hagdan ay nakita niya na nasa bukana na ng pinto ang kaniyang ina at si Zabrina, mukhang paalis na ito. He decided to go to the kitchen but he heard his mother voice."Gian, come here, please!"He stopped and took a deep breath. Ewan ba niya sa kaniyang ina, mukha yatang nang-aasar pa. Iniiwasan na nga niya si Zabrina, pilit naman siya nitong inilalapit dito. Kanino ba talaga ito kampi? Napailing na lamang siya. Magkagayunpaman ay lumapit na rin siya sa dalawa."Yes, Mom?" aniya habang lumalapit."Si Gwen?""He's already asleep. Kanina pa iyon inaantok, e.""Ah. Iyan ang senyales ng pagbubuntis niya, anak.""Yeah. I know, Mom.""By the way, Zab is leaving," Napatingin siya sa gawi ng ex-girlfriend niya. "Oh! Okay. Thanks for visiting," walang buhay niyang tugon."I said na pupunta tayo
SUMAPIT ang araw na pupunta sila sa mansiyon ng ama ni Zabrina. Kahit matagal na ang nangyari ay hindi pa rin maiwasan ni Gwen ang pangatugan ng tuhod. Iyon ang araw na muli niyang makikita ang ama nito. Balita niya nang maikasal siya kay Gian ay sobra itong nagalit sa kaniya. Ni hindi man lang ipinaliwanag ng kaibigan dito ang nangyari. Hinayaang kamuhian siya ng ama ng dating kaibigan. "Are you okay?" Napapitlag siya nang marahang dumantay ang palad ng asawa sa braso niya. "Yeah. I'm fine," tugon na lamang niya rito. Sakay na sila ng sasakyan patungo sa bahay ng ama ni Zab. Si Sylvia ay nasa tabi ng driver habang silang dalawa ay nasa likuran. Hindi na nagmaneho pa si Gian dahil ayon sa ginang ay iisang way lang naman ang pupuntahan nila. Pabor raw naman iyon sa asawa niya, ngunit sa kaniya ay hindi. Parang sinisilaban siya sa init sa tuwing magdadait ang kanilang mga balat at nakadagdag din ang pagdadalang-tao niya. It means, totoo ang sinasabi nito na nagsama silang dalawa haba
MATALIM ang titig na pinapakawalan ni Gian kay Mr. De Castro. Kung dati ay tuwang-tuwa siya sa tuwing makikita niya ito, ngayon ay iba na. Hindi na siya tulad no'ng dati na patay na patay sa anak nito. At huwag lang itong magkamali sa muling sasabihin tungkol sa asawa niya, hindi siya mangingiming idapo ang kamao sa panga nito. "Oh, Gian," nangingiting lumapit ito sa kaniya. "How are you?" "I'm doing good as always, Mr. De Castro!" may diing tugon niya. Napahagikgik ito na lalong ikinakunot ng kaniyang noo. "You are so formal, call me Tito Erwin, like before." "Ahm, ba-Gian, Tita, pumasok na po tayo. Kanina pa kasi ako nagugutom e," pukaw ni Zabrina. "No!" maagap niyang pigil. "Like what I've said, Zab, hindi na kami tutuloy kung aalipustain niyo lamang ang aking asaw--" Napatingin siya kay Gwen nang maramdaman ang pagpisil nito sa palad niya. "Why, baby? Is there something wrong? May masakit ba sa iyo?" puno ng pag-aalalang tanong niya rito na iniharap pa ito sa kaniya. N
IGINIYA si Gwen ni Zabrina sa gilid ng pool. Tulad noon, dito sila malimit tumambay dalawa. Minsan pa nga ay inaaya siya nito na mag-swimming pero madalas niya itong tanggihan. Marunong naman siyang lumangoy kahit papaano, pero may phobia siya sa malalim na parte ng tubig. Ngayong nandirito siya'y may agam-agam na pumasok sa isipan niya ngayon, 'balak ba siya nitong lunurin?' "So, how are you, my best friend?" makahulugang tanong nito sa kaniya. Pumantay ito sa kaniya habang ang mata ay nakatutok sa tubig."I'm fine! Ikaw, kumusta ka na?" balik niyang tanong dito. "Not okay, Gwen. For almost two years of living with him, hindi ako masaya. Well, noong una, inaamin ko na I'm so happy, but, habang tumatagal, doon ko na-realize na si Gian pa rin pala talaga ang mahal ko. And now, I'm asking you a favor for the second time around, ibalik mo na siya sa akin. Ipa-annul mo na ang inyong kasal," mahabang litanya nito na ikinaawang ng bibig niya.Parang tumigil sa pag-inog ang mundo niya sa s