Share

THE FEAR

Author: MissThick
last update Huling Na-update: 2023-09-27 07:50:45

Chapter 4

Nang ako’y nasa hagdanan na namin ay hindi ko na magawang umakyat pa. Alam kong hahanapan ako ni Tatang ng alak. Ayaw kong magdahilan at magsinungaling sa kanya. Sasabihin ko na lang sa kaniya ang totoo.

“Bakit ngayon ka lang? Aba! Bibili lang ng alak isang oras mahigit?”

Nagkamot ako ng ulo. Ni hindi ko matignan si Tatang. Nakayuko lang ako.

“Oh ano na? Nasaan ang pinabili kong alak?”

“Wala ho.”

“Anong wala? Nasaan!”

“Sorry po ‘Tang,” ipinulupot ko ang aking kamay sa dulo ng butas-butas at manipis kong t-shirt.

“Ano! Putang ina! Nasaan ang pinabili ko sa’yong alak!”

“Nahulog ko kasi yung pera…”

“Ano? Putang ina naman! Tanga! Bobo! Saan mo nahulog!”

“Hindi ko ho alam!”

“Tang-ina! Baka naman ibinulsa mo na para gamitin mo sa lintik na pag-aaral na ‘yan.”

“Hindi ho ‘Tang. Nawala ko ho talaga.” Nanginginig na ako dahil tumataas na ang boses ni Tatang.

“Halika rito at magtanda kang walang silbing hayop ka!” nakita kong kinuha niya ang nasa malapit sa kaniyang pamalo. Napalunok ako. Kinabahan. Alam kong muli na naman niya akong sasaktan.

Umatras ako. Nanginginig ang buo kong katawan. Nangangatog ang aking mga tuhod.

“Hayop kang bata ka. Wala ka talagang silbi! Magnanakaw ka talaga!” singhal niya.

Bakit mula pagkabata ko naririnig ko ng tinatawag ako ng hayop ka… animal ka! Tapos ngayon kinabitan na ng walang silbi kang hayop ka at magnanakaw pa. Tumingin ako sa mukha ni tatang noon. Galit siya. Galit na galit at nang itinaas niya ang pamalo niya ay inihanda ko na ang katawan kong damhin ang parusa ng aking nagawang kasalanan. Kasalanang hindi ko naman sinasadya.

“Ano ha! Aamin ka na ba na hindi mo nahulog ang pera kundi ninakaw mo ito dahil sa letseng pag-aaral na ‘yan!” singhal niya habang patuloy niya akong pinapalo.

“Wala po akong ninanakaw, tang.” Mahina kong sagot. Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Umiiyak ako sa takot. At sa isang iglap ay sunud-sunod na malalakas na palo buong katawan ko ang pinatikim ni tatang sa akin. Nang ihambalos niyang muli ang pamalo sa akin ay nagawa kong hawakan ang kaniyang kamay. Oo nga’t babae ako at bata pa pero sobra na ang ginagawa nilang pang-aapi sa akin. Parang hindi nila ako anak.

“Aba! Lumalaban ka na ha?”

“Tang, tama na ho! Pagta-trabahuan ko hong ibalik ang pera sa inyo!”

“Matapang ka na talaga ah! Sige, gaga, lumaban ka. Ipakita mo sa akin na kaya mo na akong labanan, tarantada!” hinawakan niya ang leeg ko. Sinakal na niya ako. Mahigpit na pagsakal. Hindi ako makahinga. Kahit anong gawing kong pagtanggal sa kanyang kamay sa aking leeg ay hindi ko magawa.Pakiramdam ko ay napakatagal ng pagkakasakal niya sa akin na wala nang naiipon pang hangin sa aking baga.

“Tang…hin-di a-ko makanginga--- Tang!” Nalalagutan na ako ng hininga at umiinit na ang buo kong mukha sa pamumula. Luha, sipon at laway na ang lumalabas sa akin. Kung hahayaan ko pang tatagal ang pagkakasakal sa akin ni tatang ay tuluyan na akong mamamatay. Tinutulak-tulak ko ang dibdib niya. Nagmakaawa ang luhaan kong mga mata at pinilit kong magsalita para magmakaawang tanggalin na niya ang kamay niya sa aking leeg ngunit tanging laway lang at ungol ang lumalabas na lang sa akin. Pinilit kong tanggalin ang kamay niyang nakasakal sa akin ngunit malakas ang kaniyang mga daliri. Ano ba naman ang kayang gawin ng isang batang babae? Tanging malakas na tadyak sa kaniyang sikmura ang alam kong paraan para makahinga akong muli.

Nang nabitiwan niya ang leeg ko ay parang napakahalaga sa akin ang bawat paghinga. Kailangan kong punuin muna ng hagin ang aking baga. Nahuli ng pang-amoy ko ang kaniyang amoy alak na hininga. Nakainom na pala siya. Napaluhod ako sa pagkahina kasabay ng sunud-sunod ding pag-ubo. Ngunit hindi pa ako nakakabawi sa panghihina ay isang malakas na sipa naman ang pinakawalan ni tatang sa aking tadyang, isa pang sipa sa aking mukha na dahilan ng pagkabasag ng aking labi. Mabuti at hindi ako naputulan ng ngipin. Napasadsad ako sa gilid ng aming kubo at nakita ko ang pagtulo ng dugo mula sa aking labi pabagsak sa yari sa kawayan naming suwelo. Doon na ako natakot ng husto. Naisip ko nang lumayo roon at nang palapit muli si tatang sa akin ay sinikap kong tumayo at kumaripas ng takbo. Dinig na dinig ko ang kaniyang sigaw…

“Tang ina kang hayop ka. Papatayin kita. Wala kang kuwenta!”

Noon ay gusto kong lumayo. Doon sa hindi ko marinig ang panlalait niya sa aking pagkatao. Tumakbo ako ng tumakbo papunta sa ilog hanggang nakarating ako sa may kakahuyan. Kumakaripas ako dahil sa takot at nang alam kong hindi na niya ako nasundan pa ay tumigil ako. Madilim ang paligid. Iba’t ibang mga tunog ng kulisap sa gabi at mga kahol ng aso ang pumupunit sa katahimikan ng gabi. May mga huni ng ibon na lalong nagpatindig sa balahibo ko. May narinig rin akong hampas ng pakpak. Nakaramdam ako ng takot ngunit mas matindi ang takot kong umuwi sa bahay. Nagpahinga ako sa silong ng isang sampalok. Humagulgol ako ng humagulgol at doon ay parang tao na kinausap ko ang punong iyon.

“Bakit gano’n sila? Nang gumawa ako ng tama, nagsisikap para makapag-aral sa sarili kong kayod, nagbigay ng karangalan sa school at na-promote mula Grade four to Grade six ay parang wala lang sa kanila. Ano bang mali? Anong kulang? Nagiging mabuti naman akong anak, alam naman nila na ako’y masipag at maasahan sa lahat ng gawaing bahay pero bakit ganoon pa rin sila kalupit sa akin? Bakit hindi nila napansin ang lahat ng aking mga ginagawa? Bakit hindi ako nakita o naramdaman man lang? Ngayong nakagawa ako ng isang kasalanang hindi ko naman sinasadya ay ngayon lang ako napansin? Sabi ng teacher ko, kapag daw nagagalit ang mga magulang namin sa amin ay mahal na mahal daw nila kami. Sa pananakit ni tatang sa akin kanina, sa sobrang galit niya sa akin? Ibig bang sabihin no’n ay mahal na mahal niya ako? Simbolo ba ng pananakit na iyon ang pagmamahal sa akin? Para kasing ang hirap kong paniwalaan.”

Umiyak ako nang umiyak. Naiinis ako sa sarili ko. Sana mas naging maingat ako sa iniabot niyang pera sa akin. Sana hindi na lang ako tumulong sa kapitbahay namin. Nagagalit ako sa mga magulang ko. Sana hindi na lang sila ang mga magulang ko. Sana hindi na lang din ako ipinanganak sa mundo. Sana hindi na lang ako nabuhay. Sana pinatay na lang nila ako nang sanggol pa lang ako kung ganito rin lang pala ang buhay na pagdadaanan ko?

Dumaan pa ang ilang oras at gabing-gabi na. Nagugutom na rin ako. Nagsimula nang magtago ang buwan sa makapal na ulap na lalong nagpadilim sa gabing tahimik. Kanina pa ako pinapapak ng mga lamok. Noon ko lang naranasang umupo si silong ng kahoy at inabot ng ganito kagabi. Natatakot ako sa tinaguan ko ngunit natatakot pa rin naman akong umuwi. Wala akong maisip pang ibang mapuntahan. Natatakot din ako dahil bigla kong naalala ang mga kuwento ng mga kalaro ko tungkol sa puno ng balete na tanaw lang sa kinauupuan kong puno ng sampalok. Tumatayo ang mga balahibo ko sa nililikha ng utak kong mga haka-hakang may white lady daw roon, may kapre, may pa ring pugot ang ulo at lumilipad sa ere, may madreng l***t ang dila, may babaeng malaki na may kargang sanggol na duguan ang mga mata, may ataul na bigla na lang babagsak sa lupa at dahil hindi ko na makayanan pa ang takot ay bigla akong napatakbo palayo doon sa lugar na iyon at ang tanging alam kong tanging mapupuntahan ay ang aming munting kubo.

Kaugnay na kabanata

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   THE MOTHER'S LOVE

    Chapter 5 Huminto ako nang malapit na ako sa aming kubo. Hindi ko magawang lumapit at umuwi. Nauuhaw ako, nagugutom at pinapapak ng lamok ngunit natatakot pa rin ako sa mga pananakit ni tatang. Alam kong gabi na noon. Matagal na kasi ang paglatag ng dilim at halos lahat ng mga ilaw ng mga kapit-bahay namin ay nakapatay na rin. Ngunit bukas pa ang gasera sa aming bahay. Narinig kong parang may lumabas sa bahay. Nanginginig akong sumilip mula sa pinagtataguan ko. Nakita ko si Nanang. Kasabay ng pagsilip ko ang kayang paglabas sa aming sira-sirang pinto. Panaog paakyat si Nanang. Halatang parang hindi mapakali. Paikot-ikot sa aming kubo. Malayo ang kanyang mga tingin. Nang alam kong ako ang kaniyang hinihintay ay lumabas na rin lang ako sa pinagtataguan ko. “Nang…” garalgal kong boses na parang naiiyak ngunit nangangatog din ako sa takot sa kanya. Kagaya ni Tatang, naging malupit din naman si Nanang sa akin kaya hindi ko siya magawang takbuhan. Paano kung katulad din siya ni tatang na

    Huling Na-update : 2023-09-27
  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   THE SUPPORT

    Chapter 6“Alam kong marami akong pagkukulang sa’yo anak. Patawarin mo ako. Naging pabaya akong ina sa’yo. Sana kahit ikaw na lang pala ang ibinalik ko sa Daddy mo nang hindi ka nahihirapan nang ganito kagaya ko. Hindi mo sana mararanasan ang hirap na nararanasan ko ngayon.”Hindi ko siya sinagot ngunit niyakap ko rin siya ng mahigpit. Pumikit ako. Pinuno ko ang aking puso sa pagbulwak ng pagmamahal ng aking nanang sa akin. Gusto kong manatili sa isip at puso ko ang higpit ng yakap niya sa akin.“Kaya lang naman ako naging malayo sa’yo at hindi ko maiparamdam ang pagmamahal ko sa’yo kasi kasi sa tuwing nakikita kita ay naalala ko ang ama mo. Hindi kasi niya ako nagawang panindigan. Hindi niya ako pinili. Mas pinili niyang mag-aral sa ibang bansa kaysa tayo. Hindi siya naging totoo sa mga pangako niya sa akin na hindi niya ako iiwan, na hindi niya tayo pababayaan Patawarin mo ako ha?”“Wala nap o ‘yon, Nang. Naintindihan po kita.”Tinignan niya ako. Hinawakan niya ang magkabila kong p

    Huling Na-update : 2023-09-30
  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   THE PERSISTENT

    Chapter 7Sa pagsisikap naming ni Nanang ay nagtapos ako ng elementarya. Kahit pa sabihing ako ang pinakamatalino sa aming klase, hindi naging sukatan iyon sa aming baryo. Nang mga panahong iyon, daig ng mapera ang matalino. Hindi man lang ako nakakuha ng parangal dahil walang ma-idonate na kahit ano ang pamilya ko. Matalino ako ngunit wala akong pera ngunit alam kong babawi ako kapag nasa High School na ako. Sa mga panahong iyon noon, sapat na sa akin na sa araw ng aking pagtatapos ay hindi ako nag-iisa sa aking upuan. Naroon si Nanang sa tabi ko. Proud na proud na nakatapos ang anak niya. Lumuluha siya ng abutin ko ang una kong diploma. Ngunit alam kong hindi lang dalawa o tatlo ang iaabot ko sa kaniya. Pangarap kong iahon siya at darating ang araw na maghaharap kaming dalawa ng aking ama para ipamukha kung ano ang narating nang pinabayaan at itinakwil niyang anak. Gusto kong maibigay kay Nanang ang buhay na dapat niyang matamasa. “Nang, mag-aaral ba ako ng high schoo

    Huling Na-update : 2023-09-30
  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   THE CRUSH

    Chapter 8Kaya nga kahit anong laban ang gawin ko ay hindi ko pa rin kayang labanan ang umusbong na pagka-crush ko kay Jinx. Siya ang unang bumihag sa akin. Siya ang pinangarap kong mamahalin ko habang-buhay. Siya ang nakikita kong makakasama ko sa aking pagtanda. Kahit pa sabihin nilang imposible dahil kami ay parang langit at lupa. Kahit pa pagtawanan ako, ramdam kong siya nga talaga ang itinadhana sa akin.Guwapo si Jinx. Hindi nga lang siya katangkaran ngunit sa paningin ko ay siya ang pinakaguwapo sa buong campus. Bilugin ang kaniyang mga mata na may makapal na kilay. Matangos ang ilong at may tamang umbok at kapal ang mga labi. Dahil sa bata pa kami noon ay wala pang laman ang dibdib niya pero mabalbon siya. Makinis ang balat at maputi sa karaniwan. Ako naman, nang mga panahong iyon ay pumuti na rin dahil bihira nang mabilad sa araw. Matangkad ako sa karaniwang tangkad ng mga kaklase kong babae. Isa ako sa mga pinakamatangkad na babae sa buong campus namin. Maayos ang manipis n

    Huling Na-update : 2023-09-30
  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   THE CLOSENESS

    Chapter 9Ilang araw pagkatapos kong natanggap sa aming school paper ay siya na ang kusang lumalapit sa akin. Madalas na siyang nagkukuwento. Hindi siya nagbabanggit sa mga bagay na alam niyang hindi ko alam. Doon siya nagfo-focus sa mga simpleng bagay na alam niyang may masabi ako. Ramdam kong nag-adjust siya para sa akin bagay na lalo kong nagustuhan sa kanya. Mula noon, may kausap na ako.Isang umaga habang naglalakad ako papasok sa school ay biglang may bumusina. Gumilid ako ngunit patuloy pa rin ang aking paglalakad habang nagre-review sa daan. Dahil nga wala kaming kuryente kaya sa umaga habang naglalakad ay isinisingit ko pa rin makapag-review. Muling pumitada ang hindi ko alam kung sino e, nakagilid na nga ako. Nilingon ko. Sumabit sandali ang aking paghinga nang makita ko si Jinx na nakangiti sa akin.“Tara,” sabi niya sa akin.Naguluhan ako. “Tara? Saan?”“Sa school.”“Eto nga papunta na ako sa school.”“Sakay ka na lang sa akin para mabilis kang makarating at doon ka sa roo

    Huling Na-update : 2023-09-30
  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   IMPORTED

    Chapter 10“Saan galing ang mga ito?” tanong ko.“Padala nina Daddy at Mommy sa akin. Galing America,” simpleng sagot lang niya. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko iyon."Galing sa America? Ibig sabihin, imported ang mga pinagbibigay mo sa akin?”“Khaye naman ilang buwan ka nang nakakain ng mga ‘yan ngayon mo lang alam?’“Seryoso ba? Hindi ko alam. Kung alam ko lang e di sana hindi ko inuubos para makapag-uwi ako para kay Nanang.”“Sige hayaan mo, damihan ko bukas para makapag-uwi ka kay Nanang mo.”Tinupad niya ang sinabi niya. Kay nanang lang may problema. “Baka iba nay an Khaye ha? Bakit ka binibigyan ng ganyan kung wala siyang gusto?”“Nang, mabait lang yung tao, saka ako naman gumagawa ng assignment niya at ilang mga project.”“Sigurado ka?”“Oho. Saka Nang araw-araw siya nagdadala.”“Mayaman, imported e.”“Paano moa lam na imported.”“E, ganyan na ganyan nga ang mga kinakain nila doon sa bahay ng tatay mo. Hindi ako maalam magbasa pero marunong akong kumilala. Marunong

    Huling Na-update : 2023-10-09
  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   THE BESTFRIEND

    Chapter 11Nasa second year high school na kami nang may transferee galing sa Manila na si Cheenee. Kahitr sa unang araw pa lang, may naramdaman na akong kakaibsa sa mga tingin at sulyap ni Jinx kay Cheenee. Hindi ko man gusto yung nararamdaman kong pagseselos ngunit wala naman akong maaring gawin kundi ang tanggapin na ganoon talaga. Sino ba naman kasi ang hindi magka-crush sa maputi, magaling pumorma, seksi, matangkad at magandang kagaya ni Cheenee kumpara sa kagaya ko lang na simple at maitim dahil sa aking pagbubukid? Alam kong wala akong panama sa kagaya ni Cheenee. Kahit sa paraan ng pagsasalita walang-wala ako. Kahit pa sabihing ako ang pinakamatalino sa klase pero pagdating sa pagbigkas ng mga salita, wala pa rin akong binatbat. Ewan ko ba? Para kasing may ibang punto ang mga tiga-Manila. Parang napakasarap lang silang pakinggang magsalita ng Tagalog. Kahit nga ang ihambing ang sarili ko sa kagaya ni Cheenee ay wala akong karapatan.Physical Education namin noon nang magkatab

    Huling Na-update : 2023-10-09
  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   ADMISSION

    Chapter 12Minsan nga iniisip ko, kaya siguro naalangan rin ako sa kanya dahil sa alam ko namang amoy putik ako. Hindi nga ako makabili ng shampoo o conditioner. Sabong panlaba ang ginagamit na panligo. Rubber band lang ang pinapantali ko sa mahaba at maitim kong buhok. Kumakalam ang sikmura dahil minsan walang mabaon na pagkain. Mabuti nga nang dumating si Jinx, hindi ko na pinoproblema ang miryenda ko sa recess. Lagi siyag may dala para sa akin.Bumuntong-hininga ako nang nilingon ko si Cheenee. Hindi naman talaga ako magugustuhan ni Jinx kasi siguro sa wala akong nailalagay na kahit anong kolorete sa mukha ko, hindi gaya ni Cheenee na pusturang-pustura kahit pareho lang naman kami ng uniform. Isa pang kinadehado ko ay ang katigasan kong kumilos dala na rin ng pagtratrabaho ko sa bukid. Malayo sa kilos at pagsasalita ni Cheenee. Tanggap kong kahit kailan, hindi ako magiging kasinlambot niya. Hindi kasimputi, hindi kasimbango ngunit lalaban naman ako sa tangkad, kaseksihan at ganda

    Huling Na-update : 2023-10-09

Pinakabagong kabanata

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   THE FINALE

    Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   LAST SONG

    Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   HUSBAND AND WIFE

    Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   PAINED

    Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   CONFUSED

    “Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   UNEXPECTED

    At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   WED

    Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   ALL I HAVE

    Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu

  • THE BRIDE OF TWO BILLIONNAIRES   FAVE SONG

    “Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa

DMCA.com Protection Status