Call Me, Kuya!

Call Me, Kuya!

last updateHuling Na-update : 2024-05-30
By:   ROSENAV91  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
8.5
28 Mga Ratings. 28 Rebyu
116Mga Kabanata
18.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Nag-iisa niyang tinaguyod ni Unique ang kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na naghahanap ng secretary, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool. Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya pero iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan nito. Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

CHAPTER 01

CHAPTER 01CALL ME, KUYA!“Sure ka na ba Budang na nasa folder na ang lahat na kailanganin ko mamaya?” Tanong ko sa kaibigan ko na si Budang. Nickname niya iyan hanggang nasanay na rin na ganyan ang tawag namin sa kanya, lalo na ako. Maaga akong pumunta sa bahay nila para lang ayusan ako. Maalam kasi siya mga make-up, ako naman tamang suklay lang ng buhok at lagay ng baby powder ay ayos na sa akin, unlike now. Kailangan nasa tamang ayos ako at hindi mukhang losyang o tita. Eh, paano kasi, ngayong araw ay magbabakasakali na ako na matanggap sa trabaho, and for the first time kasi mag-aapply ako ng trabaho sa building na nadadaanan ko minsan tuwing gabi at ayon nga sa karatula na nakalagay sa labas ng gate na naghahanap sila ng secretary. Isa iyon sa pangarap ko na maging secretary at ma inlove sa akin ang amo ko. Ay mali... mali pala...basta dream ko talaga siya. At dahil magdadalawang buwan na yata na nakapaskil iyon sa labas at lagi kong nababasa kaya naisip ko na baka ako na...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

10
96%(27)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
4%(1)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
8.5 / 10.0
28 Mga Ratings · 28 Rebyu
I-scan ang code para mabasa sa App
user avatar
ROSENAV91
Happy new year dear readers ... Thank you na naging bahagi kayo ng aking writing journey simula na naging writer si Rosenav91. Thank you ...
2025-01-01 00:40:09
0
user avatar
ROSENAV91
Merry Christmas dear readers ...
2024-12-25 11:33:56
0
user avatar
ROSENAV91
wow ...... 16.8k na pala ang kuya na umiigting ang panga ...... thank you readers ...
2024-12-01 01:09:36
0
user avatar
ROSENAV91
thank you 15.7k readers ......
2024-09-14 14:20:44
0
user avatar
ROSENAV91
ngayon ko lang nabasa ang ibang feedback niyo ... thank you so much dear readers sa positive feedback sa story nina Unique at Izaak ...
2024-06-27 00:32:47
0
user avatar
ROSENAV91
finally, tapos na rin ang Call Me, Kuya. Maraming salamat sa pagbabasa ...
2024-05-30 01:40:58
0
user avatar
ROSENAV91
next is the epilogue, thank you for reading Call Me, kuya. Sana nariyan pa kayo sa mga susunod ko na stories, thank you and God bless everyone ...
2024-05-26 16:47:45
0
user avatar
ROSENAV91
may update na, sa pagmamadali baka may mali ... hinahabol ko kasi ang calendar ng ud, anyway edit ko lang yan soon, and thank you dear readers ...
2024-05-18 00:02:17
0
user avatar
ROSENAV91
thank you my dear readers ... malapit na po itong matapos , salamat sa pagbabasa at magandang feedback ...
2024-05-14 20:23:09
0
default avatar
laysamaesuleik
hindi naman sguro ampon ng legaspi c izaak nu?? wala pa kc POV sa kanya dba need din ng dugo sa knya nung ma aksidente sila naka focus kc kay monique ang mga chapter sana meron din kay izaak
2024-05-05 19:40:29
1
user avatar
ROSENAV91
baka may hindi kayo maintindihan sa chapter 88, let me know para ma explain ko ng maayos sa mga susunod na chaps ...
2024-05-04 00:13:11
0
default avatar
laysamaesuleik
paanu un kung anak tlga ng legaspi c monique? tas may halikan session na cla ni izaak tas posibleng mgkapatid pala tlga sila
2024-05-03 00:03:53
1
user avatar
ROSENAV91
Hello sa mga Top Fans ...... Thank you so much ...️
2024-04-13 12:07:19
1
user avatar
ROSENAV91
abangan ang mga revelation huhu sana kaya ko ......
2024-04-11 16:41:17
1
user avatar
ROSENAV91
edit ko lang kapag may chance ang mga mali na spelling or word ang chapter 75 ... nagmamadali kasi, huhu
2024-04-10 00:04:48
1
  • 1
  • 2
116 Kabanata
CHAPTER 01
CHAPTER 01CALL ME, KUYA!“Sure ka na ba Budang na nasa folder na ang lahat na kailanganin ko mamaya?” Tanong ko sa kaibigan ko na si Budang. Nickname niya iyan hanggang nasanay na rin na ganyan ang tawag namin sa kanya, lalo na ako. Maaga akong pumunta sa bahay nila para lang ayusan ako. Maalam kasi siya mga make-up, ako naman tamang suklay lang ng buhok at lagay ng baby powder ay ayos na sa akin, unlike now. Kailangan nasa tamang ayos ako at hindi mukhang losyang o tita. Eh, paano kasi, ngayong araw ay magbabakasakali na ako na matanggap sa trabaho, and for the first time kasi mag-aapply ako ng trabaho sa building na nadadaanan ko minsan tuwing gabi at ayon nga sa karatula na nakalagay sa labas ng gate na naghahanap sila ng secretary. Isa iyon sa pangarap ko na maging secretary at ma inlove sa akin ang amo ko. Ay mali... mali pala...basta dream ko talaga siya. At dahil magdadalawang buwan na yata na nakapaskil iyon sa labas at lagi kong nababasa kaya naisip ko na baka ako na
last updateHuling Na-update : 2023-12-20
Magbasa pa
CHAPTER 02
CHAPTER 02CALL ME! KUYAAkala ko ako lang ang mag-aapply sa araw na ito, marami pa pala kami at iyong nasa unahan ay nakasalang na sa interview at iyong iba ay naghihintay pa lamang na tawagin ang pangalan nila. Narito kami sa 3rd floor, nasa bakanteng office kami nakahilera para sa sunod-sunod na interview. May kumukuha na staff ng mga bio data namin at pagkatapos ay isa-isahin na lang kami ng tawag. First time ko ito kaya kabado bente. Kinuha ko ang biscuit sa aking maliit na kulay black na bag at nilantakan agad ito. Bigla akong nagutom eh. Ganito ako kapag kinakabahan, kailangan ko ng may kinakain o manguya para mawala ang kaba ko. Marami pa kami na mag-aapply na nasa mahigit yata twenty ka applicants siguro kami at ngayon pa lang nakikita na ang kaba sa mga mukha ng mga kasamahan ko. Gusto kong makipag kaibigan pero ayaw naman yata sa akin kaya hindi ko na lang pinapansin kaysa makita ko ang mga mukha nila kung paano ako irapan. Akala mo naman makukuha kayo sa trabaho dahil
last updateHuling Na-update : 2023-12-22
Magbasa pa
CHAPTER 03
CHAPTER 03CALL ME, KUYA!Pagkarating ko sa pila ay nanlumo na lamang ako na wala na rito ang kasunod ko na babae na nakapila, nakapasok na raw sa loob at nakasalang na sa kanyang interview, samantalang ako? Ito at wala ng ibang choice, kaya ang ending ay nasa panghuli na ako na kapila. Alangan naman makipag-away pa ako sa next no’ng katabi ko kanina, baka mapaalis ako sa building na wala sa oras at nasa tabloid pa ang mukha ko na may caption nakipagsuntukan sa interview.Pang-artista itong mukha ko hindi pang kulungan kaya kailangan maingat ako sa mga kinikilos ko, dapat mahinhin at hindi makapagbasag pinggan ang boses at kilos ko.Nakakahinayang man dahil chance ko na sana iyon para matapos na ako at makauwi na kung hindi man palarin sa interview. Tiisin ko na lang muna dahil baka malay natin, nasa huling pila ang totoong halakhak.“Unique Mahinhin?" Narinig kong natawa ang babaeng kakatapos lang na mag-interview dahil sa tinawag ng ginang sa akin. Anong problema sa apelyido ko? K
last updateHuling Na-update : 2024-01-07
Magbasa pa
CHAPTER 04
CHAPTER 04CALL ME, KUYA!“Anak galing ka sa pagod, ipabukas mo na lang kaya ang pagbebenta mo?" Sambit ng papa ko habang hinahanda ko na ang dadalhin ko mamaya para maglibot ng balut sa kabahayan.“Tatay naman, kaya ko na ito at isa pa nakapag-pahinga na po ako kanina pagdating ko sa bahay, diba? Kaya hindi na ako inaantok at malakas na po ang katawan ko para sa pagbebenta mamayang gabi ng mga balut na ito, agahan ko na lang para mas maagang matapos.” Paliwanag ko pero ang mukha ni papa ay hindi na naman ma drawing."Natatakot lang ako anak, dahil alam mo na.” sambit niya habang malungkot. "Alam ko na po iyan tatay pero huwag po kayong mag-alala, nakarating na po ako ng taon bilang balut vendor and so far buhay pa rin ako, di po ba?” Sabi ko habang nag-beautiful eyes kay papa. Kaya napailing na lang siya. “Ano ang pinag-uusapan niyong dalawa habang wala ako ha?" Napalingon kami ni papa sa pinto na pumasok si mama. Galing siya sa labas ng bahay at nagdidilig ng mga halaman niya.“It
last updateHuling Na-update : 2024-01-09
Magbasa pa
CHAPTER 5
CHAPTER 05CALL ME, KUYA!“Ikaw na naman? Aba! Sa dami ng tao sa paligid mukha mo na naman ang nakikita ko.” Matalim akong nakatingin sa kanya at ganoon din ang tingin n'ya sa kin. Inaamin ko, gwapo siya, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, makapal na kilay at nakasimangot na noo at–”“And who are you?" Who are you pa nga? Jusko ko, hindi niya ba ako kilala? I mean, hindi niya ba namukhaan ang mukha ko? Sa ganda kong ito ay for sure, hindi ako makakalimutin sa unang tingin pa lang, tapos siya? Cannot be.“You don't even remember me? Di ba ikaw naman ang pumasok sa cr last time na sinita ko habang nag-apply ako sa building noong isang araw? Malapit sa-"“That girl?" Aba! Ganyan lang ang reaction niya.“Oo, that's me. The prettiest and lovable, Unique." pambobola ko at malay ko, bibili rin siya ng balut kapag naging maganda ang usapan naming dalawa. "Well, likewise, Miss. Hindi kita kilala at matandaan at isa pa that was a male cr, not for the female.”"Eh di sana, hindi ka mu
last updateHuling Na-update : 2024-01-14
Magbasa pa
CHAPTER 06
CHAPTER 06CALL ME, KUYA!“Anak nariyan ka na pala, mabuti at maaga kang nakauwi, mabuti iyan.” Nasisiyahan na sabi ng papa ko pagbukas ko ng pinto. Lumapit ako at nagmano sa kanilang dalawa ni mama na naghihintay talaga sa akin sa sala. Nanood sila ng tv. “Oo nga po pa, ma. Sa awa po ng Diyos, naswertihan lang ngayong gabi, ito po ang kita ko mama and papa." Inabot ko sa kanila ang kita ko na pera, na itabi ko na iyong sukli ni bossing kung sakaling bumalik siya mamaya kung maaalala o di kaya bukas o kailan ba niya maisipan. Alam naman niya ang bahay namin.“Thank you anak, hindi namin alam kung paano ka namin pasasalamatan dahil ikaw na tuloy ang naghahanap buhay na para sa amin, kayo ng mama mo.” Ito na naman si papa sa kanyang mga salita na sinisisi ang sarili niya."Papa ha, isa pang word na ganyan, mas lalo pa akong magtatrabaho, sige ka.” Banta ko na ikasimangot naman niya."Sorry, hindi ko lang mapigilan, huwag kang mag-alala dahil kapag naging maayos na ang lagay ko, babawi
last updateHuling Na-update : 2024-01-15
Magbasa pa
CHAPTER 07
CHAPTER 07CALL ME, KUYA!Maaga akong nagising dahil marahil sa sobrang excited ko. Yes! Excited na makapasok sa unang trabaho na inaaplayan ko sa isang kompanya ng mga Legaspi. Tulog pa sina mama kaya ako na muna ang magluluto ng agahan namin. Niligpit ko ang higaan ko at pumunta ng banyo para maghilamos. Nagluto ako ng isdang tilapia na binili kahapon ni nanay, babaunin ko kasi ang iba sa trabaho ko dahil hindi naman libre ang pagkain. Pagkatapos kung magprito ay naggisa na rin ako ng sitaw na may konting oyster sauce para may gulay si papa mamaya sa kanin niya and of course dahil isa ito sa favorite ko kaya ito…dinamihan ko na dahil magbabaon din ako pares ay ang pritong isda.Pagkatapos kong magluto ay nilagay ko muna sa lamesa at tinakpan habang hinihintay ang sinaing na kanin. Nagwalis na muna ako sa kwarto ko at sa sala para paglabas nila ay maayos na. At dahil tulog pa rin sila hanggang ngayon at talagang maaga akong nagising, dahan-dahan ang bawat kilos ko para hindi sila m
last updateHuling Na-update : 2024-01-18
Magbasa pa
CHAPTER 08
CHAPTER 08CALL ME, KUYA!Akala ko maging secretary ang trabaho ko pero tagalinis ng office pala. Well, wala namang problema iyan sa akin, dahil kahit sabihin na mas malaki ang sasahurin mo bilang secretary o nasa mataas na position sa trabaho ay ang mahalaga ay may trabaho ako, may kikitain ako, may hihintayin ako na sahod sa kinsinas o katapusan ng buwan kaysa naman, maging tambay lamang sa aming barangay, tulad sa kakilala ko sa amin. Tambay na nga, ang lakas pa magyaya ng tagay. Baliw ba.“At ito ang maging area niyo sa paglilinis, dito sa 24th floor, dalawa kayo Daisy and Carol, dapat maaga palang ay malinis na sa opisina na ito at sa hapon pagkatapos ng office hours ay malinis niyo dapat ang buong area. Are we clear?” Sambit ni Mrs Rival: the office manager.“Yes, Mrs Rival!" Sabay din akong sumagot sa kanila Kahit hindi naman ako kasali sa 24th floor. Nakasunod lang kami kay madam at iniintindi ang mga sinasabi niya. But wait, saan pala ako? Don't say uuwi ako nito dahil hind
last updateHuling Na-update : 2024-01-20
Magbasa pa
CHAPTER 09
CHAPTER 09CALL ME, KUYA!Halos ilubog ko ang sarili ko sa carpet dahil hiyang-hiya sa hindi pagkakakilanlan sa boss ng building na ito at narito lang pala siya sa harapan ko. Matagal ko ng nakikita pero ngayon ko lang alam na siya ay isang boss. Bakit hindi muna ako nagsearch sa company na ito, napahiya ko tuloy ang sarili ko. Tapos inaaway ko pa siya noong unang kita namin sa… saan ba iyon… omg sa banyo nga. Hala! Lagot! Sana hindi niya maalala para hindi ako mapaalis, bago ko pa lang. “Are you both done in my office?" Tanong niya sa baritong boses, ibang-iba sa nakasanayan ko kapag nagsasalita siya noong isang gabi na bumili siya ng balut sa akin.Ngayon ay may awtoridad ang bawat kilos niya at pananalita. Napalunok ako ng sariling laway dahil sa hindi makapaniwala na nasaksihan. Ang nasa isip ko lang kasi ay ang magiging trabaho niya at paano trabahuin ang trabaho na ibinigay niya sa akin. Ang akala ko kasi, isang matandang lalaki ang CEO ng isang kumpanya na nasa edad 40 pataas
last updateHuling Na-update : 2024-01-20
Magbasa pa
CHAPTER 10
CHAPTER 10CALL ME, KUYA! “Ano na? Ano ba ang nangyayari sayo riyan at parang dinaganan ka ng lupa at langit dahil sa mukha mong hindi maipinta." Sambit ni Budang sa akin.Mas lalong lumakas ang pagbuntong hininga ko para kahit papano, mawala ang sikip ng dibdib ko.“Ay, grabe yon ha! Ang lalim, bakit ba? Ano na ang nangyari sa trabaho mo for one week, maganda ba ang resulta? Mabait ba ang boss mo?” Tanong ulit nito."Nasa condo unit ulit kami ni Budang at kasamahan namin para maglinis tulad ng dati, kinsinas at katapusan pa ng buwan ang sahod ko bilang cleaner sa company ng mga Legaspi kaya sumama ako kay Budang ngayong Sabado dahil sayang naman ang pera na kikitain ko rito kahit extra lang ay malaking tulong na rin kahit papano.“Ayon nga, ok naman ang trabaho ko, mabait naman ang mga ka trabaho ko."“Iyon naman pala eh, so, ano ang problema sa mukha mong nakasimangot at parang birnes santo? Gusto mo agad maging linggo para makabalik ka na agad ng office at magkita ulit kayo ng amo
last updateHuling Na-update : 2024-01-20
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status