Epilogue
Naghihintay ako na si Jake na mismo ang magtapat sa akin tungkol kay Jinx. Pinsan niya si Jinx ibig sabihin magkakilala sila. Alam niya noon pa man na ex ako ang pinsan niya ngunit ni minsan hindi niya sa akin nabanggit. Wala siya sa aking sinasabi at iyon sana ang gusto kong pag-usapan namin. Ngunit paano ko iyon gagawin kung natatakot akong ma-provoke siya. Ang hirap dahil tao rin lang naman ako, may mga gustong malaman. May mga sikretong sana mainam kung maipagtapat na lang. Para hindi na gumulo, para makatulong sa kanya at sa akin ay pinili kong manahimik na lang. Iniisip ko na lang, nakaraan ko na si Jinx. Tapos na tapos na ang sa amin ni Jinx dahil magsasampung-taon na rin lang naman na wala na kami. Matagal nang panahon iyon. Mga bata pa kami. Isa pa, wala na rin lang naman akong magagawa at wala na rin lang naman magbabago kahit pag-usapan at pagtalunan pa namin ang tungkol kay Jinx. Hindi naman nagbibigay pa ng kabutihan sa kung anong meron kami ni Jake kung kalkalin ko pa ang nakaraan at pag-uusapan namin ang tungkol sa pinsan niya. Lahat ng iyon ay tiniis kong isipin. Napakaraming bakit at paano na hindi ko alam kung kanino ko dapat itatanong. Hanggang sa narinig ko na ang mahinang hilik ni Jake samantalang ako ay napakarami kong isipin. Pinagmasdan ko ang payapa niyang pagtulog. Buong puso kong pinapasalamatan ang Diyos dahil hanggang ngayon, nakikita ko pa si Jake na humihinga. Nayayakap ko pa. Nahahalikan. Nakakausap. Nararamdaman.Nasaan ka na Jinx? Anong nangyari sa’yo? Bakit hindi sinabi ni Jake sa akin ang tungkol sa’yo? Sana nasa mabuti kang kalagayan ngayon. Sana nahanap mo na rin ang iyong kaligayahan. Hindi ko man naibalik sa’yo ang tulong mo. Sana masiyahan kang malaman na iniligtas ko ang Mommy mo sa kamatayan at ngayon ay okey na kami. Walang nang galit. Wala nang pag-iimbot.Ngayon ay naalala ko na yung sinasabi ni Yaya Chayong na lalaking pinsan ni Jake na lalaki nang bigyan niya ako ng damit. Si Jinx ba iyon? Anong sikreto mo Jake? Bakit kahit sa mga huling sandali ng iyong buhay ay marami ka pa rin lihim sa akin na hindi ka pa lubos nalalaman? Bakit hindi mo pa rin sa akin ipinagtatapat ang lahat ng iyong nalalaman?Kinatulugan ko na lamang ang mga isiping iyon. Alam ko namang hindi ko masasagot sa sarili ko ang mga tanong na iyon. Kung masasagot sa mga susunod na araw o panahon, bahala na basta ang kailangan kong i-focus sa ngayon ay ang kung anong makapagpapasaya kay Jake. Saka ko na lang po-problemahin ang lahat.Kinabukasan ay maayos na ang plano. Maagang nagising si Jake dahil nga may usapan sila ni Daddy na aalis. Palalabasin ni Daddy na bestman si Jake sa kasal ng kanyang kaibigan. Gusto niya akong isama ngunit nagdahilan akong pagod. Hindi na siya nagpilit pa. Hindi ako bumangon para tulungan siyang mag-ayos. Nanatili akong nagtutulug-tulugan. Humalik pa siya sa akin bago nagpaalam.Pagkaalis nila ay mabilis na rin kaming nagsikilos ng mga kasama ko sa bahay. Hudyat na para magmadali. Umaga ang kasal namin at kailangan makarating kami sa Hotel and Resort para maayusan pa ako. Maging matagumpay naman dahil maaga kaming nakarating ni Nanang at si Ate Champagne kasama ang mga kasambahay namin na kinabibilangan ni Yaya Chayong sa pagdadausan ng kasal.Nang maisuot ko ang aking wedding gown ay lumabas ang aking kagandahan. Hindi pa naman halata ang aking tiyan. Nakikisama ang aking ipinagbubuntis. Hindi pa siya ganoon kalaki. Gusto niyang maganda at seksi si Mommy sa kasal nila ni Daddy. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Ito na ang katuparan ng pangarap namin ni Jake. Ito na ang pinakamasaya sa buhay namin. Mamaalam man siya alam niyang sa kanya ko iniaalay ang aking puso. Sa kanya ko inihahandog ang una kong “I do”.Alam kong masu-surprise ko si Jake ngayon. Sigurado akong ito na ang pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay. Ito na ang pinamasaya at pinakamalaking sorpresa.“Ang ganda mo anak. Mas maganda ka pa ngayon kaysa noong JS ninyo.”“Siyempre naman Nang. Araw ng kasal ko kaya ngayon dapat ang araw na pinakamaganda ako ako. Kumusta raw sina Daddy? Okey na daw ho baa ng plano?”“Sabi niya okey na. Mamayang alas otso, bababa na sila at pupunta doon sa garden. 10 minutes na lang kaya tara na, bababa na tayo.” Si Nanang. Mukhang siya pa yung aligaga na akala mo siya uli ang ikakasal.Inalalayan nila akong bumaba. Magarang-magara kasi ng aking wedding gown. Ginastusan at talagang pinasadya sa kagandahan. Mahaba ang aking belo. Makabago ang estilo nito. Kita ang aking kaseksihan at litaw ang kurba ng aking katawan. Simple lang ang aking make up, natural. Napakaganda ng ginawa ng aming wedding planner sa pagdadausan ng garden wedding namin. Puno ito ng white roses. Ang paborito ni Jake na bulaklak. Puti ang lahat ng paligid at may halong green. The touch of green represent tranquility. Parag napakalinis tignan. Buhay na buhay lalo na’t may fountain pang siyang lalong nagpaganda. Magaan sa mata at pakiramdam ang kabuuan ng pagdausan ng aming kasal.Konti lang ang bisita. Mga malalapit lang na kamag-anak. Naroon sina Mommy at Daddy ni Jinx na hindi ko naman inimbitahan. Siguro si Jake ang nag-imbita sa kanila. Huminga ako ng malalim. Ito na nga. Ito na talaga. Mangyayari na. Magiging Mrs. Lopez na ako. Lopez pa rin naman kasi ang apilyido ni Jake.Sinenyasan ako ng wedding planner na parating na si Jake. Dadalhin si Jake sa harap na nahaharangan pa ng puting tela. Yung hindi muna kami magkakakitaan. Tatanggalin na lang ang harang kapag ako ay nagmamartsa na papunta sa harap at nasa gitna na ng isle. Doon na siya magugulat na akala niya isa lang siya sa mga kinuhang bestman ng kasal kaya siya tatabi sa pinalabas ni Daddy na ikakasal na anak ng kanyang betsfriend.Hinintay kong pumailanlang ang aming theme song na Everything I have. Iyon na kasi ang hudyat na sisimulan ko na ang maglakad palapit sa kung saan naghihintay si Jake.Ngunit hindi ang Everything I have ang narinig kong kanta. Tagpuan ni Moira ang pumailanlang. Nagtaka ako. Hindi ba nila naintindihan ang aking instruction? Everthing I have ang dapat naming wedding song. Napailing na lang ako. Huli na para magreklamo. Kailangan ko nang maglakad. Nakita ko si Nanang na nakaupo sa harap. Nakatingin sa akin. Masayang-masaya para sa akin. Ganoon din ang mga magulang ni Jinx at iba pang mga bisita. Si Ate Precious ay tumayo pa nga para makita akong naglalakad. Lahat sila nginitian ko. Hanggang sa narinig ko na ang unang lyrics ng kanta.Di, di ko inakalangDarating din sa akinNung ako'y nanalangin kay BathalaNaubusan ng bakitHabang naglalakad ako at naririnig ko ang lyrics ng kanta ay naramdaman kong taman-tama ito sa amin ni Jake. Magaling ang pagpili. Hindi na masakit sa loob ko na iyon ang piniling ipalit. Sinong mag-aakala na darating sa buhay ko si Jake kung kailan paubos na ang tulong ni Jinx sa akin at siya ang nagtuloy sa pag-aalaga at pagmamahal ni Jinx sa akin. Parang dumating siyang sumalo sa hindi na kayang gawin pa ng kanyang pinsan. Siya ang nagpapatunay ng tunay na pag-ibig. Pag-ibig na di sumusuko. Pag-ibig na kamatayan lang ang hahadlang.Bakit umalis nang walang sabi?Bakit 'di siya lumaban kahit konti?Bakit 'di maitama ang tadhana?Doon ako napaluha. Bakit ang linyang iyon ay parang hindi na kay Jake. Bakit parang mas angkop kay Jinx? Iyon ang mga katanungan ko noon kay Jinx. May pasabi siyang umalis ngunit hindi na siya nagsabi sa akin kung kailan ba talaga siya makababalik. Wala akong alam kung kailan pa kami huling magkikita. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyari sa kanya. Bakit hindi siya lumaban? Iyon ang tanong ko noong hindi ko pa nababasa ang kanyang sulat ngunit alam kong inilaban rin talaga niya ang lahat hindi lang sumapat. Hindi lang inilaban hanggang sa huli. Naniniwala rin naman akong sinubukan niyang ilaban ang sa amin ngunit hindi lang naitama sa amin ang tadhana. Hindi lang siguro kami talaga para sa isa’t isa. Hindi kami ang pinagsadya ng pagkakataon. Lumuluha na ako habang naglalakad. Hindi dapat ako iiyak e. Hindi dapat ako padadala sa isang lyrics lang ng kanta. Ngunit hindi na napigilan pa. Pinalaya ko na lang ang aking mga luha. Ngunit bakit si Jinx ang naiisip ko ngayon na ikakasal na ako kay Jake? Bakit ba parang mas angkop sa aming dalawa ni Jinx ang kanta?At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod.Si Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakatalikod na lalaki. Parang masasagot na ang lahat ng bakit. Sila ni Jake ang naghihintay sa akin sa huling tagpuan. Magkatabi sila. Kapwa nakangiti ngunit lumuluha. Luha ang kumikislap sa kanilang mga mata. Nangatal ako. Hindi ako makahakbang. Anong pakulo ito? Among sorpresa. Bakit si Jinx ang isa kong nakita sa tagpuan imbes na dapat si Jake lang? Bakit parang may mali? Nangatog ang tuhod ko. Tumigil sa paghakbang. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin? Hindi ito ang plano. Wala ito sa sorpresa ko kay Jake? Bakit ako pa rin sa huli ang ginulat?Anong nangyari? Ito ba talaga ang itinadhanang mangyari?Ngunit paano ba dumating sa puntong ganito ang lahat? Paanong ang dalawang magpinsan ang siya ngayong naghihintay sa akin sa dambana?CHAPTER 1 Hindi ko sukat akalain na ang kagaya kong lumaki s probinsiya ay makatatagpo ng lalaking tatanggap at magmamahal sa akin nang lubusan Wala sa isip ko na ang kagaya kong pobre ay makakatagpo ng isang bilyonaryo na siyang magpaparamdam at magpapakita sa akin ng wagas na pag-ibig. Ang lalaking siyang magbibigay ng lahat lahat niya para sa aking ikasasaya. Ang lalaking magbabago sa kwento ng buhay ko at pupuno sa lahat ng kakulangan ng buhay ko. Maihahalintulad ko ang buhay ko kay Cincerella. Inalipin ng kanyang bitch step mother at twin step sisters bago dumating ang Prince Charming niyang siyang nagbigay ng kaginhawaang karapat-dapat naman talaga para sa kanya? Ngunit wala akong bitch mother and twin sisters. Ang meron ako ay lasinggerong mapanakit na ama. Parang fairly tale story ang buhay ko. Ngunit hindi ito fairy tale. Isang totoong buhay na totoong nangyayari. Hindi ito likhang isip lamang. Lumaki akong sa gitna ng kahirapan at mga pasakit ay may matinding pangarap. T
Chapter 2 Dahil may kaluwangan ang likod bahay ay sinikap kong humingi ng mga buto ng talong, kamatis at iba pang mga gulay sa mga kalaro ko na may mga ganoong nabubulok na gulay sa bakuran nila. Kapag kasi tapos na ang taniman ay bihira na rin ang nangangailangan ng babayaran na magtratrabaho sa bukid kaya iyon na ang naisip kong gawin habang maghihintay naman ng anihan ng palay. Magsisiyam na taong gulang na kasi ako sa pasukan kaya kailangan kong ihabol ang edad ko. Nalaman ko kasi na pitong taong gulang lang ang kapatid ng kalaro ko at nasa Grade 1 na. Doon daw ako magsisimula, sa pagiging Grade 1. Sa pagdaan ng panahon ay mabilis namang lumaki ang mga pananim kong gulay na para bang nakikisama sa akin ang kapalaran kahit wala akong pataba. Tubig lang sa ilog ang pinapandilig ko araw-araw. Nang namunga naman ay naging problema ko kung kanino ko iyon ibebenta dahil halos lahat ng mga kapit-bahay namin ay may mga gulay din sa likod-bahay nila. Maliban sa mga ilang tamad na walang
Chapter 3Unang araw noon sa paaralan at nakita ko ang kaibahan ng mga kaklase ko sa akin. Magara ang kanilang mga sapatos at damit ngunit mangilan-ngilan din lang kaming nakatsinelas lang at may suot na mumurahin at hindi plantsadong uniform kagaya ko. Masarap ang baon nila tuwing recess samantalang ako ay lumalabas lang para uminom ng tubig sa poso at bumabalik na ako sa loob ng aming silid-aralan para mag-aral at hihintayin ang pagbalik ng aking mga kaklase. Lahat sila ay may mga kaibigan. Barkada. Bakit ako wala? Iyon ba ay kasama ng sumpa kung mahirap ka? Ang walang gustong makipagkaibigan sa iyo dahil wala kang baon, wala kang magarang suot na damit at wala kang maikukuwentong mga bagong napanood na pelikula o kaya ay mga manika? Ngunit alam kong may mga katangian akong puwedeng magamit para isang araw ay magbabago rin ang tingin ng lahat sa akin. Iyon ay ang aking tiyaga sipag at talino.Ilang buwan pa lamang noon ay magaling na akong magbasa. Nagugulat ang mga guro sa bilis ko
Chapter 4 Nang ako’y nasa hagdanan na namin ay hindi ko na magawang umakyat pa. Alam kong hahanapan ako ni Tatang ng alak. Ayaw kong magdahilan at magsinungaling sa kanya. Sasabihin ko na lang sa kaniya ang totoo.“Bakit ngayon ka lang? Aba! Bibili lang ng alak isang oras mahigit?”Nagkamot ako ng ulo. Ni hindi ko matignan si Tatang. Nakayuko lang ako.“Oh ano na? Nasaan ang pinabili kong alak?”“Wala ho.”“Anong wala? Nasaan!” “Sorry po ‘Tang,” ipinulupot ko ang aking kamay sa dulo ng butas-butas at manipis kong t-shirt.“Ano! Putang ina! Nasaan ang pinabili ko sa’yong alak!”“Nahulog ko kasi yung pera…” “Ano? Putang ina naman! Tanga! Bobo! Saan mo nahulog!”“Hindi ko ho alam!”“Tang-ina! Baka naman ibinulsa mo na para gamitin mo sa lintik na pag-aaral na ‘yan.”“Hindi ho ‘Tang. Nawala ko ho talaga.” Nanginginig na ako dahil tumataas na ang boses ni Tatang.“Halika rito at magtanda kang walang silbing hayop ka!” nakita kong kinuha niya ang nasa malapit sa kaniyang pamalo. Napaluno
Chapter 5 Huminto ako nang malapit na ako sa aming kubo. Hindi ko magawang lumapit at umuwi. Nauuhaw ako, nagugutom at pinapapak ng lamok ngunit natatakot pa rin ako sa mga pananakit ni tatang. Alam kong gabi na noon. Matagal na kasi ang paglatag ng dilim at halos lahat ng mga ilaw ng mga kapit-bahay namin ay nakapatay na rin. Ngunit bukas pa ang gasera sa aming bahay. Narinig kong parang may lumabas sa bahay. Nanginginig akong sumilip mula sa pinagtataguan ko. Nakita ko si Nanang. Kasabay ng pagsilip ko ang kayang paglabas sa aming sira-sirang pinto. Panaog paakyat si Nanang. Halatang parang hindi mapakali. Paikot-ikot sa aming kubo. Malayo ang kanyang mga tingin. Nang alam kong ako ang kaniyang hinihintay ay lumabas na rin lang ako sa pinagtataguan ko. “Nang…” garalgal kong boses na parang naiiyak ngunit nangangatog din ako sa takot sa kanya. Kagaya ni Tatang, naging malupit din naman si Nanang sa akin kaya hindi ko siya magawang takbuhan. Paano kung katulad din siya ni tatang na
Chapter 6“Alam kong marami akong pagkukulang sa’yo anak. Patawarin mo ako. Naging pabaya akong ina sa’yo. Sana kahit ikaw na lang pala ang ibinalik ko sa Daddy mo nang hindi ka nahihirapan nang ganito kagaya ko. Hindi mo sana mararanasan ang hirap na nararanasan ko ngayon.”Hindi ko siya sinagot ngunit niyakap ko rin siya ng mahigpit. Pumikit ako. Pinuno ko ang aking puso sa pagbulwak ng pagmamahal ng aking nanang sa akin. Gusto kong manatili sa isip at puso ko ang higpit ng yakap niya sa akin.“Kaya lang naman ako naging malayo sa’yo at hindi ko maiparamdam ang pagmamahal ko sa’yo kasi kasi sa tuwing nakikita kita ay naalala ko ang ama mo. Hindi kasi niya ako nagawang panindigan. Hindi niya ako pinili. Mas pinili niyang mag-aral sa ibang bansa kaysa tayo. Hindi siya naging totoo sa mga pangako niya sa akin na hindi niya ako iiwan, na hindi niya tayo pababayaan Patawarin mo ako ha?”“Wala nap o ‘yon, Nang. Naintindihan po kita.”Tinignan niya ako. Hinawakan niya ang magkabila kong p
Chapter 7Sa pagsisikap naming ni Nanang ay nagtapos ako ng elementarya. Kahit pa sabihing ako ang pinakamatalino sa aming klase, hindi naging sukatan iyon sa aming baryo. Nang mga panahong iyon, daig ng mapera ang matalino. Hindi man lang ako nakakuha ng parangal dahil walang ma-idonate na kahit ano ang pamilya ko. Matalino ako ngunit wala akong pera ngunit alam kong babawi ako kapag nasa High School na ako. Sa mga panahong iyon noon, sapat na sa akin na sa araw ng aking pagtatapos ay hindi ako nag-iisa sa aking upuan. Naroon si Nanang sa tabi ko. Proud na proud na nakatapos ang anak niya. Lumuluha siya ng abutin ko ang una kong diploma. Ngunit alam kong hindi lang dalawa o tatlo ang iaabot ko sa kaniya. Pangarap kong iahon siya at darating ang araw na maghaharap kaming dalawa ng aking ama para ipamukha kung ano ang narating nang pinabayaan at itinakwil niyang anak. Gusto kong maibigay kay Nanang ang buhay na dapat niyang matamasa. “Nang, mag-aaral ba ako ng high schoo
Chapter 8Kaya nga kahit anong laban ang gawin ko ay hindi ko pa rin kayang labanan ang umusbong na pagka-crush ko kay Jinx. Siya ang unang bumihag sa akin. Siya ang pinangarap kong mamahalin ko habang-buhay. Siya ang nakikita kong makakasama ko sa aking pagtanda. Kahit pa sabihin nilang imposible dahil kami ay parang langit at lupa. Kahit pa pagtawanan ako, ramdam kong siya nga talaga ang itinadhana sa akin.Guwapo si Jinx. Hindi nga lang siya katangkaran ngunit sa paningin ko ay siya ang pinakaguwapo sa buong campus. Bilugin ang kaniyang mga mata na may makapal na kilay. Matangos ang ilong at may tamang umbok at kapal ang mga labi. Dahil sa bata pa kami noon ay wala pang laman ang dibdib niya pero mabalbon siya. Makinis ang balat at maputi sa karaniwan. Ako naman, nang mga panahong iyon ay pumuti na rin dahil bihira nang mabilad sa araw. Matangkad ako sa karaniwang tangkad ng mga kaklase kong babae. Isa ako sa mga pinakamatangkad na babae sa buong campus namin. Maayos ang manipis n
Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa