Share

Chapter 47

Nakaukit ang malaking ngiti sa labi ni Gian nang lumabas siya sa banyo. He even touched his lips, iyon ang unang halik niya matapos bumalik ang alaala ng asawa. Nangamba rin naman siya na baka ay magalit ito sa kaniyang ginawa. Kanina, nang sundan niya ito sa itinurong lugar ng driver ay inisip na niya ang dapat sabihin at kung ano ang mangyayari. Pero laking gulat nang makitang si Vic ang kausap nito. Wala talaga siyang tiwala sa lalaking iyon. Ewan ba niya kung bakit, o baka'y nagseselos lang siya.

Natigil ang kaniyang pagmumuni-muni nang marinig ang katok. Agad siyang lumapit sa pinto upang buksan iyon.

"Pasok ka na, Tina, pakilagay mo na lamang sa ref. Salamat." Ngumiti siya rito. Ginawa niya ang lahat para muli itong bumalik sa mansiyon. Katakot-takot na sorry ang nasambit niya rito sa mga nagawa noon.

"Si Gwen?"

"Naliligo pa siya."

Seryoso itong tumitig sa kaniya. Alam naman niyang galit pa rin ito magpahanggang ngayon sa kaniya at umaasa rin siya na sana'y mapatawad siya nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status