Pasensya ka na, may naalala lang kasi akong tao na kahawig mo." Ani ni Mara kay Andrew, habang pinupunasan ang luha sa mata niya."Ahh kaya pala, well it's alright. Madalas nga rin nila akong pagkamalan ng ibang tao. Siguro importante siya sa buhay mo kaya bigla ka naging emosyonal."Hindi ba talaga niya ako na-aalala? tanong ni Mara sa kaniyang isipan habang nakatingin siya kay Andrew."By the way, nagustuhan ko yung mga wedding gowns na napili mo. Siguro puwede natin gamitin yung iba para sa photoshoots niyo." Ang sabi ni Andrew sa kaniya pero tila naglalayag ang isipan nito at nakatitig lang siya sa binata."Okay ka lang ba, Ms. Mara? nga pala, baka nagtataka ka kung bakit ako nandito—""Yes, i already know. Pinapunta ka rito ng fiancé ko, hindi ba?" "Ye-yes, your fiancé." Naiilang niyang sabi at iniwasan niya kaagad ng tingin
Last Updated : 2021-08-28 Read more