HI, Gian!" Tumalim ang titig ni Gian. Napamura siya sa isipan. "What are you doing here again?" "Nabalitaan ko kasi ang nangyari kay Gwen, and I promise, tutulong ako sa paghahanap sa kanya. I'll do everything para mahanap ang best friend ko. Kahit naman nagkaroon ng lamat ang aming relasyon ay siya pa rin ang nag-iisang best friend ko." Kumunot ang noo niya. Totoo ba ang ipinapakita nito ngayon? Pero, base sa hitsura ng kaharap ay nag-aalala nga ito. Nakita pa niya ang pangingilid ng luha nito. Pero... bigla siyang napaisip. Paano nito nalaman na nawawala ang kanyang asawa? May nagkapagsabi ba rito? Kung oo, sino? Wala siyang pinagsabihang iba, maliban kung ipinaalam ng mommy niya. "Gian, please, hanapin natin si Gwen. I-save natin siya." Tuluyan na itong umiyak, yumakap pa ito sa kanya.Hindi niya magawang tanggalin ang mga braso nito sa labis na pagtataka. Lalo pang lumakas ang iyak ng babaing nakayakap sa kaniya. Napahinga na lang siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sar
SALUBONG ang kilay ni Gian at matinding kuyom ng kamao. Hindi pa tumatawag muli ang mga kidnapper, three days na ang nakaraan ngunit wala pang paramdam. Wala siyang magawa kundi ang maghintay at bawat araw na dumaraan ay lalo siyang naiinis sa kaniyang sarili. Hindi rin niya maiwasang mag-isip ng mga negatibong pangyayari. What if, may masama nang ginawa ang mga kidnapper sa kaniyang asawa? What if, binaboy ito? "Da*m it!" Napamura na siya sa dami ng naiisip. Napupuno ng galit ang dibdib niya sa tuwing may pumapasok na masama sa kaniyang isipan. Sa oras na lumabas kung sinuman ang nasa likod ng pangingidnap sa asawa ay sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya. Mukhang mali siya ng hinala na si Mr. De Castro ang nasa likod nito dahil nang pasundan niya ito kay Francis ay nagtungo ito sa casino. "They will pay for this!" Nagngingitngit ang mga ngipin niya. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Hindi rin muna siya pumapasok sa opisina, kung may pipirmahan siya o importanteng papeles
MY dear best friend, kumusta?"Tumalim ang titig ni Gwen sa bagong dating na walang iba kundi ang dati niyang kaibigan. Ngiting-ngiti kaya't alam niyang may dala itong hindi magandang balita para sa kanya. "You know what, nag-date kami ni Gian kanina at super saya ko." Itinukod nito ang dalawang palad sa tuhod nito at bahagyang ibinaliko ang katawan upang magpantay sila. "Ang saya namin."She smirked. "So?" Hindi siya nagpadala sa kung anong sinasabi nito. Kung gustong bumalik ni Gian dito'y hindi niya pipigilin, huwag lang nitong pakikialaman ang anak na nasa sinapupunan niya.Magkakamatayan sila! "He said na hindi ka na raw niya tutubusin dahil wala na raw siyang pakialam sa iyo," nangingiting tugon nito. May kung anong bagay itong dinukot sa bag, cellphone lang pala. Ipinakita nito ang picture na kasama ang asawa niya. Mayroon pang video.Hindi siya nagpahalata na nasaktan siya sa nakita. Itinaas na lang niya ang isang kilay. Malaya muna niyang pinagmasdan ang dating kaibigan. Ka
"HI, babe!"Nabitiwan ni Gian ang hawak na ballpen at pasimpleng nahilot niya ang sentido. Ang dami na niyang problema dumagdag pa si Zabrina. Ilang araw nang kinukulit siya nito na may pupuntahan daw sila, hindi naman siya maka-oo dahil tambak ang dokumentong babasahin niya. Isa pa'y ayaw na niya itong makita, napilitan lang siyang samahan ito nang nakaraang araw dahil nagbabaka-sakali siyang may mahanap na impormasyon. "What are you doing here, Zabrina?" may diing tanong niya rito."I just missed you. Are you busy?" nonsense nitong tanong."Can't you see, I have a lot of works now!" Itinuro pa niya ang sangkatutak na papel.Balewala itong umupo sa bangkong nasa unahan ng mesa niya. "I'm sorry, babe. Miss lang talaga kita."Kamuntikan nang masuntok niya ang mesa sa sobrang inis sa babaing kaharap. Saan kaya ito kumukuha ng lakas para makaharap sa kanya?"I'll just wait na lang here," muling saad nito na nagpakulo muli ng dugo niya. Hindi na lang niya ito pinansin, muling dinampot an
NAALIMPUNGATAN si Gwen mula sa pagkakahimbing. Nakatulog na naman siya sa upoang yari sa kahoy. Nakatali pa rin ang mga kamay at paa. Kinurap-kurap niya ang matang nanlalabo pa mula sa matagal na pagkakahimbing. Hindi pa man bumabalik sa huwisyo ang pangingin ay nakarinig siya ang mainit na pagtatalo ng kung sinuman. Unti-unti na siyang nagmulat. Mula sa nanlalabong paningin ay pilit inaninag ang paligid. Ganoon pa rin. Nandoon pa rin siya sa isang bakanteng warehouse at sa palagay niya ay pag-aari iyon ni Mr. De Castro. Sa pagkakatanda niya, may tatlong warehouse ito na kung saan ay tinatambakan ng mga gamit, ngunit hindi niya alam kung anong lugar ang kinaroroonan niya ngayon. Isang warehouse lang ang narating niya at iyon ay malapit sa dati niyang pinasukan."Oh! Gising na pala ang munti nating prinsesa," bungad ni Rachel. Unti-unti itong lumapit sa kinaroroonan niya. Yumuko ito para magpantay ang kanilang mga mukha. "Malapit na naming makuha ang aming gantimpala mula kay Mr. De Ca
NAIHILAMOS ni Gian ang sariling palad sa mukha. Hindi pa rin tumatawag ang mga kidnaper. Sobrang nag-aalala na siya sa asawa niya, walang tigil sa pagtakbo ang utak niya kung ano ang nangyayari rito. Dumagdag pa sa isipin niya si Zabrina. Buwisit na buwisit na siya. Sa susunod na guluhin pa siya nito, ipaaalam na niya ang nalaman mula sa ina. "Baby..." Naagaw ang pansin niya nang mag-ring ang cellphone, kaagad niyang dinampot 'yon. Isang text message ang dumating mula sa unregistered number. Kaagad niyang in-open."Naayos mo na ba ang 1OO milyon kapalit ng asawa mo? Kung oo, stand by ka lang. Tatawag ako sa iyo para sabihin kung saan no dadalahin ang pera." Nanginginig ang kamay niya habang binabasa ang text message. Idinial niya ang number, ngunit out of coverage na 'yon. Hindi na niya ma-contact. Nakadama na naman siya ng galit. Gusto niyang marinig ang boses ng asawa. "Fuck!"Bumuhos ang sama ng loob na nararamdaman niya. Gusto niyang suntukin ang sarili. Ngayo'y sinisingil siy
MALAKI ang ngiting nakapaskil sa labi ni Zabrina. Nasa sariling silid siya, pinagmamasdan ang naked na reflection sa salamin. Proud siya kung anong hitsura niya. Beautiful. Gorgeous. Sexy. She's different from her bedt friend Gwen. Naglaho ang ngiti sa labi, napalitan ng galit at pagkasuklam. Because of her best friend, ayaw nang bumalik ni Gian sa kaniya. Sinasabi ng boyfriend niya na mahal na nito ang kaniyang kaibigan. But she will do anything, para muli silang magkabalikan. "Malapit ka nang mapasaaking muli," ngising saad niya. "Ipinahiram lang kita kay Gwen, and this time, babawiin na kita. By hook or by crook." Mahal niya si Gian, itinuring siyang prinsesa. Ibinigay nito sa kaniya ang lahat. She knows na may pagtingin si Gwen dito, alam din niyang naiingit sa kaniya ito, bagay na ipinagbubunyi ng kalooban niya. Suddenly, she met Elias, a better man than her boyfriend. Nagbago ang kaniyang nararamdaman para rito. May nabubuhay na kakaibang init sa kaloob-looban niya sa tuwing
NAKARAMDAM na ng pagkainip si Sylvia, panay din ang tingin niya sa relong pambisig. Matiyaga niyang hinihintay si Zabrina. Ilang araw na itonlng pabalik-balik sa mansiyon, magkagayunpaman ay hindi mapanatag ang kalooban niya kaya't tinawagan niya ito para makausap. Hindi na niya iyon ipinaalam sa kaniyang anak dahil tiyak niyang hindi ito papayag. Nasa restaurant siya ng isa niyang kaibigan at walang katao-tao roon. Sinabihan niya ang kaibigan na huwag munang magbubukas dahil sa importanteng bagay na gagawin niya. Napapayag naman niya ito. "Hi, Tita Sylvia! Sorry, I'm late. Traffic e." Peke siyang ngumiti rito. "It's okay, Zab. "By the way, you look so pretty today. Blooming na blooming ah!" peke rin niyang puna rito. Ubod-tamis naman itong ngumiti. "Thank you, Tita Sylvia." Umupo ito sa bangkong nasa harapan niya. "So, what is it, Tita? Is there something wrong? Oh, by the way, tumawag na bang muli ang mga kinadper? I'm so worried na kay Gwen e.' Lihim siyang napamura sa kaar
"SWEETHEART..." Takot ang maaaninag sa mukha ni Gwen nang sumulpot si Larry sa unahan ng sinasakyan nila. Ito nga ang lalaking nakita niya malapit sa bahay ni Celly. Pero, papaanong napunta ito sa lugar na 'to? "Bryan," tinig ni Vic. "Sir, may tama si Bryan!" Nag-panic siya. Nataranta. Hindi alam kung ano ang gagawin. Kumilos si Gian, lumapit ito kay Bryan. "Daplis lang 'to," sagot ni Bryan. "Pero putik! Nagulat ako sa ginawa ng lalaking 'yan kaya ako napasigaw." Kahit natatakot ay ninais niyang makita si Bryan, pero sadyang hindi niya magawa dahil kalong niya ni si Andrei. "Sir, yuko!" utos ni Vic. "Ha?" "Yuko!" Kasabay ng kanilang pagyuko ang sunod-sunod na putok ng baril. Naramdaman na lang niya na para umiikot ang paligid at narinig ang palahaw ng anak. Halos magsumiksik siya sa pagitan ng bangko. Hinaharangan ng katawan ang anak. "Diyos ko, huwag Mo po kaming pababayaan," taimtim niyang panalangin."Hello, Francis! Nandito si Larry. Help us!"Nag-angat siya ng paningin.
"ANG saya nila 'no?" Nilingon ni Gian ang taong nagmamay-ari ng boses. Pansin niya ang kasiyahang nasa mukha nito. Hawak ang basong may lamang branded na alak ay tumabi si Francis sa kaniya. Sabay na tumitig sa kaibigang si Adrix, nagsasayaw kasama si Celly. "Ikaw, kailan ka lalagay sa tahimik na buhay?" Narinig niya ang pagtawa nito, sinundan ng paglagok sa alak. "Dude, masaya ako sa buhay ko ngayon." "Really?" He smirked. "Are you sure about that?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Gusto mong pasabugin ko ito?" Sa halip na matakot ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ipinatong niya ang kanang braso sa balikat nito. "Dude, mas masaya ang pamilya. 'Yong uuwi kang mararatnan mong naghihintay ang asawa't anak mo. Sasalubungin ka ng halik. Maririnig mo ang munting halakhak ng 'yong anak. Walang katumbas 'yon, dude." Hinintay niya ang itutugon nito, pero bigo siya, kaya't bumaling ang paningin niya rito. Seryoso itong nakatitig sa mga taong nasa gitna, si Adrix at Celly, nandoon d
HINDI lubos-maisip ni Celly na sa ilang sandali ay ikakasal na siya sa lalaking kinaiinisan niya nang sobra. Hindi rin niya akalaing nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa si Adrix nang ipaalam niya rito ang kalagayan niya, nangakong magiging mabuting ama at asawa ito. "Dapat lang, dahil kung hindi, hindi mo kami makikita ng magiging anak mo." Para siyang baliw na nagsasalitang mag-isa habang nakamasid sa wedding gown na anumang oras ay susuotin na niya. Bumukas ang pinto, pumasok ang kaniyang ina at si Gwen. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya. Nakasuot na ng gown. Pinagmamasdan niya ito. Magmula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang hugis ng katawan ng kaibigan niya. Mas lalo pa ngang gumanda ang hubog ng katawan nito simula nang manganak. Sexy, stunning, gorgeous. Lahat yata ng magandang katangian ay nandirito na. Tinulungan siya ng dalawa na isuot ang wedding gown at habang isinusuot ay binibilinan siya ng mga hindi at dapat gawin kapag nasa iisang bubong na
ABALA si Gwen sa pag-aayos ng kanilang gamit na dadalahin papuntang probinsiya, sa lugar ni Celly. Nasa bag na ang kaniyang mga susuotin, ganoon din ang sa asawa, at dahil ito ang best man ay nagdala siya ng suit, tulad ng napagkasunduan ng magkakaibigan. Ang gusto pa ni Adrix ay magsuot ng tuxedo, pero tumanggi ang kaniyang kaibigan. Para sa kaniya, sapat na rin ang simple lang. Ang importante ang basbas ng Maykapal. Naalala niya nang ikasal kay Gian. Maganda ang trahe de boda niya, ganoon din ang suot ni Gian, maganda ang design ng venue, maging sa simbahan, pero pareho silang nasa loob ng madilim na panahon. Oo, may pagtingin siya sa asawa, pero hindi niya inasam na makasal dito dahil lang sa nakitang magkatabi sila sa kama. Nang mga panahong 'yon, tanging si Zabrina lamang ang laman ng puso't isipan nito, pero ang kaibigan niya, may iba nang minamahal at si Elias 'yon. Napangiti siya nang bumaling ang paningin sa picture frame na nakapatong sa bed side drawer. Picture nilang dala
KAPAPASOK pa lang ng sinasakyan ni Gwen nang makasalubong ang sasakyan ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya nasagot hanggang sa na-lowbat. Dumaan pa sila ni Celly sa apartment nito at natagalan doon. Bumaba ito ng sasakyan, base sa hitsura ay galit ito. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Bakit?" tanong pa ni Celly.Nagkibit-balikat siya at hinintay ang paghinto ng asawa. Kinatok nito ang bintana. Hindi niya binuksan, sa halip ay lumabas siya ng sasakyan."Where have you been?" Nagsalubong ang kilay niya. Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali? Sobra na siyang nagtataka."Sinamahan ko si Celly." Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito galit."Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo!" Malakas ang pagkakabigkas nito, mabuti na lang walang tao sa hinintuan nila. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Iyon ba ang pinagpuputok ng butsi nito? Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ipinag-ekis din ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Talagang dito pa sa
TAWANG-TAWA si Gian, hindi maalis sa isipan niya ang hitsura ni Celly habang nagpo-propose si Adrix. Hindi niya maikakailang tinamaan ngang talaga ang kaibigan niya. Tulad din niya, sobra nitong dinamdam ang nangyari sa relasyon ng ex-girlfriend nito. Pareho sila ng naging karanasan, pero masaya na siya ngayon sa piling ng mapagmahal at maarugang asawa. He will do anything to protect his wife at ang anak nila. Alam niyang nasa paligid lang si Larry, nagnamatyag at tiyak na idadamay nito ang kanilang anak. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Adrix. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito na ikinailing niya. "Kumusta ang ikakasal?" bati niya rito. Ibinaba nito ang hawak na cellphone sa mesa niya kasabay ang pag-upo sa nasa unang bangko. "Masaya na excited. Ako na yata ang pinakamasayang tao, dude." Napalis ang ngiti niya. Hindi niya naranasan 'yon nang ikasal siya. Pinuno niya ng galit ang dibdib para sa mapapangasawa. Hindi na-enjoy ang kanilang kasal at alam niya
"KUMUSTA kayo ni Adrix?" Napatingin si Celly sa kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Dapat na bang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Adrix? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na ipinagkaloob niya sa binata ang pinakaiingatang puri. Simula n'on ay palagi na niya itong hinahanap-hanap. Nang dumating nga ito galing US ay dumiretso sa apartment niya, doon ito natulog at hindi niya itatangging may nangyaring muli sa kanila. "Natulala ka na." Napukaw ang nagliliwaliw niyang diwa nang pitikin siya ni Gwen sa noo. Napangiwi siya sa sakit. "Masakit 'yon ha!" "Hindi ka kasi sumagot." Payak siyang ngumiti at lumapit dito. Pinaglaruan niya sng daliri ng inaanak."We're okay. Simula nang bumalik siya, bantay-sarado na ako ng mokong." Napailing siya. Totoo 'yon. Simula nang dumating si Adrix ay halos hindi na siya nito nilulubayan. Hatid-sundo sa work."Mabuti naman. Hindi mo na ba siya inaaway?" muling tanong ng kaibigan niya."Hindi na," nakangiting tugon niya."Good. A
HINDI mapakali si Gian. Matapos ibalita ni Francis ay umalis na rin ito kaagad. Sinabi nitong mag-a-assign ito ng bodyguard para sa kaniyang mag-ina, mabuti na raw ang may protection sila. Alam niyang hindi basta-bastang kalaban si Larry, kaya pumayag na siya. Ang isa pa niyang ikinababahala ay ang pagkamatay ni Zabrina. Ayon sa kaibigan ay pinapagamot ni Elias, subalit sadyang wala na sa katinuan ang dati niyang nobya kung kaya't tumalon ito sa palapag ng hospital. Mariin siyang pumikit. Kahit naman nagalit siya rito ay hindi niya ginustong mawala ito sa ganoong uri ng pagkamatay. Hindi niya maatim na mawala lalo na't wala ito sa matinong pag-iisip. Isa pang iniisip niya'y ang asawa. Paano niya sasabihin dito na wala na si Zabrina? At si Larry. "Fvck!" Nahilot niya ang sentido. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Patong-patong na ang kaniyang pinoproblema."Hayst!" Nakapamaywang na tiningala niya ang puting kesame at nagpakawala ng malalim na hininga. Nagdesisyon na siyang sabihi
PAROO'T PARITO si Gian, one month na ang nakalipas nang papuntahin niya si Adrix sa America para hanapin si Zabrina. Ayon sa nakalap na information ni Francis ay sa Los Angeles nakatira ang asawa ng ex niya. Ngayon ay pabalik na ang kaibigan niya, ayon dito ay may bad news itong dala. "Sweetheart..." Napahinto siya sa pagpapatintero, hinintay ang pagpasok ng asawa. Kalong nito ang kanilang anak, malayo pa lang ay nakabungisngis na. "May problema ba?" "Ha?""Kanina ka pa kasi tulala. Kahit si Mommy ay napapansin 'yan?"Masyado ba siyang obvious?"Ah!" Nag-isip siya ng maidadahilan. "M-may gumugulo lang sa isipan ko." "Ano 'yon?" "S-si Adrix.""Oh! Anong mayroon sa kaniya? Siyanga pala, hindi ko na nakikita ang isang 'yon. Nasaan ba siya?"Maingat na inilapag ng kaniyang asawa ang anak na mahinang tumatawa sa kama. Malikot na ito, kaya dapat ay may bantay na. Naisip niyang ikuha na ito ng mag-aalaga. On hands naman ang asawa niya pero mas maganda na rin 'yong may nag-aalaga rito.