NAALIMPUNGATAN si Gwen mula sa pagkakahimbing. Nakatulog na naman siya sa upoang yari sa kahoy. Nakatali pa rin ang mga kamay at paa. Kinurap-kurap niya ang matang nanlalabo pa mula sa matagal na pagkakahimbing. Hindi pa man bumabalik sa huwisyo ang pangingin ay nakarinig siya ang mainit na pagtatalo ng kung sinuman. Unti-unti na siyang nagmulat. Mula sa nanlalabong paningin ay pilit inaninag ang paligid. Ganoon pa rin. Nandoon pa rin siya sa isang bakanteng warehouse at sa palagay niya ay pag-aari iyon ni Mr. De Castro. Sa pagkakatanda niya, may tatlong warehouse ito na kung saan ay tinatambakan ng mga gamit, ngunit hindi niya alam kung anong lugar ang kinaroroonan niya ngayon. Isang warehouse lang ang narating niya at iyon ay malapit sa dati niyang pinasukan."Oh! Gising na pala ang munti nating prinsesa," bungad ni Rachel. Unti-unti itong lumapit sa kinaroroonan niya. Yumuko ito para magpantay ang kanilang mga mukha. "Malapit na naming makuha ang aming gantimpala mula kay Mr. De Ca
NAIHILAMOS ni Gian ang sariling palad sa mukha. Hindi pa rin tumatawag ang mga kidnaper. Sobrang nag-aalala na siya sa asawa niya, walang tigil sa pagtakbo ang utak niya kung ano ang nangyayari rito. Dumagdag pa sa isipin niya si Zabrina. Buwisit na buwisit na siya. Sa susunod na guluhin pa siya nito, ipaaalam na niya ang nalaman mula sa ina. "Baby..." Naagaw ang pansin niya nang mag-ring ang cellphone, kaagad niyang dinampot 'yon. Isang text message ang dumating mula sa unregistered number. Kaagad niyang in-open."Naayos mo na ba ang 1OO milyon kapalit ng asawa mo? Kung oo, stand by ka lang. Tatawag ako sa iyo para sabihin kung saan no dadalahin ang pera." Nanginginig ang kamay niya habang binabasa ang text message. Idinial niya ang number, ngunit out of coverage na 'yon. Hindi na niya ma-contact. Nakadama na naman siya ng galit. Gusto niyang marinig ang boses ng asawa. "Fuck!"Bumuhos ang sama ng loob na nararamdaman niya. Gusto niyang suntukin ang sarili. Ngayo'y sinisingil siy
MALAKI ang ngiting nakapaskil sa labi ni Zabrina. Nasa sariling silid siya, pinagmamasdan ang naked na reflection sa salamin. Proud siya kung anong hitsura niya. Beautiful. Gorgeous. Sexy. She's different from her bedt friend Gwen. Naglaho ang ngiti sa labi, napalitan ng galit at pagkasuklam. Because of her best friend, ayaw nang bumalik ni Gian sa kaniya. Sinasabi ng boyfriend niya na mahal na nito ang kaniyang kaibigan. But she will do anything, para muli silang magkabalikan. "Malapit ka nang mapasaaking muli," ngising saad niya. "Ipinahiram lang kita kay Gwen, and this time, babawiin na kita. By hook or by crook." Mahal niya si Gian, itinuring siyang prinsesa. Ibinigay nito sa kaniya ang lahat. She knows na may pagtingin si Gwen dito, alam din niyang naiingit sa kaniya ito, bagay na ipinagbubunyi ng kalooban niya. Suddenly, she met Elias, a better man than her boyfriend. Nagbago ang kaniyang nararamdaman para rito. May nabubuhay na kakaibang init sa kaloob-looban niya sa tuwing
NAKARAMDAM na ng pagkainip si Sylvia, panay din ang tingin niya sa relong pambisig. Matiyaga niyang hinihintay si Zabrina. Ilang araw na itonlng pabalik-balik sa mansiyon, magkagayunpaman ay hindi mapanatag ang kalooban niya kaya't tinawagan niya ito para makausap. Hindi na niya iyon ipinaalam sa kaniyang anak dahil tiyak niyang hindi ito papayag. Nasa restaurant siya ng isa niyang kaibigan at walang katao-tao roon. Sinabihan niya ang kaibigan na huwag munang magbubukas dahil sa importanteng bagay na gagawin niya. Napapayag naman niya ito. "Hi, Tita Sylvia! Sorry, I'm late. Traffic e." Peke siyang ngumiti rito. "It's okay, Zab. "By the way, you look so pretty today. Blooming na blooming ah!" peke rin niyang puna rito. Ubod-tamis naman itong ngumiti. "Thank you, Tita Sylvia." Umupo ito sa bangkong nasa harapan niya. "So, what is it, Tita? Is there something wrong? Oh, by the way, tumawag na bang muli ang mga kinadper? I'm so worried na kay Gwen e.' Lihim siyang napamura sa kaar
NAPANGISI si Sylvia habang nakatitig sa babaeng nasa mukha ang matinding takot. Siguradong may makakalap siyang pruweba na ito nga ang may kagagawan kung bakit ngayon ay nawawala si Gwen. Kapal ng mukha!"Don't deny it, Zab. I have proof that you are cheating my son. Do you want to see it? Inirecord ko lang naman ang pinag-usapan ninyo noon. Isang click ko lang ay kay Gian ang bagsak nito." Totoong may video siya nang kinausap nito si Gwen. Nagkataon noon na pumunta siya sa grocery para puntahan ang dalaga, magpapasama sana siya rito s mall, ngunit iba ang naratnan niya. Hindi ito nakapagsalita, ngunit kitang-kita niya ang pamumutla nito. Maya't maya pa ay sabay na nabaling ang kanilang paningin nang mag-ring ang cellphone nito, hagya pa itong napapitlag. Kita niyang may panginginig ang kamay nito habang kinukuha ang cellphone. Sinamantala niya ang panginginig ng kamay nito, inagaw niyang pilit ang cellphone rito para tingnan kung sino ang tumatawag. "Huwag na huwag kang magkakamal
"KAPAG ba naibigay na ang ransom money na hinihingi niyo, pakakawalan niyo na ako?" kabadong tanong ni Gwen. Kanina kasi nang magising ay may narinig siyang pinag-uusapan ni Rachel at boyfriend nito. Hindi siya napapansin ng dalawa dahil nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata, nagkukunwaring tulog. Tumaas ang kaliwang kilay ni Rachel. "Depende kay Bossing." Ngumisi ito na animo'y asong nauulol. Hindi na siya kumibo pa. Narinig lang naman niya sa pinag-uusapan ng dalawa na sosolohin ng dalawa ang ransom money na matatanggap nila. Napailing na lang siya dahil doon. "Mga gahaman!" anas ng isipan niya. Paano siya? Ibabalik ba siya ng mga ito? Sana naman. Pagod na pagod na siya. Gusto na niyang matulog ng maayos. Ilang araw na siyang nakagapos, hindi naliligo. Pumupunta man siya sa cr, pero hindi siya nagtatagal. "Alam mo, masuwerte ka pa rin, e." Iwinagwag nito ang basang buhok sa harapan niya. Tinaasan niya ito ng kilay, gayunpaman ay hindi na niya sinagot ang sinabi nito,
MOMMY!" Patakbong lumapit si Gian sa ina. Nakahiga si Sylvia sa hospital bed ng E.R. may benda ang ulo at wala pang malay. Si Zabrina nama'y nasa kabilang bed. Ang kanilang drayber ay nasa O.R pa at kasalukuyang ginagamot. Ayon sa napagtanungan niya'y malala ang tama ni Mang Dan dahil ito ang nasa unahan ng sasakyan. Napasabunot siya sa labis na galit. Una, si Gwen, ngayon naman ay ang kaniyang ina. Tumawag pa ang ina na may mahalaga itong sasabihin sa kaniya at ilang sandali pa ay may na-recieve siyang voice message. Hindi pa niya iyon napakikinggan ngunit nabasa na niya ang message ng ina. Napabaling ang tingin niya sa kabilang bed nang umungol si Zabrina. Hindi nagtagal ay nagmulat na ito ng mata. "B-Gian..." anas nito. "Si Tita Sylvia?" Napasulyap ito sa kabilang gilid na higaan. "S-safe na ba siya?" "What exactly happene, Zabrina?" Sa halip na tugunin niya ang katanungan nito'y iba ang salitang lumabas sa bibig niya. Akmang lalapitan niya ito nang biglang may tumapig sa ka
KINAGABIHAN, nag-hire si Gian ng nurse para magbantay sa inang wala pa ring malay. Ayon sa sumuring doktor ay wala naman itong malubhang pinsala, marahil ay sa gamot na itinurok kaya wala pa itong malay. Saglit siyang lumabas ng hospital, uuwi muna siya para maligo. Habang nasa biyahe ay tinatawagan niya si Francis, makikibalita sa asawa niya, pero hindi ito sumasagot. Sa pagdating niya sa mansiyon, isang balita ang naratnan niya. Sinalubong siya ni Tina. Iniabot ang isang sobre. Agad niyang binuksan at binasa ang nakasaad. "Alam ko kung nasaan ang 'yong asawa. Huwag kang mag-alala, maililigtas mo rin siya. Hindi ako makapapayag na may mangyari sa kaniya, mauuna muna akong mamatay bago siya. Huwag ka ring magtitiwala sa taong nasa paligid mo." Dumagundong ang dibdib niya. Nagpaikot-ikot siya sa kinatatayuan. Halos magbuhol-buhol ang hinga niya. Ilang beses siyang napamura sa isipan. Kinuha niya ang cellphone na ipinatong niya sa mesa, muling tinawagan ang kaibigan. "Buti nama't s