SIX months later... "Kumusta ka na? Salamat nga pala sa pagligtas sa buhay ko." Kahit nakangiti si Gwen ay nababakas pa rin ang pangingilid ng luha. Sapo ang may kalakihang tiyan ay unti-unti siyang umupo, hinipo niya ang isang marmol na lapida. Hinding-hindi niya malilimutan ang gabing iniligtas siya ng asawa. Sa lumipas na anim na buwan, marami na ang nangyari. Si Vic, bagama't tinulungan siya nitong iligtas ay pinagdusahan pa rin nito ang nagawang kasalanan sa batas. Nailigtas din ang ina nito. Si Zabrina, nawala ito sa katinuan at ngayon ay nasa pagamutan ng kulang sa pag-iisip. Si Mr. De Castro ang pinuntahan niya. Sinumbatan niya ito. Sinabi ang masasakit na salita, wala man siyang nakuhang sagot kung bakit siya pinahirapan ng mag-ama, importante sa kaniya'y nasabi niya ang nasa loob niya. Siya, malapit na niyang isilang ang anak. Lalaki ang unang anak nila. Laging nakabantay sa kaniya ang Mommy Slyvia niya. Ipinapaalala nito palagi ang pag-inom ng vitamin at regular din an
"HI! Kumusta na? Balita ko'y malapit ka nang lumaya." Malaki ang ngiting nakapaskil sa labi ni Gwen habang kaharap ang isa sa nagligtas sa kaniya. "Oo nga, eh. Excited ako na kinakabahan. Baka hindi ako tanggapin ng mga tao sa labas." "Don't mind others. Sabi ni Mommy, bibigyan ka ng trabaho sa kompanya kapag nakalabas ka na. At isa pa, saglit ka lang namang nakulong." Hindi likas na masama si Vic, napilitan lang itong sumama dahil tulad niya, ginipit din ito ng mga De Castro. Napangiti siya sa lalaking kaharap. Sang-ayon din naman si Sylvia sa maagang paglabas nito. Nagpasalamat pa nga ang ginang dahil hindi siya nito pinabayaan. Inalagaan siya nito nang nasa poder pa siya nito. Bagama't ibang pagkatao ang ipinakilala sa kaniya, alam niyang para maprotektahan lang siya kaya nito ginawa 'yon. Malaki ang utang na loob niya rito at habambuhay niyang tatanawin 'yon sa mag-ina. Napahinga ng malalim si Vic. "Thank you. Kundi dahil sa iyo, baka'y abutin ako rito ng taon," anito na g
MARAHANG bumubukas ang pinto. Malamlam man ang ilaw na nagmumula sa lampshade, pero hindi iyon hadlang para hindi matunton ang nais na makita. Saglit pa ay tuluyan nang pumasok ang taong nakadungaw. Dumiretso sa tapat ng higaan. Dumukwang sa babaing nakahiga. Lumapat ang labi sa noo nito. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi kasabay ang mainit na paghaplos sa pisngi nito. Nakita niya ang kaniyang picture, yakap ng babaing himbing na himbing."I've missed you so much, baby!"Mahinang ungol ang tugon ng babaing nakahiga hanggang sa unti-unting nagmulat ang mata nito. "S-sweetheart..." Mabilis itong bumangon at niyakap siya ng buong higpit. "You're here! Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka na? Nasundo sana kita.""Alam mong iyan ang pinakaayaw ko, ang magbyahe ka. Ayaw kong napapagod ka," kunwaring sermon nito.Idinikit niya ang mukha sa balikat nito, bahagya pang kinagat iyon sa paraang alam niyang hindi masasaktan ang asawa. Saka ay ibinaling ang labi sa leeg at masuyong hinagkan-hagka
"ANAK. Ang kawawa kong anak." Luhaan si Mr. De Castro habang nakamasid sa tulalang si Zabrina, siya nama'y may bantay na pulis at naka-posas ang dalawang kamay. Pinagbigyan siyang madalaw sa pagamutan ang anak. Hanggang ngayo'y hindi pa rin niya matanggap na sa ganito lang mauuwi ang lahat. Lahat-lahat. Nang pumutok ang balitang si Gian at Gwen ang ikakasal ay pinaimbestigahan niya ang nangyari. Hindi siya papayag na ang dalawa ang ikakasal, dahil una pa lang ay alam niyang sobrang mahal ni Zabrina ang binata. Pero laking gulat niya sa nalaman, ang kaniyang anak ang may pakana ng lahat, at nalaman din niyang may iba itong mahal... si Elias. Palihim siyang sumunod nang umalis ito. Nakita kung paano sumaya ang anak sa piling ni Elias. And, he knows that Zabrina's got pregnant. Nakita at nayakap rin niya ang kaniyang apo. Pero, buong akala niya'y nasa maayos na kalagayan ito. Nalaman na lang niya na pumanaw ang kaniyang apo at ang masama pa'y sinasaktan ito ng asawa. Gusto niyang
"OKAY. One, two, three, push, Mrs. McCollins. Kaunti na lang lalabas na ang baby mo."Halos malagutan na ng hininga si Gwen sa pag-ire. Ngayon lang niya napagtanto na napakahirap palang manganak. Sobrang sakit. Ilang ire pa ang kaniyang ginawa nang sa wakas ay tuluyan nang lumabas si Gian Andrei. Nagrarambulan ang hininga niya, pero sulit ang pagod at sakit na naranasan niya matapos mahawakan ang munti niyang anghel. Naririnig pa niya ang munting iyak nito, animo'y inaapi.Nasa private room na siya nang pumasok bigla si Gian. Hindi ito agad nakarating dahil sa importanteng business meeting na dinaluhan nito. "Baby..." Patakbong lumapit ang asawa sa kinaroroonan niya. Pinupog siya nito ng halik. "Daddy na ako," mangiyak-ngiyak nitong sambit. Maging siya ay napaluha na rin sa labis na kasiyahan."Oo, daddy ka na.""Where's my baby?""Ask mo sa nurse."Sa pag-aakalang aalis na ito'y ipinikit na niya ang mata, pero agad ding iminulat matapos maramdaman ang yakap ng asawa. Sinalubong ng m
NAALIMPUNGATAN si Gwen sa mainit na nakadantay sa kaniyang katawan. Sapo ang ulo nang unti-unti siyang magmulat. Inaninag ang paligid ngunit hindi niya matandaan ang lugar na kinaroroonan. Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pag-ungol at naramdaman ang pagyakap sa kaniya ng kung sinuman. Napamulagat siya. Napagtanto niyang kapwa sila walang saplot sa katawan. Maingat niyang hinigit ang kumot at itinakip iyon sa kaniyang hubad na katawan. "Good morning, bab--" Lalong lumaki ang pagkakadilat ng dalawang bilugang mata niya. Her bestfriend Zabrina's standing in front of her. Girlfriend ito ng lalaking... unti-unti niyang ibinaling ang paningin sa umungol at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang mapagtantong si Gian ang katabi niya. Si Gian ang boyfriend ng bestfriend niya. "Uhm," muling ungol nito at niyakap siya na ang mga binti niya ang nahagilap nito. Napatitig siya kay Zabrina hanggang sa may bigla pang sumulpot sa likuran nito na lalo niyang ikinagulat. "What--" Hin
PABALING-BALING si Gwen sa kaniyang higaan. Laman pa rin ng isipan ang tagpo kaninang umaga. Napahinga siya ng malalim at napagpasiyang bumangon na lamang. Naupo siya sa gilid ng higaan at mataman na nag-isip. "Sana pala'y hindi na lang ako sumama sa bar, disinsana ay wala akong problema ngayon. Hayst! Gwen, ano na ang gagawin mo ngayon?" Tuluyan siyang tumayo, saka ay lumapit sa bintana. Maliit lamang ang espasyo ng kaniyang kinaroroonan niya at sa loob ng dalawang taon ay iyon na ang naging tahanan. Nasa probinsiya ang kaniyang magulang. Matapos niyang makapagtapos ng pag-aaral ay nagtungo na agad siya sa siyudad para magtrabaho. Sa isang supermarket siya kasalukuyang nagtatrabaho na kung saa'y pagmamay-ari ng ama ni Zabrina. Napahinga siya ng malalim. "Zabrina," mahinang sambit niya sa pangalan ng kaibigan. Naging magkaibigan sila noong elementary pa lang, bagong lipat ito sa school na pinapasukan niya. At tanging siya lamang ang nakipag-usap dito, dahil ang ibang bata ay ilag
PUMASOK na kinabukasan si Gwen, kahit pa nga halos lumuwa na ang eye bag niya dahil na rin sa halos magdamag na gising. Tila nakalutang siya habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina. Isa siyang store manager roon. Sa ilang taong pagtatrabaho, unti-unti ay umangat siya. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay sumulpot si Celly, casher naman ito at nakapalagayang loob na niya. Nauna lang siya rito ng ilang buwan. Bago sila mag-umpisa sa trabaho ay magkukumustahan muna silang dalawa. Nakasanayan na nila ang ganoong gawain. Minsan ay dumadalaw roon si Zabrina, tumutulong din ito sa kaniya, ngunit ngayo'y hindi niya alam kung pupunta pa ito roon o kaya ay kakausapin siya. "Bakit ganiyan ang mukha mo? May sakit ka ba?" Napahinga siya't napailing. "Hindi ako nakatulog ng maayos." Pumasok siya sa kaniyang opisina. Ipinalagay iyon ni Zabrina para sa kaniya., para hindi raw siya mahirapan pa. "At bakit?" tanong nito ngunit maya't maya rin ay napitik nito ang daliri. "Ah, alam ko na.