Home / Romance / Painful love / Kabanata 3

Share

Kabanata 3

Author: Señorita
last update Last Updated: 2021-08-28 14:02:07

Pasensya ka na, may naalala lang kasi akong tao na kahawig mo." Ani ni Mara kay Andrew, habang pinupunasan ang luha sa mata niya.

"Ahh kaya pala, well it's alright. Madalas nga rin nila akong pagkamalan ng ibang tao. Siguro importante siya sa buhay mo kaya bigla ka naging emosyonal."

Hindi ba talaga niya ako na-aalala? tanong ni Mara sa kaniyang isipan habang nakatingin siya kay Andrew.

"By the way, nagustuhan ko yung mga wedding gowns na napili mo. Siguro puwede natin gamitin yung iba para sa photoshoots niyo." Ang sabi ni Andrew sa kaniya pero tila naglalayag ang isipan nito at nakatitig lang siya sa binata.

"Okay ka lang ba, Ms. Mara? nga pala, baka nagtataka ka kung bakit ako nandito—"

"Yes, i already know. Pinapunta ka rito ng fiancé ko, hindi ba?"

 "Ye-yes, your fiancé." Naiilang niyang sabi at iniwasan niya kaagad ng tingin si Mara.

Paano siya naaksidente? anong nangyari sa kaniya? saan at bakit? kamusta na kaya siya ngayon? maayos na kaya ang kalagayan niya? halo-halong katanungan sa kaniyang isipan.

"I think mas bagay ito sa'yo," sabay itinuturo ni Andrew yung fitted gown sa kaniya.

"Gusto mong i-try ko?" pagkasabi ay bigla niya pinakuha yung gown at kaagad siya nagtungo sa fitting room.

"Ah wait!" tawag niya pero agaran naman itong nakapasok sa loob. Kaya hinintay na lamang niya itong lumabas at inaayos ang kaniyang camera.

Kamusta na kaya siya? ano ba kasing aksidente ang nangyari sa kaniya? bakit hindi man lang nila ipinaalam sa akin ang tungkol doon? bulong niya sa sarili habang namumugto ang kaniyang mga mata.

Sandali siya napaupo sa sahig at kahit anong pilit niyang paatrasin ang luha niya sa mata ay kusa pa rin itong tumutulo. Napapaluha na lang siya bigla kapag na-aalala niya ang mga sinabi nito sa kaniya kanina lalo na ang tungkol sa pagkawala ng alaala nito.

"Tumigil ka na nga, Mara. Ikakasal ka na! malapit ka nang ikasal kaya kalimutan mo na rin siya!" mangiyak-ngiyak niyang sabi sa sarili habang nakatingin siya sa harap ng salamin.

"Bakit parang ang tagal naman yata niya?" sabay napatingin naman sa relo si Andrew at palakad-lakad siya habang naghihintay sa paglabas ni Mara.

"Ano naman kung naaksidente siya. Ano naman kung nawala ang mga alaala niya. Hindi ba't mas maganda nga 'yon dahil hindi niya ako makikilala pero bakit ka pa rin umiiyak, Mara? nakaraan mo na nga siya hindi ba? nakalimutan ka na niya. Nakalimutan na niya ang lahat-lahat sa inyong dalawa. Hindi ka na niya natatandaan pa, kaya kalimutan mo na rin siya." Aniya sa sarili at patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang mga luha sa mata.

Matiyaga namang naghintay sa labas si Andrew, habang isa-isa niyang kinukuhanan ng litrato ang mga wedding gowns na napili nito kanina.

Maya-maya lang ay lumabas na ito at suot ang fitted gown na itinuro niya kay Mara. Dahan-dahan namang napalingon ang binata sa kaniya at halos natulala siya sa kagandahan nito, lalo na nung isinuot niya yung gown.

Pinicturan naman niya ito kaagad at nilapitan niya si Mara.

"Look, i think mas lalong mai-inlove si sir. sa'yo kapag nakita niya ang picture na ito, hindi ba?" ang sabi ni Andrew at ipinapakita niya yung litrato ni Mara na naka-wedding dress, ngunit hindi ito nakikinig sa kaniya bagkus ay nakatingin lang ito sa mukha niya.

"Anong masasabi mo, miss Mara?" aniya at napalingon siya sa dalaga na may pangingilid ng luha sa mata.

"Are you alright, miss Mara?" tanong niya at saka niya ito inaabutan ng panyo. Subalit tinanggihan lamang siya nito at bumalik na lang sa loob ng fitting room.

Umupo siya sa loob non at isinandal ang kaniyang ulo sa pader habang tinatakpan ang kaniyang bibig upang hindi siya marinig nitong umiiyak.

"Miss Mara, may pupuntahan lang ako sandali. Don't worry, babalik rin ako kaagad." Rinig niyang sabi ni Andrew mula sa labas ng fitting room.

Ilang saglit lang ay humupa na ang bigat sa kaniyang dibdib. Nagbihis na siya kaagad at narinig niyang nag-ring ang cellphone niya.

 

Pagkatingin niya sa phone screen ay nakita niyang si Liza pala ang tumatawag, ang bestfriend niya.

 

"Hello, Liza? nasaan ka ngayon? tara punta tayo sa-" sandali siyang natigilan sa pagsasalita nang marinig niya ang mabigat na paghikbi ni Mara mula sa kabilang linya.

"Mara? ayos ka lang ba?" nag-aalalang ani ng dalaga sa kaniya.

"H-hindi." Humihikbing aniya.

"Nasaan ka ngayon? pupuntahan kita diyan. Sabihin mo nasaan ka?"

"Liza, anong gagawin ko? nakita ko siya."

"Nakita? sino?" usisa nito.

"Aliza, naguguluhan ako. Parang gusto kong maawa sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit. Pero hindi pwede. Dahil nakalimutan na niya ako. Anong gagawin ko, Liza?" aniya kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mata.

Samantalang nasa gilid naman si Andrew at tahimik na nakikinig sa kaniya. Napayuko na lamang ito at syaka naglakad palabas ng shop.

***

From the past

(ANDREW's POV)

Habang naglalakad ako ay may napansin akong isang babaeng estudyante na lumabas mula sa classroom namin.

Siguro mga 6:30 am pa lang non at madalas din na ako palagi ang nauunang pumasok sa klase namin. Nakasanayan ko na rin kasi ang pumasok parati ng maaga at dahil ito lang din ang free time ko upang makapag-isip isip.

Masyado na kasing toxic sa loob ng bahay namin, palagi na lang nag-aaway ang mga magulang ko at kaunti na lang talaga ay malapit ko na din maranasan ang pagkakaroon ng broken family. Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay may napansin akong parang maliit na envelop na nakapatong sa upuan ko.

"Ano ito?" tanong ko sa sarili sabay ibinaba ko sandali ang aking bag sa upuan. Nagtungo ako malapit sa may bintana para itapon sana ang bagay na iyon, pero naisip ko na hindi lang ito ang unang beses na nakatanggap ako ng ganito.

Kaya naman binuksan ko iyon at nakita kong may stationary paper sa loob. 

"So, love letter pala para sa akin?" binasa ko yung nakasulat at naisip ko na baka yung babaeng nakita ko kanina at yung taong laging nag-iiwan sa akin ng kung anu-ano sa aking locker ay iisa lang?

Bumaba ako sandali sa may locker room at may nakita na naman akong isang babae na kahawig din sa babaeng nakita ko kanina sa classroom. Binuksan ko kaagad yung locker ko at katulad ng dati ay may palagi akong nadadatnan na vitamilk sa loob.

Kung hindi vitamilk, chocolates or kung anu-ano pang mga pagkain na paborito ko.

Gayunpaman ay binalewala ko lang ito nuon dahil hindi ko rin naman madalas ginagamit yung locker ko. Pero ngayon ko lang naisip, paano niya pala nalaman ang password nito?

Sumunod na araw ay naisipan kong pumasok ng mas maaga pa at syaka ako nagtago sa pinakadulong upuan, upang abangan yung babaeng palaging nag-iiwan ng sulat sa aking upuan.

 

Ilang minuto lang ay narinig kong bumukas na yung pintuan. Sumilip ako ng bahagya at nakita kong patungo na naman siya doon sa upuan ko.

Pinakatitig ko ng maigi ang kaniyang mukha pero hindi ko talaga siya makita. Nakasuot siya ng itim na sumbrero at nakatakip ng mask ang bibig niya.

Alam kaya niyang nandito ako kaya nag-disguise siya?

Pagkaalis niya ay lumapit ako sa aking upuan at may nakita ulit akong love letter.

Siya nga na yung babaeng hinahanap ko. Sinundan ko siya sa labas pero bigla naman siya nawala.

Kaya naisipan kong bumaba na lang ulit sa locker room dahil baka doon siya patungo ngayon. Pagkarating ko doon ay nadatnan ko namang paalis na siya, kung kaya't tumakbo ako na ako upang lapitan siya. 

"Sandali lang!" sigaw ko habang hinahabol ko pa rin siya pero bigla ko naman nakasalubong si Mina, nakasumbrero din itong kulay itim gaya ng babaeng nakita ko sa classroom.

"Andrew?" gulat niyang sabi.

"Ikaw, Mina?"

Noong una inakala kong si Mina nga ang babaeng iyon. Pero may nakalimutan pala akong detalye tungkol sa kaniya. Naka-mask nga pala ang bibig niya at saka ko lang din napagtanto na walang suot na mask si Mina ng araw na iyon.

Pagsapit ng hapon ay bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Nakasilong lang ako sa isang tabi habang naghihintay sa pagtila ng ulan.

Maya-maya lamang ay may biglang huminto sa harapan ko at naka-bisikleta siya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng PE uniform ng aming school habang nakasumbrero siya ng kulay itim at mask.

Lumingon siya sa akin at inabutan niya ako ng payong. Nagtama ang mga tinginan namin sa isa't-isa at tanging yung mata lang din niya ang nakikita ko dahil naka-mask ang bibig niya. 

Siya ang babaeng 'yon! nagulat ako nang mapagtanto kong siya na nga ang babaeng iyon na madalas nagpupunta sa classroom namin. Pipigilan ko sana siya pero kaagad din naman siyang nakaalis pagkatapos niyang iabot sa akin yung payong.

Sumunod na araw, tuwing naglalakad ako sa campus ay napapalingon na lang ako sa mga babaeng nakakasalubong ko. Nagbabakasakaling makikita ko siya doon. Palagi ko rin dala-dala yung payong niya para kung sakaling magkita kami ulit dalawa ay mapasalamatan ko man lang siya ng personal.

Habang naglalakad ako patungo sa principal office ay may bigla naman akong natamaan ng bola sa likod ng aking ulo. Na-out of balance ako at napahiga na lang sa lupa.

"Ayos ka lang ba? sorry, sorry talaga hindi namin sinasadyang matamaan ka." Paulit-ulit niyang sabi sa akin habang nanlalabo pa ang mga paningin ko dahil sa lakas ng pagkakatama ng bola sa akin.

Pero ilang sandali lang ay unti-unti ko nang nakikita ang kaniyang mukha. Nakahiga pa rin ako habang nakayuko naman siya sa akin.

Natulala na lang ako nang makita ko ang mga mata niya at dahan-dahan kong itinaas ang aking kanang kamay upang takpan ang bibig niya.

I found her! bulong ko sa aking isipan.

"Mara, ayos lang ba siya?" biglang lingon niya sa babaeng tumawag sa kaniya.

I finally found you!

***

Nang mapagtanto ni Andrew na si Mara pala ang nag-iiwan ng love letter sa upuan niya at naglalagay ng gifts sa loob ng locker niya ay naisipan nitong kilalanin ng maigi ang dalaga at hindi din niya pinaalam ang kaniyang nalalaman. Bagkus ay itinatabi pa niya ito sa iisang lalagyan  at maingat na tinatago sa isang maliit na box. Kung dati-rati ay naiinis siya sa tuwing nakakatanggap siya ng love letter, ngayon naman ay halos inaabangan na niya ang bawat sulat nitong iniiwan sa kaniyang upuan.

Subalit magmula nang kumalat ang chismis tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Robin ay hindi na rin siya nakakatanggap ng sulat mula sa dalaga. Palagi pa din itong nag-iiwan ng gifts sa locker niya pero madalang na lang din. Kaya bigla siyang nakaramdam ng pangamba at kinutuban na baka nahulog na nga siya ng tuluyan kay Robin.

Kaya naman napagpasyahan niya na mas lumapit pa sa dalaga upang makuha din niya ang kalooban nito.

"Mina, pakibigay mo nga itong libro sa secretary ng last sections. At pakisabi na rin na isulat sa blackboard yung pahinang inipit ko d'yan." Utos ni ginang Enriquez sa dalaga at saka rin ito umalis.

 

 

Nadinig naman ni Andrew ang inutos ng guro nito sa kaklase niyang si Mina, kung kaya't kaagad siyang napatayo at lumapit sa dalaga.

"Mina!" tawag niya at mabilis naman itong napalingon sa kaniya.

"Andrew, bakit?" tanong niya.

"Pupunta ka sa last section?" aniya sabay tumango lang ng ulo si Mina at tinalikuran na siya.

"Ako na lang ang magdadala n'yan doon." Biglang sabi niya kaya natigilan sandali ang dalaga sa paglalakad.

"Huh?" lingon nito na may bakas na pagtataka sa mukha.

"A e, kasi papunta din ako ngayon doon." Kinakabahang aniya habang iniiwasan niya ng tingin ang dalaga.

"Ikaw? pupunta sa last section?" nagtatakang aniya sa binata at tumango lang ito ng ulo. Sandaling napailing ng ulo si Mina at saka niya inabot yung libro sa binata. Halos napangiti pa ito ng abot tenga at parang nagmamadaling magtungo sa classroom ng last section.

Nakasunod pa rin siya ng tingin kay Andrew at napapaisip sa kakaibang ikinikilos nito. Madalas lang kasi itong nakaupo sa upuan niya ng magdamag hanggang sa matapos ang klase nila. Madalang lang din siyang lumabas ng classroom, pwera na lang kung pupunta siya ng restroom, library o kung may pinapautos sa kaniya.

At sa pagkakaalam niya ay hindi ito nagtutungo sa kung saan-saang classrooms, lalo na sa last sections. Na nasa pinakadulo at taas ng building. Pero sumagi din sa kaniyang isipan na baka may importante lang talaga siyang sasadyahin sa last sections, kung kaya't tumalikod na siya at naglakad pabalik sa loob ng classroom nila.

Samantalang, pagkatapos naman ibinigay ni Andrew yung libro kay Mara ay tumalikod na siya at naglakad pababa ng hagdanan na may ngiti sa kaniyang labi.

 

"Hi, Andrew." Ngunit binawi din naman niya kaagad ang ngiti sa labi nang makasalubong niya si Robin.

Sandali nga lang, bakit siya nandito? bulong nito sa kaniyang isipan at mabilis siyang napalingon sa binata.

 

"Saan ka pupunta?" saad niya habang nakahawak siya sa braso nito. Napalingon naman si Robin kay Andrew at tumingin sa kamay nitong nakahawak sa kaniya.

"Teka, alam ko naman na ikaw ang student president nitong school- pero dapat bang ipaalam ko pa sa'yo ang bawat kilos ko at kung saan ko gustong pumunta?" ang sabi nito sa kaniya at saka siya tinalikuran nito. Tumalikod na lang din siya at tipong pahakbang na sana siya pababa ng hagdan pero sandali siyang natigilan.

Sandali. Hindi kaya si Mara ang pupuntahan niya? paglalayag nito sa kaniyang isipan at muli siyang napalingon kay Robin.

"She's mine." Ang salitang bigla na lang bumigkas sa kaniyang bibig. Napahinto naman sa paglalakad si Robin at ngumisi sa kaniyang labi. Sandali niyang nilingunan si Andrew at pinamulsa ang dalawa niyang kamay sa pantalon.

"Who are you referring to? the cheerleader that i know or the woman i'm thinking right now?" nakangisi pa rin na sabi niya at tipong tatalikuran na sana niya ito pero mabilis namang sumagot si Andrew sa kaniya at sinabing...

"Who do you think i am referring to?" sa sinabi niyang iyon ay sandali silang natahimik dalawa habang mainit ang tinginan nila sa isa't-isa.

 

"Well, hindi naman ako manghuhula para hulaan yung tinutukoy mo. But don't worry because i don't mess up with other people's business and because i only bother myself with important things. Maiwan na kita, mister school president." Mariin nitong saad sa kaniya at saka na siya naglakad patungo sa classroom nina Mara. Wala nang nagawa pa si Andrew at nakasunod lang siya ng tingin sa binata habang nakakuyom ang kaniyang kamao.

Pagkarating naman ni Robin sa classroom ng dalaga ay binalibag niya pabukas yung pintuan at kaagad na nilapitan si Mara. Nagulat naman ang lahat at nakasunod lang ng tingin sa kaniya.

"Hey monkey girl!" aniya sabay pinatong ang kamay niya sa desk at inilapit ang mukha niya sa dalaga.

"Monkey girl?" nakangising ani ni Mara sa kaniya.

"Hindi ba't siya si Robin na taga upper section? anong ginagawa niya rito ngayon sa classroom natin?"

"Hala? ibig sabihin totoo nga ang kumakalat na chismis tungkol sa kanilang dalawa?"

"Si Mara at si Robin?"

"Mukhang seryoso nga talaga si Robin sa kaniya."

Kaniya kaniyang bulungan ng mga kaklase niya habang pinapanood ang dalawa. Sandali naman napalingon sa paligid si Mara at napansin nga niyang nakatuon ang mga atensyon ng nito sa kanilang dalawa. Kung kaya't malakas niyang itinulak palayo si Robin at saka siya tumayo.

"Hoy, ikaw! kapag hindi mo talaga ako tinigilan, talagang babasagin ko na 'yang mukha mo!" matapang na aniya sa binata habang nakapamewang pa ang mga braso.

Pasimple namang napangisi si Robin at muling lumapit sa kaniya.

 

"I'm aware of that. Kaya nga nandito ako ngayon sa harapan mo." Saad nito sa malalim na tinig kaya sandaling napaatras si Mara at tila bigla siyang kinabahan sa mga titig nito sa kaniya.

"Hindi ba natin sila pipigilan?"

"What if kung saktan siya ni Andrew?" nag-aalalang ani ng ilang mga kaklase niya. Paatras naman ng paatras si Mara sa kaniya habang humahakbang naman palapit ang binata sa kaniya.

Nahinto na lamang siya nang mapansandal na siya sa pader at umihip ang malakas na hangin malapit sa bintana. Nang dahil doon ay biglang naalis ang magkakaipit ni Mara sa kaniyang buhok. Kung kaya't lumugay ito at bumagsak ang mahaba niyang buhok.

Natulala naman si Robin sa kaniyang nakita. Mas maganda kasi itong tignan kapag nakalugay ang kaniyang buhok at mas nagmumukha siyang babae na babaeng tignan.

Sandali nitong inangat ang isang kamay niya at hinawi ang hibla ng buhok nitong tumatakip sa kaniyang mukha. Marahan namang napatingala ang dalaga sa kaniya at gulat na nakatitig sa kaniyang mga mata.

"Mas maganda ka kapag nakalugay lang ang buhok mo." Mahinang aniya sa dalaga na biglang nagpabilis sa pintig ng puso nito.

Hindi kaagad nakapagsalita si Mara sa kaniya at napalunok lang siya ng malalim. Ilang saglit lang ay yumuko na si Robin sa kaniya at mas inilapit pa ang kaniyang mukha sa dalaga. Tipong kaunti na lang sana at mahahalikan na niya ito nang bigla naman siyang itulak ni Andrew palayo kay Mara sabay hinigit niya sa wrist ang dalaga. Napatayo at nagulat naman ang lahat sa kanilang nasaksihan. Lalo pa't nung dumating si Andrew at pinigilan niya si Robin sa kaniyang binabalak.

Maging si Mara ay hindi makapaniwala sa kaniyang nakita at napatingin na lang siya sa kamay nitong nakahawak sa kaniya. Tila umusli naman ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga at kinikilig na nakatingin sa likuran ni Andrew.

"Andrew?" gulat na sabi ni Robin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito? at saka-" hindi itinuloy ni Robin ang kaniyang sinasabi at napaturo na lamang siya sa kamay nitong nakahawak kay Mara.

"Don't tell me na... you like her too?" usisa niya na may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha. Sandali namang napatingin si Andrew sa kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa wrist ng dalaga at syaka niya ito binitawan.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" sabay lingon niya sa binatang kaharap.

"Hindi mo pa ba alam ang tungkol sa usap-usapang kumakalat sa aming dalawa? o nagmamaang-mangaan ka lang?" aniya na may pag-usli ng ngiti sa gilid ng kaniyang labi.

"Ano na naman ba 'tong gulong ginagawa mo? pati ba naman babae ay pinapatulan mo. Wala ka na ba talagang balak magtino, Robin?" ang sinabi na lang ni Andrew sa kaniya. Muli lang napangisi si Robin at saka ito lumapit sa dalawa.

"So, ito pala yung tinutukoy mo sa akin kanina? ngayon alam ko na kung sino s'ya yung binabanggit mo sa akin." Pabulong na saad ni Robin sa tenga nito.

"Pero pasensyahan na lang tayo dahil mas nauna ako sa'yo." Ang sabi pa niya sabay hinigit niya sa braso ang dalaga at napasubsob na lang ito sa dibdib niya. Nabigla naman si Mara at pilit na inaalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniya pero hindi siya nito binibitiwan. Bagkus ay puwersahan pa siyang hinila nito palabas ng classroom subalit huminto rin sila kaagad nang hawakan siya ni Andrew sa kabilang braso nito.

"Bitawan mo siya." Malumanay ngunit mariin na utos sa kaniya ng binata.

Related chapters

  • Painful love   Kabanata 4

    "Bitawan mo sabi siya. Hindi mo ba ako naririnig?" Mariin na saad ni Andrew kay Robin habang parehas silang nakahawak sa magkabilaang braso ng dalaga. Palipat-lipat naman ang tingin ni Mara sa dalawang binata at naguguluhan siya sa kaniyang gagawin. Mabilis din kumalat sa buong sections nila ang kaguluhang nangyayari sa classroom nito. Kaya naman yung iba sa kanila ay kumaripas ng takbo at tinungo ang last section upang makisyoso sa alitan ng dalawa. Nakarating din sa upper sections ang tungkol sa usap-usapang kumakalat tungkol sa tatlo. Maging si Mina ay hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman at kaagad din siyang nagtungo sa classroom nito. Pagkarating niya roon ay nadatnan na lamang niyang nagkukumpulan na ang mga studyante sa labas habang kinukuhanan sila n

    Last Updated : 2021-11-01
  • Painful love   Kabanata 5

    Pagkamulat ng mata ni Robin ay laking gulat na lamang niya nang mapagtantong wala na si Mara sa tabi nito. Palingon-lingon siya sa bawat pasaherong nakasakay roon, subalit hindi niya mahagilap ang dalaga kung saan ba ito nagtungo."Excuse me, napansin niyo ba kung saan nagpunta yung babaeng katabi ko dito kanina?" tanong niya sa dalawang dalaga na katapat lamang nito."Yes, actually kakababa lang niya at may ibang guy pa nga siyang kasama." Tugon nito na mas ikinagulat naman ni Robin. Sandali siyang napatayo at bumaba na rin siya kaagad ng bus.Tila hindi siya pamilyar sa lugar na napuntahan niya. Napansin kasi niyang may karnibal sa kabilang kalye habang maraming torista ang namamasyal sa kaniyang paligid.Patingin-tingin lang siya sa bawat taong makakasalubong niya. Kabi-kabilaan niyang hinahanap ang d

    Last Updated : 2022-01-11
  • Painful love   Kabanata 6

    Magkahawak-kamay at sabay na tumatakbo sina Mara at Andrew. Habang naiwan namang mag-isa si Robin at napatakbo na lamang siya sa ibang direksyon."Andrew!" sigaw nung mga babaeng humahabol sa kanila. "Doon kayo kay Robin at kami naman ang bahala kay Andrew." Utos ng maala-lider sa kanilang grupo. Kasalukuyang hinahabol si Robin ng apat na babae habang tatlo naman ang kay Andrew."Sandali, sino ba yung tinatakbuhan natin?" usisa ni Mara sa binatang kasama niya."Stalker!" tugon nito sa kaniya sabay hinila siya sa loob ng isang horror booth.Pagkapasok nila sa loob ay halos napakapit ng mahigpit ang dalaga sa braso nito at takot na takot siyang nakadikit sa binata."Pwede bang lumabas na lang tayo ulit?" nangingi

    Last Updated : 2022-02-23
  • Painful love   Kabanata 7

    "Bro! anong nangyari diyan sa mata mo?" tanong ni Cris kay Robin habang naglalakad ito papasok sa loob ng classroom nila. Sandali naman siyang natigilan at napatingin kay Andrew na tahimik lang nagbabasa ng libro sa upuan niya. Nilapitan niya ito at saka hinagis sa kung saan ang librong hawak nito. Nagulat naman ang lahat at napalingon sa kanilang dalawa. "Bro, ano ba ang ginagawa mo?" tanong ni Cris sa kaniya habang inaawat siya nito at hinahawakan sa braso, ngunit tinataboy lamang siya ng binata habang galit na galit itong nakatingin kay Andrew. "Damputin mo yung libro." Mahina at mariin na saad naman ni Andrew sa kaniya. "Inuutusan mo ba ako?" aniya sabay yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa binata. "Damputin mo 'yon sabi." Muling utos nito sa kaniya na magkasalubong ang dalawang kilay. Kaagad namang pinulot ni Cris ang libro nito at syaka inilapag sa arm chair niya pero muli lang itong inihagis ni Robin.

    Last Updated : 2022-02-23
  • Painful love   Kabanata 8

    (Mara's POV) It was my first kiss. Ang pangarap kong mahalikan ng isang mighty Andrew Herras ay bigla na lang natupad sa iglap. Mahigit dalawang taon ko na siyang crush. Halos punong-puno nga ng mga litrato niya ang loob ng aking kwarto. Kahit saang sulok ka man lumingon o tumingin, puro mukha niya ang mga nakadikit. Simula sa pintuan, pader, kumot, unan at kung saan-saan pa, everything is all about him. Ganoon ako kapatay na patay sa kaniya. Halos kulang na nga lang ay pati mga panty ko ay ipalagyan ko na rin ng mukha niya. Kaya madalas din akong nababatukan ng tatay ko dahil raw sa kaharutan at kalandian ko sa lalaking hindi naman daw ako kilala. Samantalang, supportive naman sa akin ang mama ko dahil type din niya si Andrew, i mean nagagwapuhan din siya para daw siyang isang modelo. I admit it, tama siya sa puntong iyon. Higit pa sa isang modelo ang hitsura niya sa personal. Para siyang isang bidang bampira sa mga hollywood movi

    Last Updated : 2022-02-23
  • Painful love   Kabanata 9

    "Nice!" sigaw ni Robin habang pinapalakpakan niya si Mara na hindi man lang maka-shoot ng bola sa ring. Huminto siya sandali at inihagis ang bola sa pilyong binata. "Bakit?" nakangising aniya sabay umupo iti sa sahig. "O bakit? suko ka na kaagad?" saad pa niya, sabay tumayo na ito at lumapit sa dalaga. "Kung suntukan lang 'yan, paniguradong mas nakakalamang na ako sa'yo ngayon." Tugon niya pero ningisian lang siya nito. "E 'di kung gano'n subukan natin." Pagkasabi niya ay napaangat naman ng ulo si Mara at nakatingin sa kaniya. "Nagbibiro ka lang hindi ba?" "Akala ko ba doon ka mas magaling?" "I mean, hindi ka ba magsisisi sa desisyon mong 'yan?" "Well, sasagutin ko lang 'yan kapag nakita ko ang resulta." Aniya at bigla siyang sinungaban ng sipa sa paa ng dalaga pa-slide, kung kaya't mabilis na natumbas si Robin sa sahig. "Sabi ko

    Last Updated : 2022-02-23
  • Painful love   Kabanata 10

    Makalipas ang dalawang linggo, Andrew and Mara are officially dating. Halos nawala na lang bigla ang isyung kumakalat tungkol kina Mina at Andrew magmula noong i-announce at i-post ng binata sa f******k account niya ang litrato nilang dalawa ni Mara na masayang magkasama, habang magkahawak ang kamay. Nakarating rin naman kaagad kay Robin ang tungkol sa pagdidate ng dalawa. Kaya halos isang linggo rin siya hindi nakapasok sa klase nila. Pakiramdam niya ay nawawasak lamang ang puso niya sa tuwing nakikita o nakakasalubong si Mara. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi niya akalain na magkaka-ayos din kaagad ang dalawa. Balak pa naman sana niyang ligawan ang dalaga at anyayahin itong makipag-date sa kaniya, kung sakaling natalo niya ito nuon sa dare nila. Pero sa kabilang banda ay naisip din niya na kahit magtapat pa siya ng pag-ibig kay Mara

    Last Updated : 2022-02-23
  • Painful love   Kabanata 11

    "Oh my goodness! hindi ba't si Mara at Andrew iyon?" "So, totoo nga ang kumakalat na may relasyon silang dalawa?" "Totoo bang sila na?" "Ang akala ko ba si Mina ang girlfriend niya? anong nangyari at bakit biglang si Mara pala ang nobya niya?" Samu't-sari ang bulong bulungan at panghuhusga sa paligid nilang dalawa habang naglalakad sila sa loob ng campus na magkahawak kamay. Hindi naman mapakali si Mara at panay lang din ang pagyuko ng ulo nito. "Huwag mo silang pansinin. As long as i'm here, no one can hurt you." Mahinang batid sa kaniya ng binata. Ngumiti lang siya ngunit hindi pa rin naging panatag ang kalooban niya, dahil sa mga matang nakatingin sa kanilang dalawa. Hinawakan naman siya nang mahigpit sa kamay ni Andrew upang mabawasan

    Last Updated : 2022-02-24

Latest chapter

  • Painful love   Kabanata 74

    "Paniguradong masaya na si Lolo Andrew, kung nasaan man siya ngayon." Ang winika ni Juanito sa kaniyang nobya habang nakatayo ito sa harap ng puntod ni Andrew."Siya nga pala, maaari ba akong magtanong tungkol sa lolo mo?" usisa ni Maria sa kaniya."Oo naman. Ano ba yung itatanong mo?" nakangiting saad nito sa kaniya."Bakit dito inilibing ang lolo mo, imbis sa tabi ng asawa niya?" tanong niya, sabay inakbayan siya sa balikat ni Juanito."Ang totoo niyan hindi talaga sila ikinasal dalawa. Nabuntis si Lola noon ng ex boyfriend niya at hindi siya pinagutan nito. Tinakbuhan siya nito at nagtago sa malayong lugar kung saan hindi siya mahahanap ni Lola." Ang tinugon niya sa kaniya."Ibig mong sabihin, hindi niya tunay na anak ang Papa mo?" aniya at saka naman tumango sa ulo si Juanito."Hindi man niya tunay na kadugo si Dad, pero itinuring niya kami na parang tunay niyan

  • Painful love   Kabanata 73

    (Andrew's Epilogue)Nabalitaan ko na lang mula sa mga dati naming mga kakilala at kaibigan noon, na namaalam na si Mara.Huli na nang malaman ko ito at limang taon na ang nakakalipas magmula ng pumanaw siya.Pasikreto akong tumungo sa puntod niya na walang ibang kasama, kun'di ako lamang mag-isa.Matanda na kasi ako at hindi na rin gaanong kalakasan ang mga buto't laman ko. Makalimutin na din ako at palagi akong naliligaw ng daan, kaya madalas akong sinasamahan ng apo kong si Juanito.Pero nung nalaman ko ang tungkol kay Mara ay inilihim ko sa kaniya ang plano kong pagpunta sa puntod niya.Ayokong makaabala pa sa kaniya lalo na't marami rin siyang inaasikaso tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan niyang si Maria.Sa araw na iyon ay tumakas ako sa bahay namin. Dala ang lumang pitaka ko na halos magsasampung taon na at isang pirasong rosas na binili ko lang sa batang naglalako ng

  • Painful love   Kabanata 72

    (Epilogue)"Masyado ba kitang pinaghintay ng matagal?" Bigla na lang napalingon si Mara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig."Ethan?" aniya na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Gumuhit naman ng malawak na ngiti sa labi ang binata at saka ito humakbang palapit sa kaniya. Halos natulala naman si Mara at hindi makapaniwala nang muli niyang masilayan ang mukha ni Ethan."Patawad kung pinaghintay kita ng kay tagal." Mahinang sambit nito sa kaniya.Bigla naman tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Mara, habang pinagmamasdan niya si Ethan."Siya nga pala, para sa pinakamamahal ko." Dugtong nito sabay inilabas mula sa likod niya ang isang palumpon ng mga rosas.Tinitigan muna ito ni Mara at saka siya gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi."Namiss kita ng sobra, Mara. Patawad kung iniwan kita ng mag-isa at pinaghintay

  • Painful love   Kabanata 71

    Mara's POVSumapit ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ethan, ang araw ng kasal naming dalawa.Kahit bumigay na rin ang kaniyang katawan at hindi na siya nakakakita pa ay tinuloy pa rin namin ang aming kasal. Hindi ako umalis sa tabi niya, katulad ng mga ipinangako ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at binantayan minu-minuto, oras-oras. Ayokong mawalay siya sa aking paningin kahit isang segundo lang o kahit sa isang kisapmata. Kung minsan ay napapaiyak na lang ako sa loob ng banyo at tinatakpan ang aking bibig, upang mailabas ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nalaman ko na lang din na tumungo na si Andrew sa ibang bansa, upang kamtin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang professional photographer.Hindi na rin siya naka-attend pa ng kasal naming dalawa, marahil ay dahil ayaw na rin niya akong makita pa. Pagkatapos kong bitawan sa kaniya ang masasakit na salitang iyon at mas nakakabuti na rin iyon para sa ikatatahimik naming lahat.

  • Painful love   Kabanata 70

    Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil

  • Painful love   Kabanata 69

    Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan

  • Painful love   Kabanata 68

    "Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa

  • Painful love   Kabanata 67

    Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa

  • Painful love   Kabanata 66

    Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status