MATULIN ang ginawang pagpapatakbo ni Gian sa sasakyan, wala na siyang pakialam kung lumampas man siya speed limit, ang importante sa kaniya ay ang kaligtasan ng asawa't magiging anak niya. Magkahalong takot, pangamba at galit na rin ang kasalukuyang nararamdaman niya."Kinidnap si Gwen." Paikot-ikot ang salitang 'yon sa isipan niya. "F**k!" mura niya kasabay ang pagngalit ng mga ngipin.He promise to himself that he won't hurt Gwen anymore. Pero ngayo'y anganganib ang buhay nito, maging ang anak nila na nasa sinapupunan nito dahil sa halang na kaluluwang dumukot sa asawa niya. Mas lalo niyang binilisan ang pagmamaneho. Tumitindi ang bugso ng kaniyang damdamin at kapag may nangyaring masama sa kaniyang mag-ina, hindi niya alam kung ano ang magagawa niya. Makakap*tay siya ng tao! Matapos ma-i-park ang sasakyan ay agad siyang umibis at nagdudumaling pumasok doon. Agad niyang nakita ang ina na patuloy na umiiyak dahil sa nangyari. Nakita rin niya ang ina na inaalo ni Tina. Ang bodyguard
ILANG oras ang pinaghintay ni Gian sa kaibigan, nasa Laguna ito para sa iniimbestagahan na kaso at nang dumating ay agad niyang sinabi ang nais ng kidnaper sa kaibigan. Sa office room niya sila nag-uusap, ang kaniyang ina ay pinagpahinga muna niya sa silid nito. Nagulat din ito sa laki ng hinihinging ransom money."Gawin mo ang lahat. Please, save my wife, dude." Nagsusumamo ang tinig niya rito."Okay. Then, ibibigay natin ang hinihingi nila at ako na ang bahala kung paano natin mahuhuli ang salarin. And, I will do my best, para mahanap ang asawa mo at madakip ang kung sinumang nasa likod nito.""Thanks, dude. May pinaghihinalaan ako na siyang may gawa nito," anas niya. "Who is it?""Mr. De Castro." Huminga siya ng malalim at tumitig sa kaibigan.Napakunot-noo naman ito. "De Castro? The father of your ex-girlfriend?""Yes and I think Zabrina knows this."Saglit na bumuka ang bibig nito, halatang hindi naniniwala sa kaniya. "But why?""I don't know. Kutob ko pa lang iyon, dude. At kun
"KUNG ang ikasisiya mo at ang kapatawaran ko mula sa iyo ay ang aking kamatayan, nakahanda akong mamatay. Nakahanda akong itaya ang aking buhay mapatawad mo lang. Pero sana, huwag mong idamay ang iyong sarili." Mga katagang nagmula sa bibig ni Gwen. "Baby..." Nais sanang lapitan ni Gian, pero hindi niya maigalaw ang mga paa. Nagsusumamong sa kaniyang huwag saktan ito. Nag-uunahan sa pagpatak ang luha nito at hindi niya maiwasang makaramdam ng galit para sa sarili. Saglit pa ay nakita niya ang kaniyang sarili na sinasaktan ang asawa. Bakit yata parang bumalik sa nakaraan? Nangyari na ito, bakit? "What is the meaning of this?" anas niya. "Malandi ka talaga!" Malakas ang boses niya, kasing lakas ng tibok ng kaniyang puso. "Ganiyan ka na ba talaga ka-desperada? Noong una, nilasing mo ako para maagaw ang girlfriend ko, ngayon nama'y ibang lalaki naman ang kalandian mo. Slut! Bitch!" Hinigit niya ang buhok ng asawa dahilan upang mapaliyad ito. "Maniwala ka naman sa akin, Gian, kahi
"OH my God!" awang bibig na sabi ni Gwen. At ang bagong pasok ay ngumisi lang sa kaniya. Hindi niya lubos-maisip na ito ang sinasabing bossing ng mga taong dumukot sa kaniya."Bossing..." Narinig niyang sambit ng lalaking kakilala ni Rachel."I-ikaw ang bossing nila?" paninigurado niya. "Ako nga at wala ng iba!" Muling ngumisi ito na animo'y isang asong nauulol. "And I'm glad to see you again in that way," nakangising tugon ng kung sinuman at sinuri pa siya. Tumalim ang titig niya rito. "Bakit mo ito ginagawa? Dahil ba sa--" "Because of you, Gwen. Hindi ko makuha ang gusto ko dahil sa iyo. Kaya kailangan mong mawala sa mundong ito."Napalunok siya ng laway. Kung totohanin nito ang sinabi, paano ang magiging anak nila ni Gian? Si Gian, paano ito? "Alam mo bang humihingi ako sa asawa ng isang daang milyon kapalit ang buhay mo at alam ko namang kayang-kayang ibigay iyon ni Gian."Agad na bumilog ang bibig niya sa laki ng hinihinging kapalit nito para sa kaniyang buhay. Akmang magsas
NAKATUNGHAY si Gwen sa mag-ama, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ginagawa nila ang bagay na iyon sa kanya at maging sa kaniyang asawa. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Zab. Humanga siya noon dito at kinainggitan din ng palihim, pero lahat ng naramdaman niya para rito'y unti-unti nang naglaho. Una, nang pagpanggaping may nangyari sa kanila ni Gian. Pumayag siya sa kagustuhan nito, hindi dahil sa may lihim siyang pagtingin sa boyfriend nito, kundi dahil ginipit siya nito. Siningil sa lahat ng naitulong nito at ngayon, heto siya, nakaupo nga pero mahigpit namang nakatali ang kaniyang kamay at paa dahil sa kagagawan ng mag-amang ito.Ano bang kasalanan niya kay Zabrina? Bakit siya nito pinahihirapan? Kung yaman lang ang pagbabasehan... wala siya n'on. Talong-talo nga siya nito, pero bakit? Napabaling ang tingin niya sa kinaroroonan ni Rachel. Bahagya siyang napailing. Sinong mag-aakala na kasabwat ito ng mag-ama? At ang lahat pala ng nangyari noo'y pakulo rin ni Za
HI, Gian!" Tumalim ang titig ni Gian. Napamura siya sa isipan. "What are you doing here again?" "Nabalitaan ko kasi ang nangyari kay Gwen, and I promise, tutulong ako sa paghahanap sa kanya. I'll do everything para mahanap ang best friend ko. Kahit naman nagkaroon ng lamat ang aming relasyon ay siya pa rin ang nag-iisang best friend ko." Kumunot ang noo niya. Totoo ba ang ipinapakita nito ngayon? Pero, base sa hitsura ng kaharap ay nag-aalala nga ito. Nakita pa niya ang pangingilid ng luha nito. Pero... bigla siyang napaisip. Paano nito nalaman na nawawala ang kanyang asawa? May nagkapagsabi ba rito? Kung oo, sino? Wala siyang pinagsabihang iba, maliban kung ipinaalam ng mommy niya. "Gian, please, hanapin natin si Gwen. I-save natin siya." Tuluyan na itong umiyak, yumakap pa ito sa kanya.Hindi niya magawang tanggalin ang mga braso nito sa labis na pagtataka. Lalo pang lumakas ang iyak ng babaing nakayakap sa kaniya. Napahinga na lang siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sar
SALUBONG ang kilay ni Gian at matinding kuyom ng kamao. Hindi pa tumatawag muli ang mga kidnapper, three days na ang nakaraan ngunit wala pang paramdam. Wala siyang magawa kundi ang maghintay at bawat araw na dumaraan ay lalo siyang naiinis sa kaniyang sarili. Hindi rin niya maiwasang mag-isip ng mga negatibong pangyayari. What if, may masama nang ginawa ang mga kidnapper sa kaniyang asawa? What if, binaboy ito? "Da*m it!" Napamura na siya sa dami ng naiisip. Napupuno ng galit ang dibdib niya sa tuwing may pumapasok na masama sa kaniyang isipan. Sa oras na lumabas kung sinuman ang nasa likod ng pangingidnap sa asawa ay sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya. Mukhang mali siya ng hinala na si Mr. De Castro ang nasa likod nito dahil nang pasundan niya ito kay Francis ay nagtungo ito sa casino. "They will pay for this!" Nagngingitngit ang mga ngipin niya. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Hindi rin muna siya pumapasok sa opisina, kung may pipirmahan siya o importanteng papeles
MY dear best friend, kumusta?"Tumalim ang titig ni Gwen sa bagong dating na walang iba kundi ang dati niyang kaibigan. Ngiting-ngiti kaya't alam niyang may dala itong hindi magandang balita para sa kanya. "You know what, nag-date kami ni Gian kanina at super saya ko." Itinukod nito ang dalawang palad sa tuhod nito at bahagyang ibinaliko ang katawan upang magpantay sila. "Ang saya namin."She smirked. "So?" Hindi siya nagpadala sa kung anong sinasabi nito. Kung gustong bumalik ni Gian dito'y hindi niya pipigilin, huwag lang nitong pakikialaman ang anak na nasa sinapupunan niya.Magkakamatayan sila! "He said na hindi ka na raw niya tutubusin dahil wala na raw siyang pakialam sa iyo," nangingiting tugon nito. May kung anong bagay itong dinukot sa bag, cellphone lang pala. Ipinakita nito ang picture na kasama ang asawa niya. Mayroon pang video.Hindi siya nagpahalata na nasaktan siya sa nakita. Itinaas na lang niya ang isang kilay. Malaya muna niyang pinagmasdan ang dating kaibigan. Ka