Napanganga si Gian sa pamilyar na tinig na nagsalita sa kabilang linya. Hinding-hindi siya maaaring magkamali. "R-Rachel? Is that you?" "Mabuti naman at kilala mo pa ako. Do you miss me, babe?" maarteng sabi ng nasa kabilang linya. "Ha**p ka!" Hindi niya napigilan ang mapasigaw sa galit. Umalingawngaw pa ang boses niya sa buong silid. "Huwag na huwag kang magkakamaling saktan kahit dulo ng kuko ng asawa ko, Rachel--" Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang humalakhak ito. "Why, Gian? Hindi ba dati ay gustong-gusto mong pinapasakitan si Gwen, bakit ngayo'y parang nag-iba ang ihip ng hangin? Mahal mo ba siya? Are you sure of that?" Muli itong humalakhak. Muling nagkiskisan ang mga ngipin niya. Nagsalubong din ang kilay niya at tumalim ang titig sa kawalan. Alam niyang inaasar lang siya nito. "Ibibigay ko ang hinihingi niyo, just promise me na hinding-hindi niyo sasaktan ang aking asawa at ang aming anak." Wala na siyang pakialam sa pera, ang kailangan niya ay ang kaligtasan n
HINDI mapakali sa loob ng selda si Zabrina. Iniisip niya ang posibilidad na mangyari kay Gian, ang ex-boyfriend niyang walang ginawa kundi ang mahalin siya noon pero ginago lang niya. Bakit nga ba humantong sa ganito ang pag-iibigan nilang dalawa? It's her fault. Walang ibang dapat sisihin kundi siya. She was so stupid. Pinakawalan niya ang isang lalaking wagas na nagmamahal sa kaniya. Sobrang maalaga ang binata, napakamapagmahal, lahat ng gusto niya'y ibinibigay nito, mayaman at bunos na ang guwapong mukha. Pero, naghanap pa rin siya ng iba. Bakit nga ba niya nagawa iyon? Bakit nga ba niya ipinagpalit ang binata? Napailing siya. Alam niyang hindi siya nakuntento sa pagmamahal ni Gian. Mahal naman niya ito noon pero biglang nagbago ang kaniyang pagtingin dito o mas tamang sabihing nasakal siya. Nagsimula lang iyon nang aksidenteng nakabunggo siya ng lalaki sa bar, tumapon ang hawak niyang inumin sa damit nito, kahit humingi siya ng pasensiya ay galit pa rin ito. Sapilitan siya niton
WALANG tigil sa pagtulo ang luha ni Gwen. Katatapos lamang nilang mag-usap ni Gian at ayon sa asawa, hindi nito ipa-aannul ang kanilang kasal. Ibig sabihin, nagsisinungaling si Zabrina. Pero bakit? Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos-maisip na kayang gawin ito sa kaniya ng dalaga. Ang dating matalik na kaibigan, dating hinahangaan at kinainggitan niya. "Tama kaya ang sinabi niya nang mag-dinner kami sa kanila?" Napahinga siya ng malalim kasabay ang pagtaas ng mukha. Ilang araw na siya sa lugar na iyon. Ilang araw na siyang nakagapos. Ilang araw nang hindi niya nasisilayan ang mukha ng asawa. Ilang araw nang hindi nakakatulog ng maayos. At miss na niya ang 'ensaymada'. "Baby ko..." Para siyang batang umiiyak.Saglit pa ay may pumasok, si Vic, may dala itong plastic, patungo ito sa kaniya. Inilapag sa harapan niya ang dala nito at maingat siyang kinalagan. "Pinabibigay ng asawa mo." Iniabot nito ang dala sa kaniya."Nagpunta si Gian dito?""Hindi. Inutos lang niya nang tum
HALOS sabay-sabay silang napabaling sa pinanggalingan ng tinig. Nakita niyang nakatayo ang isang lalaki na may hawak na baril. Hindi niya ito kilala, pero nakasisigurado siya, ililigtas siya nito. Sana lang ay umayon sa kanila ang tadhana. "Ibaba niyo mga baril niyo!" sigaw ng lalaki. Pansin niya ang pagngisi ni Larry. "Tinatakot mo ba kami?" Kahit may kalayuan ang lalaki ay pansin niya ang pagtalim ng mata nito. Mula sa gilid ng ay lumabas ang isa pang lalaki... si Gian. "Baby..." "Gian..." Hindi niya napigilan ang paghikbi nang makita ang asawa. Nababanaag niya ang matinding takot at galit nito. And she missed him. "Shit ka, Gian! Hindi ba't ang sabi ko ay sa kotse ka lamang. Ang tigas talaga ng ulo mo!" Narinig niyang sambit ng lalaking may hawak na baril, nilingon pa nito ang kaniyang asawa. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawa hanggang sa naramdaman niya ang paghawak ng sinuman sa kaniyang leeg. Kasabay ng pagdait ng braso sa leeg, ang pagtutok ng baril sa ulo
SIX months later... "Kumusta ka na? Salamat nga pala sa pagligtas sa buhay ko." Kahit nakangiti si Gwen ay nababakas pa rin ang pangingilid ng luha. Sapo ang may kalakihang tiyan ay unti-unti siyang umupo, hinipo niya ang isang marmol na lapida. Hinding-hindi niya malilimutan ang gabing iniligtas siya ng asawa. Sa lumipas na anim na buwan, marami na ang nangyari. Si Vic, bagama't tinulungan siya nitong iligtas ay pinagdusahan pa rin nito ang nagawang kasalanan sa batas. Nailigtas din ang ina nito. Si Zabrina, nawala ito sa katinuan at ngayon ay nasa pagamutan ng kulang sa pag-iisip. Si Mr. De Castro ang pinuntahan niya. Sinumbatan niya ito. Sinabi ang masasakit na salita, wala man siyang nakuhang sagot kung bakit siya pinahirapan ng mag-ama, importante sa kaniya'y nasabi niya ang nasa loob niya. Siya, malapit na niyang isilang ang anak. Lalaki ang unang anak nila. Laging nakabantay sa kaniya ang Mommy Slyvia niya. Ipinapaalala nito palagi ang pag-inom ng vitamin at regular din an
"HI! Kumusta na? Balita ko'y malapit ka nang lumaya." Malaki ang ngiting nakapaskil sa labi ni Gwen habang kaharap ang isa sa nagligtas sa kaniya. "Oo nga, eh. Excited ako na kinakabahan. Baka hindi ako tanggapin ng mga tao sa labas." "Don't mind others. Sabi ni Mommy, bibigyan ka ng trabaho sa kompanya kapag nakalabas ka na. At isa pa, saglit ka lang namang nakulong." Hindi likas na masama si Vic, napilitan lang itong sumama dahil tulad niya, ginipit din ito ng mga De Castro. Napangiti siya sa lalaking kaharap. Sang-ayon din naman si Sylvia sa maagang paglabas nito. Nagpasalamat pa nga ang ginang dahil hindi siya nito pinabayaan. Inalagaan siya nito nang nasa poder pa siya nito. Bagama't ibang pagkatao ang ipinakilala sa kaniya, alam niyang para maprotektahan lang siya kaya nito ginawa 'yon. Malaki ang utang na loob niya rito at habambuhay niyang tatanawin 'yon sa mag-ina. Napahinga ng malalim si Vic. "Thank you. Kundi dahil sa iyo, baka'y abutin ako rito ng taon," anito na g
MARAHANG bumubukas ang pinto. Malamlam man ang ilaw na nagmumula sa lampshade, pero hindi iyon hadlang para hindi matunton ang nais na makita. Saglit pa ay tuluyan nang pumasok ang taong nakadungaw. Dumiretso sa tapat ng higaan. Dumukwang sa babaing nakahiga. Lumapat ang labi sa noo nito. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi kasabay ang mainit na paghaplos sa pisngi nito. Nakita niya ang kaniyang picture, yakap ng babaing himbing na himbing."I've missed you so much, baby!"Mahinang ungol ang tugon ng babaing nakahiga hanggang sa unti-unting nagmulat ang mata nito. "S-sweetheart..." Mabilis itong bumangon at niyakap siya ng buong higpit. "You're here! Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka na? Nasundo sana kita.""Alam mong iyan ang pinakaayaw ko, ang magbyahe ka. Ayaw kong napapagod ka," kunwaring sermon nito.Idinikit niya ang mukha sa balikat nito, bahagya pang kinagat iyon sa paraang alam niyang hindi masasaktan ang asawa. Saka ay ibinaling ang labi sa leeg at masuyong hinagkan-hagka
"ANAK. Ang kawawa kong anak." Luhaan si Mr. De Castro habang nakamasid sa tulalang si Zabrina, siya nama'y may bantay na pulis at naka-posas ang dalawang kamay. Pinagbigyan siyang madalaw sa pagamutan ang anak. Hanggang ngayo'y hindi pa rin niya matanggap na sa ganito lang mauuwi ang lahat. Lahat-lahat. Nang pumutok ang balitang si Gian at Gwen ang ikakasal ay pinaimbestigahan niya ang nangyari. Hindi siya papayag na ang dalawa ang ikakasal, dahil una pa lang ay alam niyang sobrang mahal ni Zabrina ang binata. Pero laking gulat niya sa nalaman, ang kaniyang anak ang may pakana ng lahat, at nalaman din niyang may iba itong mahal... si Elias. Palihim siyang sumunod nang umalis ito. Nakita kung paano sumaya ang anak sa piling ni Elias. And, he knows that Zabrina's got pregnant. Nakita at nayakap rin niya ang kaniyang apo. Pero, buong akala niya'y nasa maayos na kalagayan ito. Nalaman na lang niya na pumanaw ang kaniyang apo at ang masama pa'y sinasaktan ito ng asawa. Gusto niyang
"SWEETHEART..." Takot ang maaaninag sa mukha ni Gwen nang sumulpot si Larry sa unahan ng sinasakyan nila. Ito nga ang lalaking nakita niya malapit sa bahay ni Celly. Pero, papaanong napunta ito sa lugar na 'to? "Bryan," tinig ni Vic. "Sir, may tama si Bryan!" Nag-panic siya. Nataranta. Hindi alam kung ano ang gagawin. Kumilos si Gian, lumapit ito kay Bryan. "Daplis lang 'to," sagot ni Bryan. "Pero putik! Nagulat ako sa ginawa ng lalaking 'yan kaya ako napasigaw." Kahit natatakot ay ninais niyang makita si Bryan, pero sadyang hindi niya magawa dahil kalong niya ni si Andrei. "Sir, yuko!" utos ni Vic. "Ha?" "Yuko!" Kasabay ng kanilang pagyuko ang sunod-sunod na putok ng baril. Naramdaman na lang niya na para umiikot ang paligid at narinig ang palahaw ng anak. Halos magsumiksik siya sa pagitan ng bangko. Hinaharangan ng katawan ang anak. "Diyos ko, huwag Mo po kaming pababayaan," taimtim niyang panalangin."Hello, Francis! Nandito si Larry. Help us!"Nag-angat siya ng paningin.
"ANG saya nila 'no?" Nilingon ni Gian ang taong nagmamay-ari ng boses. Pansin niya ang kasiyahang nasa mukha nito. Hawak ang basong may lamang branded na alak ay tumabi si Francis sa kaniya. Sabay na tumitig sa kaibigang si Adrix, nagsasayaw kasama si Celly. "Ikaw, kailan ka lalagay sa tahimik na buhay?" Narinig niya ang pagtawa nito, sinundan ng paglagok sa alak. "Dude, masaya ako sa buhay ko ngayon." "Really?" He smirked. "Are you sure about that?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Gusto mong pasabugin ko ito?" Sa halip na matakot ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ipinatong niya ang kanang braso sa balikat nito. "Dude, mas masaya ang pamilya. 'Yong uuwi kang mararatnan mong naghihintay ang asawa't anak mo. Sasalubungin ka ng halik. Maririnig mo ang munting halakhak ng 'yong anak. Walang katumbas 'yon, dude." Hinintay niya ang itutugon nito, pero bigo siya, kaya't bumaling ang paningin niya rito. Seryoso itong nakatitig sa mga taong nasa gitna, si Adrix at Celly, nandoon d
HINDI lubos-maisip ni Celly na sa ilang sandali ay ikakasal na siya sa lalaking kinaiinisan niya nang sobra. Hindi rin niya akalaing nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa si Adrix nang ipaalam niya rito ang kalagayan niya, nangakong magiging mabuting ama at asawa ito. "Dapat lang, dahil kung hindi, hindi mo kami makikita ng magiging anak mo." Para siyang baliw na nagsasalitang mag-isa habang nakamasid sa wedding gown na anumang oras ay susuotin na niya. Bumukas ang pinto, pumasok ang kaniyang ina at si Gwen. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya. Nakasuot na ng gown. Pinagmamasdan niya ito. Magmula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang hugis ng katawan ng kaibigan niya. Mas lalo pa ngang gumanda ang hubog ng katawan nito simula nang manganak. Sexy, stunning, gorgeous. Lahat yata ng magandang katangian ay nandirito na. Tinulungan siya ng dalawa na isuot ang wedding gown at habang isinusuot ay binibilinan siya ng mga hindi at dapat gawin kapag nasa iisang bubong na
ABALA si Gwen sa pag-aayos ng kanilang gamit na dadalahin papuntang probinsiya, sa lugar ni Celly. Nasa bag na ang kaniyang mga susuotin, ganoon din ang sa asawa, at dahil ito ang best man ay nagdala siya ng suit, tulad ng napagkasunduan ng magkakaibigan. Ang gusto pa ni Adrix ay magsuot ng tuxedo, pero tumanggi ang kaniyang kaibigan. Para sa kaniya, sapat na rin ang simple lang. Ang importante ang basbas ng Maykapal. Naalala niya nang ikasal kay Gian. Maganda ang trahe de boda niya, ganoon din ang suot ni Gian, maganda ang design ng venue, maging sa simbahan, pero pareho silang nasa loob ng madilim na panahon. Oo, may pagtingin siya sa asawa, pero hindi niya inasam na makasal dito dahil lang sa nakitang magkatabi sila sa kama. Nang mga panahong 'yon, tanging si Zabrina lamang ang laman ng puso't isipan nito, pero ang kaibigan niya, may iba nang minamahal at si Elias 'yon. Napangiti siya nang bumaling ang paningin sa picture frame na nakapatong sa bed side drawer. Picture nilang dala
KAPAPASOK pa lang ng sinasakyan ni Gwen nang makasalubong ang sasakyan ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya nasagot hanggang sa na-lowbat. Dumaan pa sila ni Celly sa apartment nito at natagalan doon. Bumaba ito ng sasakyan, base sa hitsura ay galit ito. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Bakit?" tanong pa ni Celly.Nagkibit-balikat siya at hinintay ang paghinto ng asawa. Kinatok nito ang bintana. Hindi niya binuksan, sa halip ay lumabas siya ng sasakyan."Where have you been?" Nagsalubong ang kilay niya. Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali? Sobra na siyang nagtataka."Sinamahan ko si Celly." Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito galit."Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo!" Malakas ang pagkakabigkas nito, mabuti na lang walang tao sa hinintuan nila. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Iyon ba ang pinagpuputok ng butsi nito? Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ipinag-ekis din ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Talagang dito pa sa
TAWANG-TAWA si Gian, hindi maalis sa isipan niya ang hitsura ni Celly habang nagpo-propose si Adrix. Hindi niya maikakailang tinamaan ngang talaga ang kaibigan niya. Tulad din niya, sobra nitong dinamdam ang nangyari sa relasyon ng ex-girlfriend nito. Pareho sila ng naging karanasan, pero masaya na siya ngayon sa piling ng mapagmahal at maarugang asawa. He will do anything to protect his wife at ang anak nila. Alam niyang nasa paligid lang si Larry, nagnamatyag at tiyak na idadamay nito ang kanilang anak. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Adrix. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito na ikinailing niya. "Kumusta ang ikakasal?" bati niya rito. Ibinaba nito ang hawak na cellphone sa mesa niya kasabay ang pag-upo sa nasa unang bangko. "Masaya na excited. Ako na yata ang pinakamasayang tao, dude." Napalis ang ngiti niya. Hindi niya naranasan 'yon nang ikasal siya. Pinuno niya ng galit ang dibdib para sa mapapangasawa. Hindi na-enjoy ang kanilang kasal at alam niya
"KUMUSTA kayo ni Adrix?" Napatingin si Celly sa kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Dapat na bang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Adrix? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na ipinagkaloob niya sa binata ang pinakaiingatang puri. Simula n'on ay palagi na niya itong hinahanap-hanap. Nang dumating nga ito galing US ay dumiretso sa apartment niya, doon ito natulog at hindi niya itatangging may nangyaring muli sa kanila. "Natulala ka na." Napukaw ang nagliliwaliw niyang diwa nang pitikin siya ni Gwen sa noo. Napangiwi siya sa sakit. "Masakit 'yon ha!" "Hindi ka kasi sumagot." Payak siyang ngumiti at lumapit dito. Pinaglaruan niya sng daliri ng inaanak."We're okay. Simula nang bumalik siya, bantay-sarado na ako ng mokong." Napailing siya. Totoo 'yon. Simula nang dumating si Adrix ay halos hindi na siya nito nilulubayan. Hatid-sundo sa work."Mabuti naman. Hindi mo na ba siya inaaway?" muling tanong ng kaibigan niya."Hindi na," nakangiting tugon niya."Good. A
HINDI mapakali si Gian. Matapos ibalita ni Francis ay umalis na rin ito kaagad. Sinabi nitong mag-a-assign ito ng bodyguard para sa kaniyang mag-ina, mabuti na raw ang may protection sila. Alam niyang hindi basta-bastang kalaban si Larry, kaya pumayag na siya. Ang isa pa niyang ikinababahala ay ang pagkamatay ni Zabrina. Ayon sa kaibigan ay pinapagamot ni Elias, subalit sadyang wala na sa katinuan ang dati niyang nobya kung kaya't tumalon ito sa palapag ng hospital. Mariin siyang pumikit. Kahit naman nagalit siya rito ay hindi niya ginustong mawala ito sa ganoong uri ng pagkamatay. Hindi niya maatim na mawala lalo na't wala ito sa matinong pag-iisip. Isa pang iniisip niya'y ang asawa. Paano niya sasabihin dito na wala na si Zabrina? At si Larry. "Fvck!" Nahilot niya ang sentido. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Patong-patong na ang kaniyang pinoproblema."Hayst!" Nakapamaywang na tiningala niya ang puting kesame at nagpakawala ng malalim na hininga. Nagdesisyon na siyang sabihi
PAROO'T PARITO si Gian, one month na ang nakalipas nang papuntahin niya si Adrix sa America para hanapin si Zabrina. Ayon sa nakalap na information ni Francis ay sa Los Angeles nakatira ang asawa ng ex niya. Ngayon ay pabalik na ang kaibigan niya, ayon dito ay may bad news itong dala. "Sweetheart..." Napahinto siya sa pagpapatintero, hinintay ang pagpasok ng asawa. Kalong nito ang kanilang anak, malayo pa lang ay nakabungisngis na. "May problema ba?" "Ha?""Kanina ka pa kasi tulala. Kahit si Mommy ay napapansin 'yan?"Masyado ba siyang obvious?"Ah!" Nag-isip siya ng maidadahilan. "M-may gumugulo lang sa isipan ko." "Ano 'yon?" "S-si Adrix.""Oh! Anong mayroon sa kaniya? Siyanga pala, hindi ko na nakikita ang isang 'yon. Nasaan ba siya?"Maingat na inilapag ng kaniyang asawa ang anak na mahinang tumatawa sa kama. Malikot na ito, kaya dapat ay may bantay na. Naisip niyang ikuha na ito ng mag-aalaga. On hands naman ang asawa niya pero mas maganda na rin 'yong may nag-aalaga rito.