"OH my God!" awang bibig na sabi ni Gwen. At ang bagong pasok ay ngumisi lang sa kaniya. Hindi niya lubos-maisip na ito ang sinasabing bossing ng mga taong dumukot sa kaniya."Bossing..." Narinig niyang sambit ng lalaking kakilala ni Rachel."I-ikaw ang bossing nila?" paninigurado niya. "Ako nga at wala ng iba!" Muling ngumisi ito na animo'y isang asong nauulol. "And I'm glad to see you again in that way," nakangising tugon ng kung sinuman at sinuri pa siya. Tumalim ang titig niya rito. "Bakit mo ito ginagawa? Dahil ba sa--" "Because of you, Gwen. Hindi ko makuha ang gusto ko dahil sa iyo. Kaya kailangan mong mawala sa mundong ito."Napalunok siya ng laway. Kung totohanin nito ang sinabi, paano ang magiging anak nila ni Gian? Si Gian, paano ito? "Alam mo bang humihingi ako sa asawa ng isang daang milyon kapalit ang buhay mo at alam ko namang kayang-kayang ibigay iyon ni Gian."Agad na bumilog ang bibig niya sa laki ng hinihinging kapalit nito para sa kaniyang buhay. Akmang magsas
NAKATUNGHAY si Gwen sa mag-ama, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ginagawa nila ang bagay na iyon sa kanya at maging sa kaniyang asawa. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Zab. Humanga siya noon dito at kinainggitan din ng palihim, pero lahat ng naramdaman niya para rito'y unti-unti nang naglaho. Una, nang pagpanggaping may nangyari sa kanila ni Gian. Pumayag siya sa kagustuhan nito, hindi dahil sa may lihim siyang pagtingin sa boyfriend nito, kundi dahil ginipit siya nito. Siningil sa lahat ng naitulong nito at ngayon, heto siya, nakaupo nga pero mahigpit namang nakatali ang kaniyang kamay at paa dahil sa kagagawan ng mag-amang ito.Ano bang kasalanan niya kay Zabrina? Bakit siya nito pinahihirapan? Kung yaman lang ang pagbabasehan... wala siya n'on. Talong-talo nga siya nito, pero bakit? Napabaling ang tingin niya sa kinaroroonan ni Rachel. Bahagya siyang napailing. Sinong mag-aakala na kasabwat ito ng mag-ama? At ang lahat pala ng nangyari noo'y pakulo rin ni Za
HI, Gian!" Tumalim ang titig ni Gian. Napamura siya sa isipan. "What are you doing here again?" "Nabalitaan ko kasi ang nangyari kay Gwen, and I promise, tutulong ako sa paghahanap sa kanya. I'll do everything para mahanap ang best friend ko. Kahit naman nagkaroon ng lamat ang aming relasyon ay siya pa rin ang nag-iisang best friend ko." Kumunot ang noo niya. Totoo ba ang ipinapakita nito ngayon? Pero, base sa hitsura ng kaharap ay nag-aalala nga ito. Nakita pa niya ang pangingilid ng luha nito. Pero... bigla siyang napaisip. Paano nito nalaman na nawawala ang kanyang asawa? May nagkapagsabi ba rito? Kung oo, sino? Wala siyang pinagsabihang iba, maliban kung ipinaalam ng mommy niya. "Gian, please, hanapin natin si Gwen. I-save natin siya." Tuluyan na itong umiyak, yumakap pa ito sa kanya.Hindi niya magawang tanggalin ang mga braso nito sa labis na pagtataka. Lalo pang lumakas ang iyak ng babaing nakayakap sa kaniya. Napahinga na lang siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sar
SALUBONG ang kilay ni Gian at matinding kuyom ng kamao. Hindi pa tumatawag muli ang mga kidnapper, three days na ang nakaraan ngunit wala pang paramdam. Wala siyang magawa kundi ang maghintay at bawat araw na dumaraan ay lalo siyang naiinis sa kaniyang sarili. Hindi rin niya maiwasang mag-isip ng mga negatibong pangyayari. What if, may masama nang ginawa ang mga kidnapper sa kaniyang asawa? What if, binaboy ito? "Da*m it!" Napamura na siya sa dami ng naiisip. Napupuno ng galit ang dibdib niya sa tuwing may pumapasok na masama sa kaniyang isipan. Sa oras na lumabas kung sinuman ang nasa likod ng pangingidnap sa asawa ay sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya. Mukhang mali siya ng hinala na si Mr. De Castro ang nasa likod nito dahil nang pasundan niya ito kay Francis ay nagtungo ito sa casino. "They will pay for this!" Nagngingitngit ang mga ngipin niya. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Hindi rin muna siya pumapasok sa opisina, kung may pipirmahan siya o importanteng papeles
MY dear best friend, kumusta?"Tumalim ang titig ni Gwen sa bagong dating na walang iba kundi ang dati niyang kaibigan. Ngiting-ngiti kaya't alam niyang may dala itong hindi magandang balita para sa kanya. "You know what, nag-date kami ni Gian kanina at super saya ko." Itinukod nito ang dalawang palad sa tuhod nito at bahagyang ibinaliko ang katawan upang magpantay sila. "Ang saya namin."She smirked. "So?" Hindi siya nagpadala sa kung anong sinasabi nito. Kung gustong bumalik ni Gian dito'y hindi niya pipigilin, huwag lang nitong pakikialaman ang anak na nasa sinapupunan niya.Magkakamatayan sila! "He said na hindi ka na raw niya tutubusin dahil wala na raw siyang pakialam sa iyo," nangingiting tugon nito. May kung anong bagay itong dinukot sa bag, cellphone lang pala. Ipinakita nito ang picture na kasama ang asawa niya. Mayroon pang video.Hindi siya nagpahalata na nasaktan siya sa nakita. Itinaas na lang niya ang isang kilay. Malaya muna niyang pinagmasdan ang dating kaibigan. Ka
"HI, babe!"Nabitiwan ni Gian ang hawak na ballpen at pasimpleng nahilot niya ang sentido. Ang dami na niyang problema dumagdag pa si Zabrina. Ilang araw nang kinukulit siya nito na may pupuntahan daw sila, hindi naman siya maka-oo dahil tambak ang dokumentong babasahin niya. Isa pa'y ayaw na niya itong makita, napilitan lang siyang samahan ito nang nakaraang araw dahil nagbabaka-sakali siyang may mahanap na impormasyon. "What are you doing here, Zabrina?" may diing tanong niya rito."I just missed you. Are you busy?" nonsense nitong tanong."Can't you see, I have a lot of works now!" Itinuro pa niya ang sangkatutak na papel.Balewala itong umupo sa bangkong nasa unahan ng mesa niya. "I'm sorry, babe. Miss lang talaga kita."Kamuntikan nang masuntok niya ang mesa sa sobrang inis sa babaing kaharap. Saan kaya ito kumukuha ng lakas para makaharap sa kanya?"I'll just wait na lang here," muling saad nito na nagpakulo muli ng dugo niya. Hindi na lang niya ito pinansin, muling dinampot an
NAALIMPUNGATAN si Gwen mula sa pagkakahimbing. Nakatulog na naman siya sa upoang yari sa kahoy. Nakatali pa rin ang mga kamay at paa. Kinurap-kurap niya ang matang nanlalabo pa mula sa matagal na pagkakahimbing. Hindi pa man bumabalik sa huwisyo ang pangingin ay nakarinig siya ang mainit na pagtatalo ng kung sinuman. Unti-unti na siyang nagmulat. Mula sa nanlalabong paningin ay pilit inaninag ang paligid. Ganoon pa rin. Nandoon pa rin siya sa isang bakanteng warehouse at sa palagay niya ay pag-aari iyon ni Mr. De Castro. Sa pagkakatanda niya, may tatlong warehouse ito na kung saan ay tinatambakan ng mga gamit, ngunit hindi niya alam kung anong lugar ang kinaroroonan niya ngayon. Isang warehouse lang ang narating niya at iyon ay malapit sa dati niyang pinasukan."Oh! Gising na pala ang munti nating prinsesa," bungad ni Rachel. Unti-unti itong lumapit sa kinaroroonan niya. Yumuko ito para magpantay ang kanilang mga mukha. "Malapit na naming makuha ang aming gantimpala mula kay Mr. De Ca
NAIHILAMOS ni Gian ang sariling palad sa mukha. Hindi pa rin tumatawag ang mga kidnaper. Sobrang nag-aalala na siya sa asawa niya, walang tigil sa pagtakbo ang utak niya kung ano ang nangyayari rito. Dumagdag pa sa isipin niya si Zabrina. Buwisit na buwisit na siya. Sa susunod na guluhin pa siya nito, ipaaalam na niya ang nalaman mula sa ina. "Baby..." Naagaw ang pansin niya nang mag-ring ang cellphone, kaagad niyang dinampot 'yon. Isang text message ang dumating mula sa unregistered number. Kaagad niyang in-open."Naayos mo na ba ang 1OO milyon kapalit ng asawa mo? Kung oo, stand by ka lang. Tatawag ako sa iyo para sabihin kung saan no dadalahin ang pera." Nanginginig ang kamay niya habang binabasa ang text message. Idinial niya ang number, ngunit out of coverage na 'yon. Hindi na niya ma-contact. Nakadama na naman siya ng galit. Gusto niyang marinig ang boses ng asawa. "Fuck!"Bumuhos ang sama ng loob na nararamdaman niya. Gusto niyang suntukin ang sarili. Ngayo'y sinisingil siy