Share

Chapter 49

Napasulyap si Gwen sa katabing asawa. Nasa sala pa rin sila, at kasalukuyang nagbabahagi ng pasalubong o mas tamang sabihing suhol si Zabrina. Seryoso ang mukha ng asawa niya at nakita pa ang pag-igting ng panga nito. Galit ba ito?

"Thank you, Zab. Hindi ka pa rin nagbabago." Ngumiti ng ubod-tamis si Sylvia.

"Maliit na bagay," sambit ni Zab. "And, Gwen, ito naman ang para sa iyo." Iniabot nito ang paper bag sa kaniya.

"Do you think na hindi ko kayang bilihan niyan ang asawa ko?" mariin nitong hayag.

Pinisil niya palad nito, para sana ay pigilan ngunit hindi na nahabol pa. Lumambot ang ekspresiyon nito nang magtama ang kanilang mga mata. Kinabig siya palapit sa dibdib at masuyong hinagkan ang kaniyang ulo at dahil sa ginawa nito'y hindi niya napigilan ang mapangiti. Pakiramdam niya'y unti-unting nawawala ang nararamdamang sama ng loob. Kinikilig pa nga.

"Perfume lang naman iyan," hayag ni Zab. "Naalala ko kasi na napakahilig ni Gwen sa pabango, kaya nga nauubos ang pabango ko dahil sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status