“First Love Never Dies,” sabi nila. Kaya naman kahit lumipas na ang ilang taon ay iisang babae pa rin ang nasa puso't isipan si Andrew Herras, iyon ay ang ex-girlfriend niyang si Mara Salandanan. Ikakasal na sana ang dalawa noon, ngunit hindi sumipot ang nobyo sa araw ng kanilang kasal at simula noong araw na iyon ay hindi na nagpakita o nagparamdam pa si Andrew kay Mara. Nagsimula siyang magalit sa kanya. Kinamumuhian niya ito na halos gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo na sana hindi na lang niya nakilala si Andrew. Pagkatapos ng maraming araw, buwan at taon. Pinagtagpo ulit sila ng tadhana. Pero sa mga sandaling iyon, nakahanap na siya ng iba. Alam niyang ikakasal ito sa ibang lalaki at alam din niyang mas better ang lalaking ipinalit nito sa kanya. Ngunit hindi pa ito ang huling kabanata para sa kanilang dalawa ni Mara. Dahil si Andrew, naniniwala na hindi pa huli ang lahat para makabawi siya sa mga pagkakamaling nagawa niya noon sa dating kasintahan. Mapipigilan ba niya si Mara na magpakasal sa iba? O tuluyan na siyang buburahin ni Mara sa kanyang puso at alaala? *** PAINFULLOVE 2021AllRightsReserved_CAT LYN
view more"Paniguradong masaya na si Lolo Andrew, kung nasaan man siya ngayon." Ang winika ni Juanito sa kaniyang nobya habang nakatayo ito sa harap ng puntod ni Andrew."Siya nga pala, maaari ba akong magtanong tungkol sa lolo mo?" usisa ni Maria sa kaniya."Oo naman. Ano ba yung itatanong mo?" nakangiting saad nito sa kaniya."Bakit dito inilibing ang lolo mo, imbis sa tabi ng asawa niya?" tanong niya, sabay inakbayan siya sa balikat ni Juanito."Ang totoo niyan hindi talaga sila ikinasal dalawa. Nabuntis si Lola noon ng ex boyfriend niya at hindi siya pinagutan nito. Tinakbuhan siya nito at nagtago sa malayong lugar kung saan hindi siya mahahanap ni Lola." Ang tinugon niya sa kaniya."Ibig mong sabihin, hindi niya tunay na anak ang Papa mo?" aniya at saka naman tumango sa ulo si Juanito."Hindi man niya tunay na kadugo si Dad, pero itinuring niya kami na parang tunay niyan
(Andrew's Epilogue)Nabalitaan ko na lang mula sa mga dati naming mga kakilala at kaibigan noon, na namaalam na si Mara.Huli na nang malaman ko ito at limang taon na ang nakakalipas magmula ng pumanaw siya.Pasikreto akong tumungo sa puntod niya na walang ibang kasama, kun'di ako lamang mag-isa.Matanda na kasi ako at hindi na rin gaanong kalakasan ang mga buto't laman ko. Makalimutin na din ako at palagi akong naliligaw ng daan, kaya madalas akong sinasamahan ng apo kong si Juanito.Pero nung nalaman ko ang tungkol kay Mara ay inilihim ko sa kaniya ang plano kong pagpunta sa puntod niya.Ayokong makaabala pa sa kaniya lalo na't marami rin siyang inaasikaso tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan niyang si Maria.Sa araw na iyon ay tumakas ako sa bahay namin. Dala ang lumang pitaka ko na halos magsasampung taon na at isang pirasong rosas na binili ko lang sa batang naglalako ng
(Epilogue)"Masyado ba kitang pinaghintay ng matagal?" Bigla na lang napalingon si Mara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig."Ethan?" aniya na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Gumuhit naman ng malawak na ngiti sa labi ang binata at saka ito humakbang palapit sa kaniya. Halos natulala naman si Mara at hindi makapaniwala nang muli niyang masilayan ang mukha ni Ethan."Patawad kung pinaghintay kita ng kay tagal." Mahinang sambit nito sa kaniya.Bigla naman tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Mara, habang pinagmamasdan niya si Ethan."Siya nga pala, para sa pinakamamahal ko." Dugtong nito sabay inilabas mula sa likod niya ang isang palumpon ng mga rosas.Tinitigan muna ito ni Mara at saka siya gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi."Namiss kita ng sobra, Mara. Patawad kung iniwan kita ng mag-isa at pinaghintay
Mara's POVSumapit ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ethan, ang araw ng kasal naming dalawa.Kahit bumigay na rin ang kaniyang katawan at hindi na siya nakakakita pa ay tinuloy pa rin namin ang aming kasal. Hindi ako umalis sa tabi niya, katulad ng mga ipinangako ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at binantayan minu-minuto, oras-oras. Ayokong mawalay siya sa aking paningin kahit isang segundo lang o kahit sa isang kisapmata. Kung minsan ay napapaiyak na lang ako sa loob ng banyo at tinatakpan ang aking bibig, upang mailabas ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nalaman ko na lang din na tumungo na si Andrew sa ibang bansa, upang kamtin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang professional photographer.Hindi na rin siya naka-attend pa ng kasal naming dalawa, marahil ay dahil ayaw na rin niya akong makita pa. Pagkatapos kong bitawan sa kaniya ang masasakit na salitang iyon at mas nakakabuti na rin iyon para sa ikatatahimik naming lahat.
Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil
Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan
"Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa
Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa
Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni
“Ma’am Mara, nandito na po yung sample gowns na pinagpipilian niyo kanina.” Ani ng sales clerk sa kaniya. “Ah gano’n ba?” sandali siyang tumayo at sumunod siya sa sales clerk patungo sa mga wedding gowns na pinagpilian niya kani-kanina lang. Halos napanganga na lang siya nang makita niya ang mga gowns. Kumikinang kasi ito sa ganda at malakas maka-fairytale princess nito kung susuotin niya. “Gusto ko silang lahat.” Aniya sabay nilapitan niya ito isa-isa. Bigla naman nag-ring ang cellphone niya at nakita sa phone screen na si Ethan pala ang tumatawag, her fiancé. ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments