MAYA“What? Paano mo naman nasabi?” seryosong tanong niya sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng place niya.“Ang lahat ng meron ka, ay imposible para sa akin na isang hamak na caregiver lang.”Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.“Ayokong marinig ang lahat ng yan. Ni minsan hindi bumaba ang pagtingin ko sa’yo. Malaki pa nga ang utang na loob ko sa’yo dahil sa pag-aalaga mo kay Grandma—”“Paano kung nagustuhan mo lang ako dahil nababaitan ka sa akin? Paano kung makita mo ang mga imperfections ko? Paano kung pagsawaan moa ko dahil madali lang para sa’yo na palitan ako?”Napabuntong hininga siya at binatawan ang kamay ko.“Ganyan ba kababaw ang pagtingin mo sa relasyon nating dalawa? Kung alam ko lang sana na ganito ang mararamdaman mo hindi n akita dinala dito. Don’t look down on yourself, Maya. Mahal kita at mahal mo ako diba? Yun lang ang mahalaga para sa akin. Basta manatili ka sa tabi ko. Sapat na yun.”Kinabig niya ako at niyakap. Kahit paano ay naka
MAYATikom ang bibig ko sa aking mga narining mula sa kanya. Ipinaliwanag niya sa akin ang pagbabago ni Mark simula nang mahuli ko silang dalawa. Nakikinig lang ako sa salaysay niya at hindi rin ako makapaniwala na kaya niya yung gawin sa kapatid ko. Dahil naki-usap pa siyang patawarin ko si Mary noon. Mabuting tao si Mark, yun ang pagkakakilala ko sa kanya. Mataas din ang pangarap niya para sa kanyang pamilya kaya nga tinulungan ko siyang makatapos ng pag-aaral ngunit ganito lang ang magiging kapalit ng lahat. Iiwan niya ang kapatid ko dahil lamang sa nawala ang anak nilang dalawa na hindi naman ginusto ng kapatid ko.“K-Kasalanan ko ang lahat…kung hindi ako naging masamang kapatid hindi ko sana mararanasan ang lahat ng ito.” paninisi pa niya sa kanyang sarili habang patuloy ang kanyang paghikbi. Napabuntong hininga ako.“Tama na, malalagpasan mo din ang lahat. Isipin mo na lamang na baka hindi si Mark ang para sayo. Bata ka pa Mary. Marami ka pang kayang maabot sa buhay mo. Baka hin
MAYASa wakas! Nakabalik na rin ako sa Pilipinas! Anim na taon din akong naging caregiver sa Singapore at umuwi ako para matuloy na ang kasal namin ni Mark. Hindi ako nagpasundo sa kanya dahil gusto kong surpresahin siya sa bahay na ipinundar ko para sa aming dalawa. Seven years na kami ni Mark at nanatiling matatag ang relasyon namin kahit long distance pa kami. Kumuha ako ng two years caregiver course pagkatapos kong mag-high school. At nagpasyang mag-ibang bansa para masuportahan ko ang aking kapatid at pati na rin ang pag-aaral ni Mark as engineer. Dahil gaya ko wala ding kakayanan ang kanyang mga magulang na pag-aralin siya. Kahit paano nakaya ko ang magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa kanya dahil alam ko na darating ang araw na ito. Na lahat ng pangarap namin noon ay matutupad. At magkasama naming bubuohin ang aming magiging pamilya. Next month ay graduate na siya kaya puwede na kaming magpakasal. At magtatapos na rin si Mary sa kolehiyo. Masaya ako dahil kahit nagtiis ako ng
MAYANapahawak ako sa aking sentido nang magising ako. Inaninag ko ang ang lugar na kinaroroonan ko. At napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang mga nangyari kagabi. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung nasaan ako ngayon. Nandito kasi ako sa malaki at malinis na kuwarto. Napabangon ako mula sa malambot na kama pababa sa tiles na sahig. Lalong sumakit ang ulo ko.“Mabuti naman gising ka na.” Napalingon ako sa pinto nang may marinig akong nagsalita. “Sino ka?! Bakit ako nandito?! Ikaw ba ang mastermind sa pagdukot sa akin!?” pag-aakusa ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at saka ko lamang napansin ang bitbit niyang tray na may pagkain at isang tasa ng kape. “Mastermind? Pagdukot? At bakit naman kita dudukutin?” seryosong sagot niya sa akin. Pumasok siya sa loob at inilapag sa mesa ang tray. “Eh, bakit ako nandito? Huwag mong sabihin na may ginawa ka sa aking masama?” Napayakap ako sa aking sarili. Pero aside sa sakit ng ulo wala na akong ibang nararamdaman sa katawan at isa pa
MAYAPaulit-ulit na umukit sa aking isip ang mga sinabi ni Sir Felip sa akin kanina bago siya magpa-alam sa akin. Nandito na ako sa aking kuwarto upang magpahinga. Nagdesisyon na din akong magpalit ng numero upang hindi na nila ako magambala pa. Masakit pa rin sa akin dahil kinailangan kong talikuran si Mary. Ang nag-iisa kong pamilya. Ngunit labis niya akong nasaktan at sa ngayon hindi ko pa siya kayang patawarin.Makalipas ng isang lingo ay nasanay na rin ako sa routine ko dito sa mansion. Minsan nakakainip kasi kami lang ni madam Lola at ang tatlong kasambahay ang narito kaya kapag nagpapahinga si Madam Lola sila ang ka-kuwentuhan ko.Minsan lang din kami magkita ni Sir Felip. Sabi ni Kiray yung isang kasambahay dito may araw daw talaga na hindi laging nauwi si Sir Felip dito dahil sa negosyo. Minsan naman daw bigla na lamang itong nasulpot. Lalo tuloy akong nahihiwagaan dahil maski sila hindi daw nila alam ang negosyo nito.“Madam Lola, kumain pa po kayo…kaunti lang po ang kinain
MAYAPagpasok namin sa loob ay dumerecho muna kami sa kuwarto upang ayusin ang mga gamit naming dala. Tinulungan din ako ni Sir Felip na bitbitin ang mga maleta namin pa-akyat sa magiging kuwarto ni Lola na katapat lang ng aking kuwarto. Pansamantalang sinamahan ni Lola Ising si Madam Lola sa labas upang makapag-usap ang dalawang matanda. Paglapag ni Sir Felip ng mga bag ay kaagad ko siyang hinarang.“S-sir…maari po ba kayong magpaliwanag kung bakit niyo sinabi na girlfriend niyo ako? Diba girlfriend niyo yung kasama niyo kagabi? Bakit hindi na lang po siya ang sinama niyo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin kaya umisang hakbang ako pa-atras sa kanya.“I’m sorry kung kailangan kong gawin yun. Matagal na kasi akong kinukulit ni Lola Ising na ipakilala ang girlfriend ko. Yung kasama ko kagabi hindi ko yun girlfriend.”Awang ang labi na tinignan ko siya. “Hindi niyo siya girlfriend? P-pero diba—”“She’s not my girlfriend, wala kaming label and she agreed na intimate re
MAYA Hightide na nang makababa kami kaya kahit nasa malapit lang ay parang malalim na ito. “Let’s go!” aya niya sa akin. “Ikaw na lang, parang ayokong magbasa eh.” taboy ko sa kanya nang nasa gilid na kami ng pampang. Dito niya kasi ako inaya at mas malalim dito at malalaki din ang bato. Hindi naman mainit ang sikat ng araw at malamig pa ang ihip ng hangin. Tinatangay ng hangin ang nakalugay kong buhok habang pinagmamasdan siyang nag-uumpisa nang maghubad. Napatingin ako sa kanyang katawan at hindi ko maiwasan na titigan ito dahil sa mga peklat na nakita ko sa kanyang likod. Nilingon niya ako at nag-iwas ako ng tingin. “Sorry po.” Wika ko sa kanya. Baka kasi akalain niyang pinagnanasahan ko siya. Curious lang naman ako sa nakita ko. “Don’t worry, bata pa ako nang makuha ko ang mga pilat na ito.” Sambit niya. Inabot niya sa akin ang white t-shirt niya. “Kung hindi ka maliligo, hawakan mo na lang yan.” Nakangiting sabi niya sabay dive sa ilalim ng tubig na ikinagulat ko dahil me
MAYALumipas ang maghapon ni- anino ni Sir Felip ay hindi ko nakikita. Wala din naman akong mukhang ihaharap sa kanya dahil pumayag akong makipaghalikan sa kanya sa kuweba. Gusto ko tuloy kaltukan ang sarili dahil pansamantala akong nakalimot sa kung ano ba talaga ang lugar ko dito sa pamilya nila. Maigi na rin yun pero nasaan kaya siya?Abala din kasi ako sa pag-alalaga kay madam lola pagkatapos kong magbihis kanina dahil may iba pang ginagawa si Lola Ising at kailangan ko din tumulong. Hindi naman kasi ako nagpunta dito para magbakasyon.“Madam? Ano po yun?” tanong ko sa kanya nang senyasan niya akong lumapit.“I-I want to see the sunset…” sambit niya.“Sige po ilalabas po kita.” wika ko sa kanya. Kinuhanan ko siya ng kumot dahil baka malamigan siya sa labas. Pagkatapos ay itinulak ko na pababa ang kanyang wheelchair. Hindi naman mahirap para sa akin na mag-isang ibaba si Madam Lola Fina dahil meron talagang daanan ng wheelchair sa loob ng bahay nila katabi ito ng hagdanan. Kailanga