Share

Chapter 79

KINAGABIHAN, nag-hire si Gian ng nurse para magbantay sa inang wala pa ring malay. Ayon sa sumuring doktor ay wala naman itong malubhang pinsala, marahil ay sa gamot na itinurok kaya wala pa itong malay. Saglit siyang lumabas ng hospital, uuwi muna siya para maligo. Habang nasa biyahe ay tinatawagan niya si Francis, makikibalita sa asawa niya, pero hindi ito sumasagot.

Sa pagdating niya sa mansiyon, isang balita ang naratnan niya. Sinalubong siya ni Tina. Iniabot ang isang sobre. Agad niyang binuksan at binasa ang nakasaad.

"Alam ko kung nasaan ang 'yong asawa. Huwag kang mag-alala, maililigtas mo rin siya. Hindi ako makapapayag na may mangyari sa kaniya, mauuna muna akong mamatay bago siya. Huwag ka ring magtitiwala sa taong nasa paligid mo."

Dumagundong ang dibdib niya. Nagpaikot-ikot siya sa kinatatayuan. Halos magbuhol-buhol ang hinga niya. Ilang beses siyang napamura sa isipan. Kinuha niya ang cellphone na ipinatong niya sa mesa, muling tinawagan ang kaibigan.

"Buti nama't s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status