MALAPIT nang sumapit ang hatinggabi nang makabalik sila ng mansiyon. Matapos bumaba sa sasakyan ay inalalayan niya ang asawa sa paglalakad at maging hanggang pag-akyat sa hagdan. "Careful!" anas niya nang bahagyang magkamali ito ng tapak. Sa halip na tumugon ay naghikab lamang ito. Halatang antok na antok na nga. Inalalayan na lamang niya itong mabuti. Agad na niyang binuksan ang pinto ng silid ng kuwarto nila. "Mag-half bath lang muna ako bago matulog," anito."Do you want me to go with you?"Kunot-noong tumingin ito sa kaniya. "And what are you thinking about, Gian McCollins?" taas-kilay na nitong tanong. Pinamaywangan pa siya nito. "Wala ah." Dahan-dahan siyang lumapit dito. "Sasamahan lang kita para may bantay ka sa loob." Ipinulupot niya ang dalawang braso sa baywang nito at ipinantay ang mukha."Ako'y tigil-tigilan mo, Gian, ha! Kanina pa ako inaantok--""Then let's go to bed." "Maliligo nga muna ako at kanina pa ako nanlalagkit." "Sabay na nga tayo." Nagpapungay siya ng m
NAIS sanang sumama ni Gian sa pagpacheck-up ni Gwen ngunit tumanggi ito. Ayon sa asawa, kasama raw naman nito ang ina at bukod doon ay marami raw siyang gagawin, kaya heto siya ngayon abala sa mga papeles sa opisina. Ni hindi pansin ng oras dahil sa tambak na papers na babasahin at pipirmahan niya. Magkagayunpaman ay hindi niya nakaliligtaan i-text ang asawa at ina. Kinakabahan siya dahil baka'y nagkaroon ng komplikasyon ang katawan ng asawa. Kung sana lang ay hindi niya hinayaang makaalis ito ng hospital, hindi sana siya ngayon nangangamba. Habang abala ang mata sa report ng sale supervisor ay nakatanggap siya ng hindi inaasahang bisita. "Good morning!"Salubong ang kilay niya nang mag-angat ng mukha. "Who gave you a permission to enter my office?" Biglang uminit ang kaniyang ulo."Para ka namang others, bab--""Stop calling me 'babe'!" singhal niya. "Wala na tayong relasyon, Zabrina. If you try to seduce me, please don't. Mabibigo ka lang, coz I don't want you to be my mistress. Hi
I'm starving, sweetheart."Mabilis na nag-angat si Gian sa sinabi ng asawa at kaagad na lumapit na siya rito. Huminto siya sa likuran ng kinauupuan nito at bahagyang yumuko upang yakapin ang asawa."What do you want to eat?" Masuyo pa niyang hinagkan ang ulo nito."Here oh!" Itinuro ni Zabrina ang dala nito. "I brought some food.""I don't like pizza, nakalimutan mo na ba?" taas kilay na sagot ng asawa niya. "Sweetheart, I want ensaymada," baling nito sa kaniya na hagya pang nakanguso.Lihim siyang natawa sa inaakto ng asawa niya. Alam niyang dala iyon ng pagbubuntis nito. "Okay," tipid na lang niyang tugon. Pansamantala niyang binitiwan ang asawa upang lumapit sa telepono. "Hello, Anne, umorder ka nga ng ensaymada. Thanks." Pagkatapos niyang kausapin ang sekretarya ay muli niyang binalingan ang asawa na ngayo'y nakikipagkuwentuhan na kay Zabrina. Napaupo siya sa chair habang mataman na pinagmamasdan ang asawa. Napanganga pa siya sa palitan ng salita ng dalawa."Kumusta sina Tita? Sti
GIAN watched his wife happily, she was eating ensaymada very well. Bahagya pang nagsalubong ang kaniyang kilay dahil sa paraan ng pagkain nito sa tinapay. Isinasawsaw lang naman nito iyon sa softdrink na pinabili rin nito kanina."Rolled bread, may toppings na star margarine with white sugar. Yun pala ang gusto."Napailing na lang siya. Itinuon na lamang niya ang pansin sa mga tambak na papel na babasahin at pipirmahan niya. Nasa kalagitnaan na siya sa ginagawa nang abalahin siya ng asawa."Sweetheart..."Mabilis siyang nag-angat ng mukha, "What is it, baby? Do you want anything?"Napailing naman ito habang lumalapit sa kaniya. She sat on his lap again na ikinagulat niya. Tulad nang una, agad siyang napalunok ng laway. Ramdam din niya ang pagpintig ng alaga sa loob ng kaniyang pants."Jesus Christ!" hiyaw ng isipan niya. Ikinawit nito ang dalawang braso sa kaniyang leeg at ipinatong pa ang ulo sa balikat na ang mukha ay nakaharap din sa leeg niya."Baby..." paos niyang tinig."Hmm!"
ILANG minuto nang gising si Gwen, nakatitig lang siya sa asawa. Basa pa ang pilik-mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Lahat ng sinabi nito'y dinig na dinig niya. Nagising siya nang maupo ito sa tabi niya. Gusto na sana niyang magmulat ng mata, ngunit may kung anong nag-udyok sa kanya na manatiling nakapikit. At mukhang alam na niya kung bakit. Ilang beses na itong humingi ng tawad sa kanya at sa tuwing humihingi ito ng tawad ay tila may pagdadalawang-isip siyang nararamdaman. Ngunit ngayon, wala na. Totoo ngang nagbago na ito na labis niyang ipinagpapasalamat sa Maykapal. Mukhang hindi pa ito titigil sa pagdrama kaya umungol na siya sa paraang hindi nito malalamang gising na siya. Hindi rin niya maipaliwanag ang ligayang nadrama dahil nasa sinapupunan niya ang punla nito. Hindi niya maalala kung paanong nangyari, pero kung ano pa, tiyak na masaya siya nang mga sandaling 'yon. Finally, nagbunga rin ang mahabang pagtitiis niya sa piling nito, ang irespeto bilang asawa, bo
MATIYAGANG naghihintay si Gwen sa asawa, may emergency meeting ito with board members. Mag-isa siya sa office, paulit-ulit na pinagmamasdan ang kabuohan nang magsawa ay tinalunton niya ang glass wall. Tumunghay siya sa ibaba. Iniisa-isa ang sasakyang dumaraan. Naantala lang ang pagmamasid niya nang may pumasok. Natigilan siya at ilang saglit ay umasim ang anyo. Nakatayo sa gitna ng nakasaradong pinto si Rachel, abot-tainga ang ngiti o mas tamang sabihing nakangisi ito. Mas bumagsik ang anto niya, kasabay ng paglapit dito."What are you doing here?""Ganyan ka ba tumanggap ng bisita?" "Bisita ka bang matuturing?" sarkastikong tanong niya. Huminto na halos isang dipa ang agwat dito.Hindi ito natinag, bagkus ay muling ngumisi. "Naparito ako para maningil ng pautang.""Pautang?" She smirked. "As far as I remember, wala akong utang sa iyo, baka ikaw pa! Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa akin?" Nagpakawala ito ng malutong na halakhak. "Sayang! Bumalik pala agad ang memorya mo. Ang s
NAGISING si Gwen na daig pa ang hinahalukay ang sikmura, mabilis siyang bumangon upang tumakbo sa banyo. Agad siyang umupo sa harap ng toilet bowl at doo'y sumuka nang sumuka na tanging laway lang ang lumalabas sa bibig. Nakaramdam siya ng panghihina at ang tagpong iyon ang naabutan ng kaniyang asawa. May pag-alalang lumapit ito sa kaniya."Are you okay?" Hinagod nito ang likuran niya."Morning sickness lang ito.""Gusto mong dalahin kita sa hospital?"Umiling siya kasabay ang marahang pagtayo, inalalayan siya ni Gian. "Sabi ng OB ko, normal lang ito, kaya no need to worry. Dala lang ito ng aking paglilihi." Kahit hinang-hina ay nagawa niyang ngumiti."Are you sure? But you look pale, baby.""Ganito talaga ang naglilihi, sweetheart." Hindi pa rin maalis sa mukha nito ang labis na pag-aalala kaya nama'y yumakap na siya rito. "Don't worry, sweetheart, I'm okay. Normal lang ang ganito sa tulad kong naglilihi." Umawang ang kaniyang bibig nang makita ang tila natataranta pa ring mukha ng
KINABUKASAN, dahil hindi pumasok si Gian nang nagdaang araw ay tambak na naman ang papers na babasahin niya, mga reports ng iba't ibang sangay ng company. Merun ding siyang aaprobahang report hinggil sa bagong branch na ipinapatayo niya, ang isa ay pinapalakad pa niya kay Adrix. Kahit busy sa trabaho ay palagi pa rin niyang mino-monitor ang asawa. Binilinan pa niya si Tina na in case na magsukang muli ang asawa ay tawagan siya nito. Hindi raw naman nito pababayaan ang asawa lalo na't nandoon din ang kaniyang ina. An hour later, nakatanggap siya ng tawag mula sa ina. Ipinagpapaalam nito ang asawa na pupunta sa mall, para na maaliw ito. Pumayag siya, ipinasama na rin niya ang si Tina at Lanie."Hello, people! Hello, earth!" Salubong ang kilay na nag-angat siya ng paningin. "Himala! Buhay ka pa pala!""Ouch!" Napakapit si Adrix sa tapat ng dibdib, animo'y nasasaktan. "Ang bad mo talagang magsalita."Tumaas ang kabilang gilid ng nguso niya. "Ang pangit mong um-acting." Binato niya ito ng