ILANG minuto nang gising si Gwen, nakatitig lang siya sa asawa. Basa pa ang pilik-mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Lahat ng sinabi nito'y dinig na dinig niya. Nagising siya nang maupo ito sa tabi niya. Gusto na sana niyang magmulat ng mata, ngunit may kung anong nag-udyok sa kanya na manatiling nakapikit. At mukhang alam na niya kung bakit. Ilang beses na itong humingi ng tawad sa kanya at sa tuwing humihingi ito ng tawad ay tila may pagdadalawang-isip siyang nararamdaman. Ngunit ngayon, wala na. Totoo ngang nagbago na ito na labis niyang ipinagpapasalamat sa Maykapal. Mukhang hindi pa ito titigil sa pagdrama kaya umungol na siya sa paraang hindi nito malalamang gising na siya. Hindi rin niya maipaliwanag ang ligayang nadrama dahil nasa sinapupunan niya ang punla nito. Hindi niya maalala kung paanong nangyari, pero kung ano pa, tiyak na masaya siya nang mga sandaling 'yon. Finally, nagbunga rin ang mahabang pagtitiis niya sa piling nito, ang irespeto bilang asawa, bo
MATIYAGANG naghihintay si Gwen sa asawa, may emergency meeting ito with board members. Mag-isa siya sa office, paulit-ulit na pinagmamasdan ang kabuohan nang magsawa ay tinalunton niya ang glass wall. Tumunghay siya sa ibaba. Iniisa-isa ang sasakyang dumaraan. Naantala lang ang pagmamasid niya nang may pumasok. Natigilan siya at ilang saglit ay umasim ang anyo. Nakatayo sa gitna ng nakasaradong pinto si Rachel, abot-tainga ang ngiti o mas tamang sabihing nakangisi ito. Mas bumagsik ang anto niya, kasabay ng paglapit dito."What are you doing here?""Ganyan ka ba tumanggap ng bisita?" "Bisita ka bang matuturing?" sarkastikong tanong niya. Huminto na halos isang dipa ang agwat dito.Hindi ito natinag, bagkus ay muling ngumisi. "Naparito ako para maningil ng pautang.""Pautang?" She smirked. "As far as I remember, wala akong utang sa iyo, baka ikaw pa! Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa akin?" Nagpakawala ito ng malutong na halakhak. "Sayang! Bumalik pala agad ang memorya mo. Ang s
NAGISING si Gwen na daig pa ang hinahalukay ang sikmura, mabilis siyang bumangon upang tumakbo sa banyo. Agad siyang umupo sa harap ng toilet bowl at doo'y sumuka nang sumuka na tanging laway lang ang lumalabas sa bibig. Nakaramdam siya ng panghihina at ang tagpong iyon ang naabutan ng kaniyang asawa. May pag-alalang lumapit ito sa kaniya."Are you okay?" Hinagod nito ang likuran niya."Morning sickness lang ito.""Gusto mong dalahin kita sa hospital?"Umiling siya kasabay ang marahang pagtayo, inalalayan siya ni Gian. "Sabi ng OB ko, normal lang ito, kaya no need to worry. Dala lang ito ng aking paglilihi." Kahit hinang-hina ay nagawa niyang ngumiti."Are you sure? But you look pale, baby.""Ganito talaga ang naglilihi, sweetheart." Hindi pa rin maalis sa mukha nito ang labis na pag-aalala kaya nama'y yumakap na siya rito. "Don't worry, sweetheart, I'm okay. Normal lang ang ganito sa tulad kong naglilihi." Umawang ang kaniyang bibig nang makita ang tila natataranta pa ring mukha ng
KINABUKASAN, dahil hindi pumasok si Gian nang nagdaang araw ay tambak na naman ang papers na babasahin niya, mga reports ng iba't ibang sangay ng company. Merun ding siyang aaprobahang report hinggil sa bagong branch na ipinapatayo niya, ang isa ay pinapalakad pa niya kay Adrix. Kahit busy sa trabaho ay palagi pa rin niyang mino-monitor ang asawa. Binilinan pa niya si Tina na in case na magsukang muli ang asawa ay tawagan siya nito. Hindi raw naman nito pababayaan ang asawa lalo na't nandoon din ang kaniyang ina. An hour later, nakatanggap siya ng tawag mula sa ina. Ipinagpapaalam nito ang asawa na pupunta sa mall, para na maaliw ito. Pumayag siya, ipinasama na rin niya ang si Tina at Lanie."Hello, people! Hello, earth!" Salubong ang kilay na nag-angat siya ng paningin. "Himala! Buhay ka pa pala!""Ouch!" Napakapit si Adrix sa tapat ng dibdib, animo'y nasasaktan. "Ang bad mo talagang magsalita."Tumaas ang kabilang gilid ng nguso niya. "Ang pangit mong um-acting." Binato niya ito ng
MATULIN ang ginawang pagpapatakbo ni Gian sa sasakyan, wala na siyang pakialam kung lumampas man siya speed limit, ang importante sa kaniya ay ang kaligtasan ng asawa't magiging anak niya. Magkahalong takot, pangamba at galit na rin ang kasalukuyang nararamdaman niya."Kinidnap si Gwen." Paikot-ikot ang salitang 'yon sa isipan niya. "F**k!" mura niya kasabay ang pagngalit ng mga ngipin.He promise to himself that he won't hurt Gwen anymore. Pero ngayo'y anganganib ang buhay nito, maging ang anak nila na nasa sinapupunan nito dahil sa halang na kaluluwang dumukot sa asawa niya. Mas lalo niyang binilisan ang pagmamaneho. Tumitindi ang bugso ng kaniyang damdamin at kapag may nangyaring masama sa kaniyang mag-ina, hindi niya alam kung ano ang magagawa niya. Makakap*tay siya ng tao! Matapos ma-i-park ang sasakyan ay agad siyang umibis at nagdudumaling pumasok doon. Agad niyang nakita ang ina na patuloy na umiiyak dahil sa nangyari. Nakita rin niya ang ina na inaalo ni Tina. Ang bodyguard
ILANG oras ang pinaghintay ni Gian sa kaibigan, nasa Laguna ito para sa iniimbestagahan na kaso at nang dumating ay agad niyang sinabi ang nais ng kidnaper sa kaibigan. Sa office room niya sila nag-uusap, ang kaniyang ina ay pinagpahinga muna niya sa silid nito. Nagulat din ito sa laki ng hinihinging ransom money."Gawin mo ang lahat. Please, save my wife, dude." Nagsusumamo ang tinig niya rito."Okay. Then, ibibigay natin ang hinihingi nila at ako na ang bahala kung paano natin mahuhuli ang salarin. And, I will do my best, para mahanap ang asawa mo at madakip ang kung sinumang nasa likod nito.""Thanks, dude. May pinaghihinalaan ako na siyang may gawa nito," anas niya. "Who is it?""Mr. De Castro." Huminga siya ng malalim at tumitig sa kaibigan.Napakunot-noo naman ito. "De Castro? The father of your ex-girlfriend?""Yes and I think Zabrina knows this."Saglit na bumuka ang bibig nito, halatang hindi naniniwala sa kaniya. "But why?""I don't know. Kutob ko pa lang iyon, dude. At kun
"KUNG ang ikasisiya mo at ang kapatawaran ko mula sa iyo ay ang aking kamatayan, nakahanda akong mamatay. Nakahanda akong itaya ang aking buhay mapatawad mo lang. Pero sana, huwag mong idamay ang iyong sarili." Mga katagang nagmula sa bibig ni Gwen. "Baby..." Nais sanang lapitan ni Gian, pero hindi niya maigalaw ang mga paa. Nagsusumamong sa kaniyang huwag saktan ito. Nag-uunahan sa pagpatak ang luha nito at hindi niya maiwasang makaramdam ng galit para sa sarili. Saglit pa ay nakita niya ang kaniyang sarili na sinasaktan ang asawa. Bakit yata parang bumalik sa nakaraan? Nangyari na ito, bakit? "What is the meaning of this?" anas niya. "Malandi ka talaga!" Malakas ang boses niya, kasing lakas ng tibok ng kaniyang puso. "Ganiyan ka na ba talaga ka-desperada? Noong una, nilasing mo ako para maagaw ang girlfriend ko, ngayon nama'y ibang lalaki naman ang kalandian mo. Slut! Bitch!" Hinigit niya ang buhok ng asawa dahilan upang mapaliyad ito. "Maniwala ka naman sa akin, Gian, kahi
"OH my God!" awang bibig na sabi ni Gwen. At ang bagong pasok ay ngumisi lang sa kaniya. Hindi niya lubos-maisip na ito ang sinasabing bossing ng mga taong dumukot sa kaniya."Bossing..." Narinig niyang sambit ng lalaking kakilala ni Rachel."I-ikaw ang bossing nila?" paninigurado niya. "Ako nga at wala ng iba!" Muling ngumisi ito na animo'y isang asong nauulol. "And I'm glad to see you again in that way," nakangising tugon ng kung sinuman at sinuri pa siya. Tumalim ang titig niya rito. "Bakit mo ito ginagawa? Dahil ba sa--" "Because of you, Gwen. Hindi ko makuha ang gusto ko dahil sa iyo. Kaya kailangan mong mawala sa mundong ito."Napalunok siya ng laway. Kung totohanin nito ang sinabi, paano ang magiging anak nila ni Gian? Si Gian, paano ito? "Alam mo bang humihingi ako sa asawa ng isang daang milyon kapalit ang buhay mo at alam ko namang kayang-kayang ibigay iyon ni Gian."Agad na bumilog ang bibig niya sa laki ng hinihinging kapalit nito para sa kaniyang buhay. Akmang magsas
"ANG saya nila 'no?" Nilingon ni Gian ang taong nagmamay-ari ng boses. Pansin niya ang kasiyahang nasa mukha nito. Hawak ang basong may lamang branded na alak ay tumabi si Francis sa kaniya. Sabay na tumitig sa kaibigang si Adrix, nagsasayaw kasama si Celly. "Ikaw, kailan ka lalagay sa tahimik na buhay?" Narinig niya ang pagtawa nito, sinundan ng paglagok sa alak. "Dude, masaya ako sa buhay ko ngayon." "Really?" He smirked. "Are you sure about that?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Gusto mong pasabugin ko ito?" Sa halip na matakot ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ipinatong niya ang kanang braso sa balikat nito. "Dude, mas masaya ang pamilya. 'Yong uuwi kang mararatnan mong naghihintay ang asawa't anak mo. Sasalubungin ka ng halik. Maririnig mo ang munting halakhak ng 'yong anak. Walang katumbas 'yon, dude." Hinintay niya ang itutugon nito, pero bigo siya, kaya't bumaling ang paningin niya rito. Seryoso itong nakatitig sa mga taong nasa gitna, si Adrix at Celly, nandoon d
HINDI lubos-maisip ni Celly na sa ilang sandali ay ikakasal na siya sa lalaking kinaiinisan niya nang sobra. Hindi rin niya akalaing nagdadalang-tao siya. Tuwang-tuwa si Adrix nang ipaalam niya rito ang kalagayan niya, nangakong magiging mabuting ama at asawa ito. "Dapat lang, dahil kung hindi, hindi mo kami makikita ng magiging anak mo." Para siyang baliw na nagsasalitang mag-isa habang nakamasid sa wedding gown na anumang oras ay susuotin na niya. Bumukas ang pinto, pumasok ang kaniyang ina at si Gwen. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Ito ang bridesmaid niya. Nakasuot na ng gown. Pinagmamasdan niya ito. Magmula noon hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang hugis ng katawan ng kaibigan niya. Mas lalo pa ngang gumanda ang hubog ng katawan nito simula nang manganak. Sexy, stunning, gorgeous. Lahat yata ng magandang katangian ay nandirito na. Tinulungan siya ng dalawa na isuot ang wedding gown at habang isinusuot ay binibilinan siya ng mga hindi at dapat gawin kapag nasa iisang bubong na
ABALA si Gwen sa pag-aayos ng kanilang gamit na dadalahin papuntang probinsiya, sa lugar ni Celly. Nasa bag na ang kaniyang mga susuotin, ganoon din ang sa asawa, at dahil ito ang best man ay nagdala siya ng suit, tulad ng napagkasunduan ng magkakaibigan. Ang gusto pa ni Adrix ay magsuot ng tuxedo, pero tumanggi ang kaniyang kaibigan. Para sa kaniya, sapat na rin ang simple lang. Ang importante ang basbas ng Maykapal. Naalala niya nang ikasal kay Gian. Maganda ang trahe de boda niya, ganoon din ang suot ni Gian, maganda ang design ng venue, maging sa simbahan, pero pareho silang nasa loob ng madilim na panahon. Oo, may pagtingin siya sa asawa, pero hindi niya inasam na makasal dito dahil lang sa nakitang magkatabi sila sa kama. Nang mga panahong 'yon, tanging si Zabrina lamang ang laman ng puso't isipan nito, pero ang kaibigan niya, may iba nang minamahal at si Elias 'yon. Napangiti siya nang bumaling ang paningin sa picture frame na nakapatong sa bed side drawer. Picture nilang dala
KAPAPASOK pa lang ng sinasakyan ni Gwen nang makasalubong ang sasakyan ng asawa. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya nasagot hanggang sa na-lowbat. Dumaan pa sila ni Celly sa apartment nito at natagalan doon. Bumaba ito ng sasakyan, base sa hitsura ay galit ito. Nagkatinginan silang magkaibigan. "Bakit?" tanong pa ni Celly.Nagkibit-balikat siya at hinintay ang paghinto ng asawa. Kinatok nito ang bintana. Hindi niya binuksan, sa halip ay lumabas siya ng sasakyan."Where have you been?" Nagsalubong ang kilay niya. Bakit parang galit ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali? Sobra na siyang nagtataka."Sinamahan ko si Celly." Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito galit."Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo!" Malakas ang pagkakabigkas nito, mabuti na lang walang tao sa hinintuan nila. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"Iyon ba ang pinagpuputok ng butsi nito? Tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ipinag-ekis din ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Talagang dito pa sa
TAWANG-TAWA si Gian, hindi maalis sa isipan niya ang hitsura ni Celly habang nagpo-propose si Adrix. Hindi niya maikakailang tinamaan ngang talaga ang kaibigan niya. Tulad din niya, sobra nitong dinamdam ang nangyari sa relasyon ng ex-girlfriend nito. Pareho sila ng naging karanasan, pero masaya na siya ngayon sa piling ng mapagmahal at maarugang asawa. He will do anything to protect his wife at ang anak nila. Alam niyang nasa paligid lang si Larry, nagnamatyag at tiyak na idadamay nito ang kanilang anak. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang pumasok si Adrix. Malawak ang ngiting nakapaskil sa labi nito na ikinailing niya. "Kumusta ang ikakasal?" bati niya rito. Ibinaba nito ang hawak na cellphone sa mesa niya kasabay ang pag-upo sa nasa unang bangko. "Masaya na excited. Ako na yata ang pinakamasayang tao, dude." Napalis ang ngiti niya. Hindi niya naranasan 'yon nang ikasal siya. Pinuno niya ng galit ang dibdib para sa mapapangasawa. Hindi na-enjoy ang kanilang kasal at alam niya
"KUMUSTA kayo ni Adrix?" Napatingin si Celly sa kaibigan. Seryoso itong nakatitig sa kaniya. Dapat na bang sabihin niyang may nangyari sa kanila ni Adrix? Hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na ipinagkaloob niya sa binata ang pinakaiingatang puri. Simula n'on ay palagi na niya itong hinahanap-hanap. Nang dumating nga ito galing US ay dumiretso sa apartment niya, doon ito natulog at hindi niya itatangging may nangyaring muli sa kanila. "Natulala ka na." Napukaw ang nagliliwaliw niyang diwa nang pitikin siya ni Gwen sa noo. Napangiwi siya sa sakit. "Masakit 'yon ha!" "Hindi ka kasi sumagot." Payak siyang ngumiti at lumapit dito. Pinaglaruan niya sng daliri ng inaanak."We're okay. Simula nang bumalik siya, bantay-sarado na ako ng mokong." Napailing siya. Totoo 'yon. Simula nang dumating si Adrix ay halos hindi na siya nito nilulubayan. Hatid-sundo sa work."Mabuti naman. Hindi mo na ba siya inaaway?" muling tanong ng kaibigan niya."Hindi na," nakangiting tugon niya."Good. A
HINDI mapakali si Gian. Matapos ibalita ni Francis ay umalis na rin ito kaagad. Sinabi nitong mag-a-assign ito ng bodyguard para sa kaniyang mag-ina, mabuti na raw ang may protection sila. Alam niyang hindi basta-bastang kalaban si Larry, kaya pumayag na siya. Ang isa pa niyang ikinababahala ay ang pagkamatay ni Zabrina. Ayon sa kaibigan ay pinapagamot ni Elias, subalit sadyang wala na sa katinuan ang dati niyang nobya kung kaya't tumalon ito sa palapag ng hospital. Mariin siyang pumikit. Kahit naman nagalit siya rito ay hindi niya ginustong mawala ito sa ganoong uri ng pagkamatay. Hindi niya maatim na mawala lalo na't wala ito sa matinong pag-iisip. Isa pang iniisip niya'y ang asawa. Paano niya sasabihin dito na wala na si Zabrina? At si Larry. "Fvck!" Nahilot niya ang sentido. Hindi na siya makapag-isip ng tama. Patong-patong na ang kaniyang pinoproblema."Hayst!" Nakapamaywang na tiningala niya ang puting kesame at nagpakawala ng malalim na hininga. Nagdesisyon na siyang sabihi
PAROO'T PARITO si Gian, one month na ang nakalipas nang papuntahin niya si Adrix sa America para hanapin si Zabrina. Ayon sa nakalap na information ni Francis ay sa Los Angeles nakatira ang asawa ng ex niya. Ngayon ay pabalik na ang kaibigan niya, ayon dito ay may bad news itong dala. "Sweetheart..." Napahinto siya sa pagpapatintero, hinintay ang pagpasok ng asawa. Kalong nito ang kanilang anak, malayo pa lang ay nakabungisngis na. "May problema ba?" "Ha?""Kanina ka pa kasi tulala. Kahit si Mommy ay napapansin 'yan?"Masyado ba siyang obvious?"Ah!" Nag-isip siya ng maidadahilan. "M-may gumugulo lang sa isipan ko." "Ano 'yon?" "S-si Adrix.""Oh! Anong mayroon sa kaniya? Siyanga pala, hindi ko na nakikita ang isang 'yon. Nasaan ba siya?"Maingat na inilapag ng kaniyang asawa ang anak na mahinang tumatawa sa kama. Malikot na ito, kaya dapat ay may bantay na. Naisip niyang ikuha na ito ng mag-aalaga. On hands naman ang asawa niya pero mas maganda na rin 'yong may nag-aalaga rito.
"KAILAN mo balak umalis?" Napahinga ng malalim si Adrix. "Hindi ko alam. Wala pang update si Francis." Tumitig siya sa dalagang malapit lang sa kaniya. Inilagay niya ang bawat himaymay ng mukha nito sa kaniyang isipan. Magmula sa mata, ilong, pisngi at labi. Napalunok siya ng laway. Ang nawalang espirito ng alak ay unti-unting bumabalik, nararamdaman niyang umaakyat sa kaniyang ulo. Nabubuhay ang matinding pagnanasa niya sa dalaga. Pinilit niyang labanan ngunit sadyang malakas ang hatak nito sa kaniya. Nang hindi na makatiis ay mabilis niyang tinawid ang kanilang pagitan. Walang pasubaling sinibasib niya ang labi nito. Hindi inalintana kung magagalit ito. Pero nasiyahan siya nang maramdaman ang paggalaw ng labi rin nito. Ibig sabihin ay gusto nito ang ginagawa niya. Pinagbuti niya ang paggawad ng halik dito, sumasabay na ito sa bawat hagod niya. Ikinawit pa ang dalawang braso sa kaniyang leeg. Nang tila kakapusin na ang hininga ay saka pa lang niya binitiwan ang labi nito. Ipinagdi