Share

Chapter 3

MAYA

Paulit-ulit na umukit sa aking isip ang mga sinabi ni Sir Felip sa akin kanina bago siya magpa-alam sa akin. Nandito na ako sa aking kuwarto upang magpahinga. Nagdesisyon na din akong magpalit ng numero upang hindi na nila ako magambala pa. Masakit pa rin sa akin dahil kinailangan kong talikuran si Mary. Ang nag-iisa kong pamilya. Ngunit labis niya akong nasaktan at sa ngayon hindi ko pa siya kayang patawarin.

Makalipas ng isang lingo ay nasanay na rin ako sa routine ko dito sa mansion. Minsan nakakainip kasi kami lang ni madam Lola at ang tatlong kasambahay ang narito kaya kapag nagpapahinga si Madam Lola sila ang ka-kuwentuhan ko.

Minsan lang din kami magkita ni Sir Felip. Sabi ni Kiray yung isang kasambahay dito may araw daw talaga na hindi laging nauwi si Sir Felip dito dahil sa negosyo. Minsan naman daw bigla na lamang itong nasulpot. Lalo tuloy akong nahihiwagaan dahil maski sila hindi daw nila alam ang negosyo nito.

“Madam Lola, kumain pa po kayo…kaunti lang po ang kinain niyo tapos kagabi gatas lang din ang ininum niyo.” paki-usap ko sa kanya. Sunod-sunod siyang umiling sa akin. Nag-aalala na ako sa kanya ng husto dahil yun din ang senyales noong malapit nang mamatay si Lola Cora ang inalagaan kong matanda.

“Gusto niyo po ipasyal ko kayo sa labas ng bahay? Para makalanghap kayo ng hangin?” nakangiting sabi ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

“G-gusto k-kong—mag-punta sa dagat…” mahinang sambit niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

“Sige po…sasabihin ko kay Sir Felip ang hiling niyo.” wika ko sa kanya. I know hindi na magtatagal ang kanyang buhay dahil sa ipinapakita niya sa aking senyales. Nalulungkot ako dahil hindi ko man lang siya na-alagaan ng matagal at hindi na siya gagaling pa.  Nalulungkot ako para kay Sir Felip dahil nalaman kong si Madam Lola na lamang pala ang natitira niyang pamilya. Ngunit wala naman akong magagawa. Kung bawiin na rin ng diyos ang buhay niya. Ang nais ko lang maalagaan ko siya ng maayos habang nabubuhay pa siya.

Kinagabihan ay hindi ako natulog kaagad. Hinintay kong dumating si Sir Felip dahil sigurado daw itong umuuwi kapag araw ng byernes. 

Nakaupo ako sa hagdan nang magbukas ang malaking gate. Kaagad akong napatayo at hinintay ko na bumaba siya sa kanyang kotse.

Lalapitan ko na sana siya ngunit napunta sa taong kasunod niyang bumaba ang mga mata ko. Isang maganda at sexy na babae ang kasama niyang bumaba sa kotse. Nakagat ko ang ibabang labi at naduduwag akong lumapit sa kanya. Namalayan ko na lamang nasa harapan ko na siya.

“Why? Hinihintay mo ba ako? May nangyari ba kay grandma?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Umiling ako sa kanya.

“Wala po, ah kase—”

“Gusto niyang magpunta sa dagat?” Putol niya sa sasabihin ko. Nagulat ako sa sinabi niya sa akin.

“Paano niyo po nalaman?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“You forgot nagpakabit ako ng CCTV, three days ago.” nakangiting sabi niya sa akin.

Sinuyod ako ng tingin ng babaeng kasama niya.

“Who’s she?” nakataas ang kilay nitong tanong.

“She’s my grandmother’s caregiver.” sagot naman ni Sir Felip sa kanya.

“Ow? Caregiver…let’s go na babe. Maaga pa tayo bukas diba?”

Humawak ito sa kanyang braso at nag-iwas ako ng tingin sa kanila.

“Let’s talk about that tomorrow, goodnight.” paalam niya sa akin at pumasok na sila sa loob. Ilang sandali pa ay pumasok narin ako upang magpahinga.

Alas-kwatro pa lamang ng umaga ay gising na ako. Naligo ako at nagsuot ng uniporm. Kaunting suklay at pulbos ay lumabas na rin ako sa aking kuwarto. Ngunit laking gulat ko nang makita si Sir Felip na hawak ang wheelchair ni Madam Lola.

“S-sir…bakit po? Saan niyo po siya dadalhin?” kinabahan na tanong ko sa kanya.

“We will go to the beach, diba sabi mo yun ang gusto ni Grandma?” nakangiting sabi niya sa akin. Sumilay ang tipid na ngiti sa aking labi. Masaya ako na kahit abala siya sa negosyo ay nabibigyan pa rin niya ng oras ang kahilingan ni Madam Lola.

“Ako na po ang magtutulak sa kanya—”

“No, magbihis ka at mag-impake ka ng mga kailangan mo. Tatlong araw tayong mananatili doon.” pigil niya sa akin. Hindi na ako nagtanong pa at mabilis akong bumalik sa aking kuwarto. Kinuha ko ang malaki kong bag at nilagay ko ang lahat ng kailangan kong gamit.

Pagkalabas ko ay ako na lamang pala ang hinihintay nila sa van. Kaagad akong sumakay sa loob katabi ko si Madam Lola. At katabi naman ni Sir Felip ang driver.

“Let’s go.” Wika nito at kaagad naman kaming umalis. Hindi ko alam kung saang beach kami pupunta ngunit halos oras na kaming tumatakbo nang marating namin ang isang white sand beach. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil wala akong nakikitang tao or iba bang mga tourist na nandito. Sa tingin ko, pribado or not fully develop ang beach na ito. Mataas na ang araw nang bumaba kami sa van. Nag-unat pa ako dahil nangalay ako sa mahabang byahe.

Ngunit walang itulak kabigin ang ganda ng dagat at tanawin na bumubusog sa mga mata ko.

Masarap din ang simoy ng hangin na nalalanghap ko.

Hangang sa nakita ko ang antique na bahay sa hindi kalayuan.

“Pag-aari ni Grandma ang beach na ito. Dito sila ni Grandpa nakatira noon.”

Napalingon ako kay Sir. Felip na hindi ko inasahang nandito na pala sa tabi ko.

“Sa inyo po ito?” hindi makapaniwalang bulalas ko. Sa laki at ganda nito sa tingin ko bilyon ang magiging halaga nito kapag naibenta.

“Ibaba na natin si Grandma.”

Binuksan niyang muli ang pinto at tumulong na rin ang driver namin na ibaba si Madam Lola. Siya na rin ang nagtulak ng wheelchair nito papasok sa antique na bahay. Napakaganda ng pagkakagawa dito at sa tingin ko matibay na materyales at kahoy ang ginamit dito. Kahit may kalumaan ay halatang alaga ito.

Hindi pa kami nakakarating sa pinto nang bumukas ang malaking kahoy na pintuan. Lumangitngit pa ang bisagra nito na parang sound effect sa nakakatakot na horror movie.

“Lola Ising!” salubong ni Sir Felip sa matanda na puti na rin ang buhok.

“Felipe?! Mabuti naman at bumalik na ulit kayo!” tuwang bulalas ng matanda at sinugod ng yakap si Felip.

Pagkatapos ay si Madam Lola naman ang nilapitan niya.

“Kumusta ka na Fina?” nangingilid nag luhang sambit nito. Pati ako ay napapasinghot na rin sa ipinakita ni Lola Ising sa kanya. Niyakap niya ito na para silang magkapatid.

“Salamat naman at magkakaroon na naman ng kasiyahan ang malungkot na tahanan na ito. Tuloy kayo at magpapahanda ako kay Pedro ng makakain niyo.” Masayang sabi ni Lola Ising. Kasalukuyan akong nagpapahid ng luha nang lumapit sa akin si Sir. Felip.

“Lola Ising, si Maya po pala... girlfriend ko.”

Napalingon ako sa sinambit niya at nagtama ang mata naming dalawa.

“Siya na ba? Yung kinukuwento mo sa akin na ipapakilala mo?”

Iiling na sana ako ngunit nanlaki ang mata ko nang hapitin niya ang beywang ko at mas lalong idikit ang katawan sa akin.

“Yes, siya nga po.” Nakangising sabi ni Sir Felip. Lumapit sa akin si Lola Ising at niyakap niya din ako.

“Welcome hija, mabuti naman at ipinakilala ka na sa akin nitong apo-apohan ko! Hindi na ako matatakot na tumanda siyang binata dahil sa tingin ko naman ay mahal na mahal niyo ang isa’t-isa.” Sambit niya nang humiwalay siya ng yakap. Napangiwi ako sa kanya at sumang-ayon na lamang ngunit lumingon ulit ako kay Sir Felip at nanghihingi ako ng paliwanag sa kanya. Kaya lang kinindatan lamang niya ako.

“Buweno! Sa loob na lang tayo magkuwentuhan para makapagpahinga muna kayo sa byahe.” Aya niya sa amin. Tinulak ng driver ang wheelchair ni madam lola at nakasunod lang kami sa kanila. Ngunit namalayan ko na lamang na hawak na niya ang kamay ko.

“I’ll explain it later.” narinig kong sambit niya sa mahinang tinig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status