Pagkamulat ng mata ni Robin ay laking gulat na lamang niya nang mapagtantong wala na si Mara sa tabi nito. Palingon-lingon siya sa bawat pasaherong nakasakay roon, subalit hindi niya mahagilap ang dalaga kung saan ba ito nagtungo.
"Excuse me, napansin niyo ba kung saan nagpunta yung babaeng katabi ko dito kanina?" tanong niya sa dalawang dalaga na katapat lamang nito.
"Yes, actually kakababa lang niya at may ibang guy pa nga siyang kasama." Tugon nito na mas ikinagulat naman ni Robin. Sandali siyang napatayo at bumaba na rin siya kaagad ng bus.
Tila hindi siya pamilyar sa lugar na napuntahan niya. Napansin kasi niyang may karnibal sa kabilang kalye habang maraming torista ang namamasyal sa kaniyang paligid.
Patingin-tingin lang siya sa bawat taong makakasalubong niya. Kabi-kabilaan niyang hinahanap ang dalaga pero sa lawak at dami ng tao roon ay nahihirapan siya kung saan ba niya ito hahagilapin.
"Damn it, monkey girl! humanda ka talaga sa akin kapag nakita kita." Inis niyang sabi sa sarili. Maya-maya pa ay may dalawang babae ang nakapansin sa kaniya. Ningingitian siya at sinusundan ng tingin. Napakunot-noo na lamang siya at pasimpleng niyuyuko ang kaniyang ulo.
"Hala! ang gwapo niya! artista ba siya?" bulong nung isang babae sa kasama niya. Narinig naman iyon ni Robin, kung kaya't umiwas na lamang siya at naglakad sa ibang direksyon.
Natigilan na lamang siya nang mapagtantong nasa harapan na pala siya ng karnibal. Nakatingala lang siya at biglang nakaramdam ng pangamba sa kaniyang dibdib.
"Bakit ako nandito?" mahinang saad niya sa sarili at tipong aalis na lang sana siya ay bigla naman sumulpot sa harapan niya sina Mara at Andrew na magkasama.
"Robin!" tawag ng dalaga sa kaniya.
"Ikaw, monkey girl!" galit niyang sabi habang nakaturo siya kay Mara.
"Umiiyak ka ba?" malumanay na tanong sa kaniya ni Andrew, kung kaya't nabaling ang atensyon niya sa binata at magkasalubong ang dalawang kilay.
"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" usisa niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pero wala naman nagbago sa kaniya at nakapang-school uniform pa rin siya.
"Nakalimutan mo na ba? ako si Andrew Herras." Taas-noong tugon nito sa kaniya habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.
"So, anong ginagawa ng school president dito sa karnibal?" nakangising aniya.
"Tinatanong pa ba 'yan?" sabay tingin nilang dalawa kay Mara.
"Ba... bakit? huwag niyong sabihin na naduduwag kayong pareho na pumasok sa loob niyan?" ani ng dalaga sa kaniya, pero bigla naman siyang inakbayan ni Andrew sa kaniyang balikat. Sinundan ito ng tingin ni Ronin at saka inalis ang braso nito sa balikat ng dalaga. Ngumisi lang si Andrew at muling pinamulsa ang dalawa niyang kamay.
"Nga pala, ba't ka umiiyak?" tanong ni Mara kay Andrew na ikinalingon naman nito.
"Umiiyak?" pagtataka niya.
"E ano pa nga ba? akala niya siguro nawawala na siya." Nakangising saad ni Andrew sa kaniya.
"Hoy! anong tingin mo sa akin bata!?" inis nitong tugon sa binata.
"Kung gano'n, bakit ka nga umiiyak?" malumanay na tanong sa kaniya ni Mara.
"Isa ka pa, sabing hindi nga ako umiiyak!" aniya sabay napahawak siya sa pisngi niya at natigilan siya bigla nang mapagtantong lumuluha nga ang kaniyang mga mata.
"See? don't tell me na tumalsik lang ang laway mo sa mata." Pagbibirong sabi pa ni Andrew sa kaniya habang tinatawanan siya nito.
***
(ROBIN's POV)
Walong taong gulang lamang noon si Robin noong siya ay iwan ng kaniyang ina sa isang carnibal.
Ipinangakong babalikan siya nito subalit sumapit na ang pagtakip-silim ay hindi pa rin ito bumabalik. Iyak lang siya ng iyak at paulit-ulit na tinatawag ang kaniyang ina, hanggang sa napansin na lamang siya ng isang security guard at tinulungang makauwi sa bahay nila.
Subalit pagkatapak na pagkatapak pa lamang nito sa tapat ng kanilang pintuan ay napansin na lamang niya na nagkakagulo at nag-iiyakan na ang mga tao roon sa loob. Isa sa mga nakaagaw ng pansin niya ang kaniyang ama na umiiyak habang niyayakap ng lola niya.
Nilapitan niya ito at doon lamang niya napagtanto na naaksidente pala ang kaniyang ina kung kaya't hindi siya nagawang balikan nito.
Halos nagdulot iyon ng malaking lungkot at trauma sa kaniya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay tila natakot na rin siyang pumunta o pumasok sa mga carnibal, sapagkat sumasariwa lang ang alala niya tungkol sa kaniyang ina na namayapa.
Kaya naman ganoon na lamang ang pagtulo ng luha niya nung mapadpad siya sa isang festival at kung saan mayroon din carnival. Kinusot na lamang niya ang kaniyang mata at saka sila nagtungo sa loob nito. Nakasunod lang siya sa likuran nina Andrew at Mara habang nakayuko ang kaniyang ulo.
"Robin, okay ka lang ba?" lingon na sabi sa kaniya ng dalaga. Hindi naman nakatugon kaagad ang binata bagkus ay pinagpapawisan ito ng matindi at nanginginig sa sobrang takot.
Sandali napahinto sa paglalakad ang dalawa at napalingon sila kay Robin na nakatayo lang sa pwesto niya at balisang-balisa sa kaniyang paligid.
"Robin!" tawag sa kaniya ni Andrew ngunit parang hindi siya naririnig nito at nagkatinginan silang dalawa ng dalaga.
Tila umiikot naman ang paningin ni Robin at samu't-saring bulungan lang sa kaniyang paligid ang kaniyang naririnig. Muli na naman sumariwa sa kaniyang alala ang nakaraan niya noong bata pa lamang siya at noong iniwan siyang mag-isa ng kaniyang ina.
Paulit-ulit niyang binabanggit sa bibig ang mga salitang, "Nasaan ka na? ang sabi mo babalik ka.. Ang sabi mo babalikan mo ako, nasaan ka na Ma."
Ilang saglit lang ay bigla siyang inakbayan sa balikat ni Andrew at saka nito ipinasok sa tenga niya ang headset na may kasamang musika.
Tila nagulat si Robin sa ginawa nito at muli siyang natauhan. Sandali siyang napalingon sa dalawa at napansin nga ni Mara na tumutulo na naman ang mga luha nito sa mata ng hindi namamalayan.
"Mas mabuti siguro kung sa ibang araw na lang tayo magpunta dito. Masyadong maraming tao." Ang sinabi lang ni Andrew sa kanilang dalawa at syaka na ito naglakad palabas ng carnival. Napatitig naman si Robin kay Mara ngunit ningitian lang siya nito at niyayang lumabas na lang.
Nagtungo na lamang sila sa bangketang nakakalat sa labas at nagtitinda ng kung anu-anong mga souvenirs at pagkain.
"Hoy, may pera ka ba d'yan?" tanong ni Andrew sa binatang kasama na ikinalingon naman nito.
"Huh? may- mayroon." Aniya sabay inilabas ang wallet niya sa bulsa.
"Kung ganoon, bilhan mo kami nito." Sabay turo niya sa hotdog stick na tinitinda roon. Tila bigla naman nagtaka si Robin at napalingon rin siya kay Mara na tila ay iniiwasan na lamang siya ng tingin.
"Uy, ano na? dalawa sa akin. Kuya siya po ang magbabayad." Ang sabi pa ni Andrew sa nagtitinda ng hotdog at saka sila iniwanan nito.
"Ikaw? ano sa'yo?" tanong niya sa dalaga na nakasunod lang ng tingin kay Andrew.
"Huh? hi-hindi. Salamat na lang, busog pa ako." Ang sabi na lang niya habang nakatingin siya sa hotdog at napalunok ng laway. Napansin naman iyon ng binata, kung kaya't napangisi na lang siya at kumuha ng tatlong hotdog stick at saka niya inabot kay Mara.
"Oh." Aniya habang inaabot niya yung tatlong hotdog. Nagulat naman ang dalaga at napatingin sa kaniya.
"Si- sige na nga. Pero isa lang." Sabay kinuha niya yung isang hotdog pero pinahawak pa rin sa kaniya ng binata ang tatlong hotdog stick, tapos tinalikuran na siya nito.
"I-ikaw? hindi ka ba nagugutom?" usisa ng dalaga sa kaniya habang sabay silang naglalakad dalawa.
"Nagugutom." Tugon niya na may pag-guhit ng ngiti sa kaniyang labi. Sandali siyang hinigit sa kamay ng binata at saka kinagatan ang hotdog na hawak nito. Tila nabigla naman ang dalaga at napatitig lang sa kaniya.
"Salamat." Nakangising saad pa niya at muli siyang nagpatuloy sa paglalakad habang nanigas naman na parang bato roon si Mara.
Ilang saglit pa ay may biglang lumapit sa kaniya at saka siya sinootan ng rabbit hairband sa kaniyang ulo.
"Well, not bad." Ani ni Andrew sa kaniya.
"By the way, pwedeng pakagat?" ang sabi pa nito sabay turo sa hawak nitong hotdog stick. Hindi naman makpagsalita si Mara kung kaya't napatango na lamang siya ng kaniyang ulo at syaka siya hinawakan sa kamay ng binata, sabay kinagatan niya yung pagkaing hawak nito.
Sinundan lang siya ng tingin ng dalaga at nakatitig sa mapulang labi niya. Muling bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib at napalunok siya ng malalim.
Bakit ba, parang gusto ko na lang din maging hotdog? paglalayag nito sa kaniyang isipan. Ngunit habang nakatitig at nakatulala lang siya sa binata ay hindi naman niya namamalayang unti-unti na pala nitong inuubos ang pagkain na hawak niya.
"Hoy! matakaw!" biglang lapit sa kanila ni Robin at saka niya itinulak palayo si Andrew. Natauhan naman kaagad ang dalaga at napatingin sa hawak niyang stick na lang ang natira. Nabigla siya at muling napatingin kay Andrew na pinupunasan ang kaniyang bibig.
"Ang sarap kasi kaya hindi ko napigilan. Don't worry binili naman kita ng headband. Tignan mo, bagay na bagay nga sa'yo." Nakangising sabi nito. Napangiti naman hanggang tenga si Mara at saka pinamulsa ang stick na hawak niya. Pero napansin din iyon kaagad ni Robin, kung kaya't inagaw niya yung stick at saka itinapon sa basurahan.
"Hoy!" gulat at pasigaw niyang sabi sa binata.
"Basura na 'yon!" saad nito sa kaniya.
Kahit na. Kinainan ni Andrew iyon e. Balak ko pa naman sana ilagay 'yon sa scrapbook ko. Bulong nito sa kaniyang isipan habang nakatingin siya kay Robin na may pangingilid ng luha.
Minsan na nga lang ako makatanggap ng ganoon mula sa kaniya. Tinapon pa ng pervert na ito! muling saad niya sa isipan.
"Sandali, umiiyak ka ba?" usisa ng binata sa kaniya pero kinusot lang niya ang mga mata sabay tinalikuran na siya nito.
"Mara!" tawag niya ngunit hindi siya nito pinapansin o nililingunan man lang. Sandali tuloy siyang napatingin kay Andrew at napalingon din ito sa kaniya na may pagtataka sa mukha.
"Kasalanan mo 'to e!" aniya sa binata.
"Kasalanan?" usisa nito sa kaniya.
"Kung hindi mo sana inubos yung hotdog niya, e 'di sana hindi siya umiiyak!" pasigaw nitong tugon sa kaniya at saka siya iniwanan.
Napakunot-noo na lamang si Andrew at sumunod din kaagad sa kanila.
Sa araw na iyon ay halos inabot na sila ng takipsilim pero hindi nababawasan ang mga tao doon, bagkus ay mas nadadagdagan pa nga. Siksikan na at makipot na ang bawat madaraan nila.
Gayunpaman ay over-protective naman itong si Robin kay Mara, habang inaalalayan niya itong maglakad at nakaakbay sa balikat ng dalaga upang hindi siya masagi o mabangga ng mga tao roon.
Nakasunod naman sa bandang likuran nila si Andrew na kanina pang nakatitig sa kamay ng binatang nakahawak sa balikat ni Mara.
Pero sa kabilang banda naman ay may ilan rin na mga studyante ang nagmula din sa paaralan nila ang nakakita sa kanilang tatlo. Unang napukaw ng atensyon nila ay si Andrew, nang makasalubong nila ito sa daan.
"Stop! hindi ba si Andrew 'yon?" turo ng isang babaeng estudyante sa mga kasamahan niya. Sandali naman napalingon ang mga kaibigan nito sa itinuturo ng dalaga at nanlaki ang mga mata nila sa gulat na mapagtantong si Andrew nga ang nakikita nila.
"Bingo! si Andrew nga 'yon! pero ano naman kaya ang ginagawa rito ng isang school president?" usisa ng isa pa nilang kasama.
"Wait a minute. Mukhang hindi lang siya nag-iisa?"
"What do you mean?"
"Look! parang si Robin yung nasa unahan niya. Nakikita niyo ba?" pagkasabi nito ay sabay-sabay naman silang napasulyap sa tinutukoy nito.
"Oh my gosh! mukhang naka-jackpot tayo! ang dalawang hot crush ng campus ay nandito ngayon sa festival? humanda kayo girls, dahil ito na ang pagkakataon natin upang maangkin ang mga puso nila!" saad nung isa. Pagkatapos ay sabay-sabay silang naglakad palapit sa direksyon nina Andrew.
Ilang sandali pa ay bigla naman napalingon si Robin sa ibang direksyon at nahagip nga ng atensyon niya ang isang grupo ng mga babaeng nakasuot rin ng school uniform na gaya rin sa kanila.
Huminto siya bigla sa paglalakad at napalingon kay Andrew.
"Andrew, humanda ka ng tumakbo." Saad niya sa binata pero napakunot-noo lamang ito at may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha.
"Bakit?" usisa naman ng dalaga sa kaniya.
"Pagkabilang ko ng tatlo, sabay takbo. Nagkakaitindihan ba tayo roon?" ang sabi pa niya sa seryosong mukha. Tila nagtataka pa rin si Andrew sa sinasabi nito kaya napalingon na lamang siya sa paligid nila, nang mahagip din ng tingin niya ang isang grupo ng mga kababaihang naglalakad papunta sa direksyon nila. Kaya naman kahit hindi pa nakakapagsimulang magbilang si Robin ay napatakbo na ito kaagad. Kasabay ng pagtakbo niyang iyon ay hinigit din niya sa kamay ang dalaga.
Magkahawak-kamay at sabay na tumatakbo sina Mara at Andrew. Habang naiwan namang mag-isa si Robin at napatakbo na lamang siya sa ibang direksyon."Andrew!" sigaw nung mga babaeng humahabol sa kanila. "Doon kayo kay Robin at kami naman ang bahala kay Andrew." Utos ng maala-lider sa kanilang grupo. Kasalukuyang hinahabol si Robin ng apat na babae habang tatlo naman ang kay Andrew."Sandali, sino ba yung tinatakbuhan natin?" usisa ni Mara sa binatang kasama niya."Stalker!" tugon nito sa kaniya sabay hinila siya sa loob ng isang horror booth.Pagkapasok nila sa loob ay halos napakapit ng mahigpit ang dalaga sa braso nito at takot na takot siyang nakadikit sa binata."Pwede bang lumabas na lang tayo ulit?" nangingi
"Bro! anong nangyari diyan sa mata mo?" tanong ni Cris kay Robin habang naglalakad ito papasok sa loob ng classroom nila. Sandali naman siyang natigilan at napatingin kay Andrew na tahimik lang nagbabasa ng libro sa upuan niya. Nilapitan niya ito at saka hinagis sa kung saan ang librong hawak nito. Nagulat naman ang lahat at napalingon sa kanilang dalawa. "Bro, ano ba ang ginagawa mo?" tanong ni Cris sa kaniya habang inaawat siya nito at hinahawakan sa braso, ngunit tinataboy lamang siya ng binata habang galit na galit itong nakatingin kay Andrew. "Damputin mo yung libro." Mahina at mariin na saad naman ni Andrew sa kaniya. "Inuutusan mo ba ako?" aniya sabay yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa binata. "Damputin mo 'yon sabi." Muling utos nito sa kaniya na magkasalubong ang dalawang kilay. Kaagad namang pinulot ni Cris ang libro nito at syaka inilapag sa arm chair niya pero muli lang itong inihagis ni Robin.
(Mara's POV) It was my first kiss. Ang pangarap kong mahalikan ng isang mighty Andrew Herras ay bigla na lang natupad sa iglap. Mahigit dalawang taon ko na siyang crush. Halos punong-puno nga ng mga litrato niya ang loob ng aking kwarto. Kahit saang sulok ka man lumingon o tumingin, puro mukha niya ang mga nakadikit. Simula sa pintuan, pader, kumot, unan at kung saan-saan pa, everything is all about him. Ganoon ako kapatay na patay sa kaniya. Halos kulang na nga lang ay pati mga panty ko ay ipalagyan ko na rin ng mukha niya. Kaya madalas din akong nababatukan ng tatay ko dahil raw sa kaharutan at kalandian ko sa lalaking hindi naman daw ako kilala. Samantalang, supportive naman sa akin ang mama ko dahil type din niya si Andrew, i mean nagagwapuhan din siya para daw siyang isang modelo. I admit it, tama siya sa puntong iyon. Higit pa sa isang modelo ang hitsura niya sa personal. Para siyang isang bidang bampira sa mga hollywood movi
"Nice!" sigaw ni Robin habang pinapalakpakan niya si Mara na hindi man lang maka-shoot ng bola sa ring. Huminto siya sandali at inihagis ang bola sa pilyong binata. "Bakit?" nakangising aniya sabay umupo iti sa sahig. "O bakit? suko ka na kaagad?" saad pa niya, sabay tumayo na ito at lumapit sa dalaga. "Kung suntukan lang 'yan, paniguradong mas nakakalamang na ako sa'yo ngayon." Tugon niya pero ningisian lang siya nito. "E 'di kung gano'n subukan natin." Pagkasabi niya ay napaangat naman ng ulo si Mara at nakatingin sa kaniya. "Nagbibiro ka lang hindi ba?" "Akala ko ba doon ka mas magaling?" "I mean, hindi ka ba magsisisi sa desisyon mong 'yan?" "Well, sasagutin ko lang 'yan kapag nakita ko ang resulta." Aniya at bigla siyang sinungaban ng sipa sa paa ng dalaga pa-slide, kung kaya't mabilis na natumbas si Robin sa sahig. "Sabi ko
Makalipas ang dalawang linggo, Andrew and Mara are officially dating. Halos nawala na lang bigla ang isyung kumakalat tungkol kina Mina at Andrew magmula noong i-announce at i-post ng binata sa f******k account niya ang litrato nilang dalawa ni Mara na masayang magkasama, habang magkahawak ang kamay. Nakarating rin naman kaagad kay Robin ang tungkol sa pagdidate ng dalawa. Kaya halos isang linggo rin siya hindi nakapasok sa klase nila. Pakiramdam niya ay nawawasak lamang ang puso niya sa tuwing nakikita o nakakasalubong si Mara. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi niya akalain na magkaka-ayos din kaagad ang dalawa. Balak pa naman sana niyang ligawan ang dalaga at anyayahin itong makipag-date sa kaniya, kung sakaling natalo niya ito nuon sa dare nila. Pero sa kabilang banda ay naisip din niya na kahit magtapat pa siya ng pag-ibig kay Mara
"Oh my goodness! hindi ba't si Mara at Andrew iyon?" "So, totoo nga ang kumakalat na may relasyon silang dalawa?" "Totoo bang sila na?" "Ang akala ko ba si Mina ang girlfriend niya? anong nangyari at bakit biglang si Mara pala ang nobya niya?" Samu't-sari ang bulong bulungan at panghuhusga sa paligid nilang dalawa habang naglalakad sila sa loob ng campus na magkahawak kamay. Hindi naman mapakali si Mara at panay lang din ang pagyuko ng ulo nito. "Huwag mo silang pansinin. As long as i'm here, no one can hurt you." Mahinang batid sa kaniya ng binata. Ngumiti lang siya ngunit hindi pa rin naging panatag ang kalooban niya, dahil sa mga matang nakatingin sa kanilang dalawa. Hinawakan naman siya nang mahigpit sa kamay ni Andrew upang mabawasan
Nakapagtapos na sa high school sina Andrew at Mara. Bitbit ang malawak na pag-ngiti sa kanilang labi habang nakasuot silang togang puti at diplomang hawak sa kanilang kamay. Si Andrew naman ay pinarangalang valedictorian ng kanilang school. Nagbigay rin siya ng kaunting speech para sa isang karangalang kaniyang natagumpayan at siyempre parte si Mara sa mga naging inspirasyon niya upang kayanin ang bawat pagsubok na iyon. Napaluha na lamang sa saya ang nobya at pumapalakpak sa kaniyang kamay. Pagkababa ng stage ay kaagad siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Gumuhit din naman ang matamis na pag-ngiti sa labi ng binata at saka niya marahang hinalikan sa labi ang nobya nito. Nagsihiyawan at nagsipalakpakan naman ang mga kamag-aral nilang nakasaksi sa pag-iibigan ng dalawa. Maging si Robin ay napangisi na lang at napaakbay sa balikat ng bago niyang kasintahan na si Sam. Habang nasa bandang likuran naman si Mina at t
ETHAN'S POV I met a strage girl in my school. "Psst! kuya, puwede ba akong humingi ng pabor sa'yo? ang totoo kasi niyan. Nakalimutan kong dalhin yung wallet ko kanina. Hindi pa kasi ako nakakapagbayad dito sa jeep, puwede bang manghiram muna ako sa'yo ng bente? tutal parehas naman tayo ng school na pupuntahan, babayaran na lang din kita kapag nakuha ko na yung wallet ko. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatakbuhan." Ang sabi nung babaeng nakatabi ko sa jeep. Nakasandal lang ang ulo ko sa may bintana, habang nakapikit ang mga mata at may nakasalpak na earphone sa aking tenga, ngunit wala namang tumutunog na musika. Gawain ko talaga iyon sa tuwing sumasakay ako ng jeep. Ayaw ko kasi sa lahat ay yung inaabutan ako ng bayad at sukli ng mga pasaherong sumunod sa akin. Madalas din akong umupo at sumakay sa pinakadulo ng jeep, para makaiwas sa pag-abot at pagbigay ng bayad pero sa araw na iyon ay tanging sa gitna lang ang may espasyo, kung kaya't doon
"Paniguradong masaya na si Lolo Andrew, kung nasaan man siya ngayon." Ang winika ni Juanito sa kaniyang nobya habang nakatayo ito sa harap ng puntod ni Andrew."Siya nga pala, maaari ba akong magtanong tungkol sa lolo mo?" usisa ni Maria sa kaniya."Oo naman. Ano ba yung itatanong mo?" nakangiting saad nito sa kaniya."Bakit dito inilibing ang lolo mo, imbis sa tabi ng asawa niya?" tanong niya, sabay inakbayan siya sa balikat ni Juanito."Ang totoo niyan hindi talaga sila ikinasal dalawa. Nabuntis si Lola noon ng ex boyfriend niya at hindi siya pinagutan nito. Tinakbuhan siya nito at nagtago sa malayong lugar kung saan hindi siya mahahanap ni Lola." Ang tinugon niya sa kaniya."Ibig mong sabihin, hindi niya tunay na anak ang Papa mo?" aniya at saka naman tumango sa ulo si Juanito."Hindi man niya tunay na kadugo si Dad, pero itinuring niya kami na parang tunay niyan
(Andrew's Epilogue)Nabalitaan ko na lang mula sa mga dati naming mga kakilala at kaibigan noon, na namaalam na si Mara.Huli na nang malaman ko ito at limang taon na ang nakakalipas magmula ng pumanaw siya.Pasikreto akong tumungo sa puntod niya na walang ibang kasama, kun'di ako lamang mag-isa.Matanda na kasi ako at hindi na rin gaanong kalakasan ang mga buto't laman ko. Makalimutin na din ako at palagi akong naliligaw ng daan, kaya madalas akong sinasamahan ng apo kong si Juanito.Pero nung nalaman ko ang tungkol kay Mara ay inilihim ko sa kaniya ang plano kong pagpunta sa puntod niya.Ayokong makaabala pa sa kaniya lalo na't marami rin siyang inaasikaso tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan niyang si Maria.Sa araw na iyon ay tumakas ako sa bahay namin. Dala ang lumang pitaka ko na halos magsasampung taon na at isang pirasong rosas na binili ko lang sa batang naglalako ng
(Epilogue)"Masyado ba kitang pinaghintay ng matagal?" Bigla na lang napalingon si Mara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig."Ethan?" aniya na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Gumuhit naman ng malawak na ngiti sa labi ang binata at saka ito humakbang palapit sa kaniya. Halos natulala naman si Mara at hindi makapaniwala nang muli niyang masilayan ang mukha ni Ethan."Patawad kung pinaghintay kita ng kay tagal." Mahinang sambit nito sa kaniya.Bigla naman tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Mara, habang pinagmamasdan niya si Ethan."Siya nga pala, para sa pinakamamahal ko." Dugtong nito sabay inilabas mula sa likod niya ang isang palumpon ng mga rosas.Tinitigan muna ito ni Mara at saka siya gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi."Namiss kita ng sobra, Mara. Patawad kung iniwan kita ng mag-isa at pinaghintay
Mara's POVSumapit ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ethan, ang araw ng kasal naming dalawa.Kahit bumigay na rin ang kaniyang katawan at hindi na siya nakakakita pa ay tinuloy pa rin namin ang aming kasal. Hindi ako umalis sa tabi niya, katulad ng mga ipinangako ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at binantayan minu-minuto, oras-oras. Ayokong mawalay siya sa aking paningin kahit isang segundo lang o kahit sa isang kisapmata. Kung minsan ay napapaiyak na lang ako sa loob ng banyo at tinatakpan ang aking bibig, upang mailabas ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nalaman ko na lang din na tumungo na si Andrew sa ibang bansa, upang kamtin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang professional photographer.Hindi na rin siya naka-attend pa ng kasal naming dalawa, marahil ay dahil ayaw na rin niya akong makita pa. Pagkatapos kong bitawan sa kaniya ang masasakit na salitang iyon at mas nakakabuti na rin iyon para sa ikatatahimik naming lahat.
Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil
Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan
"Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa
Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa
Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni