MAYA
Sa wakas! Nakabalik na rin ako sa Pilipinas! Anim na taon din akong naging caregiver sa Singapore at umuwi ako para matuloy na ang kasal namin ni Mark. Hindi ako nagpasundo sa kanya dahil gusto kong surpresahin siya sa bahay na ipinundar ko para sa aming dalawa. Seven years na kami ni Mark at nanatiling matatag ang relasyon namin kahit long distance pa kami. Kumuha ako ng two years caregiver course pagkatapos kong mag-high school. At nagpasyang mag-ibang bansa para masuportahan ko ang aking kapatid at pati na rin ang pag-aaral ni Mark as engineer. Dahil gaya ko wala ding kakayanan ang kanyang mga magulang na pag-aralin siya. Kahit paano nakaya ko ang magtrabaho sa ibang bansa at malayo sa kanya dahil alam ko na darating ang araw na ito. Na lahat ng pangarap namin noon ay matutupad. At magkasama naming bubuohin ang aming magiging pamilya. Next month ay graduate na siya kaya puwede na kaming magpakasal. At magtatapos na rin si Mary sa kolehiyo. Masaya ako dahil kahit nagtiis ako ng mahabang taon. May uuwian akong bahay at fiancé, at makakadalo pa ako sa graduation ni Mary.
Gabi na kaya siguradong nakauwi na siya sa bagong bahay na ipinatayo ko para sa aming dalawa. Excited na akong makita si Mark at makita ang ipinundar kong bahay. Sa picture ko lamang kasi ito nakikita. Simple lang naman ang design nito pero mas especial para sa amin dahil si Mark mismo ang gumawa ng design nito.
Saktong alas-dyes na nang makarating ako sa Santa Cruz Manila. Ilang lakad na lang ay magkikita na kaming dalawa. Nagpahatid ako sa taxi para makarating sa address ng bahay namin.
Malayo pa lamang ako ay tanaw ko na ang bahay. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.
Pagkarating ko sa pinto ay nagmadali akong kumatok.
“Tao po?”
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakatapis ng tuwalya na si Mark.
“Hi babe! Surprise!” kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. Nangingilid ang luha ko sa labis na kaligayahan. Hinawakan niya ang braso ko at tinangal mula sa pagkakayakap sa kanya.
“A-Anong ginagawa mo dito?”
Napa-angat ako ng tingin at saka ko pa lamang napansin ang pamumutla niya.
“Bakit? Ayaw mo bang nandito na ako?” may tampo na tanong ko sa kanya. Baka kasi nagulat lamang siya.
“Hindi naman sa ganun pe–”
“Sino yan mahal?”
Bumukas ng malaki ang pinto at pareho kaming nagulat sa isa’t-isa.
“A-Ate?”
“Mary? Anong ginagawa mo dito?”
Bumaba ang tingin ko sa kanyang tiyan na may umbok na. At para akong binuhusan ng malamig na tubig kahit hindi pa nila sinasabi sa akin ang lahat.
“A-ate…” na-iiyak na sambit niya. Matalim ang tingin na ipinukol ko kay Mark. Habang hindi ko na napigilan ang pagtakas ng aking mga luha.
“A-Anong ibig s-sabihin nito?”
Pilit kong kinakalma ang aking boses pero sa loob ko para na akong sasabog sa galit.
“I’m sorry Maya, hindi ko sinasadyang mahalin si Mary.”
“I’m sorry? Yun lang ang kaya mong sabihin sa akin Mark?”
“Maya, minahal naman kita eh kaya lang hirap na hirap ako dahil wala ka sa tabi ko. At si Mary ang pumupuno ng lahat ng pagkukulang mo–”
Kaagad ko siyang sinampal ng ubod ng lakas at tuluyan nang bumaha ang aking luha.
“Pagkukulang?! Bakit? Ikaw lang ba ang nagtiis Mark?! Ikaw lang ba?! Paano naman ako? Lahat ng hirap tiniis ko para sa atin! Para sa pangarap natin noon Mark! Kulang na lang gawin kong umaga ang gabi para maka-ipon lang ng pera pang-paaral sa inyong dalawa. Tinipid ko ang sarili ko para lang maipatayo ang bahay na ito! Halos nagkakandakuba at lumuha na ako ng dugo sa pagtatrabaho sa ibang bansa tapos ganito igaganti niyo sa akin?! Anong klaseng pagkukulang ba ang sinasabi mo ha?!”
Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang sakit. Parang may ilang libong patalim na tumusok sa aking puso dahil sa pagkabigo na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gusto ko silang saktan pero mababago ba nito ang katotohanan na niloko nila ako?
“Ate… patawarin mo ako.” umiiyak na sabi ni Mary sa akin sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit pinigilan ko siya ng kamay ko.
“Huwag kang lalapit…sa akin. Kapag nagdilim ang paningin ko baka hindi ko mapigilan ang masaktan kita. Bakit Mary? Naging mabuti naman akong ate sayo hindi ba? Lahat ng luho mo binigay ko. Kahit yung para sa akin sayo na lang. Basta maging maginhawa lang ang buhay mo. Pero bakit? B-bakit si Mark pa?” Puno ng paghihinagpis na tanong ko sa kanya.
“Ate, hindi ko rin po alam.”
Nasabunot ko ang aking sarili.
“Hindi mo alam?! Matanda ka na Mary! Alam mong gumawa ng bata pero hindi mo alam na masasaktan mo ako kapag nakipagrelasyon ka sa boyfriend ko? Alam mo yan! Ginusto mong saktan ako! Ginusto niyong dalawa na pagmukhain akong tanga! Dahil kung hindi dapat sinabi niyo sa akin na may namamagitan na pala sa inyo at sana hindi ako umasa na may babalikan pa ako!” Igting ang pangang sigaw ko sa kanila. Wala akong paki-alam kung dumami na ang mga taong nakakarinig sa amin. Hindi nila alam kung gaano kasakit para sa akin ang malaman ang katotohan at parang gusto ko na lamang maglaho sa sakit. Sana panaginip na lamang ang lahat. Sana hindi na nangyari ito. Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko bang tangapin ang lahat.
“Maya, huwag mo siyang sisihin. Kasalanan ko dahil pinigilan ko siyang sabihin sa’yo ang totoo. Natakot kasi ako na putulin mo ang pag-supporta mo sa amin. Huwag kang mag-alala. Lahat ng ginastos mo babayaran ko ng paunti-unti kapag nakapagtrabaho na ako. Kahit hindi mo na ako patawarin. Pero si Mary, patawarin mo na ang kapatid mo.”
Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. At mapait ko siyang tinignan.
“Hindi kita mapapatawad…at simula sa araw na ito. Wala na akong kapatid.”
Tinalikuran ko sila at naglakad ako palayo hila-hila ang dalawang maleta ko.
“Ate! Ate! Patawarin mo na ako!” Narinig ko pang sigaw niya. Pero hindi ko na siya nilingon pa. Sobrang bigat ng dibdib ko. Para gusto ko na lang humiga sa kalsada at magpasagasa sa dumaraang sasakyan. Para akong namatayan sa sakit. Yung halos gusto kong umiyak ng malakas at ilabas lahat ng nararamdaman kong galit.
Wala na akong mapuntahan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hilam ang luhang napatingin ako sa motel na dinaanan ko. Pumasok ako sa loob at nagbayad ng isang kuwarto. Pagod na ang katawan ko at isip ko wala na rin akong lakas upang maglakad pa dahil nanlalambot na rin ang tuhod ko.
Humugot ako ng dalawang libo sa wallet ko at inabot niya sa room boy ang susi at isang piraso ng towel. Sumunod ako sa room boy na naghatid sa akin sa kuwarto. Simple lang ang pinili kong kuwarto. Hindi pa kasi ako nakaka-widraw sa ipon ko. At okay lang sa akin na hindi aircon sa loob. May isang t.v at isang banyo lang ito. Binitawan ko ang maletang dala ko at napa-upo ako sa gilid ng kama.Tuluyan na akong bumigay dahil sa sama ng loob sa kanilang dalawa. Hinayaan kong maubos ang aking luha umaasa na kahit paano maiibsan ang nararadaman kong sakit. Sa labis na pagod at pighati ay hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na rin alam kung paano ko nagawang matulog.
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng phone ko. Nang silipin ko ito ay mga tawag at text nilang dalawa ang bumungad sa akin. Pinatay ko ang phone at bumalik na ako sa pagpikit. Kahit magdamag na akong umiyak kagabi ay narito pa din ang sakit ng ginawa nilang panloloko sa akin.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Ayoko ng bumalik sa abroad, tapos na rin ang kontrata ko doon. Wala na din akong mapupuntahan dahil silang dalawa na ang nakatira sa bahay na buong paghihirap kong ipinundar.
Walang gana akong tumayo at nagpunta sa banyo. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Dahil sa pagsisinop na ginawa ko napabayaan ko na ang aking sarili. Kahit nga ang buhok ko ay naabot na sa puwetan ang haba. Minsan ako na mismo ang nagugupit nito dahil mahal magpagupit sa ibang bansa. Wala din sa normal ang timbang ko dahil mas pinili kong magtipid kaysa kumain ng mga pagkain na gusto ko para maka-ipon lang ng pera. At ngayon…nabalewala ang lahat. Halos isang milyon din ang naipon ko sa bangko sa pagtatrabaho ng anim na taon. Pero uuwi akong wala man lang matuluyan.
Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na ako ng damit. Ilang paghihirap na ang tiniis ko sa ibang bansa. Ilang balde na rin ang iniyak ko dahil sa pananabik kong makita sila dahil malungkot ang mag-isa sa dayuhang bansa.
Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib at nagpasya akong lumabas muna. Iniwan ko ang mga gamit ko dahil bente kwatro oras naman ang binayaran ko sa room. Nakaramdam na rin kasi ako ng pananakit ng tiyan dahil sa gutom. Nagpunta muna ako sa bangko bago ako naghanap ng puwedeng kainan. Napili kong kumain sa isang fast food restaurant ng mag-isa. Inorder ko lahat ng gusto kong kainin.
Habang kumakain ako may katabi akong isang pamilya. May tatay, nanay at maliit nilang anak. Ito ang pinangarap ko noon bago ako nagpasyang umuwi. Pero nagunaw lang ang lahat ng yun dahil sa pagtataksil. At ang hindi ko matangap, kapatid ko pa ang gagawa nito sa akin. Nagsimula na naman na magtubig ang aking mga mata kaya pinilit kong pigilan ang nagbabadyang luha.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako at nagpunta sa isang salon. Nagpagupit ng layer na lagpas balikat at nagpa-rebond with brown color naman. Nagpa-footspa, pedicure at manicure na rin ako. Ang sarap din pala sa pakiramdam na nakikita mo ang anyo mong nagbabago.
Pagkatapos kong mag-salon ay namili naman ako ng mga sexing damit. Mga damit na ipinagdamot ko sa aking sarili noon dahil mas mahalaga sa akin na maka-ipon ako para sa bahay, para sa pagpapa-aral sa kanila at para sa kasal naming dalawa ni Mark.
Halos dalawang oras din ata akong namili ng mga damit at gamit bago ako nagpasyang bumalik sa motel. Nagpalit ako ng damit at nagpasyang lumabas ulit. Hindi ko alam kung bakit pero namalayan ko na lamang na papunta na sa bahay nila Mark ang tinutunton ng paa ko. Nagtago ako sa kanto habang ina-antay kong may magbukas ng pinto at masilip ang bahay na pinagawa ko.
Hangang sa makita ko ang pagdating ni Mark sakay ng motor na niregalo ko sa kanya noong six years anniversary namin. Kumatok siya sa pintuan at bumukas ito. Nakingiting mukha ng kapatid ko ang bumungad sa kanya. Para akong sinaksak muli nang maghalikan sila. Inabot ni Mary ang dalang pasalubong ni Mark at pumasok na rin sila sa loob.
Namalayan ko na lang ang masaganang luha na dumadaloy sa aking pisngi. Ang sakit-sakit pa rin. Ang hirap tangapin na nawala sa akin ang lahat nang dahil sa desisyong kong umalis upang mabigyan lang sila ng magandang kinabukasan. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa pag-iyak ko pero wala akong paki-alam. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang lahat ng ito at kung paano ako mag-uumpisang muli.
Nagpasya akong magpunta at pumasok sa isang club. Sa isang sulok ay nag-order ako ng isang bucket ng beer at pulutan. Hindi ako sanay na uminom pero parang gusto kong magpakalunod sa alak. Kahit sandali gusto ko lang makalimot sa nararamdaman kong sakit.
“Panay tunga ko ng bote ng beer at panay din ang subo ko ng nilagang mani. May sisig din akong inorder. Unti-unti ko na ding nararamdaman ang pagkahilo at pag-ikot ng aking paningin. Kinuha ko ang bill at nagbayad ako bago lumabas ng club bitbit ang isang bote ng beer. Pasuray-suray na ako sa daan at pakiramdam ko ay para akong nakalutang. Ganito pala ang pakiramdam ng lasing yung parang wala ka na sa sarili. Natatawa, naiiyak at parang gusto mong isigaw ang lahat ng galit mo sa dibdib.
Panay pa rin ang tunga ko sa bote ng beer nang harangin ako ng dalawang tao.
“Miss? Okay ka lang? Gusto mo samahan ka namin na umuwi?” tanong ng isa sa kanila. Nanlalabo na rin ang paningin ko at hindi ko maaninag ang mga lalaking kumakausap sa akin. Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at braso.
“Tara Miss.” Aya nila sa akin.
“Hindi! Bi-tawan niyo ako!” singhal ko sa kanila. Hindi ko akalain na malalim na pala ang gabi at delikado na sa kalsada. Wala na rin halos dumadaan na mga tao.
“Tu-long! Tulong!” sigaw ko nang muli nila akong hawakan.
“Sumama ka na!” Pamimilit nila sa akin. Kulang na lang kaladkarin nila akong dalawa. Dahil sa labis na kalasingan at sa lakas nilang dalawa ay nahirapan akong kumawala.
“Bi-tawan niyo ako!”
Nagpumiglas pa rin ako kahit alam kung hindi ko sila kakayanin hangang sa bigla akong sinikmuraan ng isang lalaki na ikinabagsak ko sa semento at tuluyan na akong nawalan ng malay.
MAYANapahawak ako sa aking sentido nang magising ako. Inaninag ko ang ang lugar na kinaroroonan ko. At napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang mga nangyari kagabi. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung nasaan ako ngayon. Nandito kasi ako sa malaki at malinis na kuwarto. Napabangon ako mula sa malambot na kama pababa sa tiles na sahig. Lalong sumakit ang ulo ko.“Mabuti naman gising ka na.” Napalingon ako sa pinto nang may marinig akong nagsalita. “Sino ka?! Bakit ako nandito?! Ikaw ba ang mastermind sa pagdukot sa akin!?” pag-aakusa ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at saka ko lamang napansin ang bitbit niyang tray na may pagkain at isang tasa ng kape. “Mastermind? Pagdukot? At bakit naman kita dudukutin?” seryosong sagot niya sa akin. Pumasok siya sa loob at inilapag sa mesa ang tray. “Eh, bakit ako nandito? Huwag mong sabihin na may ginawa ka sa aking masama?” Napayakap ako sa aking sarili. Pero aside sa sakit ng ulo wala na akong ibang nararamdaman sa katawan at isa pa
MAYAPaulit-ulit na umukit sa aking isip ang mga sinabi ni Sir Felip sa akin kanina bago siya magpa-alam sa akin. Nandito na ako sa aking kuwarto upang magpahinga. Nagdesisyon na din akong magpalit ng numero upang hindi na nila ako magambala pa. Masakit pa rin sa akin dahil kinailangan kong talikuran si Mary. Ang nag-iisa kong pamilya. Ngunit labis niya akong nasaktan at sa ngayon hindi ko pa siya kayang patawarin.Makalipas ng isang lingo ay nasanay na rin ako sa routine ko dito sa mansion. Minsan nakakainip kasi kami lang ni madam Lola at ang tatlong kasambahay ang narito kaya kapag nagpapahinga si Madam Lola sila ang ka-kuwentuhan ko.Minsan lang din kami magkita ni Sir Felip. Sabi ni Kiray yung isang kasambahay dito may araw daw talaga na hindi laging nauwi si Sir Felip dito dahil sa negosyo. Minsan naman daw bigla na lamang itong nasulpot. Lalo tuloy akong nahihiwagaan dahil maski sila hindi daw nila alam ang negosyo nito.“Madam Lola, kumain pa po kayo…kaunti lang po ang kinain
MAYAPagpasok namin sa loob ay dumerecho muna kami sa kuwarto upang ayusin ang mga gamit naming dala. Tinulungan din ako ni Sir Felip na bitbitin ang mga maleta namin pa-akyat sa magiging kuwarto ni Lola na katapat lang ng aking kuwarto. Pansamantalang sinamahan ni Lola Ising si Madam Lola sa labas upang makapag-usap ang dalawang matanda. Paglapag ni Sir Felip ng mga bag ay kaagad ko siyang hinarang.“S-sir…maari po ba kayong magpaliwanag kung bakit niyo sinabi na girlfriend niyo ako? Diba girlfriend niyo yung kasama niyo kagabi? Bakit hindi na lang po siya ang sinama niyo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin kaya umisang hakbang ako pa-atras sa kanya.“I’m sorry kung kailangan kong gawin yun. Matagal na kasi akong kinukulit ni Lola Ising na ipakilala ang girlfriend ko. Yung kasama ko kagabi hindi ko yun girlfriend.”Awang ang labi na tinignan ko siya. “Hindi niyo siya girlfriend? P-pero diba—”“She’s not my girlfriend, wala kaming label and she agreed na intimate re
MAYA Hightide na nang makababa kami kaya kahit nasa malapit lang ay parang malalim na ito. “Let’s go!” aya niya sa akin. “Ikaw na lang, parang ayokong magbasa eh.” taboy ko sa kanya nang nasa gilid na kami ng pampang. Dito niya kasi ako inaya at mas malalim dito at malalaki din ang bato. Hindi naman mainit ang sikat ng araw at malamig pa ang ihip ng hangin. Tinatangay ng hangin ang nakalugay kong buhok habang pinagmamasdan siyang nag-uumpisa nang maghubad. Napatingin ako sa kanyang katawan at hindi ko maiwasan na titigan ito dahil sa mga peklat na nakita ko sa kanyang likod. Nilingon niya ako at nag-iwas ako ng tingin. “Sorry po.” Wika ko sa kanya. Baka kasi akalain niyang pinagnanasahan ko siya. Curious lang naman ako sa nakita ko. “Don’t worry, bata pa ako nang makuha ko ang mga pilat na ito.” Sambit niya. Inabot niya sa akin ang white t-shirt niya. “Kung hindi ka maliligo, hawakan mo na lang yan.” Nakangiting sabi niya sabay dive sa ilalim ng tubig na ikinagulat ko dahil me
MAYALumipas ang maghapon ni- anino ni Sir Felip ay hindi ko nakikita. Wala din naman akong mukhang ihaharap sa kanya dahil pumayag akong makipaghalikan sa kanya sa kuweba. Gusto ko tuloy kaltukan ang sarili dahil pansamantala akong nakalimot sa kung ano ba talaga ang lugar ko dito sa pamilya nila. Maigi na rin yun pero nasaan kaya siya?Abala din kasi ako sa pag-alalaga kay madam lola pagkatapos kong magbihis kanina dahil may iba pang ginagawa si Lola Ising at kailangan ko din tumulong. Hindi naman kasi ako nagpunta dito para magbakasyon.“Madam? Ano po yun?” tanong ko sa kanya nang senyasan niya akong lumapit.“I-I want to see the sunset…” sambit niya.“Sige po ilalabas po kita.” wika ko sa kanya. Kinuhanan ko siya ng kumot dahil baka malamigan siya sa labas. Pagkatapos ay itinulak ko na pababa ang kanyang wheelchair. Hindi naman mahirap para sa akin na mag-isang ibaba si Madam Lola Fina dahil meron talagang daanan ng wheelchair sa loob ng bahay nila katabi ito ng hagdanan. Kailanga
MAYA Kanina pa ako pagising-gising, namamahay siguro ako kaya hindi naging maayos ang tulog ko. Dahan-dahan akong bumangon at iniwasan na gumawa ng ingay dahil katabi ko lamang siya. Mabuti na lamang at malawak ang higaan namin kaya kahit paano ay hindi kami masyadong malapit sa isat’-isa. Nang makaupo ako sa kama at dahan-dahan din akong tumayo baka kasi magising siya. Mukhang mahimbing pa naman ang tulog niya. Kahit walang aircon dito sa loob ay sadyang malamig sa kuwarto at himalang wala ding mga lamok. Paisa-isang hakbang na tinungo ko ang labas ng kuwarto dahil plano kong silipin si Madam Lola kung maayos ba ang pahinga nito. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at pagkatapos at nagpunta naman ako sa pinto nila Madam Lola. Maingat ko ding binuksan at sumilip ako ng kaunti.Tahimik sa kuwarto at tulog na tulog na rin sila kaya isinara ko na lamang ang pinto. Nagpasya akong bumaba muna upang magpahangin. Nakatayo lang ako sa tabi ng bahay habang sinasamyo ang malamig na hangin. Napap
MAYANagising ako dahil sa narinig kong malakas na iyak. Napabalikwas ako ng bangon at hindi na pinansin si Sir Felip na tulog din sa tabi ko. Patakbo akong lumabas ng kuwarto at kaagad akong nagpunta sa katapat na kuwarto ni Madam Lola. Bukas ang pinto at mas lalong lumakas ang iyak ni Lola Ising. Nadatnan ko siyang ginigising si Madam Lola. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong katawan ko.“Grandma!”Napunta kay Sir Felip ang tingin ko nang bigla siyang pumasok at lapitan si Madam Lola. Pilit niya din itong ginigising ngunit hindi na rin ito muling dumilat pa. Tinignan din niya ang pulso nito at nang mapagtanto niyang wala na si Madam Lola Fina at niyakap na niya lang ang matanda. Pati ako ay hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa tagpo na aking nakita. At masakit sa akin dahil napalapit na rin ako sa kanya.“Madam Lola…” humihikbing sambit ko. Nilapitan ko si Lola Ising at niyakap ko siya. Wala na si Madam Lola…wala na siya…tuluyan na niyang iniwan si Felip.
MAYA“Pagkatapos ng pagmamaalam namin kay Lola Fina ay isa-isa na ring nag-uwian ang mga tao. Si Lola Ising ay abala sa pagliligpit ng kuwarto ni Lola Fina kaya tinulungan ko muna siya.“Ako na po dito Lola, magpahinga na po kayo.” Wika ko sa kanya.“Naku! Maya, ikaw na lang ang magpahinga at kanina ka pa nag-aasikaso ng mga bisita. Kaya ko na ito, puntahan mo na lamang si Felip. At tanungin mo siya kung anong gusto niyang hapunan nang makapagluto na ako.” Taboy niya sa akin kaya lumabas na din ako ng kuwarto. Nagpunta ako sa kuwarto ngunit wala siya doon kaya napasilip ako sa veranda. At nakita ko siyang nasa dalampasigan. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Nagpasya akong puntahan siya dahil baka kailangan niya ng kausap.“F-Felip?” bahagya siyang lumingon sa akin ngunit bumalik din ang mga mata niya sa dagat. Lumapit ako sa kanya at hindi ko maiwasan na pagmasdan siya. Habang malalim ang iniisip. Nililipad pa ng hangin ang may kahabaan niyang kulot na buhok. Tinutubuan na rin si