MAYANagising ako dahil sa narinig kong malakas na iyak. Napabalikwas ako ng bangon at hindi na pinansin si Sir Felip na tulog din sa tabi ko. Patakbo akong lumabas ng kuwarto at kaagad akong nagpunta sa katapat na kuwarto ni Madam Lola. Bukas ang pinto at mas lalong lumakas ang iyak ni Lola Ising. Nadatnan ko siyang ginigising si Madam Lola. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong katawan ko.“Grandma!”Napunta kay Sir Felip ang tingin ko nang bigla siyang pumasok at lapitan si Madam Lola. Pilit niya din itong ginigising ngunit hindi na rin ito muling dumilat pa. Tinignan din niya ang pulso nito at nang mapagtanto niyang wala na si Madam Lola Fina at niyakap na niya lang ang matanda. Pati ako ay hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa tagpo na aking nakita. At masakit sa akin dahil napalapit na rin ako sa kanya.“Madam Lola…” humihikbing sambit ko. Nilapitan ko si Lola Ising at niyakap ko siya. Wala na si Madam Lola…wala na siya…tuluyan na niyang iniwan si Felip.
MAYA“Pagkatapos ng pagmamaalam namin kay Lola Fina ay isa-isa na ring nag-uwian ang mga tao. Si Lola Ising ay abala sa pagliligpit ng kuwarto ni Lola Fina kaya tinulungan ko muna siya.“Ako na po dito Lola, magpahinga na po kayo.” Wika ko sa kanya.“Naku! Maya, ikaw na lang ang magpahinga at kanina ka pa nag-aasikaso ng mga bisita. Kaya ko na ito, puntahan mo na lamang si Felip. At tanungin mo siya kung anong gusto niyang hapunan nang makapagluto na ako.” Taboy niya sa akin kaya lumabas na din ako ng kuwarto. Nagpunta ako sa kuwarto ngunit wala siya doon kaya napasilip ako sa veranda. At nakita ko siyang nasa dalampasigan. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Nagpasya akong puntahan siya dahil baka kailangan niya ng kausap.“F-Felip?” bahagya siyang lumingon sa akin ngunit bumalik din ang mga mata niya sa dagat. Lumapit ako sa kanya at hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. Habang malalim ang iniisip. Nililipad pa ng hangin ang may kahabaan niyang kulot na buhok. Tinutubuan na rin si
MAYA “Bakit ang tahimik mo?” usisa niya sa akin habang nagmamaneho. Pabalik na kami sa Maynila. Minabuti namin na madilim pa lamang ay umalis nang sa ganun ay hindi kami abutin ng trapik sa kalsada.“Na-guilty ako dahil sa ginawa nating pagsisinungaling kay Lola Ising. Sana inamin mo na lamang ang totoo bago tayo umalis.” Wika ko sa kanya habang nakatingin ako sa labas ng bintana dahil papasikat na ang araw. “Hindi mo kailangan na ma-guilty, ibibigay namin ang gusto niya eh.”Mabilis na lumipat sa kanya ang mga mata ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi na parang sinusubukan lang siguro ako kung papatulan ko siya sa hirit niya.“Sir Felip, baka nakakalimutan niyo na wala na tayo sa isla at tapos na ang pagpapangap natin?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.“I know, but you don’t have a choice dahil nangako ka kay Grandma na hindi mo ako iiwan remember?” pagpapaalala niya. Hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi ko.“Nangako akong hindi kita iiwan pero wala akong ibang pinang
MAYAHinawi niya ang buhok ko na tumatakip sa aking mukha habang nakatitig siya sa akin. Bumaba ang titig niya sa aking labi hangang sa unti-unti na niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hangang sa napapikit na rin ako nang halikan niya ako. Ganito din ang naramdaman ko noon sa kuweba. Yung pakiramdam na gusto ko nang maging marupok pagdating sa kanya ngunit may kung anong pumipigil sa akin. Huli na para itulak pa siya dahil alipin na ako ng sandaling magkalapat ang labi naming dalawa. Naramdaman ko ang paghawak niya sa ibaba ng aking t-shirt kaya hinawakan ko yun at naghiwalay ang labi naming dalawa.“N-natatakot ako…baka saktan mo lang din ako, Felip.” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanya. Ayoko nang maranasan ulit ang oras na yun. Nakakadurog ng puso at pagkatao ang naranasan ko sa kapatid ko at kay Mark.“I won’t…I promise.” Bulong niya sa akin. Binitawan ko ang kamay niya at itinuloy niya ang kanyang nais gawin. Hinubad niya ang damit ko at napayakap ako sa aking sarili d
MAYANang magising ako ay sinilip ko ang orasan. Madaling araw na at kailangan ko nang umalis. Baka malaman pa ni Kiray na dito ako natulog nakakahiya dahil ang alam lang nila amo ko pa rin si Sir Felip. Nilingon ko siya at naka-awang pa ang kanyang labi habang mabigat ang paghinga. Kinuha ko ang kamay niyang nakayakap sa hubad kong katawan at tinangal ito. Pigil ko ang paghinga dahil baka magising siya. Ngunit akmang bababa pa lamang ako nagulat ako nang hilahin niya akong muli kaya napahiga ulit ako sa braso niya.“S-Saan ka pupunta?”Nilingon ko siya at nanatili siyang nakapikit.“Felip, kailangan ko nang magpunta sa kuwarto ko.”Mapungay ang matang dumilat siya.“What? Bakit? Hindi na kailangan. Simula ngayon dito na ang magiging kuwarto mo. Kung inaalala mo sila don’t worry I’ll talk to them. Now let’s sleep.” Sambit niya. Kinabig niya ako paikot at paharap sa kanya at muling niya akong niyakap. Nararamdaman ko ang init ng hubad din niyang katawan sa akin. Napasinghap ako at napa
MAYAPagkasara niya ng banyo ay kaagad niya akong hinubaran. Pero ang isip ko ay naroon pa din sa nakita kong natuyong dugo na nasa attaché case. Pinigilan ko siya nang akmang tatangalin niya ng hook ng aking bra.“Saan ka galing? Hangang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang trabaho mo. Diba dapat alam ko yun?”Imbis na sagutin ay siniil niya ako ng halik sa labi at nagawa niyang tangalin ang bra ko. Tumigil siya sa paghalik at pinagdikit ang ilong naming dalawa.“Isasama kita sa office tomorrow para malaman mo okay?” mahinang sambit niya at muli niya akong hinalikan sa labi. Napa-ungol ako nang bumaba ang kanyang labi sa aking leeg at salitan niyang sinipsip ang aking nipples. Pati ang kanyang kamay ay nasa pagitan na ng aking hita. Hindi na ako nakapag-isip pa dahil tinatalo ng aking isip ang nararamdaman ko kaya buong pagnanasa na rin akong nagpaubaya sa kanyang nais. Hinila niya ako papasok sa shower at sabay kaming naligo. Akala ko hindi na niya ulit itutuloy n
MAYA“What? Paano mo naman nasabi?” seryosong tanong niya sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng place niya.“Ang lahat ng meron ka, ay imposible para sa akin na isang hamak na caregiver lang.”Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.“Ayokong marinig ang lahat ng yan. Ni minsan hindi bumaba ang pagtingin ko sa’yo. Malaki pa nga ang utang na loob ko sa’yo dahil sa pag-aalaga mo kay Grandma—”“Paano kung nagustuhan mo lang ako dahil nababaitan ka sa akin? Paano kung makita mo ang mga imperfections ko? Paano kung pagsawaan moa ko dahil madali lang para sa’yo na palitan ako?”Napabuntong hininga siya at binatawan ang kamay ko.“Ganyan ba kababaw ang pagtingin mo sa relasyon nating dalawa? Kung alam ko lang sana na ganito ang mararamdaman mo hindi n akita dinala dito. Don’t look down on yourself, Maya. Mahal kita at mahal mo ako diba? Yun lang ang mahalaga para sa akin. Basta manatili ka sa tabi ko. Sapat na yun.”Kinabig niya ako at niyakap. Kahit paano ay naka
MAYATikom ang bibig ko sa aking mga narining mula sa kanya. Ipinaliwanag niya sa akin ang pagbabago ni Mark simula nang mahuli ko silang dalawa. Nakikinig lang ako sa salaysay niya at hindi rin ako makapaniwala na kaya niya yung gawin sa kapatid ko. Dahil naki-usap pa siyang patawarin ko si Mary noon. Mabuting tao si Mark, yun ang pagkakakilala ko sa kanya. Mataas din ang pangarap niya para sa kanyang pamilya kaya nga tinulungan ko siyang makatapos ng pag-aaral ngunit ganito lang ang magiging kapalit ng lahat. Iiwan niya ang kapatid ko dahil lamang sa nawala ang anak nilang dalawa na hindi naman ginusto ng kapatid ko.“K-Kasalanan ko ang lahat…kung hindi ako naging masamang kapatid hindi ko sana mararanasan ang lahat ng ito.” paninisi pa niya sa kanyang sarili habang patuloy ang kanyang paghikbi. Napabuntong hininga ako.“Tama na, malalagpasan mo din ang lahat. Isipin mo na lamang na baka hindi si Mark ang para sayo. Bata ka pa Mary. Marami ka pang kayang maabot sa buhay mo. Baka hin