MAYA
Lumipas ang maghapon ni- anino ni Sir Felip ay hindi ko nakikita. Wala din naman akong mukhang ihaharap sa kanya dahil pumayag akong makipaghalikan sa kanya sa kuweba. Gusto ko tuloy kaltukan ang sarili dahil pansamantala akong nakalimot sa kung ano ba talaga ang lugar ko dito sa pamilya nila. Maigi na rin yun pero nasaan kaya siya?
Abala din kasi ako sa pag-alalaga kay madam lola pagkatapos kong magbihis kanina dahil may iba pang ginagawa si Lola Ising at kailangan ko din tumulong. Hindi naman kasi ako nagpunta dito para magbakasyon.
“Madam? Ano po yun?” tanong ko sa kanya nang senyasan niya akong lumapit.
“I-I want to see the sunset…” sambit niya.
“Sige po ilalabas po kita.” wika ko sa kanya. Kinuhanan ko siya ng kumot dahil baka malamigan siya sa labas. Pagkatapos ay itinulak ko na pababa ang kanyang wheelchair. Hindi naman mahirap para sa akin na mag-isang ibaba si Madam Lola Fina dahil meron talagang daanan ng wheelchair sa loob ng bahay nila katabi ito ng hagdanan. Kailangan ko lang mag-ingat na hindi kami sumubsub na dalawa.
Nasalubong namin sa sala si Lola Ising na may bitbit na mga gulay.
“Saan kayo pupunta?” tanong niya sa akin.
“Lola Ising, gusto po niyang makita ang sunset.”
“Ah ganun ba? Huwag kayong magtatagal at malamig na okay?”
Tumango ako sa kanya at maayos na nagpaalam. Paglabas namin ay dinirecho ko siya sa dalampasigan. Mabuti na lamang at hangang dito ang semento sa harapan di na namin kailangan pang magpunta sa buhanginan dahil dito palamang tanaw na namin ang nagkukulay kahel na langit.
“Ang ganda po…” nakangiting sambit ko. Pakiramdam ko may dalang kapanatagan talaga ang dala ng mga ganitong tanawin. Yung parang sa sobrang calm ng dagat at nag-aagaw na mga kulay ng langit ay napakagandang manatili sa ganitong lugar.
“M-maya…”
Lumuhod ako sa harapan ni Madam lola para marinig ko ang sinasabi niya.
“Ano po yun?”
Dahan-dahan niyang sinalat ang aking kamay na nakahawak sa arm rest ng wheelchair niya at pinisil ito.
“K-kapag nawala na ako…ikaw na ang bahala sa apo ko…”
“Po? Madam naman, huwag naman po kayong ganyan. Gagaling pa kayo saka bata pa po kayo—”
“M-maya…kaunti na lang natitira kong oras sa mundo…ang apo ko…kailangan niya ng babaeng magmamahal sa kanya…maaring nakikita mo siyang nakangiti…ngunit hindi mo pa siya nakikilala ng lubusan…” nahihirapan na sabi niya. Ngayon ko lamang siya narinig ng mahabang salita.
“Madam—”
“Huwag siyang iiwan…mangako ka sa akin na kahit anong mangyari…hindi mo siya iiwan…” habilin niya. Nangilid ang aking luha dahil sa sinabi niya. Palagi na lamang ganito ang matatanda na inaalagaan ko. Palaging naghahabilin na parang alam na nila kung kailan sila mawawala at masakit ito para sa akin.
Pinahid ko ang aking luha sa pisngi.
“Pangako po…hindi ko siya iiwan.” Walang kasiguraduhan na sagot ko. Gusto ko lang siyang mapanatag ang loob niya sa kung ano man ang iniisip niya.
“Salamat…” nakangiting sambit niya. Ipinatong ko ang kamay ko sa kanya. At saka ko pa lamang napansin na nasa likuran na pala niya si Sir Felip. Narinig kaya niya ang mga sinabi ni Lola Fina?
Tatawagin ko na sana siya ngunit tumalikod siya sa amin at pumasok sa loob ng bahay. Tumayo ako at inayos ang kumot na ginawa kong balabal sa kanyang katawan dahil malamig nga ang hangin.
Nang nag-aagaw na ang dilim ay muli kaming bumalik sa loob ng bahay. Ipinasok ko siya sa kuwarto niya at naroon na din si Lola Ising para pakainin siya.
“Sige na, kumain na kayo ng hapunan at ako na dito.” Wika niya sa akin. Napilitan akong lumabas ng pinto at nagtama ang mata naming dalawa dahil kakalabas lang din pala niya sa kuwarto.
“Let’s eat.” Malamig niyang sabi sa akin at nauna siyang maglakad pababa. Napansin ko ang kamay niyang nakabalot ng puting bandage. Kaya agad akong sumunod sa kanya.
“Anong nangyari sa kamay mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Nothing.”
Naninibago ako sa paraan nang pagtrato niya sa akin ngayon. Hindi kaya galit siya dahil sa ginawa ko sa kanya sa kuweba?
Walang imik akong nakasunod sa likuran niya. Napakalapad ng kanyang likod at balikat. Inaamin kong malakas din ang hatid niyang charisma sa akin ngunit ayokong mangahas na makaramdam ng hindi tama dahil sa huli baka ako lang din ang masaktan.
Nang makarating kami sa dining table ay kami lang palang dalawa. Mabuti na lamang at tatlong putahe lang ang nakahain dahil hindi namin kayang ubusin na kaming dalawa lang at sayang ang grasya. May sinigang na shrimp. Sinugba na isda at meron ding karne.
Naiilang na naupo ako sa tapat niya. Nagipon muna ako ng hangin sa dibdib. Dahil kanina pa ako nanlalamig sa paraan ng tingin niya sa akin.
Walang imik kami sa isa’t-isa ngunit ramdam ko ang paminsan-minsan niyang tingin sa akin. Pinilit ko na lamang lumunok dahil kapag nagtatama ang mata naming dalawa parang pareho kaming may nais sabihin sa isa’t-isa.
Makalipas ng ilang minuto ay nauna na siyang magpaalam sa akin. Ako naman ay nagligpit ng pinagkainan naming dalawa. Nakalimutan kongi isa nga pala ang kuwarto namin kaya makikita ko pa rin siya mamaya. Dumalaw muna ako kay Madam Lola.
“Magpahinga ka na, mamaya din matutulog na si Fina.” Sabi ni Lola Ising.
“Samahan ko na po kayong magbantay dito Lola Ising.” Suhestion ko ngunit umiling siya.
“Kaya ko na ito, malakas pa ako. Saka maliit lang ang espasyo ng higaan dito kaya doon ka na matulog sa kuwarto niyo.” Seryosong taboy niya sa akin. Wala naman akong magawa kundi ang lumabas ng silid. Nagdadalawang isip pa akong pihitin ang doorknob kaya malalim muna akong bumuntong hininga.
Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay nakita ko na siyang nakatayo sa veranda. Nilingon niya ako kaya nakita ko ang baso ng alak na hawak niya.
Pumasok ako sa loob at marahan na sinara ang pinto.
“Don’t be scared. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko kanina.” Narinig kong sabi niya habang nakatalikod sa akin.
“H-ha?” ulit ko kahit narinig ko naman. Lumingon siya sa akin at humakbang papalapit sa akin. Napa-atras ako ngunit nakorner niya ako sa likod ng pinto.
“S-sir—I mean Felip…”
“Nabigla lang ako kanina, at hindi ko na yun uulitin.” Wika niya habang pinapasadahan ng tingin ang aking mukha pababa sa aking labi. Parang gustong lumabas ng puso ko sa lakas ng tibok nito.
“But, don’t make a promise to someone kung hindi mo kayang tuparin.” Wika niya bago niya ako tinalikuran. Napahawak ako sa aking dibdib. Akala ko talaga kakapusin na ako ng hininga. Dahil pigil ang akong huminga sa malalim niyang pagtitig. Nasa isang kuwarto kaming dalawa at nakakahiya naman sa matatanda kapag sumigaw ako kaya sana lamang ay mapangatawanan niya ang sinabi niya.
Naalala ko tuloy ang mga pangako namin noon ni Mark sa isa’t-isa. Pero wala kahit isa doon ang natupad.
“Alam mo naman kung bakit ko sinabi yun diba?” katwiran ko na ikinalingon niya sa akin.
“Gusto kong mapanatag ang isip niya.” Dagdag ko pa.
Inubos niya ang laman ng alak sa baso niya at bumaling siya sa akin.
“Then don’t leave me. That’s your promise.” Sambit niya na ikina-awang ng aking labi.
MAYA Kanina pa ako pagising-gising, namamahay siguro ako kaya hindi naging maayos ang tulog ko. Dahan-dahan akong bumangon at iniwasan na gumawa ng ingay dahil katabi ko lamang siya. Mabuti na lamang at malawak ang higaan namin kaya kahit paano ay hindi kami masyadong malapit sa isat’-isa. Nang makaupo ako sa kama at dahan-dahan din akong tumayo baka kasi magising siya. Mukhang mahimbing pa naman ang tulog niya. Kahit walang aircon dito sa loob ay sadyang malamig sa kuwarto at himalang wala ding mga lamok. Paisa-isang hakbang na tinungo ko ang labas ng kuwarto dahil plano kong silipin si Madam Lola kung maayos ba ang pahinga nito. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at pagkatapos at nagpunta naman ako sa pinto nila Madam Lola. Maingat ko ding binuksan at sumilip ako ng kaunti.Tahimik sa kuwarto at tulog na tulog na rin sila kaya isinara ko na lamang ang pinto. Nagpasya akong bumaba muna upang magpahangin. Nakatayo lang ako sa tabi ng bahay habang sinasamyo ang malamig na hangin. Napap
MAYANagising ako dahil sa narinig kong malakas na iyak. Napabalikwas ako ng bangon at hindi na pinansin si Sir Felip na tulog din sa tabi ko. Patakbo akong lumabas ng kuwarto at kaagad akong nagpunta sa katapat na kuwarto ni Madam Lola. Bukas ang pinto at mas lalong lumakas ang iyak ni Lola Ising. Nadatnan ko siyang ginigising si Madam Lola. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong katawan ko.“Grandma!”Napunta kay Sir Felip ang tingin ko nang bigla siyang pumasok at lapitan si Madam Lola. Pilit niya din itong ginigising ngunit hindi na rin ito muling dumilat pa. Tinignan din niya ang pulso nito at nang mapagtanto niyang wala na si Madam Lola Fina at niyakap na niya lang ang matanda. Pati ako ay hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa tagpo na aking nakita. At masakit sa akin dahil napalapit na rin ako sa kanya.“Madam Lola…” humihikbing sambit ko. Nilapitan ko si Lola Ising at niyakap ko siya. Wala na si Madam Lola…wala na siya…tuluyan na niyang iniwan si Felip.
MAYA“Pagkatapos ng pagmamaalam namin kay Lola Fina ay isa-isa na ring nag-uwian ang mga tao. Si Lola Ising ay abala sa pagliligpit ng kuwarto ni Lola Fina kaya tinulungan ko muna siya.“Ako na po dito Lola, magpahinga na po kayo.” Wika ko sa kanya.“Naku! Maya, ikaw na lang ang magpahinga at kanina ka pa nag-aasikaso ng mga bisita. Kaya ko na ito, puntahan mo na lamang si Felip. At tanungin mo siya kung anong gusto niyang hapunan nang makapagluto na ako.” Taboy niya sa akin kaya lumabas na din ako ng kuwarto. Nagpunta ako sa kuwarto ngunit wala siya doon kaya napasilip ako sa veranda. At nakita ko siyang nasa dalampasigan. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Nagpasya akong puntahan siya dahil baka kailangan niya ng kausap.“F-Felip?” bahagya siyang lumingon sa akin ngunit bumalik din ang mga mata niya sa dagat. Lumapit ako sa kanya at hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. Habang malalim ang iniisip. Nililipad pa ng hangin ang may kahabaan niyang kulot na buhok. Tinutubuan na rin si
MAYA “Bakit ang tahimik mo?” usisa niya sa akin habang nagmamaneho. Pabalik na kami sa Maynila. Minabuti namin na madilim pa lamang ay umalis nang sa ganun ay hindi kami abutin ng trapik sa kalsada.“Na-guilty ako dahil sa ginawa nating pagsisinungaling kay Lola Ising. Sana inamin mo na lamang ang totoo bago tayo umalis.” Wika ko sa kanya habang nakatingin ako sa labas ng bintana dahil papasikat na ang araw. “Hindi mo kailangan na ma-guilty, ibibigay namin ang gusto niya eh.”Mabilis na lumipat sa kanya ang mga mata ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi na parang sinusubukan lang siguro ako kung papatulan ko siya sa hirit niya.“Sir Felip, baka nakakalimutan niyo na wala na tayo sa isla at tapos na ang pagpapangap natin?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.“I know, but you don’t have a choice dahil nangako ka kay Grandma na hindi mo ako iiwan remember?” pagpapaalala niya. Hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi ko.“Nangako akong hindi kita iiwan pero wala akong ibang pinang
MAYAHinawi niya ang buhok ko na tumatakip sa aking mukha habang nakatitig siya sa akin. Bumaba ang titig niya sa aking labi hangang sa unti-unti na niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hangang sa napapikit na rin ako nang halikan niya ako. Ganito din ang naramdaman ko noon sa kuweba. Yung pakiramdam na gusto ko nang maging marupok pagdating sa kanya ngunit may kung anong pumipigil sa akin. Huli na para itulak pa siya dahil alipin na ako ng sandaling magkalapat ang labi naming dalawa. Naramdaman ko ang paghawak niya sa ibaba ng aking t-shirt kaya hinawakan ko yun at naghiwalay ang labi naming dalawa.“N-natatakot ako…baka saktan mo lang din ako, Felip.” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanya. Ayoko nang maranasan ulit ang oras na yun. Nakakadurog ng puso at pagkatao ang naranasan ko sa kapatid ko at kay Mark.“I won’t…I promise.” Bulong niya sa akin. Binitawan ko ang kamay niya at itinuloy niya ang kanyang nais gawin. Hinubad niya ang damit ko at napayakap ako sa aking sarili d
MAYANang magising ako ay sinilip ko ang orasan. Madaling araw na at kailangan ko nang umalis. Baka malaman pa ni Kiray na dito ako natulog nakakahiya dahil ang alam lang nila amo ko pa rin si Sir Felip. Nilingon ko siya at naka-awang pa ang kanyang labi habang mabigat ang paghinga. Kinuha ko ang kamay niyang nakayakap sa hubad kong katawan at tinangal ito. Pigil ko ang paghinga dahil baka magising siya. Ngunit akmang bababa pa lamang ako nagulat ako nang hilahin niya akong muli kaya napahiga ulit ako sa braso niya.“S-Saan ka pupunta?”Nilingon ko siya at nanatili siyang nakapikit.“Felip, kailangan ko nang magpunta sa kuwarto ko.”Mapungay ang matang dumilat siya.“What? Bakit? Hindi na kailangan. Simula ngayon dito na ang magiging kuwarto mo. Kung inaalala mo sila don’t worry I’ll talk to them. Now let’s sleep.” Sambit niya. Kinabig niya ako paikot at paharap sa kanya at muling niya akong niyakap. Nararamdaman ko ang init ng hubad din niyang katawan sa akin. Napasinghap ako at napa
MAYAPagkasara niya ng banyo ay kaagad niya akong hinubaran. Pero ang isip ko ay naroon pa din sa nakita kong natuyong dugo na nasa attaché case. Pinigilan ko siya nang akmang tatangalin niya ng hook ng aking bra.“Saan ka galing? Hangang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang trabaho mo. Diba dapat alam ko yun?”Imbis na sagutin ay siniil niya ako ng halik sa labi at nagawa niyang tangalin ang bra ko. Tumigil siya sa paghalik at pinagdikit ang ilong naming dalawa.“Isasama kita sa office tomorrow para malaman mo okay?” mahinang sambit niya at muli niya akong hinalikan sa labi. Napa-ungol ako nang bumaba ang kanyang labi sa aking leeg at salitan niyang sinipsip ang aking nipples. Pati ang kanyang kamay ay nasa pagitan na ng aking hita. Hindi na ako nakapag-isip pa dahil tinatalo ng aking isip ang nararamdaman ko kaya buong pagnanasa na rin akong nagpaubaya sa kanyang nais. Hinila niya ako papasok sa shower at sabay kaming naligo. Akala ko hindi na niya ulit itutuloy n
MAYA“What? Paano mo naman nasabi?” seryosong tanong niya sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng place niya.“Ang lahat ng meron ka, ay imposible para sa akin na isang hamak na caregiver lang.”Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.“Ayokong marinig ang lahat ng yan. Ni minsan hindi bumaba ang pagtingin ko sa’yo. Malaki pa nga ang utang na loob ko sa’yo dahil sa pag-aalaga mo kay Grandma—”“Paano kung nagustuhan mo lang ako dahil nababaitan ka sa akin? Paano kung makita mo ang mga imperfections ko? Paano kung pagsawaan moa ko dahil madali lang para sa’yo na palitan ako?”Napabuntong hininga siya at binatawan ang kamay ko.“Ganyan ba kababaw ang pagtingin mo sa relasyon nating dalawa? Kung alam ko lang sana na ganito ang mararamdaman mo hindi n akita dinala dito. Don’t look down on yourself, Maya. Mahal kita at mahal mo ako diba? Yun lang ang mahalaga para sa akin. Basta manatili ka sa tabi ko. Sapat na yun.”Kinabig niya ako at niyakap. Kahit paano ay naka