His Dangerous Touch

His Dangerous Touch

last updateLast Updated : 2024-03-07
By:   PROSERFINA  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
15Chapters
6.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Anim na taon ang ginugol ni Maya sa Singapore at magtrabaho bilang OFW upang masuportahan ang pag-aaral ng kanyang nag-iisang kapatid at pati na rin ng kanyang nobyo. Ngunit hindi niya inasahan ang dadatnan niya pagbalik ng Pilipinas. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kanyang kapatid at boyfriend. Nasaktan siya ng sobra dahil umasa siyang matutuloy na ang kasal sana nilang dalawa ni Mark. Nagpakalasing siya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpo ang landas nila ni Felip nang iligtas siya nito mula sa mga lalaking may masamang balak sa kanya. Ano kaya ang magiging papel ni Maya sa buhay ni Felip?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

MAYASa wakas! Nakabalik na rin ako sa Pilipinas! Anim na taon din akong naging caregiver sa Singapore at umuwi ako para matuloy na ang kasal namin ni Mark. Hindi ako nagpasundo sa kanya dahil gusto kong surpresahin siya sa bahay na ipinundar ko para sa aming dalawa. Seven years na kami ni Mark at nanatiling matatag ang relasyon namin kahit long distance pa kami. Kumuha ako ng two years caregiver course pagkatapos kong mag-high school. At nagpasyang mag-ibang bansa para masuportahan ko ang aking kapatid at pati na rin ang pag-aaral ni Mark as engineer. Dahil gaya ko wala ding kakayanan ang kanyang mga magulang na pag-aralin siya. Kahit paano nakaya ko ang magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa kanya dahil alam ko na darating ang araw na ito. Na lahat ng pangarap namin noon ay matutupad. At magkasama naming bubuohin ang aming magiging pamilya. Next month ay graduate na siya kaya puwede na kaming magpakasal. At magtatapos na rin si Mary sa kolehiyo. Masaya ako dahil kahit nagtiis ako ng...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
kitty Cat
sana may karugtong to
2025-01-06 11:06:50
0
user avatar
Mayfe de Ocampo
madam author kelan nyo balak bigyan ng update ang story na to?dami na po nagtatanong dun mag 2 months na walang update chapter 15 pa lang,please update mo readers mo kung may pag asa pa ba na matuloy or hindi na,, sayang kung kelan paganda na
2024-05-04 05:23:58
0
default avatar
QuiñonesRoselyn
ang ganda po
2024-02-09 15:48:52
2
user avatar
Isang Bulagao
May bagong abangan na naman na story, tiyak paiiyakin at pakikiligin na naman ako ni missP......
2024-02-08 18:50:37
1
user avatar
Mayfe de Ocampo
Ang ganda ng kwento kakaexcite ,sana tuloy tuloy ang update...
2024-02-05 01:52:14
2
user avatar
Maal Dayca Nattmipa
nice story
2024-02-04 17:28:59
1
15 Chapters
Chapter 1
MAYASa wakas! Nakabalik na rin ako sa Pilipinas! Anim na taon din akong naging caregiver sa Singapore at umuwi ako para matuloy na ang kasal namin ni Mark. Hindi ako nagpasundo sa kanya dahil gusto kong surpresahin siya sa bahay na ipinundar ko para sa aming dalawa. Seven years na kami ni Mark at nanatiling matatag ang relasyon namin kahit long distance pa kami. Kumuha ako ng two years caregiver course pagkatapos kong mag-high school. At nagpasyang mag-ibang bansa para masuportahan ko ang aking kapatid at pati na rin ang pag-aaral ni Mark as engineer. Dahil gaya ko wala ding kakayanan ang kanyang mga magulang na pag-aralin siya. Kahit paano nakaya ko ang magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa kanya dahil alam ko na darating ang araw na ito. Na lahat ng pangarap namin noon ay matutupad. At magkasama naming bubuohin ang aming magiging pamilya. Next month ay graduate na siya kaya puwede na kaming magpakasal. At magtatapos na rin si Mary sa kolehiyo. Masaya ako dahil kahit nagtiis ako ng
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more
Chapter 2
MAYANapahawak ako sa aking sentido nang magising ako. Inaninag ko ang ang lugar na kinaroroonan ko. At napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang mga nangyari kagabi. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung nasaan ako ngayon. Nandito kasi ako sa malaki at malinis na kuwarto. Napabangon ako mula sa malambot na kama pababa sa tiles na sahig. Lalong sumakit ang ulo ko.“Mabuti naman gising ka na.” Napalingon ako sa pinto nang may marinig akong nagsalita. “Sino ka?! Bakit ako nandito?! Ikaw ba ang mastermind sa pagdukot sa akin!?” pag-aakusa ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at saka ko lamang napansin ang bitbit niyang tray na may pagkain at isang tasa ng kape. “Mastermind? Pagdukot? At bakit naman kita dudukutin?” seryosong sagot niya sa akin. Pumasok siya sa loob at inilapag sa mesa ang tray. “Eh, bakit ako nandito? Huwag mong sabihin na may ginawa ka sa aking masama?” Napayakap ako sa aking sarili. Pero aside sa sakit ng ulo wala na akong ibang nararamdaman sa katawan at isa pa
last updateLast Updated : 2023-11-01
Read more
Chapter 3
MAYAPaulit-ulit na umukit sa aking isip ang mga sinabi ni Sir Felip sa akin kanina bago siya magpa-alam sa akin. Nandito na ako sa aking kuwarto upang magpahinga. Nagdesisyon na din akong magpalit ng numero upang hindi na nila ako magambala pa. Masakit pa rin sa akin dahil kinailangan kong talikuran si Mary. Ang nag-iisa kong pamilya. Ngunit labis niya akong nasaktan at sa ngayon hindi ko pa siya kayang patawarin.Makalipas ng isang lingo ay nasanay na rin ako sa routine ko dito sa mansion. Minsan nakakainip kasi kami lang ni madam Lola at ang tatlong kasambahay ang narito kaya kapag nagpapahinga si Madam Lola sila ang ka-kuwentuhan ko.Minsan lang din kami magkita ni Sir Felip. Sabi ni Kiray yung isang kasambahay dito may araw daw talaga na hindi laging nauwi si Sir Felip dito dahil sa negosyo. Minsan naman daw bigla na lamang itong nasulpot. Lalo tuloy akong nahihiwagaan dahil maski sila hindi daw nila alam ang negosyo nito.“Madam Lola, kumain pa po kayo…kaunti lang po ang kinain
last updateLast Updated : 2024-01-10
Read more
Chapter 4
MAYAPagpasok namin sa loob ay dumerecho muna kami sa kuwarto upang ayusin ang mga gamit naming dala. Tinulungan din ako ni Sir Felip na bitbitin ang mga maleta namin pa-akyat sa magiging kuwarto ni Lola na katapat lang ng aking kuwarto. Pansamantalang sinamahan ni Lola Ising si Madam Lola sa labas upang makapag-usap ang dalawang matanda. Paglapag ni Sir Felip ng mga bag ay kaagad ko siyang hinarang.“S-sir…maari po ba kayong magpaliwanag kung bakit niyo sinabi na girlfriend niyo ako? Diba girlfriend niyo yung kasama niyo kagabi? Bakit hindi na lang po siya ang sinama niyo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin kaya umisang hakbang ako pa-atras sa kanya.“I’m sorry kung kailangan kong gawin yun. Matagal na kasi akong kinukulit ni Lola Ising na ipakilala ang girlfriend ko. Yung kasama ko kagabi hindi ko yun girlfriend.”Awang ang labi na tinignan ko siya. “Hindi niyo siya girlfriend? P-pero diba—”“She’s not my girlfriend, wala kaming label and she agreed na intimate re
last updateLast Updated : 2024-01-21
Read more
Chapter 5
MAYA Hightide na nang makababa kami kaya kahit nasa malapit lang ay parang malalim na ito. “Let’s go!” aya niya sa akin. “Ikaw na lang, parang ayokong magbasa eh.” taboy ko sa kanya nang nasa gilid na kami ng pampang. Dito niya kasi ako inaya at mas malalim dito at malalaki din ang bato. Hindi naman mainit ang sikat ng araw at malamig pa ang ihip ng hangin. Tinatangay ng hangin ang nakalugay kong buhok habang pinagmamasdan siyang nag-uumpisa nang maghubad. Napatingin ako sa kanyang katawan at hindi ko maiwasan na titigan ito dahil sa mga peklat na nakita ko sa kanyang likod. Nilingon niya ako at nag-iwas ako ng tingin. “Sorry po.” Wika ko sa kanya. Baka kasi akalain niyang pinagnanasahan ko siya. Curious lang naman ako sa nakita ko. “Don’t worry, bata pa ako nang makuha ko ang mga pilat na ito.” Sambit niya. Inabot niya sa akin ang white t-shirt niya. “Kung hindi ka maliligo, hawakan mo na lang yan.” Nakangiting sabi niya sabay dive sa ilalim ng tubig na ikinagulat ko dahil me
last updateLast Updated : 2024-02-01
Read more
Chapter 6
MAYALumipas ang maghapon ni- anino ni Sir Felip ay hindi ko nakikita. Wala din naman akong mukhang ihaharap sa kanya dahil pumayag akong makipaghalikan sa kanya sa kuweba. Gusto ko tuloy kaltukan ang sarili dahil pansamantala akong nakalimot sa kung ano ba talaga ang lugar ko dito sa pamilya nila. Maigi na rin yun pero nasaan kaya siya?Abala din kasi ako sa pag-alalaga kay madam lola pagkatapos kong magbihis kanina dahil may iba pang ginagawa si Lola Ising at kailangan ko din tumulong. Hindi naman kasi ako nagpunta dito para magbakasyon.“Madam? Ano po yun?” tanong ko sa kanya nang senyasan niya akong lumapit.“I-I want to see the sunset…” sambit niya.“Sige po ilalabas po kita.” wika ko sa kanya. Kinuhanan ko siya ng kumot dahil baka malamigan siya sa labas. Pagkatapos ay itinulak ko na pababa ang kanyang wheelchair. Hindi naman mahirap para sa akin na mag-isang ibaba si Madam Lola Fina dahil meron talagang daanan ng wheelchair sa loob ng bahay nila katabi ito ng hagdanan. Kailanga
last updateLast Updated : 2024-02-02
Read more
Chapter 7
MAYA Kanina pa ako pagising-gising, namamahay siguro ako kaya hindi naging maayos ang tulog ko. Dahan-dahan akong bumangon at iniwasan na gumawa ng ingay dahil katabi ko lamang siya. Mabuti na lamang at malawak ang higaan namin kaya kahit paano ay hindi kami masyadong malapit sa isat’-isa. Nang makaupo ako sa kama at dahan-dahan din akong tumayo baka kasi magising siya. Mukhang mahimbing pa naman ang tulog niya. Kahit walang aircon dito sa loob ay sadyang malamig sa kuwarto at himalang wala ding mga lamok. Paisa-isang hakbang na tinungo ko ang labas ng kuwarto dahil plano kong silipin si Madam Lola kung maayos ba ang pahinga nito. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at pagkatapos at nagpunta naman ako sa pinto nila Madam Lola. Maingat ko ding binuksan at sumilip ako ng kaunti.Tahimik sa kuwarto at tulog na tulog na rin sila kaya isinara ko na lamang ang pinto. Nagpasya akong bumaba muna upang magpahangin. Nakatayo lang ako sa tabi ng bahay habang sinasamyo ang malamig na hangin. Napap
last updateLast Updated : 2024-02-03
Read more
Chapter 8
MAYANagising ako dahil sa narinig kong malakas na iyak. Napabalikwas ako ng bangon at hindi na pinansin si Sir Felip na tulog din sa tabi ko. Patakbo akong lumabas ng kuwarto at kaagad akong nagpunta sa katapat na kuwarto ni Madam Lola. Bukas ang pinto at mas lalong lumakas ang iyak ni Lola Ising. Nadatnan ko siyang ginigising si Madam Lola. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong katawan ko.“Grandma!”Napunta kay Sir Felip ang tingin ko nang bigla siyang pumasok at lapitan si Madam Lola. Pilit niya din itong ginigising ngunit hindi na rin ito muling dumilat pa. Tinignan din niya ang pulso nito at nang mapagtanto niyang wala na si Madam Lola Fina at niyakap na niya lang ang matanda. Pati ako ay hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa tagpo na aking nakita. At masakit sa akin dahil napalapit na rin ako sa kanya.“Madam Lola…” humihikbing sambit ko. Nilapitan ko si Lola Ising at niyakap ko siya. Wala na si Madam Lola…wala na siya…tuluyan na niyang iniwan si Felip.
last updateLast Updated : 2024-02-05
Read more
Chapter 9
MAYA“Pagkatapos ng pagmamaalam namin kay Lola Fina ay isa-isa na ring nag-uwian ang mga tao. Si Lola Ising ay abala sa pagliligpit ng kuwarto ni Lola Fina kaya tinulungan ko muna siya.“Ako na po dito Lola, magpahinga na po kayo.” Wika ko sa kanya.“Naku! Maya, ikaw na lang ang magpahinga at kanina ka pa nag-aasikaso ng mga bisita. Kaya ko na ito, puntahan mo na lamang si Felip. At tanungin mo siya kung anong gusto niyang hapunan nang makapagluto na ako.” Taboy niya sa akin kaya lumabas na din ako ng kuwarto. Nagpunta ako sa kuwarto ngunit wala siya doon kaya napasilip ako sa veranda. At nakita ko siyang nasa dalampasigan. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Nagpasya akong puntahan siya dahil baka kailangan niya ng kausap.“F-Felip?” bahagya siyang lumingon sa akin ngunit bumalik din ang mga mata niya sa dagat. Lumapit ako sa kanya at hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. Habang malalim ang iniisip. Nililipad pa ng hangin ang may kahabaan niyang kulot na buhok. Tinutubuan na rin si
last updateLast Updated : 2024-02-06
Read more
Chapter 10
MAYA “Bakit ang tahimik mo?” usisa niya sa akin habang nagmamaneho. Pabalik na kami sa Maynila. Minabuti namin na madilim pa lamang ay umalis nang sa ganun ay hindi kami abutin ng trapik sa kalsada.“Na-guilty ako dahil sa ginawa nating pagsisinungaling kay Lola Ising. Sana inamin mo na lamang ang totoo bago tayo umalis.” Wika ko sa kanya habang nakatingin ako sa labas ng bintana dahil papasikat na ang araw. “Hindi mo kailangan na ma-guilty, ibibigay namin ang gusto niya eh.”Mabilis na lumipat sa kanya ang mga mata ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi na parang sinusubukan lang siguro ako kung papatulan ko siya sa hirit niya.“Sir Felip, baka nakakalimutan niyo na wala na tayo sa isla at tapos na ang pagpapangap natin?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.“I know, but you don’t have a choice dahil nangako ka kay Grandma na hindi mo ako iiwan remember?” pagpapaalala niya. Hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi ko.“Nangako akong hindi kita iiwan pero wala akong ibang pinang
last updateLast Updated : 2024-02-06
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status