NAPANGISI si Sylvia habang nakatitig sa babaeng nasa mukha ang matinding takot. Siguradong may makakalap siyang pruweba na ito nga ang may kagagawan kung bakit ngayon ay nawawala si Gwen. Kapal ng mukha!"Don't deny it, Zab. I have proof that you are cheating my son. Do you want to see it? Inirecord ko lang naman ang pinag-usapan ninyo noon. Isang click ko lang ay kay Gian ang bagsak nito." Totoong may video siya nang kinausap nito si Gwen. Nagkataon noon na pumunta siya sa grocery para puntahan ang dalaga, magpapasama sana siya rito s mall, ngunit iba ang naratnan niya. Hindi ito nakapagsalita, ngunit kitang-kita niya ang pamumutla nito. Maya't maya pa ay sabay na nabaling ang kanilang paningin nang mag-ring ang cellphone nito, hagya pa itong napapitlag. Kita niyang may panginginig ang kamay nito habang kinukuha ang cellphone. Sinamantala niya ang panginginig ng kamay nito, inagaw niyang pilit ang cellphone rito para tingnan kung sino ang tumatawag. "Huwag na huwag kang magkakamal
"KAPAG ba naibigay na ang ransom money na hinihingi niyo, pakakawalan niyo na ako?" kabadong tanong ni Gwen. Kanina kasi nang magising ay may narinig siyang pinag-uusapan ni Rachel at boyfriend nito. Hindi siya napapansin ng dalawa dahil nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata, nagkukunwaring tulog. Tumaas ang kaliwang kilay ni Rachel. "Depende kay Bossing." Ngumisi ito na animo'y asong nauulol. Hindi na siya kumibo pa. Narinig lang naman niya sa pinag-uusapan ng dalawa na sosolohin ng dalawa ang ransom money na matatanggap nila. Napailing na lang siya dahil doon. "Mga gahaman!" anas ng isipan niya. Paano siya? Ibabalik ba siya ng mga ito? Sana naman. Pagod na pagod na siya. Gusto na niyang matulog ng maayos. Ilang araw na siyang nakagapos, hindi naliligo. Pumupunta man siya sa cr, pero hindi siya nagtatagal. "Alam mo, masuwerte ka pa rin, e." Iwinagwag nito ang basang buhok sa harapan niya. Tinaasan niya ito ng kilay, gayunpaman ay hindi na niya sinagot ang sinabi nito,
MOMMY!" Patakbong lumapit si Gian sa ina. Nakahiga si Sylvia sa hospital bed ng E.R. may benda ang ulo at wala pang malay. Si Zabrina nama'y nasa kabilang bed. Ang kanilang drayber ay nasa O.R pa at kasalukuyang ginagamot. Ayon sa napagtanungan niya'y malala ang tama ni Mang Dan dahil ito ang nasa unahan ng sasakyan. Napasabunot siya sa labis na galit. Una, si Gwen, ngayon naman ay ang kaniyang ina. Tumawag pa ang ina na may mahalaga itong sasabihin sa kaniya at ilang sandali pa ay may na-recieve siyang voice message. Hindi pa niya iyon napakikinggan ngunit nabasa na niya ang message ng ina. Napabaling ang tingin niya sa kabilang bed nang umungol si Zabrina. Hindi nagtagal ay nagmulat na ito ng mata. "B-Gian..." anas nito. "Si Tita Sylvia?" Napasulyap ito sa kabilang gilid na higaan. "S-safe na ba siya?" "What exactly happene, Zabrina?" Sa halip na tugunin niya ang katanungan nito'y iba ang salitang lumabas sa bibig niya. Akmang lalapitan niya ito nang biglang may tumapig sa ka
KINAGABIHAN, nag-hire si Gian ng nurse para magbantay sa inang wala pa ring malay. Ayon sa sumuring doktor ay wala naman itong malubhang pinsala, marahil ay sa gamot na itinurok kaya wala pa itong malay. Saglit siyang lumabas ng hospital, uuwi muna siya para maligo. Habang nasa biyahe ay tinatawagan niya si Francis, makikibalita sa asawa niya, pero hindi ito sumasagot. Sa pagdating niya sa mansiyon, isang balita ang naratnan niya. Sinalubong siya ni Tina. Iniabot ang isang sobre. Agad niyang binuksan at binasa ang nakasaad. "Alam ko kung nasaan ang 'yong asawa. Huwag kang mag-alala, maililigtas mo rin siya. Hindi ako makapapayag na may mangyari sa kaniya, mauuna muna akong mamatay bago siya. Huwag ka ring magtitiwala sa taong nasa paligid mo." Dumagundong ang dibdib niya. Nagpaikot-ikot siya sa kinatatayuan. Halos magbuhol-buhol ang hinga niya. Ilang beses siyang napamura sa isipan. Kinuha niya ang cellphone na ipinatong niya sa mesa, muling tinawagan ang kaibigan. "Buti nama't s
TAAS-KILAY na pumasok si Sylvia sa inuukupang silid ni Zabrina na halos magpalaglag sa panga ng mag-ama. Ang mga pulis ay nakatayo sa gilid ng dalawa at si Francis ay nasa tabi ni Gian. Nagulat din ang kaniyang anak sa biglaan niyang pagpasok at ngiti lang ang iginawad dito. Kaninang-kanina pa siya kating-kati na masampal ang dalaga. Ang lahat ng sinabi nito magmula noong nasa E.R. pa sila ay dinig na dinig niya. Nagkunwari lang siyang walang malay para malaman kung ano ba ang sasabihin nito sa anak. Pero, sa kasamaang palad, nagsinungaling na naman ito. Ipinahamak na naman nito ang kaniyang manugang, ang best friend nito. At nang huminto siya sa tapat nito ay mag-asawang sampal ang ipinatikim niya rito."Best actress ka talaga!" "Sylvia?" gulat na sambit ni Mr. De Castro. "Why did you do that to my daughter?" Napangisi siya rito. "At paano niya nagawang saktan ang anak ko nang paulit-ulit and even Gwen?" balik niyang tanong dito. "Tita--" "Don't you ever call me 'tita'!" hiyaw ni
DINIG na dinig ni Gian ang record na usapan ni Mr. De Castro at Zabrina. Sa bawat katagang naririnig ay lalong nadaragdagan ang galit niya para sa mag-ama. Lalo na nang marinig na ang dalawa ay may pakana kung bakit ito naaksidente. Nagngangalit ang ngipin niya. Umaapoy din ang mata sa sobrang galit.Napipilan ang mag-ama habang nagpi-play ang record voice. Naagaw lang ang pansin ng lahat nang tumunog ang cellphone ni Mr. De Castro. Doon na lumapit si Francis. "Give me your mobile, Mr. De Castro." "What if I don't?" Ngumisi ito. "Wala ka sa posisyon para magmataas pa. Much better na makipag-cooperate ka na lang sa akin, baka sakaling bumaba pa ang ihahatol ko sa iyo." Sapilitan nitong kinuha ang cellphone na patuloy ang pagtunog. At nang makuha ay... "Larry," basa nito sa pangalang lumalabas sa screen. "Kausapin mo, Mr. De Castro!" Pinindot nito ang answer at in-loudspeaker pa. "Hello, Bossing! Nasaan ka na ba? Kaninang-kanina pa kami naiinip sa pagbabantay dito. Akala ko ba'y
HALOS inisang hakbang lamang ni Gian ang paglapit kay Erwin. Agad niyang kinuwelyuhan ang ginoo. "Hay*p ka, Mr. De Castro! Napakaitim ng budhi mo! I'll asure you na mabubulok kayong mag-ama sa bilangguan!" Nagngalit ang kaniyang mga ngipin sa sobrang galit sa mag-ama. "Easy, dude." Agad naman siyang inawat ni Francis. Kasalukuyan silang nasa presinto upang sampahan ng kaso ang mag-amang De Castro. Halos sumabog sa galit ang dibdib niya nang muling makaharap muli ang dalawa. Ang masama, hindi pa sinasabi kung saan ng mga ito dinala si Gwen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag ang nagngangalang Larry. "Mr. De Castro, we know na hindi ka makikipag-cooperate sa amin, but I can track them." Ngumisi si Francis dito. Napabaling siya ng tingin sa dalagang nakayuko lamang ang ulo sa tabi ni Mr. De Castro. Napailing na lamang siya. Paano ba siya na-inlove sa babaing ito? Napakawalang puso! Patay na patay siya dito. Naalala niya kung paano siya naging baliw sa pag-ibig dito, pero n
NAALIMPUNGATAN si Gwen sa mainit na nakadantay sa kaniyang katawan. Sapo ang ulo nang unti-unti siyang magmulat. Inaninag ang paligid ngunit hindi niya matandaan ang lugar na kinaroroonan. Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pag-ungol at naramdaman ang pagyakap sa kaniya ng kung sinuman. Napamulagat siya. Napagtanto niyang kapwa sila walang saplot sa katawan. Maingat niyang hinigit ang kumot at itinakip iyon sa kaniyang hubad na katawan. "Good morning, bab--" Lalong lumaki ang pagkakadilat ng dalawang bilugang mata niya. Her bestfriend Zabrina's standing in front of her. Girlfriend ito ng lalaking... unti-unti niyang ibinaling ang paningin sa umungol at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang mapagtantong si Gian ang katabi niya. Si Gian ang boyfriend ng bestfriend niya. "Uhm," muling ungol nito at niyakap siya na ang mga binti niya ang nahagilap nito. Napatitig siya kay Zabrina hanggang sa may bigla pang sumulpot sa likuran nito na lalo niyang ikinagulat. "What--" Hin