Home / Romance / Painful love / Kabanata 2

Share

Kabanata 2

Author: Señorita
last update Huling Na-update: 2021-08-28 11:34:30

Liza, naiisip mo ba kung ano ang nasa isip ko? ang isinulat ni Mara sa likod ng kaniyang notebook sabay ipinasa niya ito kay Liza na katabi lang din niya.

 

Bawal kasi sila magkwentuhan kapag nagtuturo ang masungit nilang guro sa english. Malakas kasi ang pandinig nito at sensitibo din ito kapag may nakikita siyang studyante na nag-uusap sa oras ng klase niya.

Yung tungkol ba kay Andrew? marahan niyang ipinasa yung notebook kay Mara at binasa din niya ito kaagad.

Oo. Sagot niya.

Sa tingin ko nga may gusto na siya sa'yo. Pagkabasa niya sa isinulat nito ay tila gumuhit naman ang mahabang pag-ngiti sa labi ng dalaga at napalingon siya kay Liza.

Bakit mo naman nasabi na baka may gusto nga rin siya sa akin? patay malisyang aniya.

E, hindi ba nga, ginantihan ka niya sa tikbalang na iyon kanina sa flag ceremony? pagkabasa niya ay napatitig lang siya sa mata ng kaibigan at muli itong nagsulat sa notebook.

Isipin mo na lang, bakit naman niya gagawin 'yon kanina sa flag ceremony, kung wala naman s'yang dahilan, hindi ba? pagkatapos ay parehas silang napangiting dalawa at nangungusap ang kanilang mata na para bang sila lang din ang nagkakaitindihan.

Pasimple namang sinundot ni Liza ang tagiliran ni Mara at nililiitan nito ang kaniyang mga mata upang tuksuhin ang kaibigan. Yumuko naman siya at pinipigilan niya ang pagtawa niya sabay may isinulat siya sa likod ng notebook niya.

Huwag kang malikot baka mahuli tayo ni Ma'am Enriquez, mapapalabas tayong dalawa. Ang ipinasa niya kay Liza.

"Huwag kang malikot baka mahuli tayo ni Ma'm Enriquez, mapapalabas tayong dalawa." Laking gulat nilang dalawa nang marinig ang boses ng english teacher nilang si Ginang Enriquez habang isa-isa nitong binabasa ng malakas ang mga pinasusulat nilang dalawa sa likod ng notebook.

Malakas namang nagsitawanan ang mga kaklase nila at napalingon sa pwesto nila.

"Bilib rin naman ako sa inyong dalawa dahil may sarili kayong discussion diyan sa upuan niyo. Pwes! lumabas kayong dalawa ngayon din sa klase ko!" sigaw nito sa dalawang dalaga at pareho itong tumayo habang nakayukong naglalakad palabas ng kanilang classroom.

"You two squat there until my class is over! do you understand?" mataras nitong sabi at nakataas ang isang kilay.

"O- opo mam." Sagot nilang pareho at pagkatapos ay bumalik na ito sa loob ng classroom nila.

"Ano raw? naitindihan mo ba yung sinabi n'ya?" bulong ni Kim sa kaibigan pero umiling lang siya ng ulo at tsaka nila sabay itinaas ang dalawang braso habang naka-bend down ang dalawang tuhod.

"Ewan ko rin e, squat lang ang naiitindihan ko." Ang sabi na lang niya.

"Mara, ano pala ang kakainin natin mamayang recess?" tanong ni Liza sa kaniya.

"Ewan ko nga e, nagugutom na ako." Mahinang tugon niya sa kaibigan.

 

"Ako nga. Parang gusto ko tuloy kumain ng siopao."

"Anong palaman pala ang mas gusto mo sa siopao? asado o bola-bola? isa, dalawa, tatlo!"

"Asado!" sabay nilang sabi pero mahina lang tapos napangiti silang dalawa.

"Hindi nakakapagtaka, magkaibigan nga tayong dalawa." Pabulong na sabi ni Mara kay Liza.

"Coke o sprite?"

"Coke!" sabay ulit nilang sabi.

"Parang gusto ko rin kumain ng sundae," ani ni Liza at tumigin siya kay Mara.

 

"Isa, dalawa, tatlo!"

"Chocolate!" ang sinabi Mara samantalang, "Strawberry!" naman ang kay Liza.

"Uy, mas masarap kaya yung chocolate flavor." aniya sa kaibigan.

"Hindi kaya! mas masarap ang strawberry flavor no!" sabay binelatan pa siya ng dila ni Liza.

"Nakakatawa ka mukha kang pitbull!" pang-aasar niya pero hindi naman ito nagpatalo sa kaniya kaya inasar din siya nito.

"Keysa naman sa'yo mukhang kuwago! laki mata!" sabay tawa niya.

"Ah gano'n? sige, humanda ka sa akin ngayon!" seryosong sabi niya habang tinataad ang mangas ng kaniyang uniporme sa braso.

"Si Andrew!" biglang turo naman ni Liza sa gawing likuran niya.

"Hindi mo na ako maloloko akala mo."

"Hindi kita niloloko, papunta rito ngayon si Andrew." Mahinang saad pa rin niya at tsaka naman lumingon sa likuran si Mara. Halos nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita niyang si Andrew nga ang tinutukoy nito at papunta ngayon sa direksyon nilang dalawa.

"A-anong gagawin ko? paano kung makita niya akong ganito? nakakahiya!" natatarantang aniya sa kaibigan habang inaayos niya ang buhok at bangs sa noo.

"Yumuko na lang tayo, para hindi niya makita ang mga mukha natin." Pagkasabi niya ay napayuko na lang silang pareho. Dumaan naman si Andrew sa harapan nilang dalawa at pumasok ito sa loob ng classroom nila.

"Teka, pumasok siya sa loob?" pagkasabi ni Mara ay mabilis silang sumilip sa may bintana at tinitignan nila ang binata. Napansin nila na isa-isa nitong inaabot ang exam papers sa mga kaklase niya.

"Ano yung binibigay niya?" nagtatakang sabi ni Liza.

"Pss! uy, ano 'yang hawak mo?" tawag ni Mara sa kaklase nilang nakaupo malapit sa may bintana.

"Test paper." Sabay ipinakita niya sa dalawa.

 

"By the way Andrew, there are two more girls outside this class room. Pakibigyan mo na nga rin sila ng test paper." Utos ni Mrs. Enriquez sa binata at kaagad naman silang bumalik sa pagkaka-squat nila kanina nang marinig nila ang sinabi nito.

"Liza ano raw ang sabi ni Ma'am?" tanong ni Mara sa kaniya.

"Hindi ko rin alam e, pero parang may inuutos siya kay Andrew."

"Ano daw 'yon?"

"Ewan ko, hindi ko alam. Ayan na siya!" pagkasabi niya ay yumuko ulit silang dalawa.

"Heto, test paper." Sabi ni Andrew sa kanila at una niyang inabutan ng test paper si Liza.

"Salamat." Nahihiyang aniya at sunod niyang nilapitan si Mara na todo ang pagyuko na halos hanggang tuhod na niya.

"Oh," abot niyang sabi sa dalaga habang kinakapa naman nito ang ibinibigay niyang test paper.

Nasaan na 'yon? ang sabi nito sa kaniyang isipan at patuloy pa rin niyang kinakapa kung nasaan na ang test paper na inaabot nito sa kaniya.

Nakakainis naman e! bigla tuloy siyang napatingala at nagulat nang makita niya ng harap-harapan si Andrew na nakatitig sa kaniya habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod.

 

"Oh," muli siya nitong inabutan ng test paper na may guhit ng ngiti sa kaniyang labi. Napanganga at natulala na lang ang dalaga habang kinukuha ang binibigay nito sa kaniya.

Sinundan pa niya ito ng tingin hanggang sa makapasok siya ng classroom nila.

"Wow Mara!" sabay napatingin siya kay Liza na nakaupo sa sahig at naka-tumbs up pa sa kaniya.

Bigla namang nirolyo ni Mara ang test paper at pinamulsa sa kaniyang palda.

"Anong ginagawa mo?" pagtataka ng kaniyang kaibigan.

"Huwag kang madamot, share na lang tayo diyan." Sabay umupo siya at tumabi kay Liza na hanggang tenga ang pag-ngiti.

"Teka nga lang. Huwag mong sabihing iuuwi mo 'yang test paper?" gulat ngunit pabulong nitong sabi. Hindi naman siya sinagot ni Mara bagkus ay ningitian lang siya nito.

Napapailing na lang ng ulo si Liza sa kabaliwan ng kaniyang kaibigan at itinuonan na lamang niya ng atensyon ang test paper na hawak.

***

(Sa School supplies shop)

"Ano kaya ang mas magandang kulay? ano sa tingin mo?" tanong ni Mara sa kaibigan niyang si Liza habang namimili sila ng picture frame na nasa harapan nila.

"Aanhin mo ba kasi yung picture frame?" usisa nito sa kaniya.

"W*-wala lang."

 

"Sus, kunwari ka pa! sigurado naman ako na lalagyan mo lang ng picture frame yung test paper na inabot sa'yo kanina ni Matt!" pagkasabi niya ay tumalikod na lang siya at iniwan ang kaibigan.

"Huy, teka lang! tulungan mo akong mamili dito!" tawag niya pero hindi siya nililingunan nito at dinededman lang siya. Kaya muli na lang siyang tumingin sa mga picture frame at napakamot sa kaniyang ulo.

"Pwede na siguro 'to? teka, kasya kaya ito sa loob?" ilalabas na sana niya yung test paper mula sa bulsa ng kaniyang palda, pero binalik din niya ito kaagad nang makita niya si Andrew na kasama ang ilang mga kaklase nito.

"Tch, kamuntikan na!" bulong niya sa sarili sabay kumuha siya ng isang picture frame at dali-dali siyang nagtungo sa kabilang pwesto. Kung nasaan naman si Robin na kasalukuyang namimili ng ID lace strap.

"Oh? siya na naman?" ang sabi naman ng binata habang pinagmamasdan niya ang dalaga na tulirong naglalakad sa direksyon nito.

"Ano ang ginagawa niya?" pagtataka niya ng mapansing panay ang paglingon nito sa likuran at hindi tinitignan ang kaniyang dinaraanan.

Bigla tuloy umiral ang pagkapilyo nito at naisipan niyang banggahin siya ng pasadya upang inisin muli ang dalaga.

"Aray ko!" sigaw niya ng maapakan nito ang kaniyang kanang paa, kaya kaagad itong napalingon sa kaniya at nagulat nang makita si Robin sa kaniyang harapan.

"Ikaw na naman?" aniya at nakaturo pa siya sa binata.

"Ganiyan ka ba talaga mag-sorry sa taong naapakan mo ng paa?"

"Ba-bakit ka kasi nandiyan? umilag ka na lang sana!"

"Wow naman! ikaw na nga 'tong nakaapak sa akin, ikaw pa 'tong galit." Aniya pero panay pa rin ang paglingon ni Mara sa kaniyang likuran.

"Teka, kanina pa kita napapansin na parang may tinataguan ka. Sino ba 'yon ha? syota mo ba?" pang-aasar nito sa kaniya pero bigla naman siya hinaharangan ng tingin ni Mara at itinataas pa ang dalawang braso niya upang hindi nito makita sina Andrew na nasa likuran lang din niya.

"Huwag kang magulo, hindi ko makita." Saad niya habang nawiwili naman si Robin sa pang-aasar sa dalaga.

"Wala sabi 'yon e!" sigaw ni Mara habang tinatalunan niya ito upang harangan ng tingin. Subalit sa kasamaang palad ay bigla naman tumagilid ang isa niyang paa niya, kung kaya't na-out of balance siya pero mabuti na lang ay mabilis din siyang nahawakan ni Robin sa kaniyang bewang niya.

Nagkataon namang napalingon sina Andrew sa direksyon ng dalawa habang nakatitig sila sa isa't-isa.

"Hindi ba't si Robin 'yon? sino naman kaya yung babaeng kasama niya?" ani ni Mina, isa sa mga kaklase ni Andrew at close friend niya.

"Bago na naman ba yung girlfriend niya?" pagtataka namang sabi ng isa pa nilang kasama.

"Sa ibang shop na lang tayo pumunta." Biglang sabi ni Andrew at padabog na ibinalik ang notebook na hawak niya kanina.

"Huh? sandali lang, Andrew." Sumunod naman sina Mina sa kaniya. Habang naiwan pa rin tulala at  magkatitigan ang dalawa na sina Robin at Mara.

***

"Ako nga po pala si Andrew Herras, ang magiging wedding photographer sa inyong kasal." Nakangiting batid ng binata kay Mara, habang tulala lang siya at gulat na nakatingin sa kaniya.

"Andrew?" aniya pero napailing lang ng ulo si Andrew.

"Well, pwede niyo rin naman po akong tawaging Drew na lang." Nakangiti paring saad nito sa babaeng kaharap niya.

"Hindi mo na ba ako nakikilala?" tanong niya habang nakaturo sa sarili. 

"Pardon? nagkita na ba tayo noon? or do you already know me? pasensya ka na, naaksidente kasi ako 2 years ago kaya medyo nawala rin ang memorya ko from the past." Pagkasabi nito ay mabilis namang napatalikod si Mara nang tumulo bigla ang luha niya sa gilid ng mata at kaagad na pinunasan.

 

"Sorry, excuse me for a minute." Aniya at nagtungo na lang siya sa may restroom sabay ni-lock niya ang pintuan.

"Naaksidente siya? pero bakit? papaano?" usisa niya sa sarili at gulong-gulo ang kaniyang isipan.

 

"Kaya ba siya... kaya ba siya hindi sumipot ng araw na iyon dahil naaksidente siya? pero, bakit hindi ko alam ang tungkol doon? bakit nilihim nila 'yon sa akin?" ang sabi pa niya sabay napaupo na lang siya sa sahig at napasandal ng ulo sa pader.

***

(Flashback from the past)

"Hoy! nabalitaan niyo na ba yung kumakalat na chismis ngayon tungkol kay Robin?"

"Sinong Robin? yung taga-first section ba?"

"Oo siya nga! alam niyo bang may bago na namang siyang nililigawan?"

"Sus! hindi naman bago 'yan e!"

"Hindi, makinig kayo sa akin. Alam niyo ba kung sino yung bago niyang nililigawan?"

"Sino naman? yung cheerleader siguro 'yan sa klase nila no?" ang tinutukoy nilang cheerleader ay si Mina, kaklase nina Andrew.

 

"Hindi siya 'yon! kundi yung babaeng sinampal niya nung nakaraang flag ceremony!"

"Oh my gosh! Totoo?"

 

"Oo siya nga 'yon!"

 

"Hindi ba siya rin 'yon? yung babaeng naglalakad na may sinusubong lollipop?" sabay turo nito sa direksyon ng dalaga.

Kasalukuyang sikat na pinag-uusapan sina Robin at Mara sa buong campus nila. Kumakalat kasi na may relasyon silang dalawa. Sa loob kasi ng paaralan nila ay hindi lang marami ang chismosa o chismoso kundi marami din ang cctv na nakakalat sa kanilang paligid

 

Noong araw kasi na nakita nina Andrew, sina Mara at Robin sa loob ng school supplies shop na tila ay may seryosong pinag-uusapan at magkasama ay may iba din na taga-ibang sections ang nakakita sa kanila at kinuhaan pa sila ng litrato.

Ginawan nila ito kaagad ng isyu dahil alam nilang taga-first section si Robin at last section naman si Mara. Para kasi sa ibang sections, big deal iyon kapag may nakita silang mali o kakaiba sa mga studyanteng nasa upper sections.

Kilala kasi ang first section bilang high class students. Matalino, maganda o gwapo, talentado, anak ng mayayaman at may sikat na pangalan. At isa na roon si Robin, na hinahangaan din ng ibang kababaihan dahil sa lakas ng appeal nito at magaling pumorma.

"Stop! ikaw ba si Mara na taga-last sections?" tanong ni Ruby sa kaniya, ang leader ng grupong Drew club o Andrew fan club na binuo nila.

Ang grupo nila ay binubuo ng limang kababaihan na may iba't-ibang kulay ang buhok. Una si Ruby, ang lider nilang kulay pula ang buhok. Pangalawa si Betty, ang babaeng may pink na buhok. Pangatlo si Anika, ang may pinakamatingkad na kulay yellow na buhok sa kanila. Pang-apat naman ay si Gelai, ang may kulay brown na buhok at pang-huli ay si Rose, na may pagka-ash ang kulay ng buhok.

Sila ang grupo na kinaiinisan at iniiwasan ng ibang kababaihan, dahil bukod sa may pagka-spoiled brat ang mga ito ay mahilig rin silang mambully ng mga studyante. Especially kapag may kinalaman kay Andrew, ang dream boy nilang lima.

"Sino ka ba?" tanong ni Mara sa kaniya. Tumawa at nagsitinginan naman silang lima sabay hinila ni Ruby yung subong lollipop ni Mara.

"Hindi mo pa pala kami kilala?" ani ni Ruby at saka niya inilapit ang kaniyang mukha sa dalaga.

"Dapat ba kilala kita?" pataray niyang tugon na may pagtaas ng isang kilay. Napangisi naman si Ruby at muling humakbang palapit sa kaniya.

 

"Tignan lang natin kung saan aabot ang tapang mo." Pagkasabi nito ay mabilis niyang hinigit ang buhok ng dalaga, ngunit natigilan din siya kaagad nang biglang sumulpot si Robin.

"Si Robin!" gulat namang sabi ng apat habang nakahawak ito sa kamay ni Ruby.

 

"Robin?" malumanay at mahinang tawag sa kaniya ng dalaga at may maamong mukha.

"Bitawan mo siya." Utos ng binata nang mapansin niyang nakahawak ito ng mahigpit sa mahabang buhok ni Mara. Binitawan naman niya ito kaagad at mabilis na yumakap jay Robin.

 

"Thank you Robin, you save me!" aniya sabay napangisi lang si Mara at napa-cross arm.

 

"Wow! best actress of the year!" pumapalakpak niyang sabi kaya napalingon bigla si Ruby sa kaniya.

"Robin, sabihin mo na hindi naman talaga totoong may relasyon ka sa babaeng ito, hindi ba?" tanong niya habang nakaturo pa siya sa dalaga. Napabuga lang ng malalim na paghinga si Robin at napayuko ng ulo.

 

"We need to talk." Sabay hinila siya ng binata sa kamay.

 

Napanganga na lang yung apat at sumunod din sila sa dalawa. Habang naiwan namang mag-isa roon si Mara at muli na lang siyang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa classroom nila.

"Marami na talang baliw ngayon sa paligid." Ang sabi na lang niya sa sarili, sabay napahinto siya sa paglalakad nang matanaw niya si Andrew na nakatayo sa tapat ng kanilang pintuan.

 

ANDREW? A-anong ginagawa niya sa harap ng classroom namin? paglalayag niya sa isipan.

Sandaling napalingon si Andrew sa kaniya at kaagad din niya itong tinalikuran.

"Ano ba kasing ginagawa niya roon? pinapunta na naman ba siya ni Mrs. Enriquez para bantayan kami o magpapa-exam na naman ba siya? kainis naman! balak ko pa naman sana mag-cutting classes ngayon." Bulong nito sa kaniyang sarili nang bigla siyang kulbitin sa balikat ni Andrew.

 

"Excuse me, hindi ba taga-last section ka rin?" tanong ng binata sa kaniya habang nakayuko naman si Mara at nahihiyang humarap.

"Huh? oo." Aniya.

"Pinapunta kasi ako ni Mrs. Enriquez at pinapasabi niya na iabot ko raw itong libro sa secretary niyo para maisulat kaagad sa blackboard niyo." Saad nito at saka siya inaabutan ng makapal na libro.

 

Sandali lang, bakit sa akin niya inaabot yung libro? hindi naman ako yung taga-sulat sa amin e. Bulong niya sa isipan sabay lumingon siya kay Andrew.

 

"Teka nga lang, ba't sa akin?" turo niya sa librong hawak nito.

"Hindi ba't ikaw si Mara?"

"Huh? kilala mo ako?" gulat niyang sabi.

"Kasi ikaw yung tinuturo sa akin ng babaeng 'yon." Pagkasabi nito ay pareho silang napalingon kay Liza na nakatayo sa tapat ng pintuan at kumakaway pa sa kanila.

 

Bwisit na Liza 'yon! itinuro pa akong secretary, e hindi naman ako ang tagasulat sa amin. Halos kinakatamaran ko nga iyon sa lahat, kaya bakit ko naman gugustuhing maging secretary ng klase namin? paglalayag nito sa kaniyang isipan habang tinititigan ng masama ang kaibigan.

"Ahh... ga-ganoon ba? tama! ako nga si Mara." Ang sabi na lang niya at saka kinuha yung libro sa binata.

"Okay, kukunin ko na lang sa iyo 'yang libro mamayang lunch time."

O my petchay! pupuntahan niya ako mamaya? pero mas maganda yata kung ako na lang ang pumunta sa kaniya? ang sabi niya muli sa kaniyang isipan.

"Sandali! hindi na pala. Ako na lang ang maghahatid nitong libro sa classroom n'yo." Aniya na may paghawi ng buhok sa gilid ng kaniyang tenga.

"Okay, sige." Ang tinugon lang niya sabay tumalikod na ito at bumaba ng hagdanan.

"Bye, Andrew. See you later." Pabulong niyang sabi na may payakap-yakap pa sa librong ibinigay.

"MARA!" Biglang tawag naman ni Liza sa kaniya.

"Congrats, my friend!" nakangiting ani ng dalaga at nagyakapan silang dalawa.

"Invited ka sa kasal namin." Pagbibirong sabi ni Mara pero sinundot lang siya ni Liza sa kili-kili niya.

Samantalang...

 

"Kahit kailan ang hilig mo talaga sa gulo! bakit ba lagi ka na lang sumusulpot sa harapan ko?" pagkasabi naman ni Robin ay bigla siyang napalingon sa kinakausap niya.

"Huh?" nagtatakang sabi lang ni Ruby sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" usisa niya habang patingin-tingin siya sa paligid nila.

 

"What do you mean? ikaw ang nagdala sa akin dito." Tugon ng dalaga sa kaniya pero mabilis niya itong binitiwan at muling naglakad pabalik kay Mara.

"Don't leave me, Robin. Please love me too." Bigla siyang niyakap ni Ruby mula sa likuran niya pero nilayuan din niya ito kaagad.

"Stop dreaming, b*tch!" aniya sabay napatakbo siya upang balikan muli si Mara pero wala na ito roon. Kaya naisipan na lang niyang puntahan ang dalaga sa mismong classroom niya.

 

"Hi, Andrew!" bati niya pero sandali siyang natigilan nang hawakan siya ng binata sa braso niya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito sa kaniya.

"Teka, alam ko naman na ikaw ang student president nitong school- pero dapat bang ipaalam ko pa sa'yo ang bawat kilos ko at kung saan ko gustong pumunta?" nakangising ani ni Robin at muli na lang siyang napahakbang ng isang baitang, subalit muli siyang pinigilan ni Andrew.

 

"She's mine." Mabilis siyang napalingon sa sinabi nito at tila seryoso ito sa kaniyang sinasabi. Natahimik sandali si Andrew, pero napahalakhak din siya kaagad ng malakas.

 

"Who are you referring to? the cheerleader that i know or the woman i'm thinking right now?" 

"Who do you think i am referring to?" ang tinugon ni Andrew sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

  • Painful love   Kabanata 3

    Pasensya ka na, may naalala lang kasi akong tao na kahawig mo." Ani ni Mara kay Andrew, habang pinupunasan ang luha sa mata niya."Ahh kaya pala, well it's alright. Madalas nga rin nila akong pagkamalan ng ibang tao. Siguro importante siya sa buhay mo kaya bigla ka naging emosyonal."Hindi ba talaga niya ako na-aalala? tanong ni Mara sa kaniyang isipan habang nakatingin siya kay Andrew."By the way, nagustuhan ko yung mga wedding gowns na napili mo. Siguro puwede natin gamitin yung iba para sa photoshoots niyo." Ang sabi ni Andrew sa kaniya pero tila naglalayag ang isipan nito at nakatitig lang siya sa binata."Okay ka lang ba, Ms. Mara? nga pala, baka nagtataka ka kung bakit ako nandito—""Yes, i already know. Pinapunta ka rito ng fiancé ko, hindi ba?""Ye-yes, your fiancé." Naiilang niyang sabi at iniwasan niya kaagad ng tingin

    Huling Na-update : 2021-08-28
  • Painful love   Kabanata 4

    "Bitawan mo sabi siya. Hindi mo ba ako naririnig?" Mariin na saad ni Andrew kay Robin habang parehas silang nakahawak sa magkabilaang braso ng dalaga. Palipat-lipat naman ang tingin ni Mara sa dalawang binata at naguguluhan siya sa kaniyang gagawin. Mabilis din kumalat sa buong sections nila ang kaguluhang nangyayari sa classroom nito. Kaya naman yung iba sa kanila ay kumaripas ng takbo at tinungo ang last section upang makisyoso sa alitan ng dalawa. Nakarating din sa upper sections ang tungkol sa usap-usapang kumakalat tungkol sa tatlo. Maging si Mina ay hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman at kaagad din siyang nagtungo sa classroom nito. Pagkarating niya roon ay nadatnan na lamang niyang nagkukumpulan na ang mga studyante sa labas habang kinukuhanan sila n

    Huling Na-update : 2021-11-01
  • Painful love   Kabanata 5

    Pagkamulat ng mata ni Robin ay laking gulat na lamang niya nang mapagtantong wala na si Mara sa tabi nito. Palingon-lingon siya sa bawat pasaherong nakasakay roon, subalit hindi niya mahagilap ang dalaga kung saan ba ito nagtungo."Excuse me, napansin niyo ba kung saan nagpunta yung babaeng katabi ko dito kanina?" tanong niya sa dalawang dalaga na katapat lamang nito."Yes, actually kakababa lang niya at may ibang guy pa nga siyang kasama." Tugon nito na mas ikinagulat naman ni Robin. Sandali siyang napatayo at bumaba na rin siya kaagad ng bus.Tila hindi siya pamilyar sa lugar na napuntahan niya. Napansin kasi niyang may karnibal sa kabilang kalye habang maraming torista ang namamasyal sa kaniyang paligid.Patingin-tingin lang siya sa bawat taong makakasalubong niya. Kabi-kabilaan niyang hinahanap ang d

    Huling Na-update : 2022-01-11
  • Painful love   Kabanata 6

    Magkahawak-kamay at sabay na tumatakbo sina Mara at Andrew. Habang naiwan namang mag-isa si Robin at napatakbo na lamang siya sa ibang direksyon."Andrew!" sigaw nung mga babaeng humahabol sa kanila. "Doon kayo kay Robin at kami naman ang bahala kay Andrew." Utos ng maala-lider sa kanilang grupo. Kasalukuyang hinahabol si Robin ng apat na babae habang tatlo naman ang kay Andrew."Sandali, sino ba yung tinatakbuhan natin?" usisa ni Mara sa binatang kasama niya."Stalker!" tugon nito sa kaniya sabay hinila siya sa loob ng isang horror booth.Pagkapasok nila sa loob ay halos napakapit ng mahigpit ang dalaga sa braso nito at takot na takot siyang nakadikit sa binata."Pwede bang lumabas na lang tayo ulit?" nangingi

    Huling Na-update : 2022-02-23
  • Painful love   Kabanata 7

    "Bro! anong nangyari diyan sa mata mo?" tanong ni Cris kay Robin habang naglalakad ito papasok sa loob ng classroom nila. Sandali naman siyang natigilan at napatingin kay Andrew na tahimik lang nagbabasa ng libro sa upuan niya. Nilapitan niya ito at saka hinagis sa kung saan ang librong hawak nito. Nagulat naman ang lahat at napalingon sa kanilang dalawa. "Bro, ano ba ang ginagawa mo?" tanong ni Cris sa kaniya habang inaawat siya nito at hinahawakan sa braso, ngunit tinataboy lamang siya ng binata habang galit na galit itong nakatingin kay Andrew. "Damputin mo yung libro." Mahina at mariin na saad naman ni Andrew sa kaniya. "Inuutusan mo ba ako?" aniya sabay yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa binata. "Damputin mo 'yon sabi." Muling utos nito sa kaniya na magkasalubong ang dalawang kilay. Kaagad namang pinulot ni Cris ang libro nito at syaka inilapag sa arm chair niya pero muli lang itong inihagis ni Robin.

    Huling Na-update : 2022-02-23
  • Painful love   Kabanata 8

    (Mara's POV) It was my first kiss. Ang pangarap kong mahalikan ng isang mighty Andrew Herras ay bigla na lang natupad sa iglap. Mahigit dalawang taon ko na siyang crush. Halos punong-puno nga ng mga litrato niya ang loob ng aking kwarto. Kahit saang sulok ka man lumingon o tumingin, puro mukha niya ang mga nakadikit. Simula sa pintuan, pader, kumot, unan at kung saan-saan pa, everything is all about him. Ganoon ako kapatay na patay sa kaniya. Halos kulang na nga lang ay pati mga panty ko ay ipalagyan ko na rin ng mukha niya. Kaya madalas din akong nababatukan ng tatay ko dahil raw sa kaharutan at kalandian ko sa lalaking hindi naman daw ako kilala. Samantalang, supportive naman sa akin ang mama ko dahil type din niya si Andrew, i mean nagagwapuhan din siya para daw siyang isang modelo. I admit it, tama siya sa puntong iyon. Higit pa sa isang modelo ang hitsura niya sa personal. Para siyang isang bidang bampira sa mga hollywood movi

    Huling Na-update : 2022-02-23
  • Painful love   Kabanata 9

    "Nice!" sigaw ni Robin habang pinapalakpakan niya si Mara na hindi man lang maka-shoot ng bola sa ring. Huminto siya sandali at inihagis ang bola sa pilyong binata. "Bakit?" nakangising aniya sabay umupo iti sa sahig. "O bakit? suko ka na kaagad?" saad pa niya, sabay tumayo na ito at lumapit sa dalaga. "Kung suntukan lang 'yan, paniguradong mas nakakalamang na ako sa'yo ngayon." Tugon niya pero ningisian lang siya nito. "E 'di kung gano'n subukan natin." Pagkasabi niya ay napaangat naman ng ulo si Mara at nakatingin sa kaniya. "Nagbibiro ka lang hindi ba?" "Akala ko ba doon ka mas magaling?" "I mean, hindi ka ba magsisisi sa desisyon mong 'yan?" "Well, sasagutin ko lang 'yan kapag nakita ko ang resulta." Aniya at bigla siyang sinungaban ng sipa sa paa ng dalaga pa-slide, kung kaya't mabilis na natumbas si Robin sa sahig. "Sabi ko

    Huling Na-update : 2022-02-23
  • Painful love   Kabanata 10

    Makalipas ang dalawang linggo, Andrew and Mara are officially dating. Halos nawala na lang bigla ang isyung kumakalat tungkol kina Mina at Andrew magmula noong i-announce at i-post ng binata sa f******k account niya ang litrato nilang dalawa ni Mara na masayang magkasama, habang magkahawak ang kamay. Nakarating rin naman kaagad kay Robin ang tungkol sa pagdidate ng dalawa. Kaya halos isang linggo rin siya hindi nakapasok sa klase nila. Pakiramdam niya ay nawawasak lamang ang puso niya sa tuwing nakikita o nakakasalubong si Mara. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi niya akalain na magkaka-ayos din kaagad ang dalawa. Balak pa naman sana niyang ligawan ang dalaga at anyayahin itong makipag-date sa kaniya, kung sakaling natalo niya ito nuon sa dare nila. Pero sa kabilang banda ay naisip din niya na kahit magtapat pa siya ng pag-ibig kay Mara

    Huling Na-update : 2022-02-23

Pinakabagong kabanata

  • Painful love   Kabanata 74

    "Paniguradong masaya na si Lolo Andrew, kung nasaan man siya ngayon." Ang winika ni Juanito sa kaniyang nobya habang nakatayo ito sa harap ng puntod ni Andrew."Siya nga pala, maaari ba akong magtanong tungkol sa lolo mo?" usisa ni Maria sa kaniya."Oo naman. Ano ba yung itatanong mo?" nakangiting saad nito sa kaniya."Bakit dito inilibing ang lolo mo, imbis sa tabi ng asawa niya?" tanong niya, sabay inakbayan siya sa balikat ni Juanito."Ang totoo niyan hindi talaga sila ikinasal dalawa. Nabuntis si Lola noon ng ex boyfriend niya at hindi siya pinagutan nito. Tinakbuhan siya nito at nagtago sa malayong lugar kung saan hindi siya mahahanap ni Lola." Ang tinugon niya sa kaniya."Ibig mong sabihin, hindi niya tunay na anak ang Papa mo?" aniya at saka naman tumango sa ulo si Juanito."Hindi man niya tunay na kadugo si Dad, pero itinuring niya kami na parang tunay niyan

  • Painful love   Kabanata 73

    (Andrew's Epilogue)Nabalitaan ko na lang mula sa mga dati naming mga kakilala at kaibigan noon, na namaalam na si Mara.Huli na nang malaman ko ito at limang taon na ang nakakalipas magmula ng pumanaw siya.Pasikreto akong tumungo sa puntod niya na walang ibang kasama, kun'di ako lamang mag-isa.Matanda na kasi ako at hindi na rin gaanong kalakasan ang mga buto't laman ko. Makalimutin na din ako at palagi akong naliligaw ng daan, kaya madalas akong sinasamahan ng apo kong si Juanito.Pero nung nalaman ko ang tungkol kay Mara ay inilihim ko sa kaniya ang plano kong pagpunta sa puntod niya.Ayokong makaabala pa sa kaniya lalo na't marami rin siyang inaasikaso tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kasintahan niyang si Maria.Sa araw na iyon ay tumakas ako sa bahay namin. Dala ang lumang pitaka ko na halos magsasampung taon na at isang pirasong rosas na binili ko lang sa batang naglalako ng

  • Painful love   Kabanata 72

    (Epilogue)"Masyado ba kitang pinaghintay ng matagal?" Bigla na lang napalingon si Mara sa pamilyar na boses na kaniyang narinig."Ethan?" aniya na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Gumuhit naman ng malawak na ngiti sa labi ang binata at saka ito humakbang palapit sa kaniya. Halos natulala naman si Mara at hindi makapaniwala nang muli niyang masilayan ang mukha ni Ethan."Patawad kung pinaghintay kita ng kay tagal." Mahinang sambit nito sa kaniya.Bigla naman tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Mara, habang pinagmamasdan niya si Ethan."Siya nga pala, para sa pinakamamahal ko." Dugtong nito sabay inilabas mula sa likod niya ang isang palumpon ng mga rosas.Tinitigan muna ito ni Mara at saka siya gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi."Namiss kita ng sobra, Mara. Patawad kung iniwan kita ng mag-isa at pinaghintay

  • Painful love   Kabanata 71

    Mara's POVSumapit ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Ethan, ang araw ng kasal naming dalawa.Kahit bumigay na rin ang kaniyang katawan at hindi na siya nakakakita pa ay tinuloy pa rin namin ang aming kasal. Hindi ako umalis sa tabi niya, katulad ng mga ipinangako ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at binantayan minu-minuto, oras-oras. Ayokong mawalay siya sa aking paningin kahit isang segundo lang o kahit sa isang kisapmata. Kung minsan ay napapaiyak na lang ako sa loob ng banyo at tinatakpan ang aking bibig, upang mailabas ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Nalaman ko na lang din na tumungo na si Andrew sa ibang bansa, upang kamtin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang professional photographer.Hindi na rin siya naka-attend pa ng kasal naming dalawa, marahil ay dahil ayaw na rin niya akong makita pa. Pagkatapos kong bitawan sa kaniya ang masasakit na salitang iyon at mas nakakabuti na rin iyon para sa ikatatahimik naming lahat.

  • Painful love   Kabanata 70

    Mara's POVTinungo ko ang hospital na nakasaad sa medical result ni Ethan. Sumakay ako ng taxi upang mas mapabilis ang pagpunta ko roon, pagkababa ko naman ng sasakyan ay pinagmasdan ko ng maigi ang nasabing hospital. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung hospital na kung saan na-confined ang lola-lolahan nuon ni Ethan at kung saan din ako dinala nuon ni Andrew nang ako ay mapilayan, pagkatapos kong madulas sa loob ng banyo. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumuloy na nga ako sa loob nito. Pagkapasok ko naman sa loob ay nadatnan ko ang ilang mga pasyente roon na nagpapabilad sa araw o kaya naman ay naglalakad-lakad.Pinagmamasdan ko ang bawat paligid ko, nagbabakasakaling makikita ko lang siya doon bilang isa sa mga pasyente. Sinubukan ko muling tawagan siya sa phone number niya, pero nakapatay pa rin ito at wala akong ring na naririnig. Sa kabil

  • Painful love   Kabanata 69

    Mara's POV Mahigit dalawang linggo ko nang nakakasama si Andrew sa lahat ng mga lakad ko, upang kumpletuhin ang mga kakailanganin sa nalalapit naming kasal ni Ethan at kung saan siya din dapat ang gumaganap sa ginagampanan ni Andrew ngayon. Halos mahigit dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Ethan, ni hindi man lang siya tumatawag sa akin upang kamustahin ako o kahit alamin man lang ang lagay ng preparation namin para sa kasal.Sa tuwing tinatawagan ko naman siya sa phone number niya ay palagi siyang out of coverage o kaya naman ay abala sa pagtatrabaho niya bilang isang doktor. Subalit, habang lumilipas ang segundo, minuto, oras at panahon ay unti-unti na din nagiging delikado ang nararamdaman ko para kay Andrew. Pakiramdam ko ay bumalik na naman ako sa dating ako na marupok at patay na patay sa kaniya.Sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya ay mas lalo pan

  • Painful love   Kabanata 68

    "Good morning, may i ask for, Doktor Ethan?" ang sabi ni Liza sa isang nurse receptionist sa nurse station. "Si Dok Ethan ba ang hinahanap mo?" kaagad din naman siyang napalingon sa babaeng doktor na nagsalita mula sa likuran niya. "Yes," tugon niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik. "Ako nga pala si doktor Ara, close friend at katrabaho ako ni dok Ethan." Pagpapakilala nito sa kaniya, sabay nilapag ang isa niyang kamay upang makipagkamayan sa kaniya. Hindi naman nagdalawang isip na hawakan ito ni Liza at ngumiti na lang sa kaniyang labi. "Ako naman si Liza, matalik niyang kaibigan." Pagpapakilala naman niya. "Ahh, i see. Puwede bang makausap muna kita sandali?" pagkasabi nito ay kaagad din naman silang nagtungo sa office nito, habang pinagmamasdan naman ng dalaga ang itsura ng office nito sa loob. "Pa

  • Painful love   Kabanata 67

    Sandaling hininto ni Andrew ang sasakyan sa isang tabi nang mapansin niyang nakatulog na pala si Mara sa tabi niya habang sila ay bumabyahe patungo sa bahay nito. Maingat siyang lumapit at inayos ang ulo nitong nakatabingi upang hindi mangalay ang kaniyang leeg. Pagkatapos non ay hinawi niya ang hibla ng buhok nitong natatakpan ang kalahati niyang mukha at saka sinilid sa likod ng tenga niya. Tahimik niya itong pinagmamasdan at naisipan niyang kuhanan ito ng litrato. Mga tatlong kuha ang ginawa niya at siyaka ito muling pinagmasdan ng maigi. "Paano ka nakakatulog ng mahimbing na katabi ako? ang lalaking nagpapaiyak sa'yo palagi at nagwasak ng iyong puso?" mahinang turan niya habang tinititigan niya ang maamo nitong mukha. "Patawad kung nanggulo na naman ako sa buhay mo. Patawad kung nagpakita na naman sa'yo ang manlolokong lalaking ito, patawad kung ito lang din ang magagawa

  • Painful love   Kabanata 66

    Kasalukuyang nasa loob ng italian restaurant si Mara, nakaupo sa reservation table na pina-reserve ni Ethan para sa kanilang dalawa at halos labing limang minuto na siyang naghihintay roon, ngunit hindi pa rin dumarating ang kaniyang nobyo.Nang may biglang nagsalita mula sa likuran niya at mabilis naman siyang napalingon sa pag-aakalang si Ethan na nga yung lalaking nakatayo roon."Mara?""Ethan-" subalit laking pagtataka na lamang niya nang makita si Andrew at tila parehas pa silang nagulat sa isa't-isa."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ng dalaga sa kaniya na may bakas ng pagtataka sa mukha niya.Halos napatayo rin siya at palingon-lingon sa paligid nila, upang hagilapin ang fiancee nito subalit ni anino nito ay wala siyang nakita."Pinapunta ako rito ni Mr. Ethan at may importante raw siyang sasabihin sa akin," ang tinugon naman ni

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status