Napasulyap si Gwen sa katabing asawa. Nasa sala pa rin sila, at kasalukuyang nagbabahagi ng pasalubong o mas tamang sabihing suhol si Zabrina. Seryoso ang mukha ng asawa niya at nakita pa ang pag-igting ng panga nito. Galit ba ito?"Thank you, Zab. Hindi ka pa rin nagbabago." Ngumiti ng ubod-tamis si Sylvia."Maliit na bagay," sambit ni Zab. "And, Gwen, ito naman ang para sa iyo." Iniabot nito ang paper bag sa kaniya."Do you think na hindi ko kayang bilihan niyan ang asawa ko?" mariin nitong hayag.Pinisil niya palad nito, para sana ay pigilan ngunit hindi na nahabol pa. Lumambot ang ekspresiyon nito nang magtama ang kanilang mga mata. Kinabig siya palapit sa dibdib at masuyong hinagkan ang kaniyang ulo at dahil sa ginawa nito'y hindi niya napigilan ang mapangiti. Pakiramdam niya'y unti-unting nawawala ang nararamdamang sama ng loob. Kinikilig pa nga."Perfume lang naman iyan," hayag ni Zab. "Naalala ko kasi na napakahilig ni Gwen sa pabango, kaya nga nauubos ang pabango ko dahil sa
Pinagpahinga ni Gian si Gwen sa kanilang silid. Sinamahan niya ito paakyat. Pabor raw naman iyon sa asawa dahil gusto na nitong matulog. Bago siya lumabas ay hinagkan muna niya ito sa noo. Pagkababa ng hagdan ay nakita niya na nasa bukana na ng pinto ang kaniyang ina at si Zabrina, mukhang paalis na ito. He decided to go to the kitchen but he heard his mother voice."Gian, come here, please!"He stopped and took a deep breath. Ewan ba niya sa kaniyang ina, mukha yatang nang-aasar pa. Iniiwasan na nga niya si Zabrina, pilit naman siya nitong inilalapit dito. Kanino ba talaga ito kampi? Napailing na lamang siya. Magkagayunpaman ay lumapit na rin siya sa dalawa."Yes, Mom?" aniya habang lumalapit."Si Gwen?""He's already asleep. Kanina pa iyon inaantok, e.""Ah. Iyan ang senyales ng pagbubuntis niya, anak.""Yeah. I know, Mom.""By the way, Zab is leaving," Napatingin siya sa gawi ng ex-girlfriend niya. "Oh! Okay. Thanks for visiting," walang buhay niyang tugon."I said na pupunta tayo
SUMAPIT ang araw na pupunta sila sa mansiyon ng ama ni Zabrina. Kahit matagal na ang nangyari ay hindi pa rin maiwasan ni Gwen ang pangatugan ng tuhod. Iyon ang araw na muli niyang makikita ang ama nito. Balita niya nang maikasal siya kay Gian ay sobra itong nagalit sa kaniya. Ni hindi man lang ipinaliwanag ng kaibigan dito ang nangyari. Hinayaang kamuhian siya ng ama ng dating kaibigan. "Are you okay?" Napapitlag siya nang marahang dumantay ang palad ng asawa sa braso niya. "Yeah. I'm fine," tugon na lamang niya rito. Sakay na sila ng sasakyan patungo sa bahay ng ama ni Zab. Si Sylvia ay nasa tabi ng driver habang silang dalawa ay nasa likuran. Hindi na nagmaneho pa si Gian dahil ayon sa ginang ay iisang way lang naman ang pupuntahan nila. Pabor raw naman iyon sa asawa niya, ngunit sa kaniya ay hindi. Parang sinisilaban siya sa init sa tuwing magdadait ang kanilang mga balat at nakadagdag din ang pagdadalang-tao niya. It means, totoo ang sinasabi nito na nagsama silang dalawa haba
MATALIM ang titig na pinapakawalan ni Gian kay Mr. De Castro. Kung dati ay tuwang-tuwa siya sa tuwing makikita niya ito, ngayon ay iba na. Hindi na siya tulad no'ng dati na patay na patay sa anak nito. At huwag lang itong magkamali sa muling sasabihin tungkol sa asawa niya, hindi siya mangingiming idapo ang kamao sa panga nito. "Oh, Gian," nangingiting lumapit ito sa kaniya. "How are you?" "I'm doing good as always, Mr. De Castro!" may diing tugon niya. Napahagikgik ito na lalong ikinakunot ng kaniyang noo. "You are so formal, call me Tito Erwin, like before." "Ahm, ba-Gian, Tita, pumasok na po tayo. Kanina pa kasi ako nagugutom e," pukaw ni Zabrina. "No!" maagap niyang pigil. "Like what I've said, Zab, hindi na kami tutuloy kung aalipustain niyo lamang ang aking asaw--" Napatingin siya kay Gwen nang maramdaman ang pagpisil nito sa palad niya. "Why, baby? Is there something wrong? May masakit ba sa iyo?" puno ng pag-aalalang tanong niya rito na iniharap pa ito sa kaniya. N
IGINIYA si Gwen ni Zabrina sa gilid ng pool. Tulad noon, dito sila malimit tumambay dalawa. Minsan pa nga ay inaaya siya nito na mag-swimming pero madalas niya itong tanggihan. Marunong naman siyang lumangoy kahit papaano, pero may phobia siya sa malalim na parte ng tubig. Ngayong nandirito siya'y may agam-agam na pumasok sa isipan niya ngayon, 'balak ba siya nitong lunurin?' "So, how are you, my best friend?" makahulugang tanong nito sa kaniya. Pumantay ito sa kaniya habang ang mata ay nakatutok sa tubig."I'm fine! Ikaw, kumusta ka na?" balik niyang tanong dito. "Not okay, Gwen. For almost two years of living with him, hindi ako masaya. Well, noong una, inaamin ko na I'm so happy, but, habang tumatagal, doon ko na-realize na si Gian pa rin pala talaga ang mahal ko. And now, I'm asking you a favor for the second time around, ibalik mo na siya sa akin. Ipa-annul mo na ang inyong kasal," mahabang litanya nito na ikinaawang ng bibig niya.Parang tumigil sa pag-inog ang mundo niya sa s
NANLILISIK ang mata ni Gian habang lihim na nagmamasid sa dalawang nag-uusap. Hinayaan niyang mag-usap si Zabrina at ang kaniyang asawa, ngunit palihim siyang sumunod. Nakakubli siya sa likod ng wall, malapit iyon sa pool, iyon ang magandang puwesto para makita at marinig niya kung anuman ang pag-uusapan ng dalawa. Matinding kuyom ng dalawang kamao ang nagawa niya matapos marinig ang huling binitiwan ni Gwen. Nakita pa niya ang matalim na pagtitig ni Zabrina habang naglalakad palayo ang kaniyang asawa. After that, maingat na siyang tumalikod. Tinungo ang pabalik sa kinaroroonan ng ina. Naabutan niyang papaupo na sana ang asawa."Let's go home," yaya na niya rito. "Why? Maagap pa. We haven't even talked yet," anas ni Erwin. "Next time na lang, Mr. De Castro. Need nang magpahinga ng asawa ko," malamig niyang tugon dito na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang ginoo. "Let's go, baby." Inalalayan niyang makatayo ang asawa. Wala naman itong tugon habang tumatayo. Napataas ang kilay n
MALAPIT nang sumapit ang hatinggabi nang makabalik sila ng mansiyon. Matapos bumaba sa sasakyan ay inalalayan niya ang asawa sa paglalakad at maging hanggang pag-akyat sa hagdan. "Careful!" anas niya nang bahagyang magkamali ito ng tapak. Sa halip na tumugon ay naghikab lamang ito. Halatang antok na antok na nga. Inalalayan na lamang niya itong mabuti. Agad na niyang binuksan ang pinto ng silid ng kuwarto nila. "Mag-half bath lang muna ako bago matulog," anito."Do you want me to go with you?"Kunot-noong tumingin ito sa kaniya. "And what are you thinking about, Gian McCollins?" taas-kilay na nitong tanong. Pinamaywangan pa siya nito. "Wala ah." Dahan-dahan siyang lumapit dito. "Sasamahan lang kita para may bantay ka sa loob." Ipinulupot niya ang dalawang braso sa baywang nito at ipinantay ang mukha."Ako'y tigil-tigilan mo, Gian, ha! Kanina pa ako inaantok--""Then let's go to bed." "Maliligo nga muna ako at kanina pa ako nanlalagkit." "Sabay na nga tayo." Nagpapungay siya ng m
NAIS sanang sumama ni Gian sa pagpacheck-up ni Gwen ngunit tumanggi ito. Ayon sa asawa, kasama raw naman nito ang ina at bukod doon ay marami raw siyang gagawin, kaya heto siya ngayon abala sa mga papeles sa opisina. Ni hindi pansin ng oras dahil sa tambak na papers na babasahin at pipirmahan niya. Magkagayunpaman ay hindi niya nakaliligtaan i-text ang asawa at ina. Kinakabahan siya dahil baka'y nagkaroon ng komplikasyon ang katawan ng asawa. Kung sana lang ay hindi niya hinayaang makaalis ito ng hospital, hindi sana siya ngayon nangangamba. Habang abala ang mata sa report ng sale supervisor ay nakatanggap siya ng hindi inaasahang bisita. "Good morning!"Salubong ang kilay niya nang mag-angat ng mukha. "Who gave you a permission to enter my office?" Biglang uminit ang kaniyang ulo."Para ka namang others, bab--""Stop calling me 'babe'!" singhal niya. "Wala na tayong relasyon, Zabrina. If you try to seduce me, please don't. Mabibigo ka lang, coz I don't want you to be my mistress. Hi