Share

Chapter 59

ILANG minuto nang gising si Gwen, nakatitig lang siya sa asawa. Basa pa ang pilik-mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Lahat ng sinabi nito'y dinig na dinig niya. Nagising siya nang maupo ito sa tabi niya. Gusto na sana niyang magmulat ng mata, ngunit may kung anong nag-udyok sa kanya na manatiling nakapikit. At mukhang alam na niya kung bakit. Ilang beses na itong humingi ng tawad sa kanya at sa tuwing humihingi ito ng tawad ay tila may pagdadalawang-isip siyang nararamdaman. Ngunit ngayon, wala na. Totoo ngang nagbago na ito na labis niyang ipinagpapasalamat sa Maykapal. Mukhang hindi pa ito titigil sa pagdrama kaya umungol na siya sa paraang hindi nito malalamang gising na siya.

Hindi rin niya maipaliwanag ang ligayang nadrama dahil nasa sinapupunan niya ang punla nito. Hindi niya maalala kung paanong nangyari, pero kung ano pa, tiyak na masaya siya nang mga sandaling 'yon. Finally, nagbunga rin ang mahabang pagtitiis niya sa piling nito, ang irespeto bilang asawa, bo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status