GIAN watched his wife happily, she was eating ensaymada very well. Bahagya pang nagsalubong ang kaniyang kilay dahil sa paraan ng pagkain nito sa tinapay. Isinasawsaw lang naman nito iyon sa softdrink na pinabili rin nito kanina."Rolled bread, may toppings na star margarine with white sugar. Yun pala ang gusto."Napailing na lang siya. Itinuon na lamang niya ang pansin sa mga tambak na papel na babasahin at pipirmahan niya. Nasa kalagitnaan na siya sa ginagawa nang abalahin siya ng asawa."Sweetheart..."Mabilis siyang nag-angat ng mukha, "What is it, baby? Do you want anything?"Napailing naman ito habang lumalapit sa kaniya. She sat on his lap again na ikinagulat niya. Tulad nang una, agad siyang napalunok ng laway. Ramdam din niya ang pagpintig ng alaga sa loob ng kaniyang pants."Jesus Christ!" hiyaw ng isipan niya. Ikinawit nito ang dalawang braso sa kaniyang leeg at ipinatong pa ang ulo sa balikat na ang mukha ay nakaharap din sa leeg niya."Baby..." paos niyang tinig."Hmm!"
ILANG minuto nang gising si Gwen, nakatitig lang siya sa asawa. Basa pa ang pilik-mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Lahat ng sinabi nito'y dinig na dinig niya. Nagising siya nang maupo ito sa tabi niya. Gusto na sana niyang magmulat ng mata, ngunit may kung anong nag-udyok sa kanya na manatiling nakapikit. At mukhang alam na niya kung bakit. Ilang beses na itong humingi ng tawad sa kanya at sa tuwing humihingi ito ng tawad ay tila may pagdadalawang-isip siyang nararamdaman. Ngunit ngayon, wala na. Totoo ngang nagbago na ito na labis niyang ipinagpapasalamat sa Maykapal. Mukhang hindi pa ito titigil sa pagdrama kaya umungol na siya sa paraang hindi nito malalamang gising na siya. Hindi rin niya maipaliwanag ang ligayang nadrama dahil nasa sinapupunan niya ang punla nito. Hindi niya maalala kung paanong nangyari, pero kung ano pa, tiyak na masaya siya nang mga sandaling 'yon. Finally, nagbunga rin ang mahabang pagtitiis niya sa piling nito, ang irespeto bilang asawa, bo
MATIYAGANG naghihintay si Gwen sa asawa, may emergency meeting ito with board members. Mag-isa siya sa office, paulit-ulit na pinagmamasdan ang kabuohan nang magsawa ay tinalunton niya ang glass wall. Tumunghay siya sa ibaba. Iniisa-isa ang sasakyang dumaraan. Naantala lang ang pagmamasid niya nang may pumasok. Natigilan siya at ilang saglit ay umasim ang anyo. Nakatayo sa gitna ng nakasaradong pinto si Rachel, abot-tainga ang ngiti o mas tamang sabihing nakangisi ito. Mas bumagsik ang anto niya, kasabay ng paglapit dito."What are you doing here?""Ganyan ka ba tumanggap ng bisita?" "Bisita ka bang matuturing?" sarkastikong tanong niya. Huminto na halos isang dipa ang agwat dito.Hindi ito natinag, bagkus ay muling ngumisi. "Naparito ako para maningil ng pautang.""Pautang?" She smirked. "As far as I remember, wala akong utang sa iyo, baka ikaw pa! Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa akin?" Nagpakawala ito ng malutong na halakhak. "Sayang! Bumalik pala agad ang memorya mo. Ang s
NAGISING si Gwen na daig pa ang hinahalukay ang sikmura, mabilis siyang bumangon upang tumakbo sa banyo. Agad siyang umupo sa harap ng toilet bowl at doo'y sumuka nang sumuka na tanging laway lang ang lumalabas sa bibig. Nakaramdam siya ng panghihina at ang tagpong iyon ang naabutan ng kaniyang asawa. May pag-alalang lumapit ito sa kaniya."Are you okay?" Hinagod nito ang likuran niya."Morning sickness lang ito.""Gusto mong dalahin kita sa hospital?"Umiling siya kasabay ang marahang pagtayo, inalalayan siya ni Gian. "Sabi ng OB ko, normal lang ito, kaya no need to worry. Dala lang ito ng aking paglilihi." Kahit hinang-hina ay nagawa niyang ngumiti."Are you sure? But you look pale, baby.""Ganito talaga ang naglilihi, sweetheart." Hindi pa rin maalis sa mukha nito ang labis na pag-aalala kaya nama'y yumakap na siya rito. "Don't worry, sweetheart, I'm okay. Normal lang ang ganito sa tulad kong naglilihi." Umawang ang kaniyang bibig nang makita ang tila natataranta pa ring mukha ng
KINABUKASAN, dahil hindi pumasok si Gian nang nagdaang araw ay tambak na naman ang papers na babasahin niya, mga reports ng iba't ibang sangay ng company. Merun ding siyang aaprobahang report hinggil sa bagong branch na ipinapatayo niya, ang isa ay pinapalakad pa niya kay Adrix. Kahit busy sa trabaho ay palagi pa rin niyang mino-monitor ang asawa. Binilinan pa niya si Tina na in case na magsukang muli ang asawa ay tawagan siya nito. Hindi raw naman nito pababayaan ang asawa lalo na't nandoon din ang kaniyang ina. An hour later, nakatanggap siya ng tawag mula sa ina. Ipinagpapaalam nito ang asawa na pupunta sa mall, para na maaliw ito. Pumayag siya, ipinasama na rin niya ang si Tina at Lanie."Hello, people! Hello, earth!" Salubong ang kilay na nag-angat siya ng paningin. "Himala! Buhay ka pa pala!""Ouch!" Napakapit si Adrix sa tapat ng dibdib, animo'y nasasaktan. "Ang bad mo talagang magsalita."Tumaas ang kabilang gilid ng nguso niya. "Ang pangit mong um-acting." Binato niya ito ng
MATULIN ang ginawang pagpapatakbo ni Gian sa sasakyan, wala na siyang pakialam kung lumampas man siya speed limit, ang importante sa kaniya ay ang kaligtasan ng asawa't magiging anak niya. Magkahalong takot, pangamba at galit na rin ang kasalukuyang nararamdaman niya."Kinidnap si Gwen." Paikot-ikot ang salitang 'yon sa isipan niya. "F**k!" mura niya kasabay ang pagngalit ng mga ngipin.He promise to himself that he won't hurt Gwen anymore. Pero ngayo'y anganganib ang buhay nito, maging ang anak nila na nasa sinapupunan nito dahil sa halang na kaluluwang dumukot sa asawa niya. Mas lalo niyang binilisan ang pagmamaneho. Tumitindi ang bugso ng kaniyang damdamin at kapag may nangyaring masama sa kaniyang mag-ina, hindi niya alam kung ano ang magagawa niya. Makakap*tay siya ng tao! Matapos ma-i-park ang sasakyan ay agad siyang umibis at nagdudumaling pumasok doon. Agad niyang nakita ang ina na patuloy na umiiyak dahil sa nangyari. Nakita rin niya ang ina na inaalo ni Tina. Ang bodyguard
ILANG oras ang pinaghintay ni Gian sa kaibigan, nasa Laguna ito para sa iniimbestagahan na kaso at nang dumating ay agad niyang sinabi ang nais ng kidnaper sa kaibigan. Sa office room niya sila nag-uusap, ang kaniyang ina ay pinagpahinga muna niya sa silid nito. Nagulat din ito sa laki ng hinihinging ransom money."Gawin mo ang lahat. Please, save my wife, dude." Nagsusumamo ang tinig niya rito."Okay. Then, ibibigay natin ang hinihingi nila at ako na ang bahala kung paano natin mahuhuli ang salarin. And, I will do my best, para mahanap ang asawa mo at madakip ang kung sinumang nasa likod nito.""Thanks, dude. May pinaghihinalaan ako na siyang may gawa nito," anas niya. "Who is it?""Mr. De Castro." Huminga siya ng malalim at tumitig sa kaibigan.Napakunot-noo naman ito. "De Castro? The father of your ex-girlfriend?""Yes and I think Zabrina knows this."Saglit na bumuka ang bibig nito, halatang hindi naniniwala sa kaniya. "But why?""I don't know. Kutob ko pa lang iyon, dude. At kun
"KUNG ang ikasisiya mo at ang kapatawaran ko mula sa iyo ay ang aking kamatayan, nakahanda akong mamatay. Nakahanda akong itaya ang aking buhay mapatawad mo lang. Pero sana, huwag mong idamay ang iyong sarili." Mga katagang nagmula sa bibig ni Gwen. "Baby..." Nais sanang lapitan ni Gian, pero hindi niya maigalaw ang mga paa. Nagsusumamong sa kaniyang huwag saktan ito. Nag-uunahan sa pagpatak ang luha nito at hindi niya maiwasang makaramdam ng galit para sa sarili. Saglit pa ay nakita niya ang kaniyang sarili na sinasaktan ang asawa. Bakit yata parang bumalik sa nakaraan? Nangyari na ito, bakit? "What is the meaning of this?" anas niya. "Malandi ka talaga!" Malakas ang boses niya, kasing lakas ng tibok ng kaniyang puso. "Ganiyan ka na ba talaga ka-desperada? Noong una, nilasing mo ako para maagaw ang girlfriend ko, ngayon nama'y ibang lalaki naman ang kalandian mo. Slut! Bitch!" Hinigit niya ang buhok ng asawa dahilan upang mapaliyad ito. "Maniwala ka naman sa akin, Gian, kahi