THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES

THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES

last updateLast Updated : 2023-11-22
By:   MissThick  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
129Chapters
6.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sa kanyang kasal sa pangalawa niyang minahal, dumating ang una. Dalawa ang kanyang groom sa araw na inaakala niyang espesyal sa kanilang dalawa ni Jake. Ngunit dumating din si Jinx na una niyang minahal ngunit lumisan. Ngunit may itinatago si Jake sa kanya. Isang katotohanang naisambulat ng araw ng kasal nila. Nang nalaman niya ang lahat ng sikreto, naguluhan siya kung sino ang pipiliin niya, ang nang-iwan o ang nanatili? Ang nagbilin o pinagbilinan?

View More

Latest chapter

Free Preview

THE WEDDING

Epilogue Naghihintay ako na si Jake na mismo ang magtapat sa akin tungkol kay Jinx. Pinsan niya si Jinx ibig sabihin magkakilala sila. Alam niya noon pa man na ex ako ang pinsan niya ngunit ni minsan hindi niya sa akin nabanggit. Wala siya sa aking sinasabi at iyon sana ang gusto kong pag-usapan namin. Ngunit paano ko iyon gagawin kung natatakot akong ma-provoke siya. Ang hirap dahil tao rin lang naman ako, may mga gustong malaman. May mga sikretong sana mainam kung maipagtapat na lang. Para hindi na gumulo, para makatulong sa kanya at sa akin ay pinili kong manahimik na lang. Iniisip ko na lang, nakaraan ko na si Jinx. Tapos na tapos na ang sa amin ni Jinx dahil magsasampung-taon na rin lang naman na wala na kami. Matagal nang panahon iyon. Mga bata pa kami. Isa pa, wala na rin lang naman akong magagawa at wala na rin lang naman magbabago kahit pag-usapan at pagtalunan pa namin ang tungkol kay Jinx. Hindi naman nagbibigay pa ng kabutihan sa kung anong meron kami ni Jake kung kalkali...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
129 Chapters
THE WEDDING
Epilogue Naghihintay ako na si Jake na mismo ang magtapat sa akin tungkol kay Jinx. Pinsan niya si Jinx ibig sabihin magkakilala sila. Alam niya noon pa man na ex ako ang pinsan niya ngunit ni minsan hindi niya sa akin nabanggit. Wala siya sa aking sinasabi at iyon sana ang gusto kong pag-usapan namin. Ngunit paano ko iyon gagawin kung natatakot akong ma-provoke siya. Ang hirap dahil tao rin lang naman ako, may mga gustong malaman. May mga sikretong sana mainam kung maipagtapat na lang. Para hindi na gumulo, para makatulong sa kanya at sa akin ay pinili kong manahimik na lang. Iniisip ko na lang, nakaraan ko na si Jinx. Tapos na tapos na ang sa amin ni Jinx dahil magsasampung-taon na rin lang naman na wala na kami. Matagal nang panahon iyon. Mga bata pa kami. Isa pa, wala na rin lang naman akong magagawa at wala na rin lang naman magbabago kahit pag-usapan at pagtalunan pa namin ang tungkol kay Jinx. Hindi naman nagbibigay pa ng kabutihan sa kung anong meron kami ni Jake kung kalkali
last updateLast Updated : 2023-09-27
Read more
THE BEGINNING
CHAPTER 1 Hindi ko sukat akalain na ang kagaya kong lumaki s probinsiya ay makatatagpo ng lalaking tatanggap at magmamahal sa akin nang lubusan Wala sa isip ko na ang kagaya kong pobre ay makakatagpo ng isang bilyonaryo na siyang magpaparamdam at magpapakita sa akin ng wagas na pag-ibig. Ang lalaking siyang magbibigay ng lahat lahat niya para sa aking ikasasaya. Ang lalaking magbabago sa kwento ng buhay ko at pupuno sa lahat ng kakulangan ng buhay ko. Maihahalintulad ko ang buhay ko kay Cincerella. Inalipin ng kanyang bitch step mother at twin step sisters bago dumating ang Prince Charming niyang siyang nagbigay ng kaginhawaang karapat-dapat naman talaga para sa kanya? Ngunit wala akong bitch mother and twin sisters. Ang meron ako ay lasinggerong mapanakit na ama. Parang fairly tale story ang buhay ko. Ngunit hindi ito fairy tale. Isang totoong buhay na totoong nangyayari. Hindi ito likhang isip lamang. Lumaki akong sa gitna ng kahirapan at mga pasakit ay may matinding pangarap. T
last updateLast Updated : 2023-09-27
Read more
THE DETERMINATION
Chapter 2 Dahil may kaluwangan ang likod bahay ay sinikap kong humingi ng mga buto ng talong, kamatis at iba pang mga gulay sa mga kalaro ko na may mga ganoong nabubulok na gulay sa bakuran nila. Kapag kasi tapos na ang taniman ay bihira na rin ang nangangailangan ng babayaran na magtratrabaho sa bukid kaya iyon na ang naisip kong gawin habang maghihintay naman ng anihan ng palay. Magsisiyam na taong gulang na kasi ako sa pasukan kaya kailangan kong ihabol ang edad ko. Nalaman ko kasi na pitong taong gulang lang ang kapatid ng kalaro ko at nasa Grade 1 na. Doon daw ako magsisimula, sa pagiging Grade 1. Sa pagdaan ng panahon ay mabilis namang lumaki ang mga pananim kong gulay na para bang nakikisama sa akin ang kapalaran kahit wala akong pataba. Tubig lang sa ilog ang pinapandilig ko araw-araw. Nang namunga naman ay naging problema ko kung kanino ko iyon ibebenta dahil halos lahat ng mga kapit-bahay namin ay may mga gulay din sa likod-bahay nila. Maliban sa mga ilang tamad na walang
last updateLast Updated : 2023-09-27
Read more
THE OPTIMIST
Chapter 3Unang araw noon sa paaralan at nakita ko ang kaibahan ng mga kaklase ko sa akin. Magara ang kanilang mga sapatos at damit ngunit mangilan-ngilan din lang kaming nakatsinelas lang at may suot na mumurahin at hindi plantsadong uniform kagaya ko. Masarap ang baon nila tuwing recess samantalang ako ay lumalabas lang para uminom ng tubig sa poso at bumabalik na ako sa loob ng aming silid-aralan para mag-aral at hihintayin ang pagbalik ng aking mga kaklase. Lahat sila ay may mga kaibigan. Barkada. Bakit ako wala? Iyon ba ay kasama ng sumpa kung mahirap ka? Ang walang gustong makipagkaibigan sa iyo dahil wala kang baon, wala kang magarang suot na damit at wala kang maikukuwentong mga bagong napanood na pelikula o kaya ay mga manika? Ngunit alam kong may mga katangian akong puwedeng magamit para isang araw ay magbabago rin ang tingin ng lahat sa akin. Iyon ay ang aking tiyaga sipag at talino.Ilang buwan pa lamang noon ay magaling na akong magbasa. Nagugulat ang mga guro sa bilis ko
last updateLast Updated : 2023-09-27
Read more
THE FEAR
Chapter 4 Nang ako’y nasa hagdanan na namin ay hindi ko na magawang umakyat pa. Alam kong hahanapan ako ni Tatang ng alak. Ayaw kong magdahilan at magsinungaling sa kanya. Sasabihin ko na lang sa kaniya ang totoo.“Bakit ngayon ka lang? Aba! Bibili lang ng alak isang oras mahigit?”Nagkamot ako ng ulo. Ni hindi ko matignan si Tatang. Nakayuko lang ako.“Oh ano na? Nasaan ang pinabili kong alak?”“Wala ho.”“Anong wala? Nasaan!” “Sorry po ‘Tang,” ipinulupot ko ang aking kamay sa dulo ng butas-butas at manipis kong t-shirt.“Ano! Putang ina! Nasaan ang pinabili ko sa’yong alak!”“Nahulog ko kasi yung pera…” “Ano? Putang ina naman! Tanga! Bobo! Saan mo nahulog!”“Hindi ko ho alam!”“Tang-ina! Baka naman ibinulsa mo na para gamitin mo sa lintik na pag-aaral na ‘yan.”“Hindi ho ‘Tang. Nawala ko ho talaga.” Nanginginig na ako dahil tumataas na ang boses ni Tatang.“Halika rito at magtanda kang walang silbing hayop ka!” nakita kong kinuha niya ang nasa malapit sa kaniyang pamalo. Napaluno
last updateLast Updated : 2023-09-27
Read more
THE MOTHER'S LOVE
Chapter 5 Huminto ako nang malapit na ako sa aming kubo. Hindi ko magawang lumapit at umuwi. Nauuhaw ako, nagugutom at pinapapak ng lamok ngunit natatakot pa rin ako sa mga pananakit ni tatang. Alam kong gabi na noon. Matagal na kasi ang paglatag ng dilim at halos lahat ng mga ilaw ng mga kapit-bahay namin ay nakapatay na rin. Ngunit bukas pa ang gasera sa aming bahay. Narinig kong parang may lumabas sa bahay. Nanginginig akong sumilip mula sa pinagtataguan ko. Nakita ko si Nanang. Kasabay ng pagsilip ko ang kayang paglabas sa aming sira-sirang pinto. Panaog paakyat si Nanang. Halatang parang hindi mapakali. Paikot-ikot sa aming kubo. Malayo ang kanyang mga tingin. Nang alam kong ako ang kaniyang hinihintay ay lumabas na rin lang ako sa pinagtataguan ko. “Nang…” garalgal kong boses na parang naiiyak ngunit nangangatog din ako sa takot sa kanya. Kagaya ni Tatang, naging malupit din naman si Nanang sa akin kaya hindi ko siya magawang takbuhan. Paano kung katulad din siya ni tatang na
last updateLast Updated : 2023-09-27
Read more
THE SUPPORT
Chapter 6“Alam kong marami akong pagkukulang sa’yo anak. Patawarin mo ako. Naging pabaya akong ina sa’yo. Sana kahit ikaw na lang pala ang ibinalik ko sa Daddy mo nang hindi ka nahihirapan nang ganito kagaya ko. Hindi mo sana mararanasan ang hirap na nararanasan ko ngayon.”Hindi ko siya sinagot ngunit niyakap ko rin siya ng mahigpit. Pumikit ako. Pinuno ko ang aking puso sa pagbulwak ng pagmamahal ng aking nanang sa akin. Gusto kong manatili sa isip at puso ko ang higpit ng yakap niya sa akin.“Kaya lang naman ako naging malayo sa’yo at hindi ko maiparamdam ang pagmamahal ko sa’yo kasi kasi sa tuwing nakikita kita ay naalala ko ang ama mo. Hindi kasi niya ako nagawang panindigan. Hindi niya ako pinili. Mas pinili niyang mag-aral sa ibang bansa kaysa tayo. Hindi siya naging totoo sa mga pangako niya sa akin na hindi niya ako iiwan, na hindi niya tayo pababayaan Patawarin mo ako ha?”“Wala nap o ‘yon, Nang. Naintindihan po kita.”Tinignan niya ako. Hinawakan niya ang magkabila kong p
last updateLast Updated : 2023-09-30
Read more
THE PERSISTENT
Chapter 7Sa pagsisikap naming ni Nanang ay nagtapos ako ng elementarya. Kahit pa sabihing ako ang pinakamatalino sa aming klase, hindi naging sukatan iyon sa aming baryo. Nang mga panahong iyon, daig ng mapera ang matalino. Hindi man lang ako nakakuha ng parangal dahil walang ma-idonate na kahit ano ang pamilya ko. Matalino ako ngunit wala akong pera ngunit alam kong babawi ako kapag nasa High School na ako. Sa mga panahong iyon noon, sapat na sa akin na sa araw ng aking pagtatapos ay hindi ako nag-iisa sa aking upuan. Naroon si Nanang sa tabi ko. Proud na proud na nakatapos ang anak niya. Lumuluha siya ng abutin ko ang una kong diploma. Ngunit alam kong hindi lang dalawa o tatlo ang iaabot ko sa kaniya. Pangarap kong iahon siya at darating ang araw na maghaharap kaming dalawa ng aking ama para ipamukha kung ano ang narating nang pinabayaan at itinakwil niyang anak. Gusto kong maibigay kay Nanang ang buhay na dapat niyang matamasa. “Nang, mag-aaral ba ako ng high schoo
last updateLast Updated : 2023-09-30
Read more
THE CRUSH
Chapter 8Kaya nga kahit anong laban ang gawin ko ay hindi ko pa rin kayang labanan ang umusbong na pagka-crush ko kay Jinx. Siya ang unang bumihag sa akin. Siya ang pinangarap kong mamahalin ko habang-buhay. Siya ang nakikita kong makakasama ko sa aking pagtanda. Kahit pa sabihin nilang imposible dahil kami ay parang langit at lupa. Kahit pa pagtawanan ako, ramdam kong siya nga talaga ang itinadhana sa akin.Guwapo si Jinx. Hindi nga lang siya katangkaran ngunit sa paningin ko ay siya ang pinakaguwapo sa buong campus. Bilugin ang kaniyang mga mata na may makapal na kilay. Matangos ang ilong at may tamang umbok at kapal ang mga labi. Dahil sa bata pa kami noon ay wala pang laman ang dibdib niya pero mabalbon siya. Makinis ang balat at maputi sa karaniwan. Ako naman, nang mga panahong iyon ay pumuti na rin dahil bihira nang mabilad sa araw. Matangkad ako sa karaniwang tangkad ng mga kaklase kong babae. Isa ako sa mga pinakamatangkad na babae sa buong campus namin. Maayos ang manipis n
last updateLast Updated : 2023-09-30
Read more
THE CLOSENESS
Chapter 9Ilang araw pagkatapos kong natanggap sa aming school paper ay siya na ang kusang lumalapit sa akin. Madalas na siyang nagkukuwento. Hindi siya nagbabanggit sa mga bagay na alam niyang hindi ko alam. Doon siya nagfo-focus sa mga simpleng bagay na alam niyang may masabi ako. Ramdam kong nag-adjust siya para sa akin bagay na lalo kong nagustuhan sa kanya. Mula noon, may kausap na ako.Isang umaga habang naglalakad ako papasok sa school ay biglang may bumusina. Gumilid ako ngunit patuloy pa rin ang aking paglalakad habang nagre-review sa daan. Dahil nga wala kaming kuryente kaya sa umaga habang naglalakad ay isinisingit ko pa rin makapag-review. Muling pumitada ang hindi ko alam kung sino e, nakagilid na nga ako. Nilingon ko. Sumabit sandali ang aking paghinga nang makita ko si Jinx na nakangiti sa akin.“Tara,” sabi niya sa akin.Naguluhan ako. “Tara? Saan?”“Sa school.”“Eto nga papunta na ako sa school.”“Sakay ka na lang sa akin para mabilis kang makarating at doon ka sa roo
last updateLast Updated : 2023-09-30
Read more
DMCA.com Protection Status