Chapter 2
Dahil may kaluwangan ang likod bahay ay sinikap kong humingi ng mga buto ng talong, kamatis at iba pang mga gulay sa mga kalaro ko na may mga ganoong nabubulok na gulay sa bakuran nila. Kapag kasi tapos na ang taniman ay bihira na rin ang nangangailangan ng babayaran na magtratrabaho sa bukid kaya iyon na ang naisip kong gawin habang maghihintay naman ng anihan ng palay. Magsisiyam na taong gulang na kasi ako sa pasukan kaya kailangan kong ihabol ang edad ko. Nalaman ko kasi na pitong taong gulang lang ang kapatid ng kalaro ko at nasa Grade 1 na. Doon daw ako magsisimula, sa pagiging Grade 1.Sa pagdaan ng panahon ay mabilis namang lumaki ang mga pananim kong gulay na para bang nakikisama sa akin ang kapalaran kahit wala akong pataba. Tubig lang sa ilog ang pinapandilig ko araw-araw. Nang namunga naman ay naging problema ko kung kanino ko iyon ibebenta dahil halos lahat ng mga kapit-bahay namin ay may mga gulay din sa likod-bahay nila. Maliban sa mga ilang tamad na walang ginawa kundi magtsismisan at maglaro ng baraha.Naisip kong dalhin ang mga bunga ng talong, ampalaya, sitaw at kamatis sa bayan. Higit isang oras ko rin nilalakad iyon sa masukal na kagubatan at talahiban bago marating. Kung dadaan kasi ako sa daanan ng mga sasakyan ay aabutin ako ng tatlong oras kaya doon ako sa shortcut dumadaan. Nahihirapan ako noong magbilang lalo na sa pera kaya minsan binubungangaan ako ng mga bumibili sa isang bayong lang na gulay na paninda ko. Presko kasi ang mga paninda ko kaya sa akin bumibili ang ilan pero dahil sa bakuran lang ako nagtanim kaya ilang araw uli ako maghihintay bago mamunga ng aking ititinda. Sa harap ng parlor ng isang baklang parang babae ako noon nagtitinda. Sa akin din siya bumibili at napansin nga niyang hindi ako marunong magsukli. Nang minsang wala siyang ginugupitan ay tinawag niya ako sa loob. Wala na akong ibebenta noon.Ang baklang iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit umayos ang buhay ko. Makikilala siya sa susunod na bahagi ng aking kuwento. “Anong pangalan mo neng?”“Khaye po. Kayo po?”“Precious. Tawagin mo akong ate Precious.”“Ate Precious” inulit ko ang sinabi niya para matandaan ko.“Hindi ka ba nag-aaral?”“Hindi pa po ako nag-aral e.”“Talaga? Kaya pala.”“Ano hong kaya pala?”“Kaya pala hindi ka marunong pang magbilang. Hindi mo alam kung magkano ang ibinabayad sa’yo at di mo rin alam kung paano mo sila susuklian.”“Opo. Kahit po pangalan ko po hindi ko alam isulat.”Huminga ng malalim si Ate Precious. Nakita ko agad sa mga mata niya ang awa sa akin. “Wala ka bang mga magulang?”“Meron po.”“Meron naman pala e, pero bakit ka pinapabayaan ng ganyan?”“Hindi ko ho alam e.”“Ilang taon ka na?”“Sabi po ni nanang, walong taong gulang na ako. Malapit na daw ako magiging siyam.”“Gano’n e parang 12 years old ka na. Matangkad kang bata kung gano’n. Hmnnnn” sinipat ako ni Ate Precious pataas at pababa. Saka siya ngumiti. “Maganda kang bata.”“Salamat ho.”“Kung hindi ka marunong magbasa at magsulat, hindi ka marunong magbilang, madali kang lokohin ng kapwa mo. Kung hindi ka kayang pag-aralin ng mga magulang mo, bakit hindi na lang sila ang magturo sa’yo?”“Hindi rin daw kasi maalam magbasa at magsulat sina Nanang at Tatang.”“Ibig sabihin lahat kayo mangmang?”Tumango ako.“Sorry sa term na mangmang pero gusto mo ba iyan ang tawag sa’yo ng mga tao paglaki mo? Mangmang o bobo? Alam mo walang mangyayari sa buhay mo kung hindi mo matutunan ang magbasa at magsulat.”Tumingin lang ako sa kanya. Pilit kong iniintindi ang mahaba-haba niyang sinabi.“Gusto mo bang turuan kitang magbilang?”“Sige po. Gusto kop o. Gustung-gusto ko po.” Natutuwa kong sabi sa kanya.“At saka turuan na rin kitang isulat ang pangalan mo?”“Talaga ho? Sige po.” “Sandali at kukuha ako ng lapis at papel.”Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakahawaka ko ng lapis. Unang pagkakataon na may nagturo sa aking magbilang. Sa higit isang oras ding pagturo ni Ate Precious sa akin na magsulat ay tuluyan ko ng alam kung paano isulat ang buong pangalan kong Khaye Bautista. Pag-uwi ko ay ibinigay na rin sa akin ni Ate Precious ang kaniyang lapis at papel. Habang naglalakad ako, inuulit-ulit ko ring balikan ang itunuro niya sa aking pagbibilang hanggang 10. Sa ibang araw na lang daw ang iba pang mga numbers para raw di ako mabigla. Kaya nang umuwi ako ay pagkatapos kong diligan ang aking mga gulay ay wala akong ginawa kundi ang isulat ng paulit-ulit ang aking pangalan at magbilang ng magbilang hanggang 10.Nang pasukan na ay pumunta ako sa bayan para bumili ng mga kakailanganin ko sa pag-aaral. Sinamahan ako noon ni ate Precious na bumili ng aking mga gamit. Dinagdagan pa niya ang mga kulang ko. Lahat ng sa tingin niya na kailangan ko ay binili niya. Tuwang-tuwa akong umuwi noon na dala ang aking mga gagamitin sa pag-aaral. Pinakita ko kay tatang ngunit nasaktan lang ako sa sinabi niya sa akin.“Akala mo naman may mararating ka sa aral-aral na ‘yan. Pag-aasawa at pag-aanak din lang ang bagsak mo.”“Ho?” gulat kong tinuran.“Basta ito ang tandaan mo bata ka ha? Pagdating diyan sa pag-aaral na iyan ay wala kang mahihintay sa akin na kahit anong suporta. Wala akong pakialam at huwag na huwag kang hihingi ng tulong sa akin diyan sa diyaskeng pag-aaral mo!”“Opo Tang. Hindi ho magiging pabigat ang pag-aaral ko sa inyo.”“Kita mong naghihirap na tayo iyan pa ang inaatupag mo. Do’n sa bukid ka nababagay o kung hindi naman ay diyan sa gulayan mo sa likod ang asikasuhin mo nang may malamon ka.”Minabuti kong hindi na lang sumagot.“Tignan lang natin kung hanggang kailan ka tatagal diyan sa buwisit na pag-aaral na iyan.”Tumahimik na lang ako. Kung sasagot ako, malamang hahaba lang ang usapan. Kinuha ko na lang uli ang mga gamit ko sa paaralan at isinilid ko sa aking bag na may luha sa aking mga mata. Pumasok ako sa loob ng aming kubo na nasasaktan dahil sa sinabi sa akin ni Tatang. Pinangako ko sa aking sarili na pagdating ng araw, magsisisi siya sa mga sinabi niya. Ipapamukha ko sa kaniyang hindi ako matutulad sa kanila ni Nanang.Pagdating ni Nanang galing sa pagta-trabaho sa bukid ay hinarap niya agad ako.“Nakabili ka ba ng mga gamit mo sa school?”“Oho Nang.”“Patingin?”Natuwa ako. Gumaan ang pakiramdam ko. Masaya kong inilabas lahat ang laman ng bagong bag ko na binili ni Ate Precious.“Oh bakit parang andami naman yata ‘yan? Nagkasya ba ang pera mo at yung barya baryang ibinigay ko?”“Opo saka tinulungan ako ni Ate Precious?”“Sino?”“Si Ate Champage po. May parlor sa bayan. Doon sa tapat ng parlor niya ako madalas magtinda ng gulay ko.”“Maigi. Sige na, itago mo na muna ‘yan at magsaing ka na.”“Sige po Nang.”Tinignan ako ni Nanang. Tumingin rin ako sa kanya. Alam kong nahihirapan siyang makita akong hikahos.“Sana makaya natin ang pag-aaral mo. Hindi ko alam kung paano.”“Mga ambisyosa. Pahirap lang ‘yan! Kinukunsinti mo pa kasi e.” singhal ni Tatang na naninigarilyo sa labas ng bahay.Hindi sumagot si Nanang.Umupo siya sa bintana at malayo ang tanaw ng kanyang mga mata.Alam ko yung hirap namin. Ramdam na ramdam koi yon lalo pa’t heto ako nagpipilit pang mag-aral. Naawa ako kay Nanang. Inisip ko na lang na dodoblehin kong magtrabaho kapag wala akong pasok tulad ng Sabado at Linggo.“Taas talaga ng ambisyon. Tignan lang natin kung saan din ang bagsak mong bata ka.” Pagpapatuloy ni Tatang.Sa gabing iyon ay napaiyak ako sa tinutulugan ko. Pakiramdam ko noon ay hindi ko talaga ama si Tatang. Wala akong nararamdamang pagmamahal at pagmamalasakit. Parang sa buong buhay ko ay nabuhay na lang ako sa awa ng Diyos. Ngunit lahat ng mga sinabi ni Tatang ay ginawa kong challenge para magtagumpay ako.Chapter 3Unang araw noon sa paaralan at nakita ko ang kaibahan ng mga kaklase ko sa akin. Magara ang kanilang mga sapatos at damit ngunit mangilan-ngilan din lang kaming nakatsinelas lang at may suot na mumurahin at hindi plantsadong uniform kagaya ko. Masarap ang baon nila tuwing recess samantalang ako ay lumalabas lang para uminom ng tubig sa poso at bumabalik na ako sa loob ng aming silid-aralan para mag-aral at hihintayin ang pagbalik ng aking mga kaklase. Lahat sila ay may mga kaibigan. Barkada. Bakit ako wala? Iyon ba ay kasama ng sumpa kung mahirap ka? Ang walang gustong makipagkaibigan sa iyo dahil wala kang baon, wala kang magarang suot na damit at wala kang maikukuwentong mga bagong napanood na pelikula o kaya ay mga manika? Ngunit alam kong may mga katangian akong puwedeng magamit para isang araw ay magbabago rin ang tingin ng lahat sa akin. Iyon ay ang aking tiyaga sipag at talino.Ilang buwan pa lamang noon ay magaling na akong magbasa. Nagugulat ang mga guro sa bilis ko
Chapter 4 Nang ako’y nasa hagdanan na namin ay hindi ko na magawang umakyat pa. Alam kong hahanapan ako ni Tatang ng alak. Ayaw kong magdahilan at magsinungaling sa kanya. Sasabihin ko na lang sa kaniya ang totoo.“Bakit ngayon ka lang? Aba! Bibili lang ng alak isang oras mahigit?”Nagkamot ako ng ulo. Ni hindi ko matignan si Tatang. Nakayuko lang ako.“Oh ano na? Nasaan ang pinabili kong alak?”“Wala ho.”“Anong wala? Nasaan!” “Sorry po ‘Tang,” ipinulupot ko ang aking kamay sa dulo ng butas-butas at manipis kong t-shirt.“Ano! Putang ina! Nasaan ang pinabili ko sa’yong alak!”“Nahulog ko kasi yung pera…” “Ano? Putang ina naman! Tanga! Bobo! Saan mo nahulog!”“Hindi ko ho alam!”“Tang-ina! Baka naman ibinulsa mo na para gamitin mo sa lintik na pag-aaral na ‘yan.”“Hindi ho ‘Tang. Nawala ko ho talaga.” Nanginginig na ako dahil tumataas na ang boses ni Tatang.“Halika rito at magtanda kang walang silbing hayop ka!” nakita kong kinuha niya ang nasa malapit sa kaniyang pamalo. Napaluno
Chapter 5 Huminto ako nang malapit na ako sa aming kubo. Hindi ko magawang lumapit at umuwi. Nauuhaw ako, nagugutom at pinapapak ng lamok ngunit natatakot pa rin ako sa mga pananakit ni tatang. Alam kong gabi na noon. Matagal na kasi ang paglatag ng dilim at halos lahat ng mga ilaw ng mga kapit-bahay namin ay nakapatay na rin. Ngunit bukas pa ang gasera sa aming bahay. Narinig kong parang may lumabas sa bahay. Nanginginig akong sumilip mula sa pinagtataguan ko. Nakita ko si Nanang. Kasabay ng pagsilip ko ang kayang paglabas sa aming sira-sirang pinto. Panaog paakyat si Nanang. Halatang parang hindi mapakali. Paikot-ikot sa aming kubo. Malayo ang kanyang mga tingin. Nang alam kong ako ang kaniyang hinihintay ay lumabas na rin lang ako sa pinagtataguan ko. “Nang…” garalgal kong boses na parang naiiyak ngunit nangangatog din ako sa takot sa kanya. Kagaya ni Tatang, naging malupit din naman si Nanang sa akin kaya hindi ko siya magawang takbuhan. Paano kung katulad din siya ni tatang na
Chapter 6“Alam kong marami akong pagkukulang sa’yo anak. Patawarin mo ako. Naging pabaya akong ina sa’yo. Sana kahit ikaw na lang pala ang ibinalik ko sa Daddy mo nang hindi ka nahihirapan nang ganito kagaya ko. Hindi mo sana mararanasan ang hirap na nararanasan ko ngayon.”Hindi ko siya sinagot ngunit niyakap ko rin siya ng mahigpit. Pumikit ako. Pinuno ko ang aking puso sa pagbulwak ng pagmamahal ng aking nanang sa akin. Gusto kong manatili sa isip at puso ko ang higpit ng yakap niya sa akin.“Kaya lang naman ako naging malayo sa’yo at hindi ko maiparamdam ang pagmamahal ko sa’yo kasi kasi sa tuwing nakikita kita ay naalala ko ang ama mo. Hindi kasi niya ako nagawang panindigan. Hindi niya ako pinili. Mas pinili niyang mag-aral sa ibang bansa kaysa tayo. Hindi siya naging totoo sa mga pangako niya sa akin na hindi niya ako iiwan, na hindi niya tayo pababayaan Patawarin mo ako ha?”“Wala nap o ‘yon, Nang. Naintindihan po kita.”Tinignan niya ako. Hinawakan niya ang magkabila kong p
Chapter 7Sa pagsisikap naming ni Nanang ay nagtapos ako ng elementarya. Kahit pa sabihing ako ang pinakamatalino sa aming klase, hindi naging sukatan iyon sa aming baryo. Nang mga panahong iyon, daig ng mapera ang matalino. Hindi man lang ako nakakuha ng parangal dahil walang ma-idonate na kahit ano ang pamilya ko. Matalino ako ngunit wala akong pera ngunit alam kong babawi ako kapag nasa High School na ako. Sa mga panahong iyon noon, sapat na sa akin na sa araw ng aking pagtatapos ay hindi ako nag-iisa sa aking upuan. Naroon si Nanang sa tabi ko. Proud na proud na nakatapos ang anak niya. Lumuluha siya ng abutin ko ang una kong diploma. Ngunit alam kong hindi lang dalawa o tatlo ang iaabot ko sa kaniya. Pangarap kong iahon siya at darating ang araw na maghaharap kaming dalawa ng aking ama para ipamukha kung ano ang narating nang pinabayaan at itinakwil niyang anak. Gusto kong maibigay kay Nanang ang buhay na dapat niyang matamasa. “Nang, mag-aaral ba ako ng high schoo
Chapter 8Kaya nga kahit anong laban ang gawin ko ay hindi ko pa rin kayang labanan ang umusbong na pagka-crush ko kay Jinx. Siya ang unang bumihag sa akin. Siya ang pinangarap kong mamahalin ko habang-buhay. Siya ang nakikita kong makakasama ko sa aking pagtanda. Kahit pa sabihin nilang imposible dahil kami ay parang langit at lupa. Kahit pa pagtawanan ako, ramdam kong siya nga talaga ang itinadhana sa akin.Guwapo si Jinx. Hindi nga lang siya katangkaran ngunit sa paningin ko ay siya ang pinakaguwapo sa buong campus. Bilugin ang kaniyang mga mata na may makapal na kilay. Matangos ang ilong at may tamang umbok at kapal ang mga labi. Dahil sa bata pa kami noon ay wala pang laman ang dibdib niya pero mabalbon siya. Makinis ang balat at maputi sa karaniwan. Ako naman, nang mga panahong iyon ay pumuti na rin dahil bihira nang mabilad sa araw. Matangkad ako sa karaniwang tangkad ng mga kaklase kong babae. Isa ako sa mga pinakamatangkad na babae sa buong campus namin. Maayos ang manipis n
Chapter 9Ilang araw pagkatapos kong natanggap sa aming school paper ay siya na ang kusang lumalapit sa akin. Madalas na siyang nagkukuwento. Hindi siya nagbabanggit sa mga bagay na alam niyang hindi ko alam. Doon siya nagfo-focus sa mga simpleng bagay na alam niyang may masabi ako. Ramdam kong nag-adjust siya para sa akin bagay na lalo kong nagustuhan sa kanya. Mula noon, may kausap na ako.Isang umaga habang naglalakad ako papasok sa school ay biglang may bumusina. Gumilid ako ngunit patuloy pa rin ang aking paglalakad habang nagre-review sa daan. Dahil nga wala kaming kuryente kaya sa umaga habang naglalakad ay isinisingit ko pa rin makapag-review. Muling pumitada ang hindi ko alam kung sino e, nakagilid na nga ako. Nilingon ko. Sumabit sandali ang aking paghinga nang makita ko si Jinx na nakangiti sa akin.“Tara,” sabi niya sa akin.Naguluhan ako. “Tara? Saan?”“Sa school.”“Eto nga papunta na ako sa school.”“Sakay ka na lang sa akin para mabilis kang makarating at doon ka sa roo
Chapter 10“Saan galing ang mga ito?” tanong ko.“Padala nina Daddy at Mommy sa akin. Galing America,” simpleng sagot lang niya. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon."Galing sa America? Ibig sabihin, imported ang mga pinagbibigay mo sa akin?”“Khaye naman ilang buwan ka nang nakakain ng mga ‘yan ngayon mo lang alam?’“Seryoso ba? Hindi ko alam. Kung alam ko lang e di sana hindi ko inuubos para makapag-uwi ako para kay Nanang.”“Sige hayaan mo, damihan ko bukas para makapag-uwi ka kay Nanang mo.”Tinupad niya ang sinabi niya. Kay nanang lang may problema. “Baka iba nay an Khaye ha? Bakit ka binibigyan ng ganyan kung wala siyang gusto?”“Nang, mabait lang yung tao, saka ako naman gumagawa ng assignment niya at ilang mga project.”“Sigurado ka?”“Oho. Saka Nang araw-araw siya nagdadala.”“Mayaman, imported e.”“Paano moa lam na imported.”“E, ganyan na ganyan nga ang mga kinakain nila doon sa bahay ng tatay mo. Hindi ako maalam magbasa pero marunong akong kumilala. Marunong
Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa