Chapter 3
Unang araw noon sa paaralan at nakita ko ang kaibahan ng mga kaklase ko sa akin. Magara ang kanilang mga sapatos at damit ngunit mangilan-ngilan din lang kaming nakatsinelas lang at may suot na mumurahin at hindi plantsadong uniform kagaya ko. Masarap ang baon nila tuwing recess samantalang ako ay lumalabas lang para uminom ng tubig sa poso at bumabalik na ako sa loob ng aming silid-aralan para mag-aral at hihintayin ang pagbalik ng aking mga kaklase. Lahat sila ay may mga kaibigan. Barkada. Bakit ako wala? Iyon ba ay kasama ng sumpa kung mahirap ka? Ang walang gustong makipagkaibigan sa iyo dahil wala kang baon, wala kang magarang suot na damit at wala kang maikukuwentong mga bagong napanood na pelikula o kaya ay mga manika? Ngunit alam kong may mga katangian akong puwedeng magamit para isang araw ay magbabago rin ang tingin ng lahat sa akin. Iyon ay ang aking tiyaga sipag at talino.Ilang buwan pa lamang noon ay magaling na akong magbasa. Nagugulat ang mga guro sa bilis kong matuto. Ngunit dahil mahirap lang ako, hindi rin kilala ang mga magulang ko at wala kaming pera kagaya ng mayayaman kong mga kaklase kaya hindi ako nakakapasok sa mga nakakakuha ng mga parangal. Ngunit alam ko at alam ng mga kaklase ko na ako ang pinakamatalino sa aming klase. Walang tanong ang teacher ko na hindi ko masagot. Pero para sa akin, hindi naman importante iyon, ang mahalaga ay masaya akong pumapasok, marami akong natutunan at dumami na rin ang mga kabigang nagpapatulong sa akin.Patuloy ang pagdaan ng araw ngunit wala pa ring pagbabago si Tatang. Para nga siyang alak e, habang tumatagal, patapang ng patapang. Grade four na ako noon nang maisipan ng isa sa mga guro kong ipalista ako para sa acceleration program ng public school sa mga may edad at matatalinog mag-aaral. Dalagita na kasi ako pero Grade 4 pa rin. Hindi na ako nababagay sa mga kaklase kong mga bata. Para na kasing teacher ang tangkad ko at para na rin akong High School kug bulas ng katawan ang pagbabasehan. Sa awa ng Diyos ay pumasa ako sa acceleration at isang araw pagpasok ko sa school ay grade six na agad ako. Maliban sa guro kong nagpalista sa akin para ma-accelerate at sa Principal namin dahil isang karangalan nga naman na galing sa paaralan nila ang nag-top sa buong Region II sa acceleration program ay wala ng ibang natuwa pa. Kahit gaano kasaya ko noong umuwi para ibalita ko sa mga magulang ko ang nangyari ay parang wala lang sa kanila ang lahat. Hindi pinansin ang ibinalita ko at ganito lang ang sagot ng mahaba at puno ng excitement kong kuwento.“Bilhan mo nga ako ng Gin diyan kina Aling Delia. Bilisan mo. Kung may pera ka, bumili ka na rin kahit tatlong stick lang ng sigarilyo.”Gano’n lang iyon.Masaganang luha ang bumaybay sa aking pisngi. Kailan kaya nila ako ipagmamalaki? Hanggang kailan ko maramdaman ang kanilang pagmamahal. Ngunit desidido akong magtagumpay. Hindi ko inaasahan na sa tindi ng hangarin kong makapag-aral ay may mga dumadating ding mas matitindi pang unos sa aking buhay. Mga pagsubok na siyang humubog at nagdala sa akin sa upang mas matatag. Paano ko lalabanan ang lahat ng iyon ng ako lang?Isang gabi nang hindi ko sinadyang mahulog ang ibinigay na pera ni tatang na sana pambili ko ng kaniyang Gin. Pinagpapawisan akong hanapin iyon. Ginawa ko ang lahat para hindi uuwing walang dalang alak. Nakaradamdam tuloy ako ng inis sa kapit-bahay naming nagpatulong buhatin ang mga sinibak niyang kahoy. Tuloy nawala yung inipit kong pera sa may garter ng may kaluwangang shorts ko. Wala naman kasing bulsa iyon kaya naisipan kong sa garter ko na lng iipit. Kahit pabalik-balik pa ako sa dinaanan ko ay hindi ko na nahanap pa. Nagsabi ako sa nagpatulong sa akin na isilong ang panggatong nilang kahoy ngunit wala raw siya maibigay. Takot na takot ako noon lalo pa’t wala rin naman akong maipalit para ipambili ng kaniyang alak. Wala rin naman sa akin magpautang. Lahat kami halos sa lugar namin ay isang kahig isang tuka lang rin naman.Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko noon kay tatang. Natatakot akong umuwi na walang dalang alak kaya naglakas loob akong umutang sa tindahan nina Aling Delia.“Ano uutang ka ng alak?”“Oho sana. Kahit pa maglalabada na ako sa inyo bukas na bukas ho.”“Nakikita mo ‘to?” tinignan ko ang binigay niyang listahan ng mga utang, “Hayan? Ang haba na ng listahan ng utag ninyo ta’s uutang ka na naman. Alak pa talaga ang uutangin mo ha? Sabihin mo sa nanang mo ha? Noong isang taon pa ang mga utang niya rito. May balak ba kayong magbayad? Kung bakit kasi ako nagpadala sa awa e.”“Ako na lang ho ang magbabayad sa utang ko, Aling Delia. Parang awa na ho ninyo. Bubugbugin po kasi ako ni Tatang kung uuwi ako na walang dalang alak.”“Aba problema ko pa ba ‘yon?”“Sige na po Aling Delia, parang awa na ho ninyo.”“Kaya nga humaba ang listahan ng utang ninyo e kasi dahil sa awa. Malay ko ba kung nagdadrama ka lang para mautangan mo ang tatang mo ng alak kagaya ng arte at drama ng ina mo sa akin? Sige na, nakakabwisit ka ng negosyo.”“Aling Del…”“Aalis ka o ipakakagat kita sa aso namin?”“Wala na ho kasi akong mauutangan…”“Hala! Alis! Bwisit kayong pamilya. Pabigat kayo sa negosyo!”Wala akong magawa kundi ang mangiyak-ngiyak na umalis. Kahit pa nakalayo na ako at dinig ko pa rin ang mga sigaw niya. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao. Ang ilan ay nagtatawanan pa. Para namang nakakatawa ang pagiging mahirap.“Ang haba ng utang ninyo! Wala ba kayong alam na gawin kundi mambwisit at mangutang! Kung sana ulam pa ang uutangin mo, maintindihan ko pa sana pero alak? Mag-aalak pa kayo e hampaslupa na nga lang kayo!” sigaw niya hanggang sa di ko na narinig pa ang mga iba pa niyang mga ipinagsisigaw.Naglakad muli ako papunta naman sa isa pang tindihan. Umaasang mapagbibigyan ako.“Anong bibilhin mo? Himala na dito kayo bibili ngayon e mas malapit ang tindahan ni Delia sa akin ah?”“Aling Maring, pwede hong mangutang?”“Ano? Mangungutang ka?”“Oho sana.”“Kaya naman pala nilagpasan mo si Delia. Siguro hindi ka na papautangin ano? Aba e e ang haba raw ng listahan ng Nanang mo ro’n ah? Tapos ngayon sa akin naman kayo lalapit para mangutang.”“Nahulog ko ho kasi yung perang ibinigay ni Tatang pambili ng alak, Aling Maring. Ako na lang ho ang magbabayad sa inyo sa susunod na Linggo. Makikiani naman po ako ng palay bukas e.” Pakiusap ko.“Hindi at wala akong maipapautang sa inyo.”“Sige na ho, parang awa na ho ninyo.”“Wala nga! Bakit ba ang kulit mo! Sige na. Umuwi ka na dahil marami pang bibili. Uutang kayo alak pa. Ang kakapal ng mga mukha ninyo.” Malakas niyang sigaw. Iba’y natatawa sa isinisigaw na iyon ni Aling Meding ngunit sa akin, sobrang sakit iyon na nakahandusay na kami sa kahirapan ay kailangan pa nila akong apak-apakan. Nangilid ang luha ko.Bigo akong makapangutang ng alak ni Tatang. Ginabi na ako. Lahat ng tindahan nagbakasakali na ako pero puro pangungutya lang ang narinig ko. Pinagtatawanan nila ako. Inaalipusta na para bang hindi ako tao. Mahirap man ako ngunit may damdamin pa rin naman, nasasaktan. Ang kinatatakutan ko na lang ay kung anong gagawin ni Tatang sa akin oras na umuwi akong walang dalang alak.Chapter 4 Nang ako’y nasa hagdanan na namin ay hindi ko na magawang umakyat pa. Alam kong hahanapan ako ni Tatang ng alak. Ayaw kong magdahilan at magsinungaling sa kanya. Sasabihin ko na lang sa kaniya ang totoo.“Bakit ngayon ka lang? Aba! Bibili lang ng alak isang oras mahigit?”Nagkamot ako ng ulo. Ni hindi ko matignan si Tatang. Nakayuko lang ako.“Oh ano na? Nasaan ang pinabili kong alak?”“Wala ho.”“Anong wala? Nasaan!” “Sorry po ‘Tang,” ipinulupot ko ang aking kamay sa dulo ng butas-butas at manipis kong t-shirt.“Ano! Putang ina! Nasaan ang pinabili ko sa’yong alak!”“Nahulog ko kasi yung pera…” “Ano? Putang ina naman! Tanga! Bobo! Saan mo nahulog!”“Hindi ko ho alam!”“Tang-ina! Baka naman ibinulsa mo na para gamitin mo sa lintik na pag-aaral na ‘yan.”“Hindi ho ‘Tang. Nawala ko ho talaga.” Nanginginig na ako dahil tumataas na ang boses ni Tatang.“Halika rito at magtanda kang walang silbing hayop ka!” nakita kong kinuha niya ang nasa malapit sa kaniyang pamalo. Napaluno
Chapter 5 Huminto ako nang malapit na ako sa aming kubo. Hindi ko magawang lumapit at umuwi. Nauuhaw ako, nagugutom at pinapapak ng lamok ngunit natatakot pa rin ako sa mga pananakit ni tatang. Alam kong gabi na noon. Matagal na kasi ang paglatag ng dilim at halos lahat ng mga ilaw ng mga kapit-bahay namin ay nakapatay na rin. Ngunit bukas pa ang gasera sa aming bahay. Narinig kong parang may lumabas sa bahay. Nanginginig akong sumilip mula sa pinagtataguan ko. Nakita ko si Nanang. Kasabay ng pagsilip ko ang kayang paglabas sa aming sira-sirang pinto. Panaog paakyat si Nanang. Halatang parang hindi mapakali. Paikot-ikot sa aming kubo. Malayo ang kanyang mga tingin. Nang alam kong ako ang kaniyang hinihintay ay lumabas na rin lang ako sa pinagtataguan ko. “Nang…” garalgal kong boses na parang naiiyak ngunit nangangatog din ako sa takot sa kanya. Kagaya ni Tatang, naging malupit din naman si Nanang sa akin kaya hindi ko siya magawang takbuhan. Paano kung katulad din siya ni tatang na
Chapter 6“Alam kong marami akong pagkukulang sa’yo anak. Patawarin mo ako. Naging pabaya akong ina sa’yo. Sana kahit ikaw na lang pala ang ibinalik ko sa Daddy mo nang hindi ka nahihirapan nang ganito kagaya ko. Hindi mo sana mararanasan ang hirap na nararanasan ko ngayon.”Hindi ko siya sinagot ngunit niyakap ko rin siya ng mahigpit. Pumikit ako. Pinuno ko ang aking puso sa pagbulwak ng pagmamahal ng aking nanang sa akin. Gusto kong manatili sa isip at puso ko ang higpit ng yakap niya sa akin.“Kaya lang naman ako naging malayo sa’yo at hindi ko maiparamdam ang pagmamahal ko sa’yo kasi kasi sa tuwing nakikita kita ay naalala ko ang ama mo. Hindi kasi niya ako nagawang panindigan. Hindi niya ako pinili. Mas pinili niyang mag-aral sa ibang bansa kaysa tayo. Hindi siya naging totoo sa mga pangako niya sa akin na hindi niya ako iiwan, na hindi niya tayo pababayaan Patawarin mo ako ha?”“Wala nap o ‘yon, Nang. Naintindihan po kita.”Tinignan niya ako. Hinawakan niya ang magkabila kong p
Chapter 7Sa pagsisikap naming ni Nanang ay nagtapos ako ng elementarya. Kahit pa sabihing ako ang pinakamatalino sa aming klase, hindi naging sukatan iyon sa aming baryo. Nang mga panahong iyon, daig ng mapera ang matalino. Hindi man lang ako nakakuha ng parangal dahil walang ma-idonate na kahit ano ang pamilya ko. Matalino ako ngunit wala akong pera ngunit alam kong babawi ako kapag nasa High School na ako. Sa mga panahong iyon noon, sapat na sa akin na sa araw ng aking pagtatapos ay hindi ako nag-iisa sa aking upuan. Naroon si Nanang sa tabi ko. Proud na proud na nakatapos ang anak niya. Lumuluha siya ng abutin ko ang una kong diploma. Ngunit alam kong hindi lang dalawa o tatlo ang iaabot ko sa kaniya. Pangarap kong iahon siya at darating ang araw na maghaharap kaming dalawa ng aking ama para ipamukha kung ano ang narating nang pinabayaan at itinakwil niyang anak. Gusto kong maibigay kay Nanang ang buhay na dapat niyang matamasa. “Nang, mag-aaral ba ako ng high schoo
Chapter 8Kaya nga kahit anong laban ang gawin ko ay hindi ko pa rin kayang labanan ang umusbong na pagka-crush ko kay Jinx. Siya ang unang bumihag sa akin. Siya ang pinangarap kong mamahalin ko habang-buhay. Siya ang nakikita kong makakasama ko sa aking pagtanda. Kahit pa sabihin nilang imposible dahil kami ay parang langit at lupa. Kahit pa pagtawanan ako, ramdam kong siya nga talaga ang itinadhana sa akin.Guwapo si Jinx. Hindi nga lang siya katangkaran ngunit sa paningin ko ay siya ang pinakaguwapo sa buong campus. Bilugin ang kaniyang mga mata na may makapal na kilay. Matangos ang ilong at may tamang umbok at kapal ang mga labi. Dahil sa bata pa kami noon ay wala pang laman ang dibdib niya pero mabalbon siya. Makinis ang balat at maputi sa karaniwan. Ako naman, nang mga panahong iyon ay pumuti na rin dahil bihira nang mabilad sa araw. Matangkad ako sa karaniwang tangkad ng mga kaklase kong babae. Isa ako sa mga pinakamatangkad na babae sa buong campus namin. Maayos ang manipis n
Chapter 9Ilang araw pagkatapos kong natanggap sa aming school paper ay siya na ang kusang lumalapit sa akin. Madalas na siyang nagkukuwento. Hindi siya nagbabanggit sa mga bagay na alam niyang hindi ko alam. Doon siya nagfo-focus sa mga simpleng bagay na alam niyang may masabi ako. Ramdam kong nag-adjust siya para sa akin bagay na lalo kong nagustuhan sa kanya. Mula noon, may kausap na ako.Isang umaga habang naglalakad ako papasok sa school ay biglang may bumusina. Gumilid ako ngunit patuloy pa rin ang aking paglalakad habang nagre-review sa daan. Dahil nga wala kaming kuryente kaya sa umaga habang naglalakad ay isinisingit ko pa rin makapag-review. Muling pumitada ang hindi ko alam kung sino e, nakagilid na nga ako. Nilingon ko. Sumabit sandali ang aking paghinga nang makita ko si Jinx na nakangiti sa akin.“Tara,” sabi niya sa akin.Naguluhan ako. “Tara? Saan?”“Sa school.”“Eto nga papunta na ako sa school.”“Sakay ka na lang sa akin para mabilis kang makarating at doon ka sa roo
Chapter 10“Saan galing ang mga ito?” tanong ko.“Padala nina Daddy at Mommy sa akin. Galing America,” simpleng sagot lang niya. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon."Galing sa America? Ibig sabihin, imported ang mga pinagbibigay mo sa akin?”“Khaye naman ilang buwan ka nang nakakain ng mga ‘yan ngayon mo lang alam?’“Seryoso ba? Hindi ko alam. Kung alam ko lang e di sana hindi ko inuubos para makapag-uwi ako para kay Nanang.”“Sige hayaan mo, damihan ko bukas para makapag-uwi ka kay Nanang mo.”Tinupad niya ang sinabi niya. Kay nanang lang may problema. “Baka iba nay an Khaye ha? Bakit ka binibigyan ng ganyan kung wala siyang gusto?”“Nang, mabait lang yung tao, saka ako naman gumagawa ng assignment niya at ilang mga project.”“Sigurado ka?”“Oho. Saka Nang araw-araw siya nagdadala.”“Mayaman, imported e.”“Paano moa lam na imported.”“E, ganyan na ganyan nga ang mga kinakain nila doon sa bahay ng tatay mo. Hindi ako maalam magbasa pero marunong akong kumilala. Marunong
Chapter 11Nasa second year high school na kami nang may transferee galing sa Manila na si Cheenee. Kahitr sa unang araw pa lang, may naramdaman na akong kakaibsa sa mga tingin at sulyap ni Jinx kay Cheenee. Hindi ko man gusto yung nararamdaman kong pagseselos ngunit wala naman akong maaring gawin kundi ang tanggapin na ganoon talaga. Sino ba naman kasi ang hindi magka-crush sa maputi, magaling pumorma, seksi, matangkad at magandang kagaya ni Cheenee kumpara sa kagaya ko lang na simple at maitim dahil sa aking pagbubukid? Alam kong wala akong panama sa kagaya ni Cheenee. Kahit sa paraan ng pagsasalita walang-wala ako. Kahit pa sabihing ako ang pinakamatalino sa klase pero pagdating sa pagbigkas ng mga salita, wala pa rin akong binatbat. Ewan ko ba? Para kasing may ibang punto ang mga tiga-Manila. Parang napakasarap lang silang pakinggang magsalita ng Tagalog. Kahit nga ang ihambing ang sarili ko sa kagaya ni Cheenee ay wala akong karapatan.Physical Education namin noon nang magkatab
Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa